Share

Chapter Two | Who Are You?

Erica POV

Unti unti kong inimulat ang mga mata. Pag galaw ko sa mga binti. Naramdaman ko ang sumigid na sakit sa balakang at gitnang bahagi ko.

Erica. What have you done? Nakayakap ang lalake sa baywang ko. Dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa katawan ko.

Anong nangyari kagabi? Nanlaki ang mata ko nang maalala ang nangyari sa akin. Gusto kong mapaiyak. Dahil sa ininom ko pero iisang baso lang iyon at non alcoholic drink.

Paano ako nalasing ng ganon? May drugs sa ininom ko?!

Ang iniingatan kong virginity! Nakuha lang ng lalakeng hindi ko kilala. Napatingin ako sa katabi kong lalake. Napahugot ako ng hininga. Pinag masdan ko ang kanyang mukha.

 Kahit tulog siya napakagwapo niya pa rin. Biglang nag rambulan ang puso ko.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Napahawak ako sa dibdib ko. Napansin ko na unti unti siyang nag mulat ng mata. Ipinikit pikit n'ya pa. Biglang napabangon.

Gulat na gulat ang kanyang mukha ng makita niya ako.

"Who are you?" Tanong ng maangas na lalake. Umawang ang labi ko. Hindi ko inaasahan ang tanong niya sa akin.

Hindi ba niya natandaan ang nangyari kagabi? Napansin niyang nakakipkip ang kumot sa katawan ko. Tuluyan na siyang napabangon kaya napaiwas ako ng tingin. Hinanap ng kanyang mata ang mga damit namin nakakalat sa sahig. Pagkasuot ng boxer short. Hinarap ako ng lalake. Magkasalubong ang kanyang kilay halatang nagpipigil ng galit.

"Get out!" Napapitlag ako sa pag sigaw niya sa akin mabilis akong tumayo at nag bihis. Hindi ko na inisip ang lalake kung makita niya ang katawan ko. Iniwas niya ang tingin sa akin. Tiniis ko ang sakit sa bandang gitna ko. Pagkatapos kong isuot ang damit.

Halos napatakbo na ako palabas ng pinto. Pag bukas ko may magandang babae na nakatayo. Pareho kaming nagulat. Nakatitig siya sa kin. Pati din ako sa kanya. Walang salitang lumabas sa amin.  Naka awang ang mga labi namin sa gulat.

"A - Amira -?!" Namutla ang mukha ng lalakeng naka one night stand ko. Bumaling ang tingin niya sa lalake.

"Nag mamadali akong umuwi sa pilipinas. Eto lang pala ang mabubungaran ko" Nag tuluan ang luha sa kanyang mata. Bigla akong dinagsa ng kunsensya.

May girlfriend na pala ang lalakeng naka one night stand ko! Shit! Ang tanga ko! Makakasira pa ako ng relasyon! Gusto kong batukan ang sarili ko.

"It's not what you think -!" Lumapit si Amira sa kanya. Sinampal niya ang lalake sa harap ko. Nanlaki ang mata ko sa nakitang eksena.

"Greg! Pilit kitang iniintindi pero sobra sobra naman ito!" Napatakip sa mukha ang nangangalang Amira. Tinawag niyang  Greg ang pangalan ng lalake.

"No! Hun. Please let me explain" Niyakap niya ang babae.

 Shit! Kailangan ko na umalis. Bahala na silang dalawa mag usap. Ayokong makisali sa kanila. Halos tumakbo ako lumabas ng Mansion ni Greg hanggang sa palabas ng subdivision. Buti na lang may taxi naka abang sa gate. Kaya sumakay ako agad. Nakatulala ako hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

Maraming umiikot sa isip ko. Gustuhin ko man umiyak dahil wala na ang iniingatan kong virginity.

***

Umiiyak akong ikinuwento kay Miranda ang nangyari sa akin ng gabi yun. Dalawa kaming nakaupo sa likod ng school. May garden dito. Minsan dito ang tambayan ng mga highschool at college student.

Sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari sa akin. Hinanap niya ako ng gabing iyon pero hindi niya ako makita.  Sinabi ko sa kanya na wala siyang kasalanan dahil umalis ako sa upuan at hindi ko sinabi sa kanya ang nangyayari sa akin.

Sabay kaming nag iiyakan. Dahil sinabi niya na si James tinapat siya na hindi siya mahal at walang plano sa kanya. Gusto ng makipag hiwalay sa kanya.

Nang mahimasmasan na kami. Nag simula siyang mag tanong sa akin.

"Naalala mo ba ang pangalan ng lalakeng naka one night stand mo?" Tumango ako sa kanya.

"Sinabi ng babaeng nangangalan Amira tinawag niyang Greg ang pangalan ng lalake at sa Dasmarinas Village Makati siya nakatira." Nanlaki sa gulat ang mata ni Miranda.

"Greg? Iisang Greg lang ang kilala ko sa Dasmarinas Village!" Halos pasigaw niyang sinabi. Taga Dasmarinas Village din si Miranda Smith.

"Wait." Inilabas niya ang cellphone. Nagtataka ako sa ikinikilos ni Miranda.  

"Eto ba siya?" Nakangiti niyang pinakita ang cellphone sa akin. Nanlaki ang mata ko nang mabisitahan ang mukha ng lalakeng naka one night stand ko.

Gregory Hans Castillo - Miller, Half Filipino - English business magnate Investor and author. He founded the Miller's Airlines. He become an entrepreneur at a young age of 16.

Umawang ang labi ko na mabasa ang biography ni Greg. Hindi pala basta basta si Gregory. Isa palang napakayamang tao.

"Si - Siya nga ang naka one night stand ko!" Gilalas kong sinabi. Kinumpirma ko sa kanya. Napahilamos ako sa mukha. Ayoko na mag tagpo ng landas namin ni Greg.

Umawang ang labi ni Miranda.

"Hindi basta basta tao si Gregory Hans Miller. Siya ang tagapag mana ng Miller's Airlines. At balita na ikakasal na kay Amira Gonzales - Black. Ang may ari ng Amira's Sweet Pastry and bakeshop sa ibang bansa" Palihim kong kinagat ang labi. May kirot akong naramdaman sa puso ko.

Ano ba itong nararamdaman ko? Na love at first sight na ba ako kay Greg?

Langit at lupa pala kaming dalawa. Hindi ako nababagay sa isang katulad ni Gregory.

Sa totoo lang natatakot ako sa kanya nang makita ko siyang galit na galit sa akin. At pinag tabuyan sa Mansion.

Inaamin ko na nangangamba ako ngayon.

Paano kung mag bunga ang nangyari sa amin? Naalala ko pa na pagkatapos mangyari sa amin sa kotse. Dinala niya ako sa Mansion at may nangyari ng dalawang beses. Sa loob pa niya pinaputok ang binhi niya. Hindi ko na siya napigilan dahil lango din ako sa libog. Hindi ko alam kung ano ang pinainom sa kin. Kung bakit nagkaganon ako ng gabing iyon.

"Hayaan mo na. Kalimutan na lang natin ang nangyari." Wika ko. Iniba ko na ang usapan. Pinag usapan namin tungkol sa school. Pipilitin ko na kalimutan ang nangyari sa akin ng gabing iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status