Share

Chapter 5: Sumbatan

Naglalakad si Shein papuntang Grocery nang may biglang sasakyan ang siyang humarang sa kanyang harapan. Napaatras si Shein hindi dahil sa takot siya kung hindi dahil sa pagkagulat. Bumaba ang tatlong kalalakihan doin at isang maputing babae na nakasalamin.

"Sino kayo?" tanong agad ni Shein sa mga ito ngunit lihim na naghahanda upang tumakbo kung saka-sakali.

"Miss Shein Dixie Alcantara?" sabi ng babae.

"O- Oo, ako nga bakit?!" nautal pang sagot ng dalaga.

"Puwede ka ba naming imbitahan upang makausap kahit saglit lang?"

"Wait, sino ba kayo? Saka hindi ako basta-basta sumasama sa mga hindi ko kakilala." Tanggi ni Shein.

Ngumiti naman ang babae.

"Hindi kami mga masasamang tao, I'm Gella kanang kamay ni Light Saavedra fiancee nang babae nakabangga mo si Azalea which is my best friend. Gusto naming ma- settle na ang lahat upang hindi na humaba pa ang sitwasyon or lumala pa." Saad nito.

Napalunok si Shein, naalala niya ang mabangis na binatang sumugod sa kanya doon sa hospital. Parang atubili siyang sumama paano na kung hindi na siya pakakawalan nang buhay?

"Pag-uusap lang ang gagawin natin rest assured, makakauwi ka pa rin nang safe kung iyon ang inaakala mo." Untag ng babae kay Shein.

"S- Sige!" mahina ang boses ni Shein na pumayag.

"Hop in please?" tugon naman ni Gella.

Lumulan nga si Shein sa nasabing sasakyan magtitiwala siya since kapwa naman niya babae ang nag- alok na mag- uusap lang sila ng amo nito. Wala namang kakaibang ginawa ang mga kasama nitong parang goon's na sa laki ng mga katawan. Ilang minuto lang at nakarating sila sa isang Mansyon. Naroon pa din ang pag-aalinlangan sa isipan ni Shein subalit gusto na din niyang matapos ang lahat. Umaasa siyang magkakaayos na sila ng lalaking fiancee no'ng babaeng nakabanggaan niya. After all, wala talaga siyang kasalanan sa nangyari aksidente iyon at kung tutuusin, iyonh babae ang may mali talaga sa kanilang dalawa.

Halos malula si Shein sa laki ng bahay, napakagara sa loob talagang bahay ng mayaman. Marami ding mga katulong na siyang pansamantalang kinausap ng babaeng nagdala sa kanya doon. Maya-maya pa'y sumenyas ang babae sa kanya na labas sila ulit malamang wala doon ang binata.

"Saan tayo ulit pupunta?" hindi napigilan ni Shein ang sarili na magtanong.

"Nasa burial hall si Boss doon na lang kayo mag-uusap." Sagot ni Gella.

Tumango na lamang si Shein gusto din niyang makita ang labi ng babae at nang maipanalangin din niya ito kahit papano. Kung gaano sila kabilis umalis ng Mansyon ay ganoon din sila kabilis nakarating sa burial hall kung saan nakalamay ang labi ni Miss Azalea. Kumakabog ang dibdib ni Shein ngunit kailangan niyang tapangan ang kanyang sarili. Hindi siya guilty dahil hindi naman talaga siya ang nagkamali sa naganap na aksidente.

"Si Boss?" narinig niyang tanong ni Gella sa isang bantay doon.

Pansin ni Shein ang gara nang lamay ng babaeng nakabanggaan niya. Maraming mga bulaklak, mga bantay malawak ang lugar at saka marami ding naroon. Nasa bungad pa lamang sila pero tanaw na tanaw ni Shein ang karangyaan ng nasabing lugar. Mapapalad talaga ang mga mayayamang katulad ng naka-encounter niya. Pero ganoon talaga ang buhay hindi pare-parehas may naka-aangat at mayroon ding nasa laylayan. Kapagkuwan ay inakay na si Shein sa isang hallway papunta sa likod ng burial hall. May malaki ding parang isang bahay doon na puno ng ilaw at may guwardiya sa harapan nito. Nagsenyasan lang ang mga ito at ang mga kasama niya saka sila pinapapasok sa loob. Dumiretso sila sa isang parang mini bar at may lalaking nakatalikod doon na umiinom nang alak. Wala sa sariling napalunok si Shein dahil kahit nakatalikod ang lalaki ay kilalang-kilala na niya kung sino ito. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lalaking guwapo pero nakakatakot naman ang ugali nito.

"Light, kasama ko si Miss Shein Dixie Alcantara. I hope you two will talk about the problem situation." Sabi ni Gella.

Agad na humarap ang lalaki na biglang nagdilim ang anyo nito pagkakita kay Shein.

"Leave us!" maawtoridad na utos ng binata.

Tumango lang si Gella at sinenyasan na nito ang kanyang mga kasama upang iwanan pansamantala ang dalawa. Nagsukatan naman nang tinginan sina Light at Shein at ramdam mo ang apoy sa pagitan nilang dalawa.

"Tell me, name your price I can give it to you just admit it that you are the one who is in fault of what happened to Azalea." Malamig na sabi ni Light.

Mapait na napangiti si Shein.

"Kahit bigyan mo pa ako ng isang milyon hinding-hindi ko aaminin ang kasalanang hindi ko naman ginawa." Sagot nito hindi niya naiwasang kumulo ang kanyang dugo.

"Matalim ang dila mo, ano nga bang ipinagmamalaki mo ha? Baka magsisi ka kung hahantong tayo sa husgado! You know what money can buy is, young lady!" wika ni Light.

"Alam ko, kaya nga mas lalong kawawa ang mga mahihirap na kagaya ko. Dahil ang batas ay para lamang sa mga mayayaman, pero maninindigan ako. Akala ko mag-uusap tayong dalawa to settle this mukhang ipapamukha mo lang sa akin na kayang-kaya mong bilhin ang batas." Saad ni Shein.

Pagak ding napatawa si Light at tumayo saka mas nilapitan si Shein.

"Nagpapakipot ka pa alam ko namang pera lang habol mo to clarify things. Name your price habang binibigyan pa kita ng chance at choice." Nakangising wika nito.

Matapang na tinitigan ni Shein si Light sa mga mata nito.

"Hindi ako mabibili ng pera mo, malinis ang konsensiya ko. Nobya mo ang talagang may kasalanan sa aksidenteng naganap nagbubulag- bulagan ka lamang. Ayaw mong tanggapin sa sarili mong, nagkamali siya kaya naganap ang hindi dapat maganap. Naaawa ako sa kanya pero siguro kapwa namin hindi kagustuhan ang mga nangyari." Pahayag niya.

"And who do you think you are!" singhal bigla ni Light.

Medyo nabigla si Shein sa biglang pagtaas ng boses ni Light or should she say, sinigawan siya nito.

"Who are you para ganyan lang ang sasabihin mo sa fiancee ko ha?! Wala na siya, hindi na niya maipagtatanggol ang kanyang sarili kaya ako ang maniningil sa'yo! Titiyakin kong magdurusa kagaya nang pagdurusa ko ngayon! Gagapang ka sa hirap, hindi ka patutulugin ng konsensiya mo at habang buhay kang mumultuhin ng nakaraan. Sisiguraduhin ko sa'yo iyon, Miss Alcantara!" muling singhal ni Light.

Napalunok si Shein pero hindi siya magpapatinag, wala siyang kasalanan alam ng Diyos iyo.

"Hindi mangyayari iyon dahil malinis ang konsensiya ko, Mr. Saavedra." Matigas niyang sagot.

Bigla siyang sinaklit ni Light at hinila palabas, dinala siya sa burial hall kung saan nakalagak ang labi ng fiancee nito. Kahit anong pagpupumiglas ni Shein ay hindi siya makawala, gulat lahat ang naroon. May umaawat subalit hindi nagpaawat si Light saka padarag na binitawan si Shein sa tabi ng kabaong ni Azalea.

"Look at her! You killed her, you killed her happy days with me and you killed her dreams to be!" sigaw ni Light.

Kumibot-kibot ang labi ni Shein kusang nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi lamang siya napahiya para na din siyang inapi dahil sa klase nang tingin ng mga naroon sa kanya. Para bang talagang siya ang sinisisi sa pagkamatay ni Azalea.

"W- Wala akong kasalanan alam ng Diyos!" garalgal ang boses ni Shein.

"Ha! Madaling sabihin 'yan, Miss Alcantara pero ang totoo ay itim ang iyong budhi! Sana, ikaw na lang ang nasa loob ng kabaong na iyan!" singhal pa rin ni Light galit na galit na ito.

"Oo sana nga ako na lang! Ako na lang sana para kayo naman ang hindi matahimik ang konsensiya. Kahit alam kong hindi ko makakamit ang hustisya kasi nga mahirap lang ako! Kayo na! Hindi porke't maralita lang ako kung sabihin niyong kasalanan ko kahit hindi ay maipipilit niyo! Alam ko namang hahabi rin ng ibang kwento ang fiancee mo kapag siya ang nabuhay at ako ang namatay!" umiiyak nang wika ni Shein napasigaw na rin siya.

"You will pay for what you did!" sigaw pa ring wika ni Light.

"Sige! Ipakulong mo na akooo! Oh kaya, patayin mo na rin ako sa harapan ng Mama ko para maging masaya ka na! Malaya ka, patayin mo na rin akoooo!" hysterical na sabi ni Shein dahil sa magkakaibang emosyon na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Biglang tahimik ang lahat, para bang natulala si Light at hindi nakagalaw. Siya namang paglapit ng isang Ginang at niyakap si Light, pinapakalma nila ito. Lumapit din si Gella kay Shein subalit iwinaksi nito ang kamay ng babae.

"Kaya kong umuwi nang wala ang tulong niyo!" sabi ni Shein sabay lakad paalis sa lugar na iyon.

Pero sa loob- loob nito ay piping nagdarasal na sana ay makalabas pa siya nang buhay sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung saan siya kumuha nang tapang niyang sagot- sagutin si Light kahit pa alam niyang wala siyang kalaban- laban kung balak siyang patayin na doon. Ngunit kailangan niyang maging matapang para naman hindi mamimihasa ang mga mayayaman na basta-basta na lamang nilang inaapakan ang mga mahihirap na kagaya niya.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Alming Gravinez
Sana may next pa po
goodnovel comment avatar
Precy Alonzo
next please
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kawawa Naman SI Shien
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status