TREXIE POV Katulad ng reaction ni Mama Ashley, gulat na gulat ang ama ko na si Ryder James Sebastian ng pagkauwi nito galing sa opisina nang kaagad na ibinalita ni Mama sa kanya ang naganap na hiwalayan namin ni Dominic. Maraming tanong na ibinato sa akin katulad na lang kung ano ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay naming dalawa pero iisa lang ang naging sagot ko. Hindi kami compatible ni Dominic at hindi ko pangarap na maging plain housewife habang buhay. Alam kong mababaw na dahilan at hindi kapani-paniwala pero laking pasalamat ko dahil hindi na nag-insist na magtanong ni Papa Ryder. Aware din akong tatawagan din naman nila si Dominic para i-confirm nila ang hiwalayan naming dalawa Gayunpaman, ready na ako sa mga posibleng mangyari. Ngayung tuluyan ko ng nilayasan si Dominic wala akong choice kundi harapin ang buhay ko na mag isa. Malungkot akong napabangon ng kama. Halos hating-gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Patuloy na ginugulo ng isipan ko ang tungkol kay D
CHOLO POV Pagkaalis ni Dominic at ng grupo niya dito sa kwarto ko galit akong napababa ng kama. Kaagad kong hinagilap ang lighter at sigarilyo sa night stand at kaagad na nagsinidi ng isang stick ng sigarilyo.Sumipsip at bumuga ako ng usok bago ko galit na binalingan ng tingin ang babaeng kaniig ko kani-kanina lang."What are you waiting for? Get lost!'" pasigaw kong bigkas sa kanya. Taranta naman itong napabangon ng kama at hubot hubad na hinagilap ang mga nagkalat na kasuotan sa sahig.Sinira ng Dominic na iyun ang gabi ko! Imbes na nag eenjoy sana ako sa katawan ng babaeng kasama ko ngayun, bigla na lang tuloy akong nawalan ng gana. Sino ba naman ang matutuwa kung ganitong nadagdagan na naman ang sakit ng katawan ko. Dahil iyun sa lintik ng Dominic na iyun!Wala sa sariling hinaplos ko ang sarili kong panga sabay ngisi. Hindi alam ng Dominic Dela Fuente na iyun ang kaya kong gawin. Makakaganti din ako sa kabaliwan na ginagawa niya sa akin. Nakakarami na siya sa akin at sisigur
TREXIE POV "Ano? Bakit kailangan mo pa itong gawin anak?" kaagad na tanong sa akin ni Mama Ashley ng i-open up ko sa kanya ang plano ko. Nahihiya akong napayuko. "Ma...please. Sana payagan niyo muna ako. Bago kami ikasal ni Dominic, ito na po talaga ang pangarap ko!" sagot ko Tinitigan ako ni Mama bago dahan-dahan na tumango. "Tapatin mo nga ako Trexie...may hindi ba magandang nangyari sa pagitan niyong dalawa ni Dominic kaya ka nagkakaganito?" muling tanong nito. Kaagad naman akong umiling Nandito na naman kami sa topic na ayaw ko ng pag usapan pa. Sa ngayun, ang gusto ko lang naman ay ang makalayo na lang muna para makalimot. "Kahit one year lang po Ma. Para din naman sa kumpanya ang gagawin kong ito." sagot ko. Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ni Mama bago ito sumagot. "I know..para din sa kumpanya ang gagawin mo, pero pwede naman na dito ka na lang sa Pilipinas mo ipagpapatuloy ang iyung pag aaral. Ayaw mo ba talaga kaming makasama ng mas matagal anak? Bakit
TREXIE POV Pagkasara ko ng pintuan ng kwarto, lalong nag uunahan sa pagpatak ang masaganang luha sa aking mga mata. Impit akong napaiyak lalo na ng marinig ko ang banayad na katok sa pintuan ng aking kwarto mula kay Dominic. HIndi pa rin siya umaalis at umaasa marahil siya na muli ko siyang lalabasin upang mapakingan kung ano man ang mga paliwanag niya. "Trex...please mag usap tayo! Huwag mo naman sana itong gawin sa akin....please!" narinig kong bigkas ni Dominic. Bakas sa boses nito ang lungkot kaya kaagad kong itinakip ang dalawa kong kamay sa aking tainga. Ayaw ko ng pakingan pa kung ano man ang sasabihin niya ngayun dahil mas lalo lang akong masasaktan. Ayaw ko nang maging marupok. Ilang saglit din akong nagbibingi-bingihan sa mga sinasabi ni Dominic mula sa labas ng kwarto bago ko naramdaman ang pag alis niya. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa aking kama at nanghihinang napaupo. Hindi ko alam kung hangang kailan ako masasaktan. Pilit ko naman sanang isinisiksik s
DOMINIC POV "Boss, nakaalis na po ng bansa si Mam Trexie." balita sa akin ni Ricardo. Nandito ako sa bar counter ng bahay at abala sa kakatungga ng alak. Hindi ko alam kung hangang kailan ko matatangap ang paninikis na ginagawa sa akin ni Trexie. Hirap na hirap na ang kalooban ko at dumating na ako sa punto na gusto ko na lang magmukmok buong araw para makalimutan ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Ginawa ko naman ang lahat para maging maayos ulit ang relasyon namin pero talagang sinukuan niya na ako. Tuluyan na siyang lumayo sa akin at panahon na lang siguro ang makakapag- sabi kung kailan niya ako mapapatawad sa lahat ng aking mga kasalanan na nagawa. "Ihanda niyo ang kotse. Bibisitahin ko ang father in law ko." utos ko kay Ricardo. Yumukod muna ito sa akin bago nagmamadaling lumabas ng bahay. Inisang lagok ko ang lamang alak sa baso bago ako nagmamdaling tumayo at pumunta sa garahe kung saan naka-ready na ang kotse. Ngayung araw, ikukumpisal ko sa ama ng babaeng ma
DOMINIC POV "Umalis ka na dahil kahit na ano pa ang gawin mo, kami na mismo ang hahadlang para muling bumalik sa iyo ang anak ko!" kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Papa Ryder habang sinasabi sa akin ang katagang iyun. Laglag ang balikat na naglakad ako palabas ng kanyang opisina. Hindi ko siya masisisi kung halos isumpa niya man ako ngayun. Masyado pang sariwa ang mga nangyari kaya hindi ko na muna ipipilit kong ano man ang gusto ko. Susundin ko muna ang payo ni Mommy sa akin na kailangan ko munang magpatingin sa psychologist para maagapan ang anger management issue ko. Kailangan kong baguhin ang sarili kong pag uugali para sa muling pagkikita namin ni Trexie, ibang Dominic na ang kanyang masisilayan. Lulugo-lugo akong naglakad patungong elevator. Tangap ko na sa sarili ko na galit sa akin ang lahat. Sabagay, sino ba naman ang matutuwa sa mga pinanggagawa ko kay Trexie? Lintik naman kasi...bakit ba ang tanga-tanga ko? Bakit ba kung saan tuluyan na lumayo ang loob niy
TREXIE POV 'New environment! New life!' iyan ang tumatakbo sa isipan ko habang inililibot ko ang tingin sa paligid ng unit kung saan ako pansamantalang titira habang nandito ako sa US. Malungkot akong napangiti. Kung hindi dahil kay Dominic never kung maisip na umalis muna ng Pinas. Mas gustuhin ko pa ring manatili ng Pinas at makasama lahat ng mga mahal ko sa bahay kumpara dito na alam kung simula ngayung araw, mamumuhay na akong mag isa. Inayos ko lang ang mga gamit ko bago ako nagpasyang lumabas para maghanap ng makakainan. Kailangan ko din mamili ng mga gamit sa kusina kaya alam kong magiging busy ako nito sa pagdaan ng mga araw. Nagiging maayos naman ang mga unang lingo ko dito sa US. Habang hindi pa nag start ang klase, wala akong ginawa kundi ang magkulong sa aking unit at manood ng mga movies. Sa pamamagitan nito maibsan man lang ng kahit kaunti ang pangungulila na nararamdaman ko para kay Dominic pati na din sa aking mga magulang. Isang umaga. Nagising ako na mas
TRXIE POV THREE YEARS LATER "Sure ka na ba sa desisyon mong iyan? Hindi ka na ba talaga papigil?" Kaagad na tanong sa akin ni Denise habang abala ako sa pag-iimpake ng aming mga gamit. Mamayang hapon na ang aming flight pauwi ng Pilipinas at hangang ngayun hindi ko pa rin lubos maisip na nakaya kong magtagal sa bansang ito ng tatlong taon. "Yes...kinukulit na ako nila Papa at Mama eh. Gusto na din daw nilang maalagaan ang mga apo nila." nakangiti kong sagot sabay sulyap sa dalawang bata na natutulog. Yes..sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong nalaman ko na nagdadalang tao ako. Mabuti na lang at sa mga panahong down na down ako ay nasa tabi ko palagi si Mama Ashley. Sinasamahan ako lalo na at pagkapanganak ko, nagsuffer ako ng postpartum depression. Mabuti na lang din at nasa tabi ko palagi ang itinuring ko ng best friend na si Denise. Isang ganap na Doctor na din ito at nakatakda din siyang umuwi ng Pinas sa susunod na lingo upang pamahalaan ang hospital na pag