MOS: CHAPTER 03
GABRIELLA GOMEZ POVNagbabake si Mama ng cupcake kaya kaming dalawa ni Papa ay naghihintay na matapos siya.Si Kuya naman ay kanina pa nagtitipa sa cellphone niya. Napaka busy niyang tao."Papa," mahinang bulong ko sa kan'ya."Bakit? May naisip kabang kalukuhan?" tanong niya sa 'kin."Hablutin mo 'yong cellphone ni Kuya. Tingnan natin sino kausap niya.""Ang galing mong mag isip. Alam mo bang pangarap kong maging holdaper," nakangiting sabi niya.Napakunot tuloy ang nuo ko sa sinabi niya.Agad naman niyang kinuha ang cellphone ni Kuya na agad nataranta."Papa!" Sigaw ni Kuya ng biglang tumakbo si Papa."Papa basahin mo!" sigaw ko at sumunod sa kanila.Bigla namang nabawi ni Kuya ang cellphone niya. Napanguso naman si Papa habang nakatingin kay Kuya."Sino si Bee? 'Wag mong sabihin sa 'king girlfriend mo? Naku! Gabriel! Ayaw kong magkaroon ang lahi natin ng bubuyog."Napatawa naman ako sa sinabi ni Papa."Hindi ko girlfriend 'to! Bee lang talaga pangalan niya," sagot ni Kuya at bumalik sa kusina.Rinig namin ang pag door bell. Kaya agad akong tumayo bago ito binuksan.Si Titus!"Naparito kayo?" tanong ko kay Marco. "Dinadalaw mo ba ang future wife mo?" baling ko kay Titus.Ngunit tahimik lang siya na para bang sobrang lalim ng iniisip niya. Pumasok lang siya bigla at iniwan ako rito. Napanguso nalang ako at sumunod sa kanya."Maliligo kami d'on sa pool sa last floor Papa," pagpaalam ni Kuya.May Swimming pool kasi sa taas. Garden kasi ang nasa labas ng bahay namin."Sama ako," sunod ko sa kanila.Ng makarating na kami roon ay agad ng naghubad si Marco at tumalon sa pool ng walang pasabi sabi. Pati narin si Kuya. Habang si Titus naman ay dahan dahang nilagay ang libro sa isang mesa bago naghubad ng damit.Pero...Bakit naka sleeve less siya?"Ang init 'no?" tanong ko sa kan'ya at lumapit."Oo." Sagot niya at akmang lalangoy ng may sinabi pa ako sa kan'ya."Hubaran mo nga ako."Imbes na tumalon siya para lumangoy ay bigla siyang nadulas at nahulog sa pool.Buti nalang marunong siyang lumangoy at agad siyang nakaahon.Nasa gilid lang ako nakaupo habang sila ay naliligo. Ayaw niya kasi akong hubaran eh.Bigla namang dumating si Papa dala ang cupcake kaya tumayo ako at lumapit sa kaniya bago kumuha ng isa. Umahon narin sila bago lumapit kay Papa."Thank you." Magalang na sabi ni Titus at umupo do'n sa gilid."Ang gwapo niya 'no," bulong ko sa kan'ya ng mapansing nakatingin siya kay Titus."Mas gwapo pa ako dyan 'no," nakangusong sabi ni Papa."Alam ko naman 'yon. Pero hindi kita pwedeng jowain. Nakauna na si Mama sa 'yo eh," tawang sabi ko sa kan'ya."Ang sarap Tito!" sigaw ni Marco at nag thumbs up pa."Yeah. Masarap nga," pag sang ayon naman ni Titus."Mas masarap ako d'yan Titus. Try mo."Bigla naman akong binatukan ni Kuya. Ang sakit n'on ha."Tigilan mo kaibigan ko.""'Wag mong batukan." Galit na sabi ni Mama na kakarating lang at binatukan si Kuya."Aray naman! Kinakampihan niyo na naman siya."Binelatan ko lang siya. Inirapan niya naman ako bago siya naligo ulit sa pool.Galit 'yon?Sumunod narin sina Mama at Papa. Nakiligo narin sila lalo si Marco. Habang si Titus naman ay nasa gilid lang nakatingin sa mga naliligo.Lumapit ako sa kan'ya at tumabi."Masarap ako. Ayaw mo 'kong tikman?" tanong ko sa kan'ya.Hindi niya ako pinansin.Ano bang dapat kong gawin? Para naman mapansin niya ako?"Anak! Alam mo bang magaling ako sa mga cold cold voice na yan," panira ni Papa. "Get away from me you fucking bitch," malamig na sabi ni Papa kaya napatawa ako sa sinabi niya.Nakigaya narin si Marco."Ikaw kaya mo?" tanong ni Papa sa 'kin."Hindi eh. Pinanganak kasi akong hot," sagot ko.Tumawa naman sila. Mahina ring natawa si Titus. At dahil katabi ko lang naman siya narinig ko ang tawa niya.Kami lang 'ata ni Titus ang nakaubos ng cupcake. Pero mas masarap siguro 'pag kumakain kami habang nag chikahan kaya lang mukha naman siyang hindi madaldal kaya 'wag nalang.Nang umahon na sila ay tumayo narin ako naligo si Marco sa banyo ni Kuya habang si Mama at Papa naman do'n sa kwarto nila."Sa banyo ko nalang ikaw maligo," sabi ko kay Titus.Tumingin naman siya kina Kuya na parang humihingi ng tulong."Huy! Wala akong gagawin. Baka sa sobrang ganda ko ikaw pa ang may gawin sa 'kin."Iniwan ako nila. Mga bwesit! Maganda naman ako ha."Ito pala 'yong banyo ko." Turo ko kay Titus ng makarating na kami sa kwarto ko."Thanks," sabi niya. Pumasok na siya sa loob.Idinikit ko ang tainga ko sa may pinto ng banyo. Muntik na akong matumba ng biglang bumukas ang pinto."What are you doing?" takang tanong niya."Ha? Wala!" Peke pa akong tumawa at lumayo roon.Kumut pa ang nuo niya bago niya sinara ulit ang pinto. Nagbehave nalang ako.Nakaupo lang ako sa kama ko habang hinihintay na matapos siya.Bigla nalang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas siya. Kaya lang hindi siya topless. Naka bathrobe siya. Sayang!Bigla nalang siyang naglakad palapit sa 'kin. Ilang beses pa akong napalunok dahil sa 'kin talaga siya pupunta.Ito naba? Isusuko kuna ba ang bataan?Yumuko siya at k'unti nalang magkakadikit na ang..."'Yong bag ko pakiabot.""Ha?" gulat na tanong ko at tumingin sa kama ko.May bag nga!Aish! Nakakahiya talaga!Kinuha ko ito at binigay sa kan'ya. Tumayo na ako roon at lumabas."Oh Sabon," sabay abot nito ng sabon."Anong gagawin ko d'yan?" takang tanong ko kay Marco."Try mo kainin baka sakaling bumula bibig mo," pamimilosopo nito. "Sabon. Nakakatanggal siya ng landi sa katawan," natatawang sabi niya.Nilagpasan ko lang siya at nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig.Nakita ko d'on si Papa nakatulala habang nakatingin sa kawalan. Agad akong tumabi sa kan'ya ng matapos akong kumuha ng tubig."Ang lalim ha.""Nasisid mo?" patanong na sabi niya."Hindi ka naka score?" tawang tanong ko kay Papa."Ewan ko do'n! Napaka tupakin!" inis na sabi niya."Gawan niyo 'ko ng kapatid. Hindi pa naman menopause si Mama eh. Nakakasawa ng maging bunso.""Hindi na pwede.""Bakit menopause na siya?" gulat na tanong ko sa kan'ya."Delikado na," mahinang sabi niya. "N'ong pinanganak ka nga niya nag agaw buhay siya. Kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi kuna siya bubuntusin."Napatahimik ako sa sinabi niya. Wala akong alam tungkol d'yan. Puro sarili ko lang kasi naiisip ko well dumagdag na si Titus."Akala ko ba ang gusto mong lalaki. Katulad ko? Bakit ka nagkagusto kay Titus?""Hindi naman kami magkapareho," dagdag pa ni Papa."Ewan ko. Siguro crush lang 'to. Mawawala rin," sagot ko sa kan'ya."Trip trip mo lang?" Tumango lang ako bilang sagot."Titus bakit ka nakasilip?" agad akong napalingon ng marinig ko ang pangalan ni Titus."Ha? Nothing" sagot niya. "Excuse me." Kumuha siya ng tubig bago umalis."Narinig niya pinag usapan natin?" tanong ko kay Papa.Tumango lang siya bilang sagot.. . .SCRIPTINGYOURDESTINYMOS: CHAPTER 04GABRIELLA POVHindi ko na napapansin si Titus na pumupunta sa bahay. Pakiramdam ko tuloy nagtampo siya sa 'kin. Char feeling mo naman.Agad kong inayos ang gamit ko ng matapos ang klase at tumakbo palabas bago pumunta sa Business Management Building.Nagtungo ako sa classroom nila pero wala na siya do'n.Agad na ako umalis roon pero sakto namang nakita ko siyang may hawak na laptop habang may kausap na mga lalaki siguro kaklase niya."Titus!" tawag ko sa kan'ya. Napatingin sila sa 'kin dahil sa pagtawag ko. Nagsimula naman silang maglakad habang ako ay tumakbo na papunta sa gawi nila."Titus," pagtawag ko sa kan'ya nang nasa tabi na niya ako. "Mag usap tayo oh.""Para saan? Busy ako." Sabi niya at patuloy parin sa paglalakad."Nagalit kaba dahil do'n sa narinig mo? Maniwala ka mahal kita."Rinig ko naman ang bungisngis ng lalaking kausap niya."Wag kang gumawa ng gulo please lang," mahinang sabi niya sa 'kin."Bakit ba?! Eh hindi muna ako pinapansin! Hindi mo 'ko tina
MOS: CHAPTER 05GABRIELLA POVNakakainis na! Mas gusto pa niyang kasama ang Cora na 'yon kaysa sa 'kin. Charot! N'ong tinanong ko kasi si Kuya kung nas'an si Titus ang sinagot lang nito umalis raw kasama si Cora. Ano namang gagawin ng dalawang 'yon? Overthink malala!"Papa!" tawag ko kay Papa ng mapansin kung nagdidilig siya ng halaman."Ohh?""Pinagalitan ka?" takang tanong ko sa kan'ya. "'Pag nagdilig. Pinagalitan agad," nakangusong sabi niya. "Tulungan mo naman ako, Princess oh." Bigla niyang sabi dahilan para magulat ako."Papa naman," gulat na sabi ko sa kan'ya."Nakita kasi ng Mama mo. May kasama raw akong babae. Eh wala naman.""Wala ba talaga?" panghuhuli ko sa kan'ya. "Oo na. Meron!. Pero kasi eh. Anak 'yon ng kliyente namin. Nilalandi ako eh.""Nagpalandi ka?" tanong ko ulit sa kan'ya. "Hindi 'no!" biglang sigaw niya. "Gusto ko na ngang sumuka n'ong hawak hawakan niya ako. Alam mo iyon? Pero wala akong nagawa. Kliyente ko 'yong Daddy niya eh.""Pa'no ka nahuli ni Mama?"
MOS: CHAPTER 06GABRIELLA POVAgad akong napatingin sa phone ko ng tumunog ito.Unknown Number: Hi pa accept! Loko ba 'to? Anong akala niya sa number ko? Facebook?Sinawalang bahala ko nalang ito at patuloy na niligpit ang mga ginamit ko para naman makakain na ako dahil gutom na gutom na talaga ako!Salamat naman at natapos narin. Agad akong nagtungo sa cafeteria para kumain.Nang biglang nag text na naman siya. Unknown Number: Ang sabi ko pa accept! Aba loko 'to ha! Siya pa talaga 'yong maatitude?Me: Anong pa accept? Gusto mo suntukin kita?Pinatay ko na 'yong phone ko bago ako nagpatuloy sa pagkain. Nang tumunog na naman siya. Unknown Number: Pa accept! Hindi kasi ako makapasok sa buhay mo.Natawa ako sa sinabi nito. Mukhang familiar ang mga banat niya ha.Me: Echo?Unknown Number: Napasok mo rin!Loko talaga ang lalaking 'to! Napailing nalang ako at patuloy na kumain. Hindi ko na masyadong nakikita si Titus. Sabi kasi ni Kuya malapit na raw ang
MOS: CHAPTER 07GABRIELLA POVAng sama ng tingin ni Kuya kay Echo. Lalo na si Mama. Dahil sinira ni Echo ang tanim ni Mama. Gusto kong matawa sa reaksyon nila pero 'wag na baka madamay pa ako sa galit ni Mama dahil sa mga halaman niyang rest in peace."Sino ka?" galit na tanong ni Mama kay Echo. "Alam mo bang trespassing 'yang ginagawa mo?""Babayaran ko nalang po 'yong halaman—""Anong babayaran?!" galit na tanong ni Mama rito. "Huy! Hindi lahat ng bagay nabibili at nababayaran ng pera."Napakamot nalang si Echo sa ulo niya.Ayan kasi ang yabang! Haha! "Alisin mo 'yang helicopter mo rito! Oh baka gusto mong sunugin ko yan?! Kasama ka!""'Ma!" tawag ko sa pansin ni Mama. "Ako na rito. 'Pa," nakikiusap na tingin akong tumingin kay Papa. "Baby sa loob muna tayo," pang aamo ni Papa kay Mama.Pumasok na sila sa loob habang ako naman ay nakaharap ngayon kay Echo. Bago ko pinigot ng madiin ang tainga niya."Aray!""Butiki ka talaga 'no! Nakakabutiki kana!" inis na sabi ko sa kan'ya."Mas
MOS: CHAPTER 08GABRIELLA POVNaging masyadong busy ako dahil malapit na ang final exam ko. Kailangan kong mag review. Buti pa sila Kuya okay na. Graduate na! Ako? Ito wala parin! Tinawanan ko pa sila n'ong araw na sobrang laki ng eye bags nila. Pero mukhang na karma 'ata ako ngayon. Dahil mas malaki pa 'ata ang eye bags ko ngayon.Napabuga nalang ako ng hangin bago tumayo at lumabas muna sa bahay. Agad akong napapikit ng mapansing sobrang sakit ng araw sa mata ko.Ilang araw na akong hindi nakakakita ng araw."Mukha kanang panda," tawang pang aasar ni Kuya sa 'kin. "Walang nakakatawa," inis na sabi ko sa kan'ya."Ayan kasi! Sinasabi kuna sa 'yo na 'wag kanang mag abogada." Inakbayan niya pa ako. "Malapit na kuya! Gagraduate na ako. K'unti nalang.""Yeah! K'unti nalang. Tapos mag-aaral kapa sa Law School nang apat na taon. Sge! K'unti nalang... K'unti nalang si San Pedro na susundo.""Butiki!" napapikit ako ng marinig ang boses ni Echo. Please lang! 'Wag ngayon Echo! Ang panget-
MOS: CHAPTER 09GABRIELLA POVPagkababa namin sa Jeep ay agad akong sinuri ni Titus. "Ayos kalang ba?" nag alalang tanong niya. "Shit bakit ba hindi ko inisip na mangyayari 'yon?""Ayos lang ako 'wag kang mag alala.""Okay. Kakain na tayo sa loob."Naglakad na siya pero masakit na ang paa ko. Napahinto siya ng mapansing sobrang bagal ko maglakad. Ngumiti siya sa 'kin bago niya ako binalikan.'Yong ginawa niya 'yong ikinagulat ko. Hinawakan niya 'yong kamay ko! Hinawakan niya! Pinagsiklop pa niya!Pigil kilig akong naglakad dahil sa paghawak niya sa kamay ko. Pagkapasok namin sa loob ay pinaghila pa niya ako ng upuan."Waiter!"May lumapit na isang waiter sa 'min at binigyan kami ng isa isang Menu. Nagpasalamat muna kami sa kan'ya bago kami pumili ng makakain.Hanggang sa dumating ang order namin ay wala kaming imikan. Dahil nasa pagkain ang buong atensyon naming dalawa.Pero ng matapos kaming kumain ay nagtungo kaming dalawa sa malapit na 7/11.Libre na naman kasi niya! Palamig daw
MOS: CHAPTER 10GABRIELLA POVPagkarating ko sa bahay ni Echo ay agad akong humiga sa malaki niyang sofa na pwede ng gawing kama."Naparito ka?" tanong niya sa 'kin bago niya ako binigyan ng pagkain at Juice.Tapos na akong kumain! Pero sa pagkaing hinanda niya ngayon sa harapan ko parang nagutom ulit ako. Agad ko itong kinain pero... Agad ko itong niluwa dahil kung gaano kasarap at kaganda n'ong tingnan ko ito ay gan'on naman ka panget ang lasa."Minsan talaga sa buhay. Malalaman mo lang kung ano ang laman ng puso 'pag sinubukan muna itong pakinggan," biglang sabi niya at kinuha ang pagkain. "Tulad nito. Masarap siyang tingnan pero ang panget niyang tikman... Syensa na 'yong kapatid ko kasi 'yong nagluto."Bumalik siya sa kusina. Kaya inubos ko 'yong juice na bigay niya. Bumalik naman siya at umupo sa tapat ko."'Pag pakiramdam mo masyado kanang nanglilimos ng oras at atensyon niya. Dumistansya ka muna. Dahil ang halaga makikita lang ng iba pag wala kana.""Ang hugot mo!" inis kong
MOS: CHAPTER 11GABRIELLA POVDali dali akong bumaba para makita ang grades ko. Sana naman nakapasa ako! "Gabriella!" tawag ni Titus sa pangalan ko. Bakit? Ang sexy pakinggan pag siya 'yong nagsabi?"Gabriella pansinin mo naman ako," paghabol niya. "Ilang araw kanang hindi namamansin!. Kung dahil ito sa pagtanggi ko na girlfriend kita.""Wala na 'yon," malamig na sabi ko pero sa totoo lang nagiging jelly na 'yong tuhod ko, ang lambot na!"Ibang details kasi 'yong sinabi mo eh!" biglang sigaw niya kaya napatigil ako at napatingin sa kaniya. "Anong ibang details?""Ang sabi mo naging girlfriend kita simula n'ong nangyari 'yon sa Jeep pero hindi 'yon e. Maling impormasyon ang sinabi mo. Ang dapat sinabi mo, naging girlfriend kita simula n'ong sinuot mo 'yang singsing na bigay ko!"Sing sing? Na bigay niya? 'Yong Promise ring ba?Siya 'yong may bigay?"Sa 'yo to?" turo ko sa singsing na suot ko. Kaya pala napapansin ko na nakatingin siya lagi sa may daliri ko. Ramdam ko rin n'ong hin