HINDI alintana ni Jacob ang cellphone niyang makailang ulit nang nagba-vibrate sa loob ng bulsa ng kanyang coat. His motorcycle almost went in full speed as he was in a rush to get home to Adelyn. Labis-labis ang kanyang pag-aalala para sa asawa nang marinig mula kay Aling Ising na may sumugod at nanggugulo sa kanilang bahay. Jacob had a hunch who it was. At nang makarating na nga siya sa labas ng kanilang apartment ay nakita niya ang pinsan ng kanyang asawa na pigil-pigil ng mga tanod habang iginigiya sa direksiyon ng barangay mobile. Kaagad siyang bumaba mula sa kanyang motor at tinakbo ang loob ng bahay. Doon ay inabutan niya si Aling Linda na inaabutan ng maiinom na tubig ang kanyang asawa. “Adelyn…” aniya na kaagad nahinila ito at niyakap nang mahigpit nang makalapit. Isang mahigpit na yakap din ang naging ganti nito sa kanya. She buried her face on his chest and started crying. “I’m here now…” Banayad niyang hinaplos ang likod nito. Bagaman naroon na siya ay hindi pa rin kum
ANG malilikot na ilaw at mga halo-halong amoy ang sumalubong kay Jacob nang makapasok siya sa loob ng bistro. Medyo malaki na ang ipinagbago ng lugar sapul noong huli siyang magawi roon, at hindi na nga niya halos matandaan kung kailan. Oo, may mga bisyo siya noong tinalikuran niya para kay Adelyn hindi lang dahil sa pakiusap nito. Siya na mismo ang kusang tumigil bago pa man iyon ipakiusap sa kanya ng asawa. Nagdiretso siya sa may bar counter at naupo sa isang bakanteng stool. Ngingiti-ngiti pa siya nang bumaling sa direksiyon niya ang bartender nang gabing iyon. “Jacob, my boy!” magiliw na bati ng lalaki. Si Emil, isa sa malapit niyang kaibigan at siyang may-ari ng bistro. Kaagad itong nakipag-fistbump sa kanya at tila ba hindi pa ito nakontento roon dahil kinabig pa siya nito para sa isang mabilis na yakap. “Ang tagal mong hindi nagawi rito, ah.” “Well, alam mo na,” nakangising tugon niya. “Ikaw naman! Hindi naman dahil pupunta ka rito ibig sabihin babalik ka na sa luma mong buh
TUMITIBOK ang ulo ni Jacob nang magising siya nang umagang iyon. Pero imbis na ang loob ng kanilang silid mag-asawa ang bumungad sa kanya ay nakamulatan niyang nasa loob siya ng isang hindi pamilyar na kuwarto. Sapo ang ulo ay dahan-dahan siyang bumangon at naupo. Pilit niyang binalikan sa isip ang malalabong eksena kagabi bago siya tuluyang mawalan ng malay. Kaagad naming nagbalik sa alaala niya ang ilan sa mga iyon, lalo na ang pag-alis niya sa bistro ng kaibigan kasama si Lilibeth. At noon niya naalala ang sinabi nitong dadalhin siya sa bahay ng kanyang lolo. Nilisan ni Jacob ang kama at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga habang tinatahak ang direksiyon ng banyong kanugnog ng silid. Hindi niya naiwasang mapangiwa nang makita ang sarili. He looked wasted. Noon lang ulit niya nakita ang sarili sa ganoong estado. Umiiling na naghilamos na lamang siya ng mukha. Mayamaya pa ay magkakasunod na katok ang pumukaw sa kanya. Nagpunas siya ng mukha at kaagad na lumabas ng bany
“GOOD morning,” bati ni Jacob sa asawa nang dumulog ito sa hapag kinaumagahan. Bumalik na ulit sa dati ang lahat. Sa pagitan nilang mag-asawa matapos ang nangyari noong nagdaang araw. He decided to let it slide just like what his wife wished. Subalit titigil lang si Jacob sa harap ni Adelyn. Wala sa bokabularyo niya ang basta na lang isuko ang laban na iyon sa mga kapamilya nito. “Hindi ka ba papasok sa trabaho?” tanong ni Adelyn sa kanya habang nagpapalaman ng tinapay. “Papasok ako.” Naupo siya sa silyang katapatan nito. “Pero pagkatapos nating mag-almusal.” “Baka ma-late ka. Okay lang naman sa akin na kumaing mag-isa.” Sinipat nito ang orasang nakasabit sa dingding ng sala. “Tinanghali pala ako ng gising.” “It’s okay.” Inabot niya ang pisngi nito at bahagyang kinurot iyon. “Gusto ko rin naman na makasalo ka sa agahan. Madalas kang busy sa trabaho sa gabi. Oh, I suddenly remember na may utang pa nga pala ako sa iyong dinner date.” “I-save mo na lang ang dinner date na iyon para
ISINAMA ni Lilibeth si Jacob sa isang stall ng luxury items sa mall matapos ng working hours nila sa opisina. Dahil hiningi niya ang tulong nito na bumili ng regalo para sa kanyang asawa, hinayaan lang niya ang babae sa kung ano ang mga suhestiyon nito. Jacob ended purchasing a luxury bag and designer dress for Adelyn. Noong sandaling iyon pa lang ay nakikinita na niya agad kung ano ang magiging hitsura nito kapag sinuot na ang bestidang iyon. Nasisiguro niyang lalo pang lalabas ang kagandahan ng kanyang asawa. “She’s always beautiful anyway,” usual niya habang hawak ang paper bags ng mga pinamili. Balak niyang iwan muna iyon sa mansiyon ng kanyang lolo para doon itago. “I have one more suggestion kung ano pa ang magandang iregalo sa asawa mo,” ani Lilibeth nang makalabas na sila ng stall. Nilingon niya ito. “Ano pa?” “Come, follow me.” Nagpatiuna na si Lilibeth sa kanya at kaagad naman siyang sumunod hanggang sa makarating sila sa isang stall na nagtitinda ng mga alahas. Magiliw
MALAYO pa lang sa gate nagpatay na si Jacob ng makina ng kanyang motor at inakay na lang iyon hanggang sa makarating siya sa kanilang bakuran. Nakabukas nang bahagya ang main door, pero hindi niya natatanaw ang asawa sa sala o sa may dining table kung saan ito madalas pumuwesto tuwing nagtatrabaho sa kanilang bahay. Dahan-dahan siyang pumasok, at noon niya napansin na malinis ang buong kabahayan. Naglinis si Adelyn, at mukhang nauwi iyon sa general cleaning dahil maging ang mga kurtina at punda ng throw pillow ay napalitan na. Sa sobrang busy nilang mag-asawa sa trabaho bibihira iyong mangyari at nagagawa na lang tuwing may espesyal na okasyon. And then he was suddenly reminded about their wedding anniversary. Sa malamang ay iyon ang dahilan ng paglilinis ng kanyang asawa. May binabalak kaya ito? He hoped there was none. May mga plano na siya para sa araw na iyon at hindi naman niya maaaring sabihin dahil baka ma-spoil pa ang surprise niya para rito. “Adelyn?” tawag ni Jacob habang n
NAG-ANGAT ng tingin si Jacob nang marinig ang pagbukas sara ng pinto ng kanyang opisina. Pumasok ang assistant ng kanyang lolo na si Anton. “Anton,” bati niya rito nang makalapit sa kanyang mesa. Ngumiti si Anton at ibinaba ang isang brown envelope sa ibaba ng kanyang mesa na kaagad naman niyang dinampot at tiningnan ang laman. Naroon na ang kanyang passport na ipinakisuyo niya rito kasama na ang lahat ng mga dokumentong kakailanganin nil ani Adelyn. “Thank you,” he mouthed and put the envelope inside the drawer. “Nabanggit ko ng apala kay Don Juan ang tungkol dito,” mayamaya ay sabi ni Anton. “Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman nagalit ang lolo mo noong malaman niyang magbabakasyon kayong mag-asawa. Ang totoo nga niyan natuwa pa siya. Iyon nga lang…” “Iyon nga lang?” Napakunot ang kanyang noo. “Gustong sumama ni Don Juan sa cruise.” “Pinigilan mo?” “Hindi ko na rin naman kailangan pang pigilan ang lolo mo dahil ang doctor na mismo ang nagsabi na hindi siya pwedeng mag
NAPANGITI na lang si Jacob nang maabutan niya ang asawang masayang nag-eempkae ng mga dadalhin nito sa kanilang bakasyon. Pakanta-kanta pa si Adelyn ng paborito nitong love song, kaya naman kahit hindi ito ganoon ka-vocal sa nararamdaman nang sandaling iyon alam niyang masaya ito. Iyon ang unang beses na makakapag-out of town trip silang mag-asawa. Bagay na pangarap nilang gawin noon pagkatapos ng kanilang kasal ngunit hindi na sila nagkaroon po ng pagkakataon at pera para gawin iyon. Sa makatuwid, para silang inalisan ni Adelyn ng karapatang mag-enjoy simula nang ikasal sila dahil wala namang ginawa ang pamilya nito kundi ang maliitin siya at pahirapan. Kung hindi pa dumating si Don Juan sa buhay niya ngayon baka nasa kangkungan pa rin silang mag-asawa. At ang lahat ng iyon ay hindi ganoon kadaling ibaon sa limot. Determinado si Jacob, isang libong beses man niyang ulitin sa sarili. He would get even no matter what it cost. “Kung iyong ipinapanood mo sa akin diyan naghahanda ka na r