Ang kasaysayan ng Vamparian
Noong unang panahon isang bukod tanging mga nilalang ang nabuhay sa mundo. Ang mga nilalang na ito ay ang pangkat ng mga tao at pangkat ng mga bampira. Masayang namumuhay ang mga tao sa kapatagan samantalang ang mga Bampira naman ay nagsisimula ng magpalaganap ng kasamaan. Naging sakim sa kapangyarihan ang mga bampira. Nais nilang maghari sa mundo sa pamumuno ni Dracon ang hari ng mga bampirang ubod ng sama.
Nagsimula ngang manakop ang mga bampira pinagsamantalahan nila ang kahinaan ng mga tao. Ang iba sa mga tao ay ginawang pagkain at ang iba naman ay tinuring na alipin. Dinala ng mga bampira sa kanilang kaharian na tinatawag sa pangalang VAMPARIAN na matatagpuan sa pinakamadilim na kagubatan sa buong mundo. Marami ang nagsasabi na ang sinumang papasok dito ay hindi na makakalabas pa. Naging mapait ang kapalaran ng mga tao sa loob ng Vamparian,trinatrato silang mga parang hayop.
Nakalikha si Haring Dracon ng isang gamot ang gamot na ito ay pinainom sa mga tao upang bumagal ang pagtanda nila ngunit tao parin ang dugo ng mga ito. Tulad ng mga Bampira ay may buhay na din silang sinumpa. Lahat ng taong nakainom nito ay suklam na suklam sa kanilang mga sarili.Hindi nila pinangarap na maging alipin na lamang habang-buhay.Samantala marami paring natirang tao sa labas ng Vampirian. Ang mga taong ito ay maaring nakaligtas sa pananakop ng mga bampira.
Ngunit sa kabilungan ng buwan. Ang muling pagsilang ng dugong buwan ay muling maghahasik ng lagim ang mga bampira.Ang gabing kinakatakutan ng lahat ay muling sasapit. Sa kabilugan ng buwan at ang pangalawang pagdugo nito ang siyang sasakop sa sangkatauhan.
Elaxi POV*"Bilisan niyo ang pagkilos!" Wika ng isang kawal-bampira sa mga aliping nagtitimpla ng kanilang mga inumin.Pag-iyak,pagtangis at paghihirap ng mga aliping katulad ko ang halos naririnig ko sa bawat araw na dumarating at lumilipas. Sa tingin ko habang-buhay na nga talaga kaming makukulong sa bangungot na ito."Anak,bakit ka tulala" tanong ni Ina at tinignan ang direksyon kung saan ako nakatingin."Batid kong nais mo silang tulungan,pero nak! Bago ang iba sarili mo muna"wika ni ina at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.Napa-isip ako kung tama ba si ina o mali.Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa ng marinig kong nagsisisigaw si Bon patungo kay ama at hingal na hingal pa ito."Mang Grego,may-y tao na namang nahuling tumatakas"saad nito habang hinahabol ang kanyang hininga."Anong parusa ang ipapataw sa kanya?"tanong ko naman.
Hindi ako makagalaw. Parang naninigas ang aking katawan sa sobrang takot. Huwag naman sanang ito ang katapusan ko. "Naaamoy ko ang iyong dugo,napakabago" sambit niya kaya't napagtanto kong isa siyang lalaking Bampira. "Kapag tinikman mo ako,malalason ka at mamamatay"nangingig na wika ko. "HAHAHAHA" Weird na tawa niya at saka ako pinakawalan. Siya ngayon ay nasa harapan ko na ngunit natatakpan ng anino ng dahon ang kanyang mukha. Ng makita ko ang buo nitong katawan ay napakalma ako kahit man na nagtatago siya sa dilim ay naging magaan na ang loob ko. "Sino ka?"magaang tanong ko. "Sino ka muna?"patanong na sagot nito.Pambihira ako unang nagtanong. "Ang mga alipin dito sa Vamparian ay walang karapatang makilala."magaang wika kong muli. Sasagot pa sana siya ng biglang dumating
"Saan ka nanggaling?"-nagulat ako ng makita si Celeste na kakagaling lamang sa aking silid."Nagpahangin lamang ako sa labas"dinahilan ko naman sa kanya."Kung ganoon,bakit wala kang kawal-bampira na kasama?"-tanong niyang muli."Celeste, inaantok na ako bukas mo nalang akong tanungin." Inis na sagot ko sa kanya.Si Celeste, kung umasta sa akin parang asawa ko na. Lagi niya akong pinapakialaman sa lahat ng gagawin ko kaya naman inis na inis ako kanya. Maging ang reyna at si ama ay pinagtutulakan siya sa akin ngunit ngayon,nakilala ko na si Elaxi at nakilala na rin niya ako.Maaring siya ang daan upang lumayo ang loob ni Celeste sa akin. Nagtungo na ako sa aking silid. Hindi ko parin malimutan ang mga mata ni Elaxi m
Naramdaman ko na lamang ang hapdi sa aking leeg. Ang kuko ng Hari ay unti-unting bumabaon sa aking lalamunan."Matalas ang dila mo babae" saad nito at pulang-pula ang mga mata."Ama tama na!" Mahinahong saad ng isang nakabalabal at hinawakan ang braso ng Hari.Alam kong ang Prinsepe iyon. At sa pangalawang pagkakataon nais na naman niya akong iligtas. Tunay nga bang maganda ang intensyon niya sa akin? O ang lahat ng ito'y hindi totoo na nagkukuwanri lamang siya.Patulak akong binitawan ng hari at napaupo sa lupa."Estes tawagin mo si Tanda" utos ng Prinsepe.Ang Hari naman ay nanatiling galit sa lahat. Namumula ang kanyang mga mata na kapag tumingin ka rito'y tila nasusunog ang iyong kaluluha.Walang animo'y dumating ang tanda."Tukuyun mo kung sino ang may-ari ng buhok na ito Tanda!" Utos ng Hari na bakas parin ang galit sa mukha ni
Someone's PoV* "Nais ko siyang makita ng malapitanMaaari bang pagbuksan muli ang pinto ng palasyo para sa mga bagong Alipin? Maari ba?" Nagmamakaawang sambit ko."Siya nga ang iyong anak? Batid ko ang pagkatao niya, sapagkat nakita ko na siya." Saad ni Tanda."Nag-usap na tayo tungkol dito hindi ba? Pakiusap huwag mo itong ipaalam sa kahit sino man." Paki-usap ko."Saksi ako sa paghihirap mo bilang ina, ngunit ang hinihingi mong muling pagbuksan ang mga tao na maging bagong tagapagsilbi sa loob ng palasyo ay hindi ko matitiyak" saad nitong muli."Kung saksi ka sa paghihirap ko, muli akong nakikiusap, kumbinsihin mo ang hari".Elaxi PoV*Nitong mga nagdaang araw mas naging maghigpit ang mga kawal-bampira sa kautusan ng hari. Walang may alam kung bakit ganito na
Vlad POV* "Elaxi!!!!! Elaxi!!!!! Sumama ka na sa akin.Halika kana!!!!""Sino ka bakit gusto mo siyang kunin""Hayaan mo siyang sumama sa akin! Hindi kayo maaring magsama.""Bakit? Bakit ako sasama sa iyo.""WAHHHHHHHH!"Halos mahulog ako sa aking higaan dahil sa aking panaginip isang babaeng may asul na mata ang nais kunin si Elaxi.Asul na mata? Ang babaeng yun ang tinutukoy ni tanda pero bakit si Elaxi ang nais niyang kunin?Magiging madali sana ang pagtukoy sa aking mga katanungan kung nakita ko ang mukha ng nasa panaginip ko ngunit nababalutan ng Liwanag ang kanyang mukha tanging mga mata lamang niya ang aking nakita.Dali-dali akong bumangon at ginawa ang dapat gawin. Pagkatapos ay isinuot ko ang aking balabal,.hindi ako mapakali hangga't hindi ko nakikita si Elaxi. Nasaan
Elaxi POV* Tumakas na naman ako mula kay ama upang isauli kay Vlad ang balabal na naiwan niya noong una naming pagkikita.Yung lalaking tumulong sa akin kagabi ang sumalubong sa akin. Nagtungo kami sa puno ng adoben."Elaxi nasaktan ka ba? Okay ka lang ba?"sunod-sunod na tanong ni Vlad.Hindi ko siya sinagot at iniabot ko lamang ang kanyang balabal napansin kong nagtataka ito ngunit muli siyang nagsalita."Mamayang gabi susunduin ka ni Cecelion. May nais lamang akong ipakita sayo."makangiting saad nito."Bakit mo ako tinulungan?"magaang wika ko"Tinatanong pa ba yan? Mabuti kang kaibigan kaya kita tinulungan" sagot naman niya at pangiti-ngiti parin ito"Mabuti akong kaibigan sayo, ngunit ganoon ka rin ba sa akin? Kaibigan nga ba ang turing mo sa akin o isang alipin lang na kailangang utuhin?"diretsong
Ang Pagpapatuloy........Pagpasok namin sa palasyo ay may limang di katandahang mga babae ang lumapit sa amin."Sila ang magtuturo sa inyo kung ano ang gagawin niyo at kung sino ang pagsisilbihan ninyo."saad ng reyna at tuluyan na itong umalis.Sumunod naman ang Prinsepe at si Cecelion sa reyna.Lumapit ang dalawang babae sa amin ni Stella."Halika't sundan natin ang reyna"saad ng babae kay stella.Walang kibo naman ang matandang nasa harap ko. Nagtaas-noo lamang ito at naglakad. Patungo sa direksyon kung saan nagtungo ang Prinsepe at reyna.Sinasabi ko na nga bang ang Prinsepe ang pagsisilbihan ko!Ngunit wala akong magagawa kayat tatanggapin ko kung saan man nila ako ibibigay ang mahalaga ngayon ay makaisip ako ng paraan upang makalapit at malaman ang kahinaan ng hari.Hindi ko kayang patagalin pang mamalagi dito!