IGINALA ko ang tingin sa condo unit ko. Everything was the same. The carpet. The furnitures. The curtain. My favorite black rose painting. Almost all the furnitures in my unit are black. It was my favorite color.
I’ve been living here for five years. Regalo ito sakin ni Nick, isa sa mga ex-boyfriend ko. Sa lahat ng mga naging boyfriend ko, siya ang pinakagalante. We only went out for a year pero niregaluhan na agad ako ng condo. Too bad, I got bored with him easily.
Muli kong iginala ang tingin sa buong unit. Suddenly, it felt empty.
I have no family. I have no friends. Tama ang lahat ng sinabi ni Kairos tungkol sa akin. I was a product of a one night stand. Limang taon ako nang iwan lang ako ng magaling na ina kay Auntie Mona para sumama sa lalaki niya. I thought Auntie Mona really cared for me. But I learned later on that she’s just an opportunist. Napilitan lang siyang alagaan ako dahil sa perang pinapadala sa kanya ng nanay ko mula Amerika. Nang huminto sa pagpapadala ng pera ang nanay ko ay nagbago na rin ang pakikitungo niya sa akin. Napilitan akong umalis sa poder ni Autie Mona at buhayin ang sarili. Nung namatay si Auntie Mona, nawalan na rin ako ng balita sa nanay ko. Wala naman akong pakialam sa kanya.
I stared myself at the full length mirror in my room. Mula sa salamin ay nakita ko ang sarili ko. I’m still wearing the black dress I wore that day I got hit. The red lipstick on my lips was already smudged. My long hair was a bit messy. My skin looked so pale. Fuck.
I can’t believe I’m almost dead. At ang magaling kong death angel, bigla na lang nawala. Sabi niya, may emergency siyang kailangang puntahan. Umalis siya bigla nang hindi man lang sinasabi sa akin ang mission ko.
Kairos said that he will give me a mission. Kapag nagawa ko raw ang mission na iyon, there's a chance that I’ll be able to enter heaven.
"The creator is a forgivable God. He wants to give you a chance to go to heaven. So he decided to give you a mission." Iyon ang eksaktong sabi niya bago siya umalis.
Whatever that mission is, I'll fucking do it. Kahit ano pa yan.
I can’t let myself rot in that hell! Impyerno na nga ang naging buhay ko sa lupa, pati ba naman sa after life, sa impyerno ang bagsak ko? I need to enter heaven, by hook or fucking crook.Sinubukan kong hawakan ang salamin sa harap ko, pero lumusot lang ang kamay ko. So this is what it feels like to be fucking invisible.
"The soul is the most powerful part of a man. The human body is only a vessel of the soul."
Naalala ko ang sinabing iyon ni Kairos. Kahit wala ako sa katawan ko ay makakaya ko raw humawak ng mga bagay. But it needs fucking concentration. Lalo ba raw sa mga baguhang katulad ko. Pumikit ako at sinubukang i-concentrate ang pag-iisip sa salamin na nasa harap ko.
"Woah," nagulat ako nang unti-unti kong maramdaman ang salamin sa kamay ko. Kairos is right. I can still touch things. Pinansadahan ko ng tingin ang mga gamit ko sa kwarto. Ang mga alahas ko, mamahaling bags, damit at sapatos. Sinubukan kong hawakan ang balenciaga bag na binili ko pa sa Singapore. Isang beses ko pa lang nagagamit iyon. Bumuntong-hininga ako. Kung alam ko lang na mamamatay ako ng ganito ay araw-araw ko na sana iyong ginamit. Ang dami ko pang sapatos na hindi nasusuot. Naalala ko ang kotse ko. Katatapos ko lang bayaran iyon. Sino na ang makikinabang ng lahat ng ito? Nanlulumong napaupo ako sa sahig. Sayang ang lahat ng pinaghirapan ko.
Ilang sandali pa akong nagtagal sa aking condo bago nagpasyang lumabas. Mag-isa lang akong sakay ng elevator. Itinaas ko ang kamay para pindutin ang button para sa lobby pero lumusot lang ang kamay ko. "Ugh." nairitang daing ko. Pumikit ako at muling sinubukan pero muling lumusot ang kamay ko.
Bumukas ang elevator. Natigilan ako nang tumambad sa akin ang isang pamilyar na matanda. Siya iyon. Iyong matandang nakasabay ko rin noong gabing naaksidente ako. Pumasok siya sa elevator at pinindot ang 2nd floor. She turned to me. Kumunot ang noo ko nang tingnan niya ako diretso sa mga mata na para bang nakikita niya ako. "Lobby?"
Napatango ako sa kanya. Teka, paano niya ako nakikita? Gusto kong magtanong subalit muling bumukas ang elevator at may dalawang taong pumasok. Nakita kong ngumiti ang babaeng pumasok sa matanda.
Nanatili ako tingin ko sa matanda na nasa unahan ko. Bakit niya ako nakikita? Patay na rin kaya siya? Pero, nakikita siya ng dalawang taong kasabay namin ngayon?
Pagdating sa 3rd floor ay bumaba ang dalawa naming kasama. Naiwan kami ng matanda sa loob. Natigilan ako ng nilingon ako ng matanda.
“Sabi ko sa’yo mag-ingat ka.” Kasabay niyon ay bumukas ang pinto ng elevator.
Bago pa ako makabawi sa sinabi niya ay nakalabas na siya ng elevator. Sinundan ko siya ng tingin pero nawala na siya sa paningin ko.
How in the fucking world she can see me? At bakit parang alam niya ang nangyari sa akin? Kung hindi siya kaluluws, ano siya?
Umiling-ilong ako pagdating sa lobby. Fuck! I should stop thinking about that old hag. Lumabas ako ng tower at nagpasyang magpunta sa opisina kung saan ako nagtatrabaho. My office is just a few blocks away from my condo. Hindi ko nga alam kung bakit naisipan kong bumili ng kotse kahit walking distance lang naman ang office ko mula sa condo ko.
Naiinggit ka kay Rihanna, remember?
Naalala ko ang isa sa mga officemate na si Rihanna. She was my most hated person in the office. Naalala ko nang ipagyabang niya ang biniling kotse, kinabukasan ay nagpunta ako sa car dealer para kumuha rin ng sasakyan. Dalawang taon ko ring hinulugan ang kotse kong iyon. Ay kung kailan natapos ko nang bayaran at saka hindi ko na magagamit.
Naiinis na naglakad ako. Mabuti sana kung kasama ko si Kairos, pwede ko siyang utusang magteleport. That death angel! May pasabi-sabi pa siyang death angel ko siya pero bigla na lang siyang nawawala!
Pagdating ko sa opisina, nakasabay ko sa elevator ang tatlo kong officemate. One of them is Rihanna. Napairap ako habang tinitingnan sila. They’re all bunch of pathetic bitches. Especially that bitch Rianna. I really hate that bitch. Akala mo kung sinong maganda. Peke naman ang boobs. Takutin ko kaya sila? What if… I press all the buttons here? I smirked at my own idea.
“Rihanna, narinig mo ba ang nangyari kay Cresia?”
Napatingin ako kay Rihanna. She was wearing a black body con dress, my favorite shade of lipstick and even my favorite perfume. I smirked. “You’re really an insecure bitch,” nang-uuyam na wika ko. Too bad she can’t hear me.
“Oh, what happened to her?” Mula sa screen ng cellphone ay tumingin si Rihanna kay Carla.
“Ano ka ba, girl? It was even on the news. Nasagasaan siya.”
“Well, she deserves that,” narinig kong sagot ni Rianna. “Iyan na ang karma niya sa pang-aagaw niya kay TJ.”
Si TJ ang ex-boyfriend ni Rianna na inagaw ko sa kanya. I was so pissed at her for stealing the company project that was for me. Bilang ganti, inagaw ko sa kanya ang boyfriend niya noon na si TJ. Isang buwan lang naman ni TJ dahil hindi ko naman talaga siya type. Gusto ko lang talagang gantihan si Rihanna sa pang-aagaw niya sa project ko.
“Ano ka ba, girl? Kawawa naman siya! Sabi ni Sir Marlon, nasa ICU daw."
“Anong kawawa? Buti nga iyon sa kanya no!" Rianna smirked. "Karma niya iyan!"
Napasinghap ako. "Eh, kung sabunutan kaya kita ngayon at nang makita mo kung sino ang kawawa?" I smiled evilly.
"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin."
Marahas akong bumaling sa pinanggalingan ng boses. It was Kairos. Suddenly, he was standing beside me. “Kung gusto mong mapunta sa langit, hindi ka na puwedeng gumawa ng masama.”
Matalim na inirapan ko si Kairos bago ibinalik ang tingin sa officemates. “Magpasalamat talaga kayo, ayokong mapunta sa impyerno.” Lumabas ako ng elevator at sinundan sila papunta sa opisina. Our office was located at the 20th to 2tth floor of this building. Dumiretso ako sa desk ko. Napansin ko ang isang bouquet ng bulaklak sa nakapatong sa desk ko. Get well soon, Cresia. —From Management.
"Anong ginagawa mo rito?"
Bumaling ako kay Kairos na nakasunod pala sa akin.
"Masama bang puntahan ang office ko? Ikaw, san ka galing?"
“Naghatid ako ng kaluluwa sa impyerno,” he casually answered.
"Everyone."
Napatingin ako sa boss namin na nagsalita. "I know all of you have learned what happened to Cresia. She was confined at St. Luke's. Anyone, who wants to visit her? Raise your hand para maisabay ko kayo?"
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Wala ni isang nagtaas ng kamay. Well, what do I expect? Wala naman akong kaibigan sa office. No, scratch that. Wala akong kaibigan.
"Come on, may pupuntahan tayo."
Bumaling ako kay Kairos. “Saan mo na naman ako dadalin?”
He clicked his fingers. Sa isang iglap ay nawala kami sa opisina. Napunta kami sa harap ng isang bahay. Bumaling ako kay Kairos. “Anong talent mo bukod sa teleportation?”
He grinned at me. “You wouldn’t want to know.”
Iginala ko ang tingin sa bahay. It was a two story house that belong to a middle classs family. Mayroong maliit na garden at kulay puting gate. “Anong gagawin natin dito? Kaninong bahay to?”
“This is where your mission is.”
“Caren Marcelo, 4th year high school,” wika ni Kairos sakin habang pinapanood namin ang babaeng ayon sa kanya ay “mission” ko. Mag-isang kumakain ang babae sa dining table. She is wearing a school uniform: a white blouse and red checkered skirt school uniform. She’s tall and pretty. Heart shaped face, almond shaped eyes, small nose and red lips. I bet that even without make up, her face was still beautiful. I smirked when I saw that her nails were painted black. “Her parents separated when she was young," patuloy na pagkukuwento ni Kairos. "Her mother left them and already has a family of her own. Her father was working abroad. She was under the care of her Yaya Feling.” Tahimik ang buong bahay. That’s why. Bukod sa kanya ay wala pa akong ibang taong nakita. Mula sa kusina ay lumabas ang isang matanda. I pr
“SINO ka?” gulat na sigaw sa ‘kin ni Caren nang magising siya. Kanina pa ako Nakatayo dito sa gilid ng kama niya, naghihintay na magising siya. So Kairos was right, nakikita na ako ni Caren. Kinuha niya ang unan at inihagis sa akin. Nanlaki ang mga mata niya nang tumagos ang unan sa katawan ko at tumama lang sa pader. Mariin siyang pumikit at ipinilig pilig ang ulo. “This is not real. I’m just drunk. Or maybe this is just a dream.” “We both know you are not drunk. Maayos ka pa ngang nakauwi kagabi, di ba?” Napadilat siya ng mga mata sa sinabi ko. Sinundan namin siya ni Kairos hanggang sa makauwi siya ng bahay kagabi. “At lalong hindi ka nananaginip. I am real. Kahit ilang beses mong iuntog ang ulo mo, hindi ako mawawala. Because I. am. real.” I smiled at her. “Who are you?” nanlalaki ang mga matang ta
“BUWISIT talaga. Pumasok pa si Sir Lenos,” mahinang litanya ni Caren pagbalik sa loob ng classroom. Si Lenos…nasa labas siya ng classroom habang may kausap sa cell phone. Hanggang ngayon ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. I watched him put down his phone as he enter the classroom. Ibinaba niya ang dalang libro sa teacher’s table sa bago hinarap ang buong klase. “Class, I’m sorry for being absent for five days. Nagkaroon lang ako ng family emergency.” Once upon a time, may isang prinsipe na naligaw sa gubat na siyang tirahan ng isang mangkukulam. Sinubukan ng mangkukulam na palayasin ang prinsipe subalit pinilit nitong mapalapit sa kanya. Unti-unti ay nahulog ang loob ng mangkukulam sa prinsipe. The prince made a promise to the witch that he would love her forever. But the prince broke his prom
IS that Caren’s bastard boyfriend? tanong ko sa sarili ko nang makita ang pamilyar na lalaki sa restaurant na malapit sa ospital. Nagpasya akong magpunta sa ospital para puntahan ang katawan ko. Iniwan ko muna si Caren tutal ay nasa bahay lang naman siya at natutulog na. Natigilan ako nang makumpirma kong boyfriend nga iyon ni Caren. May kasama siyang ibang babae. Umangat ang kilay ko nang halikan niya ang babaeng kasama. I smirked. So ito ang importanteng lakad niya na sinabi kay Caren. Ano kayang magiging reaksyon ni Caren kapag nalaman niya ito? I wish I have a camera right now. Nilagpasan ko sila at dumiretso sa loob ng St. Luke’s. Tsk, saan nga ba dito yung kwarto ko?
“FUCK it,” paulit-ulit na mura ko pagdating namin ni Caren sa St. Claire. Ayokong makita ang pagmumukha ni Lenos. But do I have a choice? Kung bakit kasi konektado pa ang walanghiyang iyon kay Caren eh. Baka kapag nakita ko siya, makagawa ako ng bagay na magdidiretso sa akin sa impiyerno. Naalala ko ang nasaksihan kong pag-iyak niya sa harap ng katawan ko sa ospital. Of course, he was just crying because he was guilty! Iyon siguro ang naramdaman niya nang nalaman na ang babaeng iniwan at sinaktan niya noon ay ang babae pang nagligtas sa buhay ng anak niya. Ha! Kung alam ko lang na anak niya ang batang iyon, hindi ko iyon ililigtas. “Tanga!” Sa lalim ng iniisip, hindi ko namalayan ang nangyari kay Caren. Mayroon siyang babaeng kaharap sa hallway. Nap
“STOP acting as if you care!” narinig ko ang sigaw ni Caren sa amang kausap sa phone bago niya padabog na inihagis ang cell phone sa kama. Pumasok siya sa walk in closet at pabalibag na isinara ang pinto niyon. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganoon ang galit niya sa ama niya. Sabi ni Kairos, nasa Amerika ang tatay niya. He basically left her daughter just like how her mother abandoned her. Poor, Caren. Tumayo ako para agad na sundan si Caren pero nagbago ang isip ko. I should give her time to cool down. Tutal ay hindi naman siya umaalis. “Saan ka pupunta?” hindi ko napigilang sita ko sa kanya paglabas niya ng walk in closet. She was wearing a skimpy skirt and midriff blouse. Her lips were painted bloody red. Pinasadahan ko siya ng tingin. “At bakit ganyan ang suot mo?” paninita ko sa kanya. I s
“GET up.” Inangat ko ang comforter na nakabalot kay Caren. Kanina ko pa siya tinatawag. Hindi siya bumabangon kaya nilapitan ko na siya. "Male-late ka na sa school. Anong oras na oh—" “Ano ba!?” Natigilan ako nang makita ang hitsura niya. She looked sick. Maputla ang mukha at bahagyang namumula ang mata. Akala ko nag-iinarte na lang siya nang sabihin niyang masama ang pakiramdam niya. Mukhang may sakit pala talaga siya. Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa si Manang. “Anak, kainin mo itong sopas at uminom ka ng gamot.” Inilapag ni Yaya ang tray sa sidetable. “Gusto mong magpatawag ako ng doktor?” Umiling lang si Caren. “Sige na, Yaya,” pagtataboy niya sa matanda. "Tatatawagin ko na lang kayo kapag may kailangan ako."
“FUCK!” wika ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama ni Caren. I don’t know why I suddenly felt weak. Ibinaling ko ang tingin sa banyo kung saan siya kasalukuyang naliligo. Possible kaya na nahawa ako sa lagnat ni Caren? Halos matawa ako sa sarili. I’m in my spiritual form, paanong mangyayari na mahahawa ako ng lagnat niya?“That’s what happened when you use too much of your energy.”“Fuck!” nabiglang sambit ko sa biglang pagsulpot ni Kairos sa tabi ko. Napabangon ako.“Language, Lucresia.”“Wag ka kasing nangugulat!” sikmat ko sa kanya. Ilang araw din siyang hindi nagpakita sa akin. "And stop calling me Lucresia!""Do you prefer human?"