Noong una kakaiba ang pakiramdam ni Mandy sa loob niya ng makaramdam siya ng init sa kanyang puso sa sandaling ito. Isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang naranasan sa kanyang puso.May pakiramdam siya na ang mga rosas na pinadala kahapon ay galing kay Don. Tutal inamin na ni Don ito ngayon, tama nga talaga siya tungkol sa bagay na ito.Hindi niya inaakala na si Don ay talagang gagawin ang sinabi niya. Nagsalita lang siya tungkol sa mga Prague rose kahapon ng umaga. Kung gayon, ang mga rosas ay ipinadala sa kanya sa hapon at kasama ang Heart of Prague sa loob nito.Ang bagay na ito ay hindi madaling mahanap. Kung kaya, pinagplanuhan niya na ito ng matagal na panahon, tama ba?Kahit na alam ni Mandy na hindi siya pwedeng tumanggap sa pagpapakasal na ito dahil sa kasal na siyang babae, naantig pa din siya at nahihiya.“Hoy, nakita niyo ba iyon? Sobrang nakakatawa yung ekspresyon ni Harvey! Nagulat siya! Hahaha!”Samantala, si Zack ay tumayo, tinuro ang direksyon kung nasaan si
Ang buong Villa Zimmer ay tahimik sa sandaling iyon. Halos lahat ay lumingon kay Harvey nang may dismaya.Kampante ang manugang na iyon sa mga sinabi niya. Baka kilala niya kung sino ang bagong CEO ng York Enterprise.Ni hindi siya pinaniwalaan ni Don. Malamig siyang ngumiti at sinabing, “Sige! Sabihin mo sa amin! Sino ang bagong CEO sa aking enterprise?"Nag-inat si Harvey at tinuro ang sarili niya. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang sinabi, "Ang bagong CEO ng York Enterprise ay ako."Ang lahat ay nagulantang..Ngunit sa sumunod na sandali…"Ikaw?" Sa simula ay naguluhan si Don. Dali-dali niyang hinawakan ang kanyang tiyan at malakas na humalakhak.Nahirapan siyang tumigil sa pagtawa. Pagkatapos ay tumingin siya kay Senyor Zimmer. “Senyor Zimmer, Akala ko nung una ay gusto lang ng manugang mo magpalabas. Pero nagulat ako nang makita ko siyang parang tanga.”Matapos niyang sabihin iyon, natawa din sina Zack at ang iba pa. Tumingin sila kay Harvey na para bang nakatingin sila sa i
Nagulantang sila at maya-maya ay malakas na humalakhak.Ngumisi din ni Don at tumawa. “Harvey, ito ba ang ebidensya mo? Hindi mo ba naiisip na nakakatawa ito?""G. Xander, bakit mo sinasayang ang oras mo sa pakikipag-usap sa isang tanga? Ako nga, hindi naniniwala sa kahit anong sinabi niya!"Sa sandaling iyon, hindi na nakapagpigil si Zack. Lumapit siya at kinuha ang lumang telepono ni Harvey, at binasag ito sa sahig. Pagkatapos ay dinuro niya si Harvey at pinagalitan, "Isa ka lang manugang! Bakit palagi ka na lang gumagawa ng eksena? Sinabi mo pang mayroon kang ebidensya! P*tang *na mo!”“Lumayas ka na ngayon! Nandidiri kami sa iyong pagkatao!""Paano kami nagkaroon ng isang tulad mo sa aming pamilya..."“Isa kang walang kwenta!”Ang lahat sa mga Zimmer ay sinamantala ang sandaling iyon dahil tingin nila ay napahiya sila ni Harvey.Alam nilang imposibleng maging bagong CEO si Harvey ng York Enterprise, ngunit pakiramdam nila ay minamaliit sila ni Harvey sa sandaling iyon.“It
Nang marinig ang sinabi ni Don, biglang nasabik si Senyor Zimmer. 'Tama. Kung hahayaan kong manatili pa sa amin si Harvey, masisira ang buong Zimmer dahil sa kanya.'"Senyor Zimmer, party mo ito ngayong gabi. Sayang naman kung ikaw ang magpi-prisintang bumugbog sa kanya. Hayaan mo akong tulungan kang turuan ng leksyon ang walang silbing taong yan!"Nang makita na bubugbugin na ni Don si Harvey, walang balak si Senyor Zimmer na pigilan siya.Bukod dito, ang iba sa mga Zimmer ay tuwang-tuwa din sa nasasaksihan nila. Matagal na nilang kinamumuhian si Harvey at sabik na makita si Don na bugbugin siya.Ngumiti nang masama si Don. Umatras siya nang bahagya, at bumuwelo siya para bigyan ng flying kick sa mukha si Harvey.Ilang taon nang nag-eensayo si Don sa gym. Natuto din siya ng Taekwondo sa loob ng ilang taon mula sa isang di umano'y private coach na merong black belt. Sa sandaling iyon, ang kanyang sipa ay mukhang mabangis at malakas."Naalala ko na eksperto si G. Xander sa Taekwon
‘Ano?’Ang lahat ay natulala. ‘Anong nangyari?’‘Ang ungas na iyon ay bahagya lang na inangat ang kanyang kanang kamay. Bakit ganun na lang na bumagsak si Don?’‘Meron palang ganyang kakayahan ang b*stardong iyan?’’‘O hindi kaya araw niya ngayon?’Ngunit karamihan sa kanila ay iniisip na naka-tsamba lang si Harvey, at si Don ay talagang minalas. Itinaas lang ni Harvey ang kanyang kamay nang ganoon lang, at si Don ay tumilapon."Harvey... maghintay ka lang at makikita mo..." Bulagta si Don sa sahig, nanginginig. Sinubukan niyang bumangon. Dinuro niya si Harvey at sinigawan, "Sisirain kita! Magbabayad ka. Maghintay ka lang at makikita mo...”Sa sandaling iyon, ang lahat ay nakatingin kay Don na nagdurugo ang ilong. Pagkatapos ay bumaling sila ng nakakaawang tingin kay Harvey.Anong yamang meron ang manugang na iyon? Ngunit iba si Don. Siya ay isang middle-rank na empleyado sa York Enterprise. Kung meron siyang ganong balak, madali lang para sa kanyang wasakin si Harvey sa isang
Nang mabanggit ang pangalang Tyson Woods, ang lahat ng mga Zimmer ay nanlamig.Sino si Tyson? Isa siyang sikat na tao sa Niumhi. Marami ang nais na humingi ng pabor sa kanya, pero hindi nila ito magawa.Ang magiging manugang — si Don, ay nagawang papuntahin siya. Si Don ay talagang isang maimpluwensyang at makapangyarihang tao.Kahit si Senyor Zimmer ay natuwa kay Don. Masisiyahan siya kung magiging manugang niya iyon.“Ayaw mo akong makitang buhay bukas. Magaling." Ngumiti si Harvey. "Gusto kong malaman. Malapit nang mawala sa iyo ang lahat, at ikaw ay isang walang silbing taong palugi na. Iniisip ko kung paano mo magagawa iyon..."May isang biglang tumawa. “Baliw na ba siya? Si G. Xander ay mayaman. Narito pa rin ang kanyang tsekeng may halagang one million dollars. Paano niya nasabing mawawala ang lahat kay G. Xander at malulugi siya? Alam niya ba kung ano ang pagkalugi?""Ay! Ang manugang na ito ay laging nasa bahay, nanonood ng TV o nagbabasa ng mga nobela. Hindi man siya na
Biglang bumalik sa kanyang ulirat si Don. Ngumiti siya at sinubukang bumawi. “Wala yun. Niyaya ako ng bise presidente kung pwede kaming uminom. Wala akong oras ngayon. Kaya, sabi ko magkita kami bukas.”Nagulat ang lahat sa pamilya Zimmer nang marinig ang tungkol dito. Ang bise presidente ng York Enterprise, niyaya si Don na uminom sila?Bukod dito, tumanggi si Don at nagsabing buka na lang daw. Tunay ngang mayroon siyang katayuan sa buhay!Ang bawat isa sa pamilya Zimmer ay hindi mapigilang lumapit at magtipon sa paligid ni Don para pasayahin siya.Sa oras na iyon, may sigaw ng prenong narinig mula sa gate ng villa. Maraming itim na commercial vehicle ang huminto sa gate.Pagkatapos, ang mga pinto ng kotse sabay-sabay nagbukas. Ilang kalalakihan ang lumabas mula sa mga kotse na may dalang mga watermelon knife at baseball bat.Isang nakakatakot na taong nakasuot ng puting shirt ang naglalakad sa gitna sa gitna ng mga batak na lalaki. Siya si Tyson Woods.Samantala, may hawak siy
Gulat na napatingin si Harvey kay Mandy. Pakiramdam ni Harvey na sa simula pa lang ay pinabayaan siya ng kanyang asawa at walang pakialam sa kanya. Kung kaya, hindi niya sukat akalain na mag-aalala siya sa kanyang kaligtasan. Nanlambot ang kanyang puso sa pag-iisip nito.Ngunit, hindi alintana ni Mandy ang pagbabago sa damdamin sa isip ni Harvey. Puno ng kaba ang isip niya sa mga sandaling iyon!Sino ba ito? Siya si Tyson Woods — ang kilalang Kuya Tyson. Bagaman hindi pa niya ito nakita nang personal, marami siyang naririnig tungkol sa kanya.Si Tyson Woods ay sinasabing isang gangster ilang taon na ang nakakaraan, ngunit pagkatapos na kunin siya ng isang tao, siya ay sinanay at binigyan ng bagong bihis. Sa hindi inaasahan, dugo’t pawis ang pinuhunan niya hanggang sa gumawa siya ng pangalan para sa sarili niya sa Niumhi.Kahit na si Tyson ay nasa pagne-negosyo at nagawang pigilin ang sarili niya sa nagdaang dalawang taon, kinatatakutan pa rin siya, na maging ang mga pulis at mga tr