"Ang malas ko naman at ikaw pa talaga ang nakita ko!" inis kong bulong sabay talikod.
"Hey that's mean missy!" natatawang sabi ni Ms. Benitez. "Ke aga aga ang init ng ulo mo,"
"Nakita kasi kita!" katwiran ko.
"Why?" natatawang tanong ni Ms. Benitez bago uminom ng kape nya. "Hindi ba ako kaaya aya sa paningin mo? Hindi ba ako maganda?"
Napaikot ang aking mata, masyadong bilib sa sarili ang babae na ito. Akala mo naman kung sino. But okay, ayaw ko ng magubos ng oras sa taong hindi naman worth it kaya lumakad ako palabas ng coffee shop.
"Still butthurt Ms. Gonzales?" sumunod pa talaga sya sakin para mang asar.
Ayaw ko na sanang patulan ang babaeng pinagpala sa kagandahan ngunit pinagkaitan ng kaakit akit na pangalan. Pagalit akong humarap at buong inis na tinitigan si Colorlane, Colorlyn o kahit ano pa mang pangalan nya wala na akong pakialam.
"Anong gusto mong gawin ko? Magtatalon sa tuwa?" taas kilay kong tanong kay Ms. Benitez. "Pagkatapos ng ginawa mo sakin? What about your public apology Ms. Benitez? I was expecting it today!"
Hindi man lang sya nayanig sa sinabi ko. Parang pumasok lang sa kanang tenga at pero lumabas sa kaliwala. "Oh i can do that." biglang ngumiti si Ms. Benitez. "Pay me then i will give what you want."
"Are you kidding me?" nagsalubong ang kilay ko. Nakangiting umiling si Ms. Benitez sakin. "Hindi ako nababaliw para bayaran ka!"
"Then don't demand anything from me Ms. Gonzales. Business is business."
"Whatever!" bwiset na bwiset kong singhal at itinulak si Color paalis sa daraanan ko.
"Bye! See you around!" may pahabol pa itong pangaasar.
"Bwiset talaga!" bulong ko sa hangin bago ako sumakay sa kotse. "May araw ka din sakin!"
Sa awa ng diyos ay buhay at ligtas akong nakauwi sa bahay. Sa sobrang inis ko kasi kay Ms. Benitez kulang nalang ay magkapakpak ang aking kotse sa sobrang bilis ng takbo.
"Ate Averi." bungad ni Aubree pagpasok ko ng bahay. May bisita ang kapatid ko na magandang dalaga.
Inihagis ko sa sofa ang hawak kong bag. "May bisita ka pala."
Sabay na tumayo ang dalawa. Sa unang tingin ay para silang ordinaryong magkaibigan pero syempre malakas ang radar ko pagdating sa kapwa ko lesbians pero hindi ko sila pangungunahan.
"Si Cassy pala Ate." pakilala ng kapatid kong si Aubree sa kasama nya.
Tinititigan ko si Cassy mula ulo hanggang paa. Ang kagandahan nya ay hindi nakakasawang pakatitigan, sexy rin ang pangangatawan nya na pwedeng makipagsabayan sakin sa entablado. "I'm Averi, Aubree's eldest sister." at nagkamay kaming dalawa.
"Cassandra Monteralba. Finally, nakilala narin kita." may bituin sa mata mi Cassy habang nakatingin sakin. "Aubree talks so much about you."
"Oh really?" sumulayap ako kay Aubree na todo ang pagkakangiti sakin. "I hope they were good things,"
"But of course Ate." umikot ang mata ni Aubree sabay hatak sa braso ni Cassy. "Come on,"
"Hey. No sex at home okay!" paalala ko sa dalawa habang umaakyat sa hagdanan papunta sa second floor.
"Ate Averi!" angil ni Aubree na sobrang pula ng mukha sa pagkapahiya lalo pa at tawa ng tawa si Cassy.
"Just a reminder little sister." No sex at home, yan ang number rule ng parents namin especially Mom. "Or Mom will be shook."
Nagpunta ako sa wine bar at nagsalin ng red wine na kayang magpagaang ng pakiramdam ko pagkatapos ng encounter ko kay Color Benitez. And because of curiosity, sinearch ko ang pangalan ni Color. Don't get me wrong, I just want to know something about her, about my Enemy.
Nakaprivate ang f******k ni Color pero mabuti nalang at may ilang fan pages na nakapangalan sa kanya. Well, in fairness maganda ang mga picture nya, may mga selfie at may mga stolen shot. Kung titignan ang physique ni Color ay pwedeng pwede sya maging modelo kagaya ko.
"Beautiful isn't?" biglang may bumulong sa tenga ko.
Muntik ng malaglag ang cellphone ko dahil sa pagkagulat. "Aubree!" inirapan ko ang kapatid ko. "Anong ginagawa mo dito?"
Nagpunta si Aubree sa kusina at binuksan ang fridge. "Food," kumuha sya ng prutas, juice at kung ano ano pa. "Para may energizer sa paggawa ng documentation."
"Make sure na yung documentation ang ginagawa nyo hindi yung---"
"Ate.." putol ni Aubree sakin. "Hindi namin iniisip ang mga bagay na yan!" may kunot sa noo ng kapatid ko. "We are just.." napatingin sya sa hawak nyang mansanas. "Friends.."
Inilapag ko sa counter ang cellphone ko. "Bakit parang hindi ka sigurado?" hindi nakasagot si Aubree, she looks even more complicted sa tanong ko. "Oh sige na baka naiinip na yung kaibigan mo." ayaw kong ipilit o usisain pa si Aubree baka lalo lang syang maguluhan. Sooner or later sya mismo ang makakatuklas sa totoo nyang damdamin at pagkatao.
Sa dami ng nainom kong red wine ay maaga akong nakatulog at hindi na nakakain ng dinner. Kahit na anong gising ang gawin ng mga kasama ko sa bahay ay hindi nila ako magising. Alam nyo na, mahirap gisingin ang taong nagtutulog tulugan.
Maaga akong gumising para makapag jogging, mabigat kasi ang pakiramdam ko ngayon kaya kailangang magpapawis kahit paano lalo na at bukas ang dating ng team ko para sa gagawin naming Photshoot. Akala ko talaga bakasyon grande ang mangyayri sakin dito sa Pilipinas pero yung trabaho ko very demanding.
May pailan ilang tao na nagjojogging kasabay ko, karamihan sa kanila ay lalaki, bata at matanda na walang kurap sa pagkakatingin sa akin.
Papaliko na sana ako ng biglang may sumulpot ang bike na mabilis ang takbo sa harapan ko. At parang slow motion na lumipad ang taong nakasakay dito samantalang ako ay mabilis na napatabi at nakaiwas sa aksidente.
Kinabahan ako ng hindi agad gumalaw ang taong nakabulagta sa kalsada kasama ang bike nya. Nakahelmet sya at shades kaya hindi ko masabi kung lalaki ba sya o babae.
"Ang bilis mo kasing magpatakbo ng bike para kang nasa expressway!"
"Wow." base sa boses nito ay isa syang lalaki. "Imbis na tanungin mo kung buhay o okay lang ako e nagawa mo pa akong sermunan." Dahan dahan syang tumayo at hinubad ang suot nyang helmet. "Nakaharang ka kasi sa daanan!"
"Ha! At ako pa ngayon ang may kasalanan?" inis kong tanong sa lalaki. "Wala ka sa bike lane!"
Parang naumid ang dila ng lalaki ng tuluyang nyang alisin ang suot nyang shades. Kung hindi siguro ako 150% na Lesbian baka nanginig ang tuhod ko dahil sa kagwapuhan nya.
"Maganda ka sana kaso ang sungit mo." nakangising bulong ng lalaki habang tinitignan nya ako mula ulo hanggang paa. Di ba nakakabastos. "Teka--" pigil ng lalaki pero hindi ko sya pinansin, nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad palayo. "Hey, I'm Ethan!"
Malayo layo narin ang narating ko ng maramdaman ako ng pagod. Tumingin ako sa nagkukumpulang mga tindahan ng kung ano ano, napagpasyahan kong pumasok sa tindahan ng mga sapatos, baka sakaling may magustuhan.
Marami akong nakita na imported shoes, heels etc pero ang nakatawag ng pansin ko ay yung mga gawang Pilipino. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit karamihan satin ay sobra ang pagtangkilik sa imported products kung kayang kaya natin makipagsabayan sa ibang bansa.
"Hi Miss." napalingon ako at nakita ang dalawang lalaki na nakatayo sa likuran ko. Sa unang tingin pa lang ay malalamang mong tambay ang mga ito, mga walang ambisyon sa buhay at inaatupag lang ang paginom maghapon at magdamag. "Ang ganda mo naman.." para makaiwas sa kahit anong gulo naglakad ako palayo pero sumunod ang dalawang lalaki. "Ang sexy pa,"
Nang aalis na sana ako ay bigla akong hinarang ng isa. "Get out of my way." inis kong sabi.
Pero imbis na gawin ang sinasabi ko ay humilig pa lalo sa pader ang lalaki para wala akong madaanan. "Sumama ka samin. Siguradong mag eenjoy ka!"
"Kung nagtatrabaho kayo edi sana may napala pa kayo!" pagtataray ko.
"Aba pare palaban to." natatawang sabi ng isang lalaki na mukhang isang bulate nalang ang pipirma ay malalagutan na ng hininga.
"Umalis kayo sa daraanan ko." utos ko. "Sabi--" mabilis akog napaiwas na tangkain ng matabang lalaki na hawakan ang braso ko. "Don't you dare.."
"Wag ka ng pakipot!" marahas nitong hinablot ang braso ko.
"Bitawan mo ko!" sigaw ko. "Help me!" wala ba ni isang tauhan ang shop na ito at walang tutulong sakin?
"Kahit manlaban ka pa walang tutulong sa--" napahinto kaming lahat ng biglang may tumamang baso ng kape sa mukha ng lalaki. Umuusok usok pa ito kaya naghihiyaw ang lalaki sa hadpi at init. "Ahhhh! Ang init!!"
Napakurap ako, baka kasi pinaglalaruan lang ako ng aking mata. "Colorlyn Benitez?"
"Number one rule Ms. Gonzales." bumuga ng hangin si Color. "No calling my real name." at dumako ang tingin nya sa dalawang lalaking katabi ko. "Ang aga nyong manggulo mga sunog baga kayo!"
"Gag--" hindi na naituloy ng lalakig payat ang sasabihin nya ng dumako sa sikmura nito ang isang malakas na sipa. "Ahh!" bumagsak agad ang lalaki.
"Paano mo nagawan yon?" nagtataka kong tanong.
"I'm a black belter in Taekwando." hinawi ni Color ang nakalugay nyang mahabang buhok. "Tara na!" sabay hatak nya sa kamay ko at nagmamadali kaming lumabas ng shop.
"Teka. Bitiwan mo nga ako!" utos ko kay Color na sobrang higpit ang pagkakahawak sakin. "Nasasaktan ako!"
Binitawan lang ako ni Color ng tuluyan na kaming makalabas ng shop. "Nagpupunta ka sa ganitong lugar na ganyan ang suot mo? Tapos magtataka ka kung bakit ka nabastos?"
Napatingin ako sa suot kong damit. "Bakit ano bang mali sa damit na pang jogging?"
Napailing nalang si Color na pilit pinipigilan ang inis. "Whatever." tumalikod na sya. "So pano, wala na akong utang sayo." hindi na ako nakapag salita nang naglakad na sya palayo at sumakay sa naghihintay nyang kotse.
Kakaiba talaga ang babae na yon. Hindi man lang umobra ang charm ko sa kanya but anyway. Mas lalo lang akong nachachallenge kay Color Benitez.
Maaga akong gumising para pumunta sa Manila Peninsula kung saan naghihintay ang Manager ko na si Rose na kadarating lang kagabi from France. Ngayong araw ang meeting ko with the Head of Marketing ng Versa. Sikat na sikat ang clothing line na ito sa Europe at ngayon dito sa Asia.Maraming famous at aspiring models ang gustong maging mukha ng Versa pero masyadong mataas ang standard nila kaya iilan ilan palang ang pumapasa but in my case, sila mismo ang kumontak kay Rose at nagpapapictorial sakin. Audition sa term ng mga artista."Bakit parang matamlay ka?" Bungad ng hairstylist at makeup kong pinay na si Sara. "Masama ba pakiramdam mo?"Nagkatinginan kami sa salamin. Medyo may edad na si Sara at ilang taon narin kaming magkatrabaho. Sya iyong itinuturing ko na pinakamalapit kong kaibigan. "Halata ba?" Naconcious tuloy ako sa mukha ko kahit na sobrang ayos ng pagkakamake up para maitago ang eyebags ko. "Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi
Color"What is this?" Iritable kong tanong sa editor ng kumapanya ko na sumadya pa talaga dito sa Peninsula Hotel para ipakita sakin ang mga palpak nyang draft ng article na kinakailangan naming ipublish bukas. "These.." Nakakunot akong nakatingin sa mga papel na hawak ko. "These are trash!" Hinagis ko ang mga papel at nagkalat sa sahig. "I thought you are better than that Mr. Cruz! Walang kasense sense yung sinulat mo!""I'm sorry Chairwoman." Natatarantang sabi nito sabay dampot sa article nyang walang kwenta. "Aayusin ko po.""Dapat lang!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. "Hindi kayo pinapasweldo ng kumpanya para bigyan nyo ko ng mga basurang nyong artikulo!" Naglakad ako papunta sa lamesa at nagsalin ng red wine. "Get out of my face!""Opo!" Halos magkandarapa ang lalaki sa paglabas ng hotel room ko.Hinawi ko ang kurtina na humaharang sa napakagandang tanawin na i
AveriSobrang naging successful ang naging Runway show ng Versa, hindi mapatid ang hiyawan ng mga tao para sa bawat modelo na rumarampa sa stage. Nakakapressure oo, pero sulit lahat ng dampi ng make up, pagbanat ng buhok at sakit ng paa dahil sa iba't ibang uri ng heels na sinusuot namin.Kaliwa at kanan ang naging interview ko sa local at international media. Marami akong natatanggap na mga papuri but there always will be a critics.But you know what really makes me happy? Iyon ay ang nakapanuod ng live sina Mama, Papa at Aubree ng first ever Runway show ko dito sa Pilipinas. Kitang kita ko sa mga mukha nila kung gaano sila napahanga at kaproud sakin. Agad nila akong sinalubong pagkalabas na pagkalabas ng dressing room."I'm really proud of you Iha!" Halos mapunit ang mukha ni Papa sa laki ng pagkakangiti nito. "Marami na akong napanuod at nakitang picture mo sa mga Runway show Averi
Color"Ahh." Iyak ng magandang babaeng dahil sa init at sensyasyon na kanyang nararamdaman habang marahan kong hinahagkan ang kanyang leeg. "Make me." Huminga sya ng malalim bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "Yours please."What a beautiful sound in my ears everytime pretty girls are begging me to show them the rainbow. Hey, don't judge me. Binibigay ko lang ang makakapag pasaya sa kanila at sakin. Well, yes I had sex with countless girls na karaniwan kong nakikilala sa mga club at bar.Pero bago ko pa sila hubaran ng damit, I will recite my golden rules. First, don't ask me to kiss them on the lips dahil kahit kailan wala pa akong hinalikan sa labi na babae na nakaone night stand ko. Kissing someone on the lips is too romantic for me. Second, they need to leave my house after sex and lastly, no more calling me."I want you inside me." Ungol ng babae na hindi malaman kung paanong pag baling ng kat
AveriPilit kong nilalabanan ang namimigat kong mata habang nakatingin kay Rose na abala sa pagpapaliwanag ng mga dapat naming gagawin at dadalhin sa nakaschedule naming photoshoot para sa paglalaunch ng bagong clothing brand ng Versa.Well, napuyat lang naman ako sa pagsstalk kay Color Benitez sa lahat ng social media account nya pero wala rin naman akong napala o natuklasan na kahit anong bagay mula kanya because she keeps her status and other personal details very private."Averi."And please don't ask me why i did such stalking thing because i honestly did have any idea. I just wanted to know kung ano ba ang meron sa kanya at bakit paulit ulit kaming pinagtatagpo ng pagkakataon gaya sa Shoe store kanina. For all people naman bakit yung pamangkin nya pa ang nakadisgrasya sa pinakaaasam kong heels na iorder ko pa from Europe."Averi, are you with us?" Napaangat ang mata ko
Averi"Oh my gosh." Para akong sinagasaan ng tren ng paulit ulit dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Gusto ko sanang baliwalain yung nararamdaman ko pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit iba ang amoy ng mga unan. I'm very familiar with the essence of my bedroom kaya hindi ako pwedeng magkamali na wala ako sa bahay especially sa kwarto ko.Namimigat man ang mga mata ay pinilit ko itong buksan, kumurap kurap pa ako para tanggalin ang panlalabo ng aking paningin. Dahan dahan akong bumangon ng marealized na wala talaga ako sa bahay namin especially sa kwarto ko.Binalot ng kaba ang aking dibdib dahil wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. "Oh gosh, what did i do last night?" All i know is, I was wasted and really drunk. I just hope and pray na hindi ako nakipag one night stand sa lalaki because that was odd and regretful.Inalis ko ang comforter na kasing lambot ng bulak sa aking ka
Color"What is wrong?" Bulong ni Reese habang kumakain kami ng lunch sa isang restaurant. She dropped by at my office and invited me for lunch. Of course i can't say no to Reese, she is always special to me and my best friend. "You are really quiet, are you sick?"I honestly don't know kung bakit i felt suddenly distracted sa narinig at nakita ko about Averi. Kung tutuusin wala dapat akong pakialam dahil ipinamukha ko na sa kanya na she is not my type and I'm not interested in her pero bakit pakiramdam ko naiinis ako na hindi ko maipaliwanag.Bakit ba kasi lagi kaming nagkikita ni Averi? Ano bang meron sa kanya? Siguro dapat ko ng kausapin yung writer at sabihin sa kanya na tigil tigilan na kami ni Averi, dahil kahit kailan hindi ko magugustuhan ang babae na yon. Malayong malayo sya kay Reese.Si Reese na una kong minahal pero yun nga lang, sa iba sya nakatadhana. Pero hindi naman naging mah
AveriPhoto shoot is my stress reliever and my comfort zone where i can do whatever and everything that i want, no one will complain because i am the Queen. However, may oras na hindi ko maiwasang makaramdam ng pagod pa minsan minsan, kaya nga ako umuwi dito sa Pilipinas para sana magpahinga pero trabaho na mismo ang lumalapit.Malaking opportunity ang makatrabaho ang Versa, mahirap tanggihan ang offer nila dahil lahat pabor sakin. Besides, magagamit ko ang pagiging mukha ng Versa to my future endeavor like entering Showbiz."Awesome!" Puri ng photographer habang panay click sa kanyang camera. "It's really nice to work with you Averi." Sumandal ako sa pader at tumitig ng walang kaemo emosyon sa camera habang nakabuka ang aking hita. "You really know how to act and project, it's very credulous. Like you were perfectly born in front of the camera."The theme today is classic, which is one o