Share

Kabanata 13

PULIDO at mabagal ang hakbang ang paglakad niya habang patungo siya sa altar

kung saan nagaabang si Jayden. Ang lalaking mapapangasawa niya. Hindi niya

mawari ang nararamdaman. Pakiramdam niya naparalisa ang binti niya. Pakiramdam

niya kung anong mayroon sa kaloob-looban niya na gusto niyang tumakbo na

lamang papalayo rito.

Pinipilit niyang itago ang emosyon kahit ang totoo ay kanina pa gustong

bumagsak ng luha niya. Mariin niyang ipinikit ang mata. Sana isang

bangungungot na lamang ang lahat. Ngunit nang muli niyang idilat ang mata,

everything is real. She composed herself, at naglakad muli patungo sa

naghihintay na lalaki.

Nang tuluyan siyang makalapit dito, halos mapasinghap siya nang masilayan ang

itsura ng lalaki. Mas naging lalaking lalaki ang dating nito sa suot na

americana. Malinis at presko itong tignan. Too bad, hindi naman ito ang

lalaking mahal niya. Hindi ito ang lalaking tinitibok ng puso niya. Bago pa

bumagsak ang namimigat na tubig sakanyang mata, ipinasya na niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status