Share

Chapter Three: Trouble

GRAY

I can't get out of my mind the commotion that happened in the cafeteria a moment ago, a girl poured juice on Aria that made her mad so bad. Malayo ako sa pwesto nila, pero tanaw na tanaw ko kung paano nakipag-away si Aria sa babaeng pinaiyak niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng engkwentro nila kanina ngunit wala na akong pakialam doon. 

Ang paulit-ulit lamang sa isipan ko ay kung papaano inangasan ni Aria ang babae kanina— Hindi ko maitatanggi na humanga at nagulat ako sa ginawa niya. Sa kilos ni Aria ay halatang wala siyang kinatatakutan ni sino sa eskwelahan na ito. Maliban sa akin ay may iba pang guro ang nakakita sa gulong naganap dito sa cafeteria, pero katulad ko ay wala silang naging aksiyon. 

Base pa sa naging usapan ng mga guro na nakaupo lang malapit sa table ko ay sanay na sanay na sila sa pag-iiskandalo ni Aria at pakikipag-away sa ibang estudyante. Gaya ng mga narinig ko mula sa mga kaklase niya kanina ay madalas na talaga itong tambay sa guidance gawa ng mga kaguluhang kinasasangkutan nito. Unang araw ko pa lang sa trabaho ay kuhang-kuha na ni Aria ang atensyon ko— Sh*t! I know I already promised myself to stay away and avoid attachment to my students, but damn it!

She's hot… She’s really hot. She’s gorgeous and at the same time, she’s differently cool. Gayunpaman ay hindi ko maiwasang magamba para sa kanya, sa kinikilos niya rito sa unibersidad ay malaki ang posibilidad niyang ma-suspend o ‘di kaya naman ma-kickout kung magpatuloy pa ang pagtambay niya sa guidance.

How long has she been doing this at Easton University? From the way she acted earlier, it was as if it was just normal to her.

“Aria is a hottie, Pare! Kung ‘di lang nananapak ang chix na ‘yon ay malamang niligawan ko na rin siya.” As soon as I heard the name of the girl that had been hanging around in my mind for a while, my eyes immediately went to the group of boys in front of the table where I was sitting now.

“Ilang buwan ko nang pinopormahan si Aria, wala— mas maton pa siya sa tatay ko, e.”

“Baka kasi totoong tibo talaga siya… Mukhang babae rin ang hanap.”

Even though I don't want other men to talk about the woman who stirs up my life now, I keep listening to them. I just want to know more about her—she's really an interesting girl after all.

“I don’t think she’s really into girls— Ayaw niya nga sa mga babae, right? Kita mo ba ang nangyari kanina? Ang ganda rin ng babaeng inaway niya kanina pero pinaiyak niya pa rin sa takot.” natuon ang tingin ko sa lalakeng nagsabi niyon, pamilyar siya sa akin dahil isa siya sa mga kaklase ni Aria sa Class 5-2.

“Sa palagay ko, sadyang wala lang nakikita si Aria sa EU na papasok sa standards niya. She’s not just like the typical girls here… Aria is a type of girl who has high standards. Kapag naging kayo— Dude, ikaw na ang pinakamaangas na lalake na makikilala ko sa buhay ko.” dagdag niya pang sabi.

Narinig ko pa na sumagot ang mga kaibigan niya sa kaniyang binanggit ngunit ang utak ko ay nanatili lamang sa mga sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit invested na invested ako kay Aria. 

He’s right. Having Aria as your girl is an honor and a flex. Kahit wala pang isang buong araw ko siyang nakilala ay masasabi kong sobrang taas niya kumpara sa ibang babae na narito sa Easton University. 

I don't know why I am like this— but I like the idea of owning Aria as my girl.

But how do I do that if she's one of my students? I hate this! I fucking hate this!

“Huwag na kayong umasa sa kaniya, she's out of our reach. Baka mamuti na lang ang mga mata natin ay hindi pa rin natin makuha ang atensyon niya.” Banggit pa ng isa sa kanila. Sa hindi malamang dahilan ay masama ko itong tinignan kahit hindi naman talaga ako kasali sa pag-uusap nila.

I was just triggered— I felt like he underestimated my ability to get the attention of the girl we both liked.

F*ck it, Grayson! I don't understand why I'm being childish about this. I should stop thinking about her— I can't let my student drive my mind crazy. She's my student for heaven's sake!

I can't just think about her all day. I really want to do my job properly, professionally, and clean here on Easton University— F*ck!

Bakit ba kasi naging maganda pa siya sa mga mata ko? Paano ko naman maiiwasan hindi mabaliw sa babaeng katulad niya? Women like her are my weakness. How am I supposed to stop myself from wanting every inch of her—  Damn it!

***

I am currently here in the faculty of other teachers because I was assigned today to replace Ms. Chro. She's not here today since the lady is sick, at dahil nalaman kong section nila Aria ang klase sana ni Ms. Chro ngayon ay mabilis pa sa pagkurap akong pumayag bilang substitute instructor nila.

But to clarify things, wala naman akong masamang intensyon kay Aria kaya pumayag ako rito sa bagay na ito. Sadyang gusto ko lang naroon sa klase nila, dahil gusto ko lang siya ulit makita. This time, I will behave myself… I’m really trying to avoid doing crazy things just because I find her interesting.

“Thank you, Mr. Carter!” The head of the English department thanked me when she gave me Ms. Chro’s lesson plan.

Hindi na rin naman ako nagtagal sa faculty nila pagkatapos niyon dahil dadaan pa ako saglit sa sarili kong opisina sa paaralan na ito. Kinuha ko lang sa opisina ang laptop ko at nagtungo na rin naman kaagad sa classroom nila Aria dahil limang minuto na lang ay matatapos na ang lunch break.

“Good afternoon, Class 5-2!” pagbati ko na mabilis kinatahimik ng lahat. “I hope you are not tired of my face, students…”

“Sir, bakit po ikaw!?” one of my male student asked. I can feel the annoyance in his tone when he asked me that, sa mukha pa lang niya ay alam kung hindi niya gustong narito akong muli sa klase nila. Seeing the reaction of my male students of me being here again, I just smiled at them and slightly lifted the book I was carrying for their Rizal's Life and Works class today.

“Ms. Chro is sick today, class. Ako muna ang magsisilbing bantay niyo sa klase habang ginagawa ninyo ang mga iniwan niyang activities sa araw na ito.” pormal kong paliwanag sa kanila na agad namang kinatango ng karamihan. 

“OMG! Biyaya from heaven na naman… Nandito ulit si Sir Carter!” rinig kong komento at kilig ng mga babae kong students ngunit hindi sa kanila natuon ang atensyon ko. Mabilis kong inilibot ang mga mata para hanapin ang babaeng nais kong makita, gayunpaman ay sobra akong nadismaya nang hindi ko siya makita sa tabi ng kaibigan niyang si Brooklyn. 

Nasaan siya? 

Dismayado man na wala rito si Aria ay wala akong nagawa kundi ipagpatuloy ang tungkulin ko rito bilang substitute teacher nila. Itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa paghahananp ng pahina sa librong dala kung saan matatagpuan ang activities na nakalagay sa lesson plan ni Ms. Chro. Because I didn't feel like talking anymore, I just wrote on the whiteboard the pages of activities they needed to do today.

Nang makaupo na sa kani-kanilang upuan ang mga estudyante ko ay naupo na rin ako sa teacher’s table para gawin  na lang ang presentation na gagamitin ko sa last class ko sa araw na ito mamayang alas kuwatro ng hapon.

The noisy class earlier miraculously quieted down, but it didn't last long when the classroom door slammed loudly, causing noise throughout the class. I was about to get very angry at what just happened, but I saw Aria standing there with her beauty and a poker face.

Pero hindi talaga ang ginawa niya ang pumukaw sa atensyon ko— sa atensyon naming lahat… Base sa mga narinig ko kanina sa iba’t ibang tao ay never nag-uniform si Aria sa eskwelahan na ito, kaya ngayon na nakita ko siyang nakasuot nito ay sobra akong nahinto sa kinauupuan ko. I forced myself to act normal, but my eyes automatically scanned her from head to toe.

She’s wearing the short skirt of their uniform together with a high-knee sock. Maging ang mahaba niyang buhok ay naka-braid… She’s cute— Yes, her whole body is really beautiful and sexy; But she’s so cute in my eyes right now. The way her cheeks turned red the moment everyone looked at her, alam ko nang hindi niya ginusto kung ano man ang itsura niya ngayon.

Ito lang siguro ang nakita niyang paraan para makapagpalit ng damit dahil sa nangyari sa suot niyang t-shirt kanina sa cafeteria. She’s adorable, I can’t even lie. Gayunpaman ay pilit kong tinatago ang ngiting namumuo na sa labi ko habang ang mga mata ko ay nanatiling nakatuon lamang sa mukha niyang hindi na maipinta ang lagay ngayon.

“Ang sexy nga talaga ni Aria, Pare!” bulong ng isang lalaki sa bandang gilid ko na agad sumira sa ngiting itinatago ko.

Alam ko namang parehas lang kaming humahanga sa kagandahang tinataglay ni Aria, pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis sa tuwing may ibang lalake ang naglalabas ng paghanga sa babaeng hinahangaan ko rin. I know I have no right to be possessive towards Aria, but I couldn't help it. She's driving me insane even though it has been only the first day since I met her— This is not good!

“You are late, Ms. Lindsei. Maupo ka na dahil nagsisimula na ang activities niyo sa araw na ito.” basag ko sa halo-halong bulungan tungkol sa eksenang nabuo na naman ni Aria sa buong klase.

Gaya ng inaasahan ko ay hindi na siya sumagot sa sinabi ko at sinunod na lamang ito. Sinundan lamang siya ng mga mata ko hanggang sa makaupo na siya sa kaniyang upuan katabi ng kaibigan niya. Dahil mukhang invested pa rin ang buong klase kay Aria ay nagsalita na akong ibalik na ang kanilang atensyon sa pinagagawa kong activities na galing sa guro nilang wala rito ngayon.

Sa pangalawang pagkakataon ay naging tahimik muli ang klase at natuon ang lahat sa ginagawa maliban sa akin, kay Aria, at sa kaibigan nitong si Brooklyn. Nanatili ang mata ko sa kanilang dalawa na hindi naman nila napapansin dahil abala sila sa pagbubulungan sa bagay na hindi ko alam.

Pilit kong binabasa ang ekspresyon ni Aria kaya tuon lamang ang mata ko sa kaniya, para bang may kung anong bagay na naman ang muling nagpapa-inis sa kaniya sa mga oras na ito. Kunot ang noo niya habang paulit-ulit tinitignan ang hawak niyang telepono. Iritable ito habang may kung anong sinasabi sa kaibigan niyang kausap.

“SHT!” malakas na mura nito na alam kung hindi niya sinasadya dahil halata sa kaniyang ekspresyon na nagulat siya sa bagay na nabasa niya sa hawak na telepono.

“Ms. Lindsei!” hindi ko na napigil na tawagin ang atensyon niya. Kahit inuunawa ko siya sa pag-uugaling mayroon siya ay gusto ko pa rin na malaman niyang kailangan niyang kontrolin ang mga ekspresyon niyang ganito— lalo na’t nasa eskwelahan siya.

Nang mapunta na sa akin ang mata niya ay hindi siya sumagot, bagkus ay tumayo siya sa kinauupuan at dire-diretsong lumapit sa harap ng table ko. Diretso lang din ang tingin ko sa kaniya ngunit sa loob ko ay ramdam ko ang abnormal na pagbilis ng tibok ng dibdib ko— Ano bang ginagagawa ng babaeng ‘to sa sistema ko? Bakit ba para akong nagiging tanga sa harap niya? F*ck!

This is not normal… Ako ang nagpapatibok ng dibdib ng mga kababaihan, hindi ako ang pinapakilig nila. Ano bang mayroon sa ‘yo, Aria?

“Sir, can I skip this subject!?” diretsong tanong niya na kinahinto ko pang muli.

Why did she want to skip my class? Talaga bang ayaw niya sa akin kaya maging itong sub class ko sa kanila ay nais niyang lagpasan?

“Sir!?” tanong niyang muli na siyang kinatingin ko rin sa kaniya ng mariin. Nang makita niya ang ginawa kong bahagyang pag-iling ay kusang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Ang kaninang animo’y kuting na nagpapaalam sa akin na aalis ay mabilis naging tigre habang nagtatangis ang ngipin habang nakatingin pa rin sa akin ang mga mata.

She’s now really mad, but I can’t just let her skip my class.

“F*ck!” bulong nya sa kaniyang sarili pero dahil matalas ang tainga ko ay nagawa ko pa rin itong marinig. She’s wild…

“Ang kinis mo naman, Aria—” hindi na nagawang tapusin ng lalake ang sinasabi niya nang isang malakas na sampal ang narinig naming lahat. 

In an instant, the man who said that to Aria was holding his left cheek while moaning from the pain caused by the slap. “Aray ko naman, A-aria… Nagbibiro lang, e.”

“Pwede ba, Felix!? May problema ako ngayon kaya huwag mo nang gustuhin na dumagdag pa.” inis at halatang seryoso si Aria nang sabihin iyon. Dahil sa narinig ay muling kumunot ang noo ko bago niya ako muling tapunan ng tingin. “At ikaw naman, Sir Gray! Payagan mo na akong lumabas kundi magkakaroon ng gulo rito!” 

Sa sinabing iyon ni Aria ay muling lumakas ang bulungan sa buong klase habang ako naman ay pilit pinapakalma ang sarili ko na huwag lubos magalit sa kaniya. Oo nga’t hinahangaan ko ang kagandahan niya, pero lumalala na ang trato niya sa akin bilaang kaniyang propesor.

She needs to learn her lessons— Walang halong biro. She’s cool, yes! But I want her to learn how to value herself and stop being so stubborn all the time. Mas magiging maganda pa siyang lalo sa mata ko kung nirerespeto niya ako bilang—

“Aria!” sigaw ng isang babae sa labas habang malakas na kumakatok sa pintuan. Kita ko kung papaano umirap ang mga mata ni Aria bago siya naglakad papuntang pinto, mabilis nangyari ang lahat at hindi ko na nga nagawa pang makatayo sa kinauupuan ko nang sa isang iglap ay natagpuan ko na lamang si Aria na natumba na sa sahig gawa ng marahas na pagtulak sa kaniya ng babaeng pinagbuksan niya ng pinto.

Muli ay napuno ng ingay ang buong klase kaya tuluyan na akong tumayo sa kinauupuan ko. Tutulungan ko na sanang makatayo si Aria at para mapigilan ko na rin ang susunod pang mangyayari nang marahas muling umaksiyon ang babae at hinila na lang patayo si Aria para hilain paalabas ng classroom.

Sa eksenang naganap ay labis akong naguluhan. Mabilis lang silang nawala sa paningin ko nang silipin ko pa sila sa hallway, dahil hindi maintindihan ang kaganapan ay tinapunan ko ng tingin ang buong klase na pareho ko ay halata ring naguluhan sa mga nangyari ngayon lang.

“P-professor…” utal na tawag sa akin ni Brooklyn na halata ang pag-aalala sa mukha. Lumapit siya sa akin para mahina lamang niyang masabi ang nais niyang sabihin.

“Anong nangyayari!?” nagsimula na akong mainis sa kung ano-anong bagay na nangyayari sa oras na ito. 

“May nagtext po kasi kay Bessie Aria… ‘Yung babae po na ‘yon. Galit na Galit siya kasi po hiniwalayan daw siya ng boyfriend niyang si Zayn dahil kay Aria.” mahina lang ang sinabing iyon ni Brooklyn na sapat lang na marinig ko. Hindi ko naiwasan kumunot ng noo dahil naguguluhan pa rin.

“What?”

“Habulin po kasi si Aria ng gulo— este ng mga lalake rito, Prof. Dami pong may galit sa kaniyang girlies kasi palagi nilang sinisisi si Bessie ko na mang-aagaw ng boylets nila.” paliwanag pa niya sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya nanatili akong nakikinig sa kaniya.

“Hinamon niya po ng away si Bessie sa garden, Professor Gray! Kilala ko po si Aria, Prof, kapag nainis siya ay walang nakapipigil sa kaniya… Baka po may guidance na naman po siya sa bagay na hindi naman po siya ang nagsimula.”

Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Brooklyn ay tuluyan na akong nagising sa sarili ko at bahagyang tumango. Aminado akong naalarma ako sa sinabing ‘yon ni Brooklyn, I need to do something to stop their nonsense business. Alam ko na namang matapang na babae si Aria sa gulong katulad lamang kanina sa cafeteria, but I couldn't stop myself from worrying that she might be hurt by what is happening.

Maliban sa ayaw ko siyang masaktan ay ako pa ang may responsibilidad sa kaniya dahil ako ang teacher na may hawak ng schedule nila. Kasalanan ko agad kapag may kung anong masamang mangyari sa kanila roon kapag hindi ko napigilan ang sakitan nila. 

Ano ba itong napasok ko rito sa Easton University? Sa unang araw ko palang ay kung ano-ano na ang naranasan ko… F*ck! Bakit ba kasi lapitin ka pa ng gulo, Aria? Pati ako ay gulong-gulo na sa nararamdaman kong ito. P*tang ina!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status