Rosi's POVILANG araw na rin ang lumipas mula nang pumanaw si Don Isidro. Nagluluksa ang lahat sa pagkawala ng isang mabuting tao—para sa kanila.Hindi mabuting karanasan ang mayroon ako kay Don Isidro, pero kahit ganoon, hindi ko gugustuhin na mawala ito. At mas lalong hindi ako ang tipo ng tao na magsasaya dahil sa pagkamatay ng kapwa ko. Kaya hindi ko maatim makitang nagsasaya ang mga magulang ko.Nilingon ko sina Inay at Itay sa harap ng hapag habang kumakain sa loob ng dining. Nagluluksa ang lahat pero sila ay nagpaluto ng masasarap na pagkain. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing iyon habang nag-uusap na parang walang pinaglalamayan sa garden.Hinanap ng mga mata ko si Sixto. Kung mayroon mang pinakaapektado sa aming lahat, siguradong siya iyon. Para nang ama ang turing niya kay Don Isidro, at sa totoo lang, maliban sa mayordoma, ang don lang yata ang kakampi niya."Hindi ako makapaniwala na wala na si Don Isidro. Nagkita pa kami last month, at sobrang lakas pa niya."Nat
Rosi's POVPADABOG na isinara ni Inay ang pinto ng silid at saka pinagtatapon ang mga gamit na mahawakan ng kamay nito. Nagwawala na ito sa galit. Kahit si Itay ay hindi maipinta ang mukha."Tanginang matandang iyon! Bakit niya ibinigay ang lahat ng pera niya sa letseng charity at mga foundation na iyan! Mga wala naman kuwenta!""Itay, huminahon kayo.""Kung alam ko lang na ipamimigay ng matandang iyon ang lahat ng pera niya, sana ako na lang ang pumatay sa kaniya!""Itay, huwag kayong magsalita nang ganyan."Kinikilabutan ako sa mga naririnig at nakikitang reaction nila. Iba talaga ang dulot ng pera sa mga tao. Pero dahil din sa sinabi ni Itay, mas naging sigurado ako na wala talaga itong kinalaman sa nangyari kay Don Isidro.Siguro nga, itinago lang talaga ng matanda ang tungkol sa sakit niya sa puso. Iyon din kaya ang dahilan kung bakit minadali nitong maikasal kami ni si Sixto? Dahil alam niyang mawawala na siya?"Ano nang mangyayari sa atin ngayon, Lito?! Wala na lahat ang pera!
Sixto's POVNATIGILAN ako sa ginagawa nang biglang tinapon ni Rosi ang baso ng juice na dinala ko para sa kaniya. Pati ang cheesecake sa platito ay hindi nito pinalagpas at ibinato sa akin."Puwede bang iwan mo ako mag-isa?! Sinabi ko naman sa iyo! Ayaw kong makita iyang pagmumukha mo!""Rosi, gusto lang naman kitang dalhan ng pagkain. Kaunti lang ang kinain mo kahapon, baka magkasakit ka.""Wala kang pakialam kahit magkasakit ako! Kahit kailan talaga, bwiset ka sa buhay ko! Bwiset iyang mukha mo! Tigilan mo na ako, puwede ba? Huwag mo na akong sundan!"Halos madurog ang puso ko sa mga narinig na sinabi niya. Galit na galit ito at halos hindi na maipinta ang mukha.Sa loob lang nang ilang araw, tuluyang nagbago ang pakikitungo sa akin ng buong pamilya ng asawa ko—maging si Rosi. Lahat ng gusto nila, sinusunod ko para lang matanggap nila ako. Pero kaunting kibo, kaunting kilos, nagagalit sila sa akin. Iniinsulto ako at kung ano-ano pang masasakit na salita ang sinasabi."Lumabas ka! Ay
Sixto's POV"Bilisan n'yo! Kanina ko pa kayo pinagmamadali, ah?! Ang babagal naman!"Kalalabas ko lang ng office ni Don Isidro nang madatnan ko sa malawak na sala sina Inay, nagmamadali ang mga ito."Inay, saan kayo pupunta?""Ah! Wala kang pakialam!"Kinabahan ako nang maisip na aalis na ang mga ito. Agad kong nilapitan si Rosi na kabababa lang ng hagdan. Nakabihis din siya ng dilaw na bestida at naka-clip ang gilid ng buhok."Rosi, saan kayo pupunta? Aalis kayo?""Gustong mamasyal ni Inay. Family day ngayon."Natigilan ako sa narinig. Muli kong nilingon sina Inay na handa nang umalis."Puwede ba akong sumama?"Nilingon ako ni Rosi sa tanong ko. Hindi siya sumagot at wala rin reaksyon sa mukha niya. Nakatingin lang ito sa akin."Hindi ka puwedeng sumama! Nakita mo na ba iyang pagmumukha mo? Nakakahiya! Hindi puwedeng i-display iyang mukhang ganyan!""Inay, puwede naman ho ako magsuot ng cap o hoodie. Itatago ko ho ang mukha ko.""Hindi puwede!" Galit ako nitong pinamaywangan. "Dito k
Rosi's POVHanz Concepcion? Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa mukha niya. Kaya pala pamilyar ito sa akin! He's Hanz!"Are you okay?"Nakatulala lang ako habang nakatingin sa mukha nito. Hindi ako makapaniwala na matapos nang ilang taon, nagkita kami uli."Rosi!""Anak!"Napalingon ako kina ina at itay nang lapitan ako ng mga ito nang may pag-aalala sa mukha. Mabilis na dinuro ni Inay si Hanz."Hoy! Bakit hindi ka nag-iingat sa pagmamaneho, ha?! Bulag ka ba!" asik nito."Inay, tama na ho. Ako po ang may kasalanan.""Anong ikaw ang may kasalanan? Muntik ka na ngang mabundol nang dahil sa hinayupak na ito!""Inay!" Mabilis ko siyang hinila sa kamay. "Tama na ho. Nakakahiya.""I'm really sorry, ma'am. Kasalanan ko, hindi ako nakatingin sa daan. It's just that, I dropped my phone and I was trying to pick it up.""Hindi, okay lang, Hanz. May kasalanan din ako.""Kilala mo ba ang lalaking ito, ha?!" Hindi naaalis ang pagkakaduro ni Inay ng daliri niya rito. "Sino ka ba?!"Nginitian
Sixto's POV"Nandito ako para umakyat ng ligaw."Bigla akong natigilan sa narinig. Mabilis na bumangon ang inis sa dibdib ko nang makita kung paano nito titigan si Rosi. Hindi ba nito alam na kasal na ang babaeng gusto nitong ligawan?Gusto ko sanang magsalita pero natigilan ako nang makitang iniilingan ako ni Inay. Tiningnan din ako nito nang masama."Halikayo sa living room, Hanz, Rosi. Doon kayo mag-usap para may privacy kayo."Muli pa akong nilingon ni Rosi bago ito sumama sa living room kasama iyong lalaking tinatawag nilang Hanz.Susunod sana ako pero mabilis akong pinigilan ni Inay. "Sixto, ipagtimpla mo nga ng juice ang bisita at pati si Rosi.""Pero inay—""Sixto, kung gusto mong umayos ang pakikitungo ko sa iyo, itikom mo iyang bibig mo!""Inay, asawa ko ho si Rosi.""Asawa mo lang siya sa papel!" Nilapitan ako nito at dinuro-duro. "Ikaw pa ang may sabi, di ba? Na maghihiwalay kayo ni Rosi pagkatapos nang ilang buwan? Huwag mong sisirain ang buhay niya! Hindi pa ba sapat na
Sixto's POVILANG minutong napuno ng katahimikan ang paligid bago mabilis na lumapit sa amin si Inay at hinila ako palayo kay Rosi."Ano bang pinagsasabi mong pangit ka! Huwag ka ngang lalapit sa anak ko!""Inay, tama na.""Manahimik ka, Rosi!""Totoo ang sinabi niya, Hanz."Nabaling kay Rosi ang paningin namin dahil sa sinabi nito."Rosi, tumahimik ka sabi!""Si Sixto ang... asawa ko. Kasal kami." Ibinalik ni Rosi ang mga bulaklak at chocolates kay Hanz. "I'm sorry dahil hindi ko agad ipinaalam sa iyo."Matapos sabihin ang mga iyon, mabilis itong tumakbo paakyat sa hagdan. Gusto pa sana itong sundan ni Hanz, pero humarang na ako sa harap niya.Matagal kaming nagsukatan ng tingin. Madilim ang mukha nito at halatang galit pero hindi ako nagpatinag. Ako pa rin ang asawa ni Rosi. Kahit sabihin pang hindi ako mahal nito, ako ang mas may karapatan sa kaniya."Makakaalis ka na sa pamamahay ko, Hanz."Tinaliman ako nito ng paningin. Bago tuluyang umalis, nginisian pa niya ako na parang nagba
Sixto's POVMAAGA akong gumising para makapaghanda ng agahan. Hindi ko pa maiwasan ang mapapito habang abalang nagpiprito ng ulam. Nang matapos, iniwan ko lang sa dining ang mga pagkain at hinintay na lang na magising sina inay.Naglinis na rin ako ng buong bahay nang mapansing maaga pa para pumasok sa trabaho. Kasalukuyan akong naglalampaso nang makababa ng hagdan sina Inay at Gio."Magandang umaga! Inay, hindi ho ba umuwi si Itay kagabi? Gusto ko sana kasi siyang makausap.""Aba, malay ko! Baka nandoon na naman sa pasugalan ang lalaking iyon!" inis na sagot ni Inay habang nagkakamot ng ulo. Dumiretso ito sa dining.Naalala kong mahilig nga palang magsugal si Itay. Kaya ito nabaon sa utang kay Don Isidro dahil sa kakasugal nito."Nakaluto na nga pala ako, inay. Paborito n'yo po ang niluto ko, adobong hipon."Tumayo ako matapos kong maglampaso. Si Gio naman ay nakatayo lang sa gilid ng hagdan at nakasunod ang tingin sa akin. Papasok na sana ako sa kusina nang mapansin kong ginagaya ni