Share

Chapter 1

MOS: CHAPTER 1

GABRIELLA GOMEZ POV

Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay na ito sa bag. Isinabit ko ito sa balikat ko bago ako lumabas sa classroom.

"Huy!"

"Ayh kabayong anim ang paa!" Gulat na sigaw ko at hinarap ang taong sumigaw dahilan para magulat ako.

Ang Kuya Gabriel lang pala. Inirapan ko lang ito at umuna na ng lakad.

"Sige! Magpatiuna ka! Baka nakakalimutan mo? Nasa akin ang susi ng kotse." Napalingon ako sa kan'ya at pinakita niya sa 'kin ang susi ng kotse.

Ngumiti ako ng peke bago ko siya inakbayan.

"Ang gwapo mo ngayon Kuya 'no."

Parang gusto kong masuka sa sinabi ko.

"Ang plastik mo." Saka niya ako siniko.

"Ayaw ko kasing maglakad pauwi!"

"May kasabay ako."

"Ayos lang. Basta ba gwapo."

Pagkarating namin sa parking lot ay nauna na akong sumakay pero bigla nalang may tumulak sa 'kin dahilan para maupo ako sa lupa.

"Bwesit!" Inis na sigaw ko d'on sa tumulak sa 'kin na si Marco.

Nagtungo ako sa likod at doon umupo.

"Akala ko ba mga gwapo ang kasabay natin ngayon? Hindi mo naman ako ininform na mga anak pala ni Gorilla ang dinala mo."

Rinig ko ang tawa ng nasa gilid ko dahilan para mapatingin ako rito.

Lupa kainin mo na ako!

Bakit ang cute niya?

Magiging kasing cute ba niya ang anak namin? Char!

"Hi! I'm Gabriella. And you are?" pabebeng pagpapakilala ko.

"Titus," sagot naman niya.

"Kuya saan mo napulot ang anghel na 'to? Sa pagkakaalala ko sa impyerno ka tumutuloy."

"Tumahimik ka Gabriella!" Pagpapatahimik niya sa 'kin.

Pero dahil matigas ang ulo ko at maganda ako ay mas umusog ako sa Titus na 'to hanggang sa magkadikit na kami.

"Ano iyon?" biglang tanong niya sa 'kin.

"Ang alin?" takang tanong ko.

"Ba't ang baho?"

Sumisinghot pa ako para naman malaman ko kung ano yung mabaho pero...

"Kuya Gabriel!" Sinipa ko siya dahil naaamoy ko ang utot niya.

"Huy! Anong ebidensya mo na ako 'yong umutot?" Tawang tanong niya sa 'kin habang nag d-drive siya.

"Kilala na kita! Alam ko ang baho ng utot mo."

"Hindi ako 'yong umutot!"

"Ikaw 'yon!"

"Hindi ako!"

"Ikaw 'yon sabi!"

"Hindi ako sabi!"

"Ang bantot mo! Isusumbong kita kay Papa!"

Bumelat lang ito bago nito hininto ang sasakyan.

"Thanks bro'." Tinapik niya ang balikat ni Kuya bago siya lumabas.

Nasa'n 'yong Kiss ko?

An'damot ng lalaking iyon.

Inihatid na rin niya ang isa pa niyang kaibigan na tumulak sa 'kin. Bago kami umuwi na.

Pinark niya mo na ang kotse sa garahe bago kami tumakbo papunta sa loob ng bahay.

Dahil gutom na gutom na talaga ako!

Nag unahan pa kaming tumakbo papunta sa Kusina... Pero...

"Kain na kayo." Nakangiting sabi ni Papa habang hinahanda ang pagkain.

"Busog pa pala ako," pandadahilan ni Kuya.

"Tapos na pala akong kumain."

"Huy!" Tawag niya sa 'min kaya napalingon kami. "Kumain kayo rito."

Juice ko. Ano ba'ng naging kasalanan ko sa past life ko at kailangan akong parusahan ng ganito?

Tahimik kaming umupo ni Kuya bago kumain.

"Nasa'n si Mama?" Tanong ko kay Papa na ngayon ay parang nasasarapan pa sa niluto niya.

"Pinagod ko 'yong Mama niyo e. Kaya ako ang nagluto ngayon," nakangiting sabi niya.

Kaya pala abot tainga ang ngiti. Naka score pala kay Mama.

"Ubusin niyo 'yan ha."

"Busog na ako Papa," sabay na sabi namin ni Kuya.

"Sge wala kang bagong laptop," pagbabanta ni Papa sa 'kin, "ikaw naman hindi ka makakasama sa barkada mo bukas," pagbabanta niya rin kay Kuya.

Kaya wala kaming choice kun'di ubusin ang niluto niya.

Pag si Papa ang nagluto ng ulam!

Kaming dalawa ni Kuya nagdudurusa sa...

Banyo!

"Help Mama!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kwarto ko para tumae.

Pagkalabas ko sa banyo ay agad akong humiga sa kama dahil sa panghihina.

Grabe ang laki no'n!

Parang gusto ko nalang matulog tapos gigising nalang ako kapag may gusto na si Titus sa 'kin Haha!

Tumayo na ako roon at bumaba para kumuha ng Gatorade sa ref. Sakto namang nakita ko si Kuya sa may dining umiinom rin ng Gatorade.

"Planted naba?" tawang tanong niya.

Inirapan ko lang siya bago kumuha ng gatorade at uminom.

Narinig kong may nag door bell napatingin ako kay Kuya ng bigla siyang umalis. Siguro pagbubuksan niya 'yong taong nasa labas.

Umingay naman ang sala. Sino naman 'yong bisita ni Kuya? Nagtungo na ako roon sakto namang nakita ko si Titus.

Gan'on parin may hawak na libro. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Baka gusto mo 'yong kamay ko naman ang hawakan mo?"

Tumingin siya sa 'kin pero sa kalaunay bumalik rin ang tingin niya sa libro.

Naglalambing lang naman ako e!

"Titus!" tawag ko sa kan'ya.

"Yes?" tanong niya pero nasa libro parin ang tingin.

"Pakisabi sa mga nagkakagusto sa 'yo na sold out kana," bulong ko sa kan'ya.

Wala paring epic!

Nasa libro parin ang tingin niya.

Naglalambing lang e!

Lambingin ko nalang sarili ko.

Tutal I'm strong and independent woman naman.

Hanggang sa matapos na niya ang libro ay nakatingin parin siya rito na para bang 'di ito makapaniwala na natapos nito ang librong hawak.

"Tapos kana?" Napatalon pa siya bago napatingin sa 'kin.

"Nandito ka pala?" gulat na tanong niya.

Kanina pa ako nandito. Ngayon lang ako pinansin. Grabe ha. Naapakan niya Ego ko.

"Oo nandito ako oh. Nasa harapan mo na pero hindi mo makita," pagdadrama ko.

"I'm sorry. 'Pag nagbabasa kasi ako may sarili akong mundo."

"Pwede ba akong pumasok sa mundong 'yan?" banat ko uli.

"Nga pala, Gabriella aalis ako ngayon. 'Pag hinanap ako ni Mama pakisabing kasama ko barkada ko," panira ni Kuya sa moment naming dalawa ng future husband ko.

Tumayo narin si Titus. Bago sila lumabas.

"Huy! Sama ako!" paghahabol ko sa kanila.

Bago pa mapaharorot ni Kuya ang kotse ay agad kong binuksan ang pinto bago ako sumakay.

"Nakalimutan mong e lock. Blee!" Pang aasar ko sa kan'ya.

"Sinadya kong hindi eh lock." Panira niya bago tinahak ang daan patungo sa destinasyon nila.

Hanggang sa huminto kami sa isang malaking bahay. Lumabas mo na si Marco—ang isa pang barkada ni Kuya, 'yong anak ni Gorilla.

Pagkalabas nito ay binuksan nito ang gate bago pinasok ni Kuya ang kotse at pinark.

Pagkapasok namin sa loob ay para bang ngayon lang ako nakakita ng maganda at malaking bahay.

Simple lang ang desinyo pero nakaka attract.

Malawak ang sala may book shelves sa gilid. May mga unan sa sahig na pwedeng upuan may maliit na mesa.

May pabilog na malaki at mahabang hagdan. Yong hagdan niya puno ng libro.

Huhulaan ko... Bahay 'to ni Titus.

Napunta ako sa maraming litrato. An'daming nakasabit na medals.

"Wow! Lagi kang With honors?" Gulat na tanong ni Marco.

"Naku! Sa 'min magkakapatid ako lang 'yong may mga medals." Pagbanggit ni Kuya at lumapit sa 'kin. "Diba?"

Siniko ko naman siya. Panira talaga 'to o.

"Huy Kuya! M-meron rin ako niyan no," natawa naman si Kuya sa sinabi ko.

"Nasa'n?" pang aasar pa niya lalo.

"'Wag kang maniwala kay Kuya. Marami akong medal 'no. With high love you," banat ko kay Titus.

Rinig ko naman ang tawa ni Marco at ang ubo ni Kuya.

Kabahan kayo!

In love na ako! HAHA!

"Ibang klase karin." Tawang sabi pa ni Marco at umakbay sa 'kin.

"Wag mo 'kong hawakan!" pag susungit ko sa kan'ya.

Naalala ko pa n'ong tinulak niya ako sa kotse ni Kuya. An'sakit kaya ng pwet ko n'on.

"Bakit sa kan'ya ang lambing mo. Pero sa 'kin ang sungit mo," kunwaring pagtatampo nito.

"Kasi siya anak ni Captain America habang ikaw anak ni Gorilla."

"Sumusobra na kapatid mo Gabriel!" pagsumbong niya kay Kuya.

'Di ko na lang siya pinansin. Lumapit nalang ako kay Titus.

"Ang dali lang nang panahon 'no?" pagkausap ko sa kan'ya ng mapansing nasa libro na naman ang tingin niya.

"Yeah. Time flies so fast."

"Oo nga. Malay mo magugulat ka nalang may singsing na sa kamay mo at may mga bata ng kumukulit sa 'yo habang nagbabasa ka."

Napatingin siya sa 'kin bago ngumiti.

O Em Gey!

Lord! Pwede niyo na po akong kunin!

Ngumiti siya sa 'kin!

Ngumiti siya! Kyahhh!

"Huy Gabriel! Walang hiya 'to! 'Yong tae mo sa banyo na stuck! Grabe p're ang laki ng kinabukasan mo!"

Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi ni Marco.

Walang hiya si Kuya! Hindi niya bahay pero kung dumumi akala mo naman pagmamay ari niya lahat ng banyo sa mundo.

"Ang lakas mong tumawa," mahinang sabi ni Titus.

"Malakas ako tumawa pero mas grabe ako magmahal try mo," pagbabanat ko sa kan'ya.

Napailing nalang siya bago tumuon ulit sa binabasa niya.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status