Share

Chapter 15

"Okay na po ang anak niyo, miss Chua. Nagkaroon lang siya ng panic attack kaya nagdugo ang ilong niya at nawalan ng malay. Ang kailangan lang niya ngayon ay sapat na pahinga."

Nakahinga ng maluwag si Katya sa narinig. "Salamat po, Doc."

"Walang anuman. Sige at may titingnan pa akong ibang mga pasyente."

Muling ginagap ni Katya ang kamay ng anak at mahinang umusal ng pasasalamat. Akala niya ay mawawala na ito sa kanya. Sobra talaga siyang nag-alala.

"Paano mo nalaman na nandoon si Connor?" tanong ni Gio na nakatayo lang sa gilid at tahimik na pinagmamasdan ang dalawa.

"Sa CR talaga siya pumupunta upang magtago kapag natatakot siya," sagot niya habang pinagmamasdan ang anak. Sobrang putla ng mukha nito. Katulad ng hinala niya ay nasa CR nga si Connor. Ang matindi nga lang doon ay nasa kisame pa ito ng banyo at hindi na niya alam kung paano pa umakyat ang anak doon. Naglambitin siguro sa bintana. Wala naman silang lahing unggoy. Sinulyapan niya si Gio. Ito siguro ang may lahi ng uranggut
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status