“I HATE it! Bakit pati cell phone kailangang kuhanin?” naiinis na reklamo ni Caren. Sinipa-sipa niya ang mga tuyong dahong nagkalat sa lupa. Pagbaba namin kanina sa bus ay kinumpiska ni Lenos ang cellphone ng mga estudyante.
Halos dalawang oras ang byahe namin bago nakarating sa Rizal. Pagbaba sa drop off point ay halos isang oras din ang hike bago makarating sa camping site.
"Everyone, gather around here."
Napatingin kami sa estudyanteng nagsalita. May dala siyang mini-megaphone. Sabi ni Caren kanina ay isa raw ang lalaki sa student leader nila.
"We are not just here to help in saving the environment, we are also gather here to bond with co-students…"
Habang pinagmamasdan ko ang lalaki ay naalala ko si Lenos
"CAREN, anong ginagawa mo?"Napahinto si Caren sa pagmamarakulyo nang tawagin siya isa mga teacher na kasama nila sa camp. If I remember correctly, teacher niya sa English ang babae. Nakasalubong ang kilay nito habang nakatingin kay Caren.Lumapit ito kay Caren. "Tumulong ka sa mga classmate ko," panenermon nito sa babae. "Sumama ka sa kanila."Napatingin ako sa mga kaklase niya. Lahat sila ay abala sa ginagawa. Nahagip ng tingin ko ang kaklase niyang si Marcus. Katulad ng mga kaklase ay tumutulong din ito sa pagtatayo ng tent.Matalim na umirap si Caren nang makalayo ang teacher na sumuway sa kanya."Ugh, buwisit talaga yang si Miss Cardona. Akala mo kung sino. Eh, siya ba, may ginagawa?" dire-diretso
“FUCK! Wala pa ring signal. Anong klaseng lugar ba naman kasi ito,” singhal ni Caren habang inaangat ang cellphone sa ere. I don’t know how she got her phone back."Malamang bundok ito. Wala talagang signal dito." Napawi ba ang madilim na langit. Sa kabila ng mga ulap ay may sumisilip-silip na ring mga bituin sa langit.“I need to call Jake.”“That boy doesn't love you."Matalim siyang bumaling sa akin. “Oh, just shut up!""Paano mo nakuha iyang phone mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Did you steal in back?""Of course not!" tanggi niya sa akin. "Nakipag-bargain ako kay Sir Lenos." She grinned at me.
"HEY, baby. Are you sure you're okay?"Nakasimangot ako nang salubungin ni Lenos sa labas ng Business Ad building."Is it Miss Carlos again?" ang tinutukoy niya ay ang terror professor na madalas akong tinatawag sa recitation.Umiling ako. Absent si Miss Carlos sa klase. "Kanina pa masakit ang puson ko." It was my time of the month and dysmenorrhea was fucking killing me. "Hindi ako nakapagdala ng gamot." Bago naman kasi ako umalis ng apartment ay hindi sumasakit iyon.Bahagyang sumulyap si Lenos sa bandang puson ko at agad na nakuha ang ibig kong sabihin. "Let's go to the clinic," masuyong sambit niya sa akin.“Life is really fucking unfair,
"SAAN ka pupunta?" nagtatakang tanong ko kay Caren paglabas niya ng banyo na bagong ligo. Habang nagdi-dinner kanina ay nagpaalam siya kay Yaya Feling na aalis. Sabi niya ay mag-overnight niya sa bahay ng kaklase para sa isang project. But of course, I know better."Sinabi ko na kanina, 'di ba? Gagawa ako ng project.""At sa tingin mo maloloko mo ako?"Inirapan niya ako. "Fine. Pupuntahan ko si Jake. Okay na?"Natigilan ako. "At this hour?""Birthday ni Jake ngayon," sagot niya sa akin. "May party sa condo niya. Kasama ang mga kaibigan niya. At hindi ka pwedeng sumunod sa akin.""At bakit hindi?" tanong ko sa kanya. "Anong gagawin ko? Iinom ka?"
BINUKSAN ni Lenos ang pinto ng passenger seat para sa akin. Napatigil ako. Wala pa rin siyang pinagbago. Gentleman pa rin siya.“You don’t need to do this,” pagsusuplada ko sa kanya. “I can easily pass through things, you know. Invisible kaya ako."Ngumiti lang siya sa akin. Damn. That freaking smile. Ang sarap burahin ng ngiting iyon sa mukha niya. “But I want to.”Natigilan ako pagpasok ko sa loob ng sasakyan niya. His car smelled familiar. It smelled of him…Aventus Creed. Bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpapalit ng pabango? Kainis! At bakit ba may sense of smell pa ang mga kaluluwa?“Si Caren, anong nangyari sa kanya? Did she ran way?” tanong niya habang palabas kami ng parking ng ospi
"ARE you okay?" tanong ko kay Cresia. Nasa labas kami ng presinto at hinihintay si Lenos na nakikipag-usap pa sa loob. Ibinaling ko ang tingin sa loob kung saan nandoon ang walanghiyang boyfriend—correction, ex-boyfriend niya kasama ang mga kaibigan nito na pawang hinuli rin ng mga pulis.Kung sino man ang nagsuplong sa mga pulis ay tama ito, dahil pagkatapos i-raid ang party ay nahulihan si Jake na gumagamit ng marijuana at party drugs.Kasamang dinala si Caren sa presinto para hingan ng statement sa mga nangyari. Subalit dahil minor at pagkatapos mapatunayan na wala itong kinalaman at wala itong alam sa gawain ng nobyo ay pinakawalan na ito."Okay?" gagad niya. Her eyes were swollen from crying. "Sa tingin mo, okay lang ako pagkatapos ng mga nangyari?" sikmat niya sa akin.
“SEE? This is nothing."Hindi ko namalayan na tapos nang linisin ni Lenos ang sugat niya sa kamao.Nag-iwas ako ng tingin. Napatingin ako sa wall clock. It was already midnight. “Matulog ka na,” nasabi ko sa kanya.“Ikaw?”Pagak akong natawa. “I don’t sleep. Hindi natutulog ang mga kaluluwa, Lenos."“Then I’ll stay. Let's talk some more,” tila nakikiusap na wika niya. “I want to hear your voice. I miss hearing your voice."Nagsisi ako na ibinalik ko ang tingin sa mga mata niya. There was a somber look in his eyes and I don't want to see it. Hinding-hindi na ako magpapadala sa mga tingin niya! Ganoon din
FUCK! Bakit ang gwapo-guwapo niya pa rin talaga, sambit ko sarili habang nakatingin sa mukha ni Lenos. Pagbaba ko mula sa kwarto ni Caren ay naabutan ko si Lenos na natutulog sa couch. Wala sa sariling lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Pagkatapos ng sampung taon, ngayon ko na lang muli napagmasdan nang maigi ang mukha niya. His look doesn’t change at all. His deep eyes. His long and thick lashes. His aristocratic nose. His chiseled jaw. His red and kissable lips. The mole oh his left temple. Ni minsan ay hindi ako nagsawang pagmasdan ang mukha niya. But now, gustong-gusto kong magalit sa guwapong mukha niya. “Good morning.” Muntik na akon