Share

Chapter Four | Wedding

Erica POV

Nanginginig ang mga tuhod ko kaharap ang lalakeng naka one night stand ko.

"You said you are pregnant?!" Gulat na gulat sinabi ni Greg. Nakaupo ako sa black sofa niya. Tumango ako sa kanya.

"Damn!" Mura niya. Lumapit siya sa kin nanlilisik ang kanyang mata. 

"Mr - Mr. Miller, hindi ko intensyon na guluhin kayo ng girlfriend ninyo. Kailangan ko ng tulong mo da - dahil walang wala na ako ngayon. Tinanggal na ako sa trabaho. Mag isa na lang ako sa buhay. Kaya sana tulungan po ninyo ako. Parang awa n'yo na!" Humagulgol ako sa harap niya.

 "Paano mo nasabi na anak ko ang batang yan?!" Tumiim ang bagang niya. Umangat ang tingin ko sa kanya.

Pilit kong tinatagan ang boses.

"Kayo lang po ang lalake sa buhay ko" Mahina kong sinabi. Natahimik siya hindi maka imik sa sagot ko. Lumapit ako sa kanya para lumuhod.

 "Nagmamakaawa ako sa inyo! Tulungan po ninyo ako. Mr. Miller" Lumuluha kong sinabi sa kanya. Hinawakan niya ang dalawang braso ko.

"Alam mo ba? Gustong gusto kitang saktan ngayon?! Pinagsisihan ko na tinulungan pa kita ng gabing iyon!" Mariin niyang sinabi at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Takot na takot akong nakatingin sa kanya. Nagulat ako na inilagay niya ang kamay sa panga ko at pinisil. Ramdam ko ang sakit sa pag pisil niya.

"Alam mo ba na ayaw na makipag balikan sa akin ang fiancée ko nang dahil sa iyo." Walang tigil sa pag luha ang mata ko.

"Make sure that baby is mine because if I found out that you having sex with other man at sa akin mo ipinaako yan. I will kill you!" Tumaas baba ang kanyang dibdib sa galit. Saka niya ako binitawan. Kahit natatakot ako sa kanya. Pinilit kong mag salita.

"I don't have any relationship with other man Mr. Miller" Paputol putol kong sinabi dala ng pag iyak.

"Good" Umalis na siya sa harap ko.

"Take all your things! You're going to live with me" Nagulat ako sa sinabi niya.

"But - But? -" Gusto ko sabihin sa kanya na sustento lang ang kailangan ko. Ayokong tumira sa bahay niya.

"You don't have a choice. I want to make sure that my baby is safe" Pinal niyang sinabi. May kabang sa puso ko. Pakiramdam ko mas mapanganib na tumira ako sa lalakeng ito.

***

 Greg POV

Binato ko ang baso ng alak sa gilid. Nabasa ko sa balita na nakabuntis ako ng babae. Dahil kalat sa media na pumatol ako sa disi otso anyos na estudyante ng San Agustin University. Gusto kong magwala sa inis dahil tinawagan ako ng matandang Miller. Kailangan ko ayusin ang problema ko.

Masisira ako sa business world kung may ganitong issue nababalita sa kin. Ang pinsan ko si Crisanto nalaman ko na nililigawan niya si Amira. May kirot sa puso ko nang nalaman ko na nakikipag date na si Amira sa pinsan ko.

Ayaw na niyang makipag balikan kahit anong pakiusap ko.

I respect her so much. Amira is my childhood sweetheart. Kahit kailan hindi ko hiningi na may mangyari sa amin.

Ngayon sumasakit ang ulo ko dahil pinilit ni Grandpa na pakasalan ko ang nabuntisan kong babae.

Flashback

"You need to marry that young lady. Because she's carrying my great grand child. Gregory or  else I'm going to disown you" Banta ni Grandpa habang kausap ko siya sa Video Call.

Ayaw niyang may apo sa labas dahil si Grandpa anak siya sa labas ng Miller. Isa sa inutos niya sa amin na huwag kaming mag buntis ng babae kung hindi naman namin pakakasalan ang nabuntisan namin babae.

I don't have a choice!

Galit na galit si Dad at Mom dahil sa nangyari sa akin. Nasa South Hampton sila naninirahan. Nandun ang main ng Miller's Group building.

Damn this girl! Sinira na niya kami ni Amira pati sa pamilya at sa business. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa amin ni Amira. Sa kanya ko ibubuhos ang lahat ng frustration ko sa buhay. Nasira lahat ang pangarap ko.

Ngayon nag lalakad ang babaeng kinasusuklaman ko. Nakasuot ng puting gown. Dahil sa kanya tuluyan na kaming nasira ni Amira

Siya ang pangarap ko na ihaharap sa dambana. Buo na ang plano ko na magpapakasal kami pero dahil sa nangyaring pagtatalo namin. Uminom ako mag isa sa Elite bar.  Ayaw pa niyang magpakasal sa kin dahil hindi pa siya handa.

Flash back

Kanina ko pa napapansin ang babaeng mag isang nakaupo sa table.

She's beautiful. Kahawig niya si Scarlett Johansson nagkataon na itim ang kanyang buhok. Medyo malaman siya. Bakas sa mukha niya na hindi siya sanay sa ganitong lugar.

Napatingin ako sa waiter na pinag orderan nila ng drinks.

Hindi ko binitawan ang tingin sa waiter. Napansin ko na may kausap ang waiter na lalake. May inipit siya sa kamay. Itinuro niya ang babaeng nakaupo sa table kung saan nakatingin din ako.

Napakunot ang noo ko. Tutuusin wala naman akong pakielam. Nandito ako para maglimaliw. Hindi ko maintindihan ang kaba sa dibdib ko nang maisip na baka magahasa ang dalagitang babae.

Yes! She look so young because of her body says.

Bumaling ang tingin ko sa waiter lumapit sa bartender.

Binulungan niya at inabot ang pera sa waiter pareho silang napangiti. Kinuha ko ang cellphone para kunan ng larawan ang dalawa. Nag message ako sa may ari ng Elite Bar bago pinadala ang larawan.

Inabot ng waiter ang cocktail drink sa babae. Napansin ko napangiwi pa ang dalagita.

Hindi ko siya iniwanan ng tingin. Tumayo siya at gumigewang habang naglalakad sa daan. Kaya naawa ako sa kanya  kaya nilapitan ko siya.

Nagkunwari akong binunggo ko siya.

"I'm sorry. Miss" Umangat ang ulo niya.

Fuck! She's a Goddess! 

"I'm on heat! Please help me!" Nang aakit ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Sa oras na yun hindi ko napigilan ang init ng katawan ko sa kanya.

***

Nanginginig ang kamay ni Erica habang itinaas ang kamay niya saka ko inabot sabay kaming pumunta sa altar. Alam ko labag sa loob niya ang pagpapakasal sa akin.

Malamig ang tingin ko sa kanya. Wala ang magulang at kamag anak ko. Ayaw nilang pumunta sa kasal namin ng babaeng ito.

Nakatiim bagang ako habang nakikinig sa judge. Binigay ko sa kanya ang solemn wedding para hindi mahalata ng media na labag sa loob ko ang pagpapakasal kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status