Napatingin si Thea sa wallclock na nasa silid ng binata. Ala-una pa lang pala ng madaling araw. Akala niya umaaga na. Akmang tatayo siya nang higitin ni Keith ang beywang niya. "Where are you going, hmmn?" anitong nakapikit ang isang mata. "Magba-banyo lang. Ano ka ba? Matulog ka pa nga!" "Okay. Kiss muna," anito at ngumuso. Natatawang tinampal niya ito at tinulak pahiha. Nakangiti ito habang nakapikit ang mga mata. Binalot niya ang sarili ng comforter. Lumapit siya sa closet ng binata at naghanap ng damit nito. Napangiti siya nang makita ang boxer nito. Gamit na ang kinuha niya. Pagkatapos magdamit ay pumasok na siya ng banyo. Kakatapos niya lang maghugas ng sarili nang bumukas ang pintuan ng banyo. Iniluwa no'n ang binata. Napangiti ito nang makita siyang itinataas ang suot. "Ang bastos mo, Keith! Kita mo ng 'di pa ako tapos, 'di ba?" aniya sa mataray na himig. Natawa itong lumapit. "Eh, naiihi na rin ako." Bigla siyang tumalikod nang ilabas nito ang kahabaan at itinutok
ISANG LINGGO NG matamlay si Thea. Hindi pa rin siya makapaniwala. Iniwan siya ni Keith na hindi man lang nagpapaalam. Hanggang saan niya panghahawakan ang sinabi nitong babalik?Nawalan siya ng gana magtrabaho sa gabi nitong nakaraan.Napatingin siya sa kaibigan na palapit sa kan'ya. May dala itong pagkain. Kakatapos lang nilang mag-window shopping dito sa pinaka-malaking mall ng Dubai. Napilitan lang siyang sumama kay Vina. Para libangin ang sarili."Kainan na!" masayang sabi Vina. Inilapag nito ang pagkain sa mesa nila.Ngumiti siya dito ng mapakla. Tinulungan niya itong ayusin ang mesa nila."Grabe! Busog na busog ang mata ko sa ganda ng mga bilihin, buti hanggang window lang talaga tayo," natatawang sabi nito."'Pag mayaman na tayo, mabibili na natin ang mga nakita mo kanina," aniya dito."Oh, yeah! Kailan kaya tayo yayaman?""Pagputi ng buhok ko," wala sa sariling sagot niya."Ah, hindi na uwak? Sabagay, may pag-asa tayo kapag buhok ang pumuti." Humagikhik pa ito.Napakunot-noo i
NAPANGITI SI THEA nang makababa ng eroplano. Napapikit siya at lumanghap ng hangin. Polluted, pero nakakamiss ang ganitong amoy ng Pilipinas. Only in the Philippines.Napatingin siya sa mga kasabayan sa arrival area. May kaniya-kan'yang sundo ang mga ito.Napangiti siya ng mapakla. Siya, hangin lang yata ang yumakap sa kan'ya para salubungin at i-welcome back siya.Hindi niya maiwasang isipin ang mga magulang at kapatid. Walang kaalam-alam ang mga ito na nakauwi na siya. Bibisitahin na lang niya ang mga ito kapag okay na ang problema niya.Pero paano kung hindi magiging maganda ang resulta ng lakad niya? Napabuntong-hininga na lang siya.Nakaramdam na siya ng paninigas ng tiyan kaya binilisan niya ang lakad palabas. Kaagad na nagpara siya ng taxi. Sa Quezon City siya nagpahatid kapagkuwan. Buti na lang may landmark ang lugar na pinuntahan niya. Minsan pa naman ang mga taxi napakatamad maghanap."Salamat po," aniya at ibinigay ang bayad dito.Akmang tatalikod siya nang tawagin nito."S
"CAREFUL!" SIGAW NI Kristen sa kan'ya nang makita ang madulas na parte ng sahig ng ospital. Kakalinis lang kasi ng janitor.Sinamahan siya nito para sa unang check up niya dito. May record naman siyang dala mula sa ospital na pinag-check-upan sa Dubai.Nahihiya siya kay Kristen dahil umabsent pa talaga ito para masamahan siya sa kaibigan daw nito. At, para daw sa susunod kahit siya na lang daw mag-isa."Baka mahal ang singil dito, 'Tin," aniya dito."Naku,'wag kang mag-alala mura lang maningil iyon kapag kaibigan ko. Isa pa, tauhan ng asawa niya si Kuya. Kaya malakas ang kapit natin," natatawang sabi nito sa kan'ya."Sobra na talaga ang tulong niyo sa akin. Hayaan niyo susuklian ko din ang kabutihan niyo sa akin,""Magda-drama na naman ba tayo dito? Wala akong panyo, Thea. Saka, buong piso lang naman ang ibinigay namin sa'yo. Thank you na lang sa 50 cents na isisusukli mo." Tumawa ito kapagkuwan. Kaya nakitawa na lang siya.Tama nga si Kristen mabait ang kaibigan nitong OB na si Nikki
ANONG GINAGAWA NI Keith dito? Hindi niya maiwasang alalahanin ang sakit na idinulot sa kan'ya. Bakit kailangan pa nilang magkita? Okay na sana, eh! Masaya na siya. Sanay na siyang wala ito. At sa tuwing nakikita naman ito sa balita, hindi naman na siya naapektuhan. Iniisip niyang hindi ito kilala, o nakilala man lang. Pero bakit ngayon, ang hirap mag pretend. Ang hirap sabihin sa sariling hindi niya ito kilala. Ang hirap utusan ang puso na 'wag maingay, ang lakas ng tahip ng dibdib niya.Matagal bago siya nakahuma. Hindi niya talaga ini-expect ang presens'ya nito dito. Kung hindi pa siya hinila ni Kristen, hindi siya matitinag sa kinatatayuan. Kita niyang nakasunod ang tingin nito sa kan'ya. Wala sa sariling pinili niya ang pagitan ni Grecco at ng isang lalaki. Umusod si Grecco para makaupo siya ng maayos.Pinilit niyang inignora ang presensya nito. Nakikingiti lang siya kapag nagtatawanan ang mga ito.Napatingin siya kay Grecco nang bigyan siya nito ng kopita na may lamang alak. Kinu
HINDI SIYA MAKAPANIWALA sa kaharap. Si Miles Tyler Hernandez. Ang asawa ni Keith."What are you two doing here, Dad? May balita na ba sa kapatid ko, Tito?" Baling nito sa ama-amahan niya.What a small world! Magkakilala ang ama niya at ang asawa ni Keith.Tinampal niya ang dibdib kapagkuwan.Bakit ba napakaliit ng mundo nila?"Oo, hija. Nakita ko na siya." Bumaling sa kan'ya ang ama.Napatingin siya sa kamay ng ama na nakahawak sa braso niya. Palipat-lipat din ang tingin nito sa mag-amang kaharap nila."Si Thea. Siya, ang kapatid mo," sagot ng lalaking tinawag nitong Dad kanina."P-pa..." aniya at tumingin sa ama. "A-anong ibig niyang sabihin?" Tukoy niya sa lalaking nagsalita kanina."T-Thea, anak. Sila ang tunay mong pamilya. 'Di ba, gusto mo rin namang hanapin-"Umiling-iling siya. Hindi niya alam kung bakit. Oo, gusto niyang makita ang totoong magulang niya. Pero may mali...Wala sa sariling tumalikod siya sa mga ito at lakad takbo ang ginawa niya.Tinawag pa siya ni Miles, ng kap
ANG BUONG AKALA ni Thea, uuwi din kaagad ang mga bisita. Inabot pa ang mga ito ng alas-diyes ng gabi. Kinatok pa siya ng kapatid bago umalis kasama si Keith.Ang hirap ng kalagayan niya. Hinatid pa nila ang mga ito hanggang sa labas. Kabastusan naman kasi, kung hindi siya makikisama.Karga niya ang anak nang lumapit ang ina ni Keith. Hinalikan pa nito si Thor bago sumakay ng sasakyan. Ganoon din ang mag-asawang Miles at Keith kaya nailang siya bigla."Good night, baby boy!" natutuwang sabi ng kapatid sa anak niya.Ngumiti ito sa kan'ya at nagpaalam din."Bye, Ate,""B-bye. Ingat," nahihiyang sabi niya dito.Bigla niyang inilayo ang sarili nang pinagpantay ni Keith ang sarili sa anak. Nakatingin ito sa kan'ya."See you later," bulong nito sa anak habang sa kan'ya nakatitig. Buti na lang pasakay na si Miles sa sasakyan.Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. Pilit na iwinaksi iyon hanggang sa makahiga siya.Ano ba ang ibig sabihin ni Keith na see you later?Pabaling-baling siya sa higa
"ANO BANG PROBLEMA mo, Keith? Ayaw ko lang kumontra dahil kilala ka. Baka pag-usapan pa tayo!" Nagpupumiglas na sabi niya nang malapit na sila sa sasakyan nito."Lower your voice. Lalo tayong pag-uusapan sa ginagawa mo. Sumama ka na lang para walang gulo." Napapitlag siya ng marinig ang pagtunog ng sasakyan nito.Binuksan nito ang pintuan at tinuro nito ang loob. Sinundan lang niya ng tingin ang kamay nito."Sasakay ka o isasakay kita?" may himig na pagbabanta iyon."Bakit ako sasakay d'yan? Uuwi na din ako." Akmang ihahakbang niya ang mga paa nang pigilan siya nito.Muntik na siyang mapasigaw nang umangat siya sa ere at pilit nitong ipinasok siya sa sasakyan nito.Mukhang gumawa pa sila ng eksena ni Keith sa parking lot.Sinamaan niya ito ng tingin habang isinusuot nito ang seatbelt sa kan'ya."Subukan mo lang na lumabas. Ikukulong kita sa bahay ko."Nagulat pa siya nang isara nito ng malakas ang pintuan ng sasakyan nito."Masira sana!" sigaw niya. Alam niyang hindi siya nito narinig