Share

I LOVE YOU

TUMULO ANG MGA LUHA ni Tori. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging epekto ng yakap at halik ni Taj sa kanya pagkatapos nilang magtalo kanina. Hindi naman siya namatay pero pakiramdam niya ay bigla siyang nabuhay muli. Dahil doon ay mahina siyang natawa na ipinagtaka naman ni Taj.

"Hey," mahinang usal ni Taj pagkatapos niyang ilayo nang bahagya si Tori sa katawan niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at nagtatakang tinitigan ang babae. "What is it?" tanong niya.

Umiling si Tori bago niya ipinulupot ang mga braso sa leeg ng nobyo. "Nothing..." sagot niyang may tipid na ngiti sa mga labi.

Umangat ang kilay ni Taj. Bakas sa kanyang anyo na hindi siya naniniwala kay Tori. "Uh-huh," aniyang umikot ang mga mata. "C'mon, tell me..."

Nagkibit ng mga balikat si Tori bago nagsalita."Wala, love..." sagot niya bago mabilis na ginawaran ng magaang halik ang tungki ng ilong ni Taj na mas lalo namang nagtaasan ang mga kilay. "So tell me, paano kang naka-akyat at saan ka dumaan?"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jennifer Dayuday Lee
nice story...
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ay baka maka buo hani
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status