Nakatitig ako ngayon sa kawalan habang nag iisip. Iniisip ko na ikakasal si Kendall at si Cedrick in the future. Siguro kung gising na si Kendall at kung narinig lang niya 'yong sinabi ng Mommy niya kanina, baka tuwang tuwa siya sa nalaman niyang ikakasal siya kay Cedrick.No'ng sinabi 'yon ng Mommy niya kanina sa lahat ng maraming tao, sobrang nagulat ako. Hindi ako makapaniwalang ikakasal ang Ex ko sa babaeng kamukha ko. Wala akong nasabi kanina kundi ang mapatulala lang sa kung saan dahil sa gulat. Kahit si Cedrick gano'n din. Tingin ko, hindi rin niya inasahang ikakasal siya kay Kendall.Pero naisip ko lang, kung ikakasal siya kay Kendall, ibig sabihin wala nang chance na magkatuluyan sila hanggang dulo ng girlfriend niyang si Jennie.Hindi ko na kailangang gumawa ng mga bagay para gumanti sa kanila at para paghiwalayin sila."Ano 'yong sinabi mo kanina no'ng ina-nounce ng Mommy ni Kendall na ikakasal ka kay Cedrick?" tanong sakin ni Mira.Napalingon naman ako sa kanya matapos ni
Kasama ko ngayon si Cedrick sa hotel room niya dahil nakipagkita ako ngayon sa kanya. Nagpunta ako sa hotel nila kasi gusto ko siyang makausap ngayon. Gusto ko lang kumpirmahin kung sila pa ba ni Jennie pagkatapos ng mga ginawa ko at kung sakaling oo man, hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawin para mapaghiwalay silang dalawa.Wala siyang ideya kung ano ang dahilan kung bakit nakikipag kita ako ngayon sa kanya. Siyempre, hindi ko naman pwedeng sabihing 'Nandito ako kasi gusto kong kumpirmahin kung kayo pa ba ni Jennie' baka kasi magtaka siya. Kaya nag isip ako ng ibang idea.Besides, gusto kong unti unting mahulog ang loob niya sakin at makalimutan si Jennie. 'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nakikipag kita sa kanya ngayon.Naka upo ako ngayon sa couch ng room niya habang siya naman nakatayo habang hawak ang cellphone niya na tila may ka text.Hmm. Siguro si Jennie ang ka text niya. Hinayaan ko lang siya hanggang sa nilapag na niya ang cellphone niya sa side table
Agad kaming lumayo ni Cedrick sa isa't isa no'ng makita namin si Jennie.Nagulat ako kasi pumunta siya rito nang hindi ko inaasahan at baka nga ma missunderstood niya 'yong nakita niya kung papano niya kami naabutan ni Cedrick.Kung naghihiganti pa ako ngayon, masasabi ko sanang successful itong pangyayareng 'to. Kaso lang hindi na ako maghihiganti pa sa kanila kaya wala na akong pakialam sa magiging reaksyon ni Jennie ngayong nakita niya kaming gano'n ni Cedrick.Inayos ko ang sarili ko at gano'n din si Cedrick pero too late na kasi nakikita ko sa mukha ni Jennie ang galit habang nakatitig samin pareho ni Cedrick."What the hell are you guys doing?!" galit niyang sabi at lumapit kay Cedrick.Nakita kong hinawakan niya si Cedrick sa braso at inilayo ito sakin tsaka ako tiningnan nang may nanlilisik na mata."Hoy, ikaw!" sabay turo sakin. "What are you doing at my boyfriend's hotel room?!" Itong babaeng 'to kung kailan napag desisyonan ko nang tigilan na ang paghihiganti tsaka naman u
Kinabukasan, late na ako nagising. Siguro kasi sobrang napagod ako kagabi sa paglalakad pa uwi rito. Ang daming nangyare kaya late na ako nagising. Bumangon ako at naghanap ako ng pwedeng kainin dito sa bahay. Pero kahit anong hanap ko, wala akong nahanap na pwedeng kainin dito. Bigla kong naalala no'ng nando'n pa ako sa bahay nina Kendall. Ang sarap ng buhay do'n. Pag gising mo babangon ka na lang tapos naka ready na ang pagkain mo at hindi mo na kailangan mamroblema. Ibang iba talaga ang buhay na meron sila sa totoong buhay na meron ako.Kinapa ko ang bulsa ko para sana maghanap ng barya pambili ng noodles na makakain ko nang bigla kong makapa 'yong cellphone ni Kendall sa bulsa ko. Hindi ko alam na nadala ko pala 'to pa uwi.Kinuha ko 'yon at tiningnan saglit. Dapat iniwan ko na 'to do'n. Hindi naman kasi akin 'to. Nilapag ko ang cellphone na 'yon sa ibabaw ng lamesa at kumuha ako ng bente pesos sa bulsa ko tsaka ako lumabas ng bahay para sana bumili sa isang malapit na sari-sari
Ano 'to? Bakit siya nandito?Hindi ko alam kung nag iilusyon lang ba ako at nakikita ko siya rito sa labas ng bahay namin ngayon o talagang nakikita ko siya ngayon dito.Pero ano namang gagawin niya rito? Napatingin ako kay Mira at kinuha ko ang dalawang kamay niya."Mira, sampalin mo nga ako." utos ko sa kanya."Ha? Ano sabi mo?" tanong sakin ni Mira. Mukhang hindi niya yata na gets ang ibig kong sabihin."Sabi ko sampalin mo'ko. Baka kasi panaginip lang 'to at—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong sampalin ni Mira.Ang bilis no'n, ah.Hindi 'yon gaano ka lakas at hindi rin 'yon mahina. Sakto lang dahilan para mapagtanto ko sa sarili kong hindi nga ito panaginip."Hindi ka nananaginip, okay?" sabi ni Mira. "Totoong nakikita natin siya ngayon dito sa harap ng bahay niyo."Dahil do'n, naniniwala na akong nandito nga siya at nakikita ko siya ngayon sa harap ng bahay. Pero bakit siya nandito? Ano ang pakay niya?Ay mali— hindi dapat ito ang tanong na pino-problema ko ngay
Alas kwatro ng umaga ako nagising para mag ligpit ng mga gamit na kailangan kong dalhin sa sinasabing resort kung saan kami mag ba-bakasyon ni Cedrick. Sabi kasi ni Mom susunduin ako ni Cedrick mamayang alas sais. Sinadya kong gumising ng mas maaga dahil kailangan ko ng dalawang oras para mag handa bago siya pumunta rito sa bahay.Hindi man lang ako inform na mangyayare 'to. May pa bakasyon pa ako kasama si Cedrick. E, kung bakit ba kasi wag na lang kaming mag bakasyon? kung gusto nilang mas makilala pa namin ni Cedrick ang isa't isa, pwede naman kaming lumabas at pumunta sa kung saan tapos uwi agad pagkatapos. Hindi 'yong magsasama kami sa loob ng ilang araw. Kailangan pa ba 'yon?Well, sa ayaw at sa gusto ko wala naman akong choice para tumanggi. Kaya go na lang ako.Dinala ko lahat ng mga gamit na kakailanganin ko kapag nando'n na ako sa resort. Isa na lang ang kulang... walang iba kundi Cellphone. Pero kakailanganin ko pa ba 'yon? Sino naman ang kukuntakin ko kapag nando'n na ako
Mga bandang alas onse na ng gabi no'ng hindi pa rin bumabalik si Cedrick. Tatlong oras na ang nakalipas simula no'ng mag away kami kanina kaya nag aalala na ako. Inaantok na ako kaso hindi ko maiwasang hindi isipin kung anong ginagawa niya ngayon sa labas o kung natutulog na ba siya? At kung natutulog na nga siya, saan siya natutulog?Wala nang available na room kaya impossibleng kumuha siya ng isa pang room para do'n matulog. At kung nagpapahangin man siya sa labas para magpalamig ng ulo, impossible namang aabutin siya ng tatlong oras do'n.Parang hindi na yata tama 'to. Iba na 'yong kutob ko, e.Hindi ko rin alam kung bakit pinag aalala ako ng isang 'yon ngayon.Bumangon ako bigla sabay sabing, "Baka naman nakitulog siya sa friend niya?"Nang maisip ko 'yon ay muli akong bumalik sa pagkahiga tsaka sinubukang matulog pero nang hindi pa rin ako matahimik sa kakaisip sa kanya ay bumangon ulit ako at lumabas para mag masid masid sa paligid. Baka kasi nando'n lang siya habang nag papala
Isa lang ang tanong na nasa isip ko ngayon.Walang iba kundi ang 'Anong ginagawa nila rito?'Parang wala naman akong nabalitaang susunod sila rito. Kasi in the first place, wala namang sinasabi sina Mama na susunod si Kuya rito at kahit siya wala ring sinabing susunod siya rito. Kasi sa pagkakaalam ko, hindi naman siya interesado sa mga ganito."Bakit nandito kayo?" tanong sa kanila ni Cedrick.Kagaya ko, nagulat rin siya no'ng makita sila rito. Lalo na no'ng makita niya si Jennie.Lumapit naman si Jennie sa kanya sabay hawak sa braso niya sabay sabing, "Of course, na miss kita kaya ako sumunod dito." sagot ni Jennie.Napatingin naman ako kay Kuya na hanggang ngayon magkasalubong pa rin ang mga kilay habang nakatitig sakin na animo'y lalamunin ako ng galit. Hindi ko tuloy alam kung anong klaseng kasalanan ang nagawa ko at galit na galit ang mga titig niya.Siguro kasi hanggang ngayon hindi niya makalimutan na sinagot sagot ko siya kagabi no'ng nag video call kami."Bakit nandito ka,