Share

03

I tied my hair in a messy bun as I put lotion on my arms. Nakaupo ako sa may silya sa harap ng vanity mirror ni Lean habang pinapahid ko ang lotion sa katawan ko. 

Nakapaglinis na ako ng katawan kanina nang umakyat din si Cherinna at Lean, sumabay na ako sa kanila para rin makaiwas kay Enzo. 

Natigilan ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Wala naman itong sinabi kanina tungkol sa nangyari at sa totoo lang, wala namang dapat na ipagsabi rin. Hindi naman big deal ang bagay na iyon. 

Katawan nga nila Keij at Theon, lagi kong nakikita, eh.

Maybe because I am not used to it? Hindi ako sanay makita ang katawan ni Enzo dahil hindi naman talaga ito naghuhubad? At bakit naman din kasi ito maghuhubad sa harap ko, diba? Wala namang dahilan. 

“Natulala ka diyan?” puna ni Lean sa akin na nakapagbihis na rin. Naglinis na muna kami ng katawan bago kami kumain. Si Enzo na rin ang nag-utos sa amin kaya naman wala kaming nagawang lahat. 

Mali rin pala talaga ako ng napasukan na kwarto kanina. Mali ang naalala kong bilang ng pinto mula sa hagdan nila papunta sa kwarto ni Lean. Magkatabi lang ang kwarto ng dalawa kaya ang kay Enzo ang kamuntik ko ng mapasok kanina. 

“Hmm?” I looked at her. Kumunot din ang noo niya sa akin. “Why are you spacing out?” tanong niya sa akin bago lumapit at kinuha ang suklay na nasa lamesa at sinuklay ang mahabang buhok. 

“I’m not,” tanggi ko naman at mabilis na tinapos na ang ginagawa ko. Terno ang suot ni Lean na pyjama habang si Cherinna ay nakasuot ng blouse na puti at pyjama na kulay asul. Sleeveless naman ang suot ko na tinernuhan ko ng shorts.

“Sure ka?” tanong ulit ni Lean. “Don’t worry, after eating, pwede na tayong manuod sa guest room,” sabi niya sa amin ni Cherinna. Nag-aya na rin itong lumabas kaya naman sumunod na kaming dalawa ng kakambal ko. 

“Kapag nakita ka ni Jahann, pagagalitan ka ‘nun,” sabi sa akin ni Cherinna nang naglalakad kami. Sinimangutan ko naman siya. Nagsusuot nga kami ng swimsuit, bakit naman pagbabawalan ako ni Jahann? Isa pa, kamag-anak naman namin si Keij, Theon at Kol. Si Enzo lang naman ang lalaking hindi ko kamag-anak dito kaya safe naman ako. 

“Eh di sabihin natin na ‘yung tela ng shorts ko, napunta sa pyjama mo,” pagbibiro ko rito. Inirapan naman ako nito at nagpatuloy na sa paglalakad. 

Nang makababa kami ay naroon na rin ang mga kasama namin. Lahat ng mga ito ay nakapaglinis na rin ng katawan. Gusto kong matawa nang makita si Theon at Keij na nakasuot ng t-shirts at boxers at sina Kol, Jahann at Enzo naman at nakasuot din ng pyjama. 

Well, Jahann always wears a white shirt and pyjamas whenever he’s sleeping. 

“Let’s eat? I’m hungry!” sabi ni Lean ng makalapit sa kapatid nito. 

“Damihan mo kain mo para hindi magmukhang naghihirap na kayo,” pang-aasar na naman ni Theon kay Lean. She glared at him and smirked. “Ikaw, nakikikain ka na lang dito sa bahay namin, dami mo pang sinasabi. Umuwi ka na kaya,” dagdag pa nito. 

Napailing na lang ako dahil nagsimula na naman silang mag-asaran na dalawa. Hinawakan ni Cherinna ang braso ko at inaya na akong magpunta sa may dining room sa bahay nila Lean. Nakapaghanda na ang mga kasambahay ng mga ito kaya naman lumapit na kami sa lamesa. 

Pinaghila ni Jahann si Cherinna nang upuan kaya naman lumapit na rin ako sa mga ito upang umupo. I was about to pull the chair when Enzo pulled it for me. I looked at him and I don’t know why I blushed. 

“Thank you…” halos bulong na sabi ko rito. Inokupa naman nito ang upuan sa tabi ko. Si Lean naman ang tumabi rito na tinabihan ni Kol. 

“Aly, balita ko may binasted ka na naman sa may volleyball team, ah?” tanong ni Keij sa akin. I looked at him and frowned. “Ang chismoso mo,” asik ko naman sa kanya. Hindi naman ako ang tipo ng tao na pinagkakalat kung sino ang binasted ko dahil wala namang reason para sabihin ko pa ang bagay na iyon. 

“Bakit mo binasted?” tanong ni Cherinna sa akin habang kumakain ito. 

“I don’t like him,” diretsong sagot ko naman dito. Why would I say yes to him if I don’t like him. Isa pa, hindi ko pa naman balak magkaroon ng boyfriend. I feel giddy for others, but I don’t see myself being like that. 

Kinikilig ako kapag inaasar ko si Lean sa crush nitong artist pero siguro ay kulang pa ang kilig na iyon para pumasok ako sa relationship. 

“Grabe, hindi mo man lang binigyan ng chance?” tanong sa akin ni Lean. Tinaasan ko naman ito ng kilay. 

“Binigyan mo ba ng chance ‘yung manliligaw mong part ng team nila?” turo ko kina Theon. Ang alam ko ay may nanliligaw kay Lean noon na part ng basketball team pero hindi nito sinagot dahil nalaman ni Lean na may ibang babaeng nilalandi ito. 

Lean chuckled and shook her head. 

“See? And besides, ang daming lalaking hindi matino, no. Sa una, magaling, sa una ka lang gusto pero sa huli, iiwan ka rin,” dagdag kong sabi kina Keij. 

“Not all men are like that, though,” sabi ni Enzo sa akin. Nag-angat pa ito ng tingin at pinagmasdan ako. “Maybe you’re looking at the wrong man, that’s why,” dagdag pa nito na hindi inaalis sa akin ang mga tingin. 

“Judger ka, Alyanna? Nasaktan ka na? Feeling may ex ka?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Keij. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na murahin ito dahil nasa harap kami ng pagkain pero kung minsan talaga ay napaka siraulo ng lalaking ito. 

Kung ano ang itinino ni Kol, siya namang ginago ni Keij. 

Matapos kaming kumain ay nag-aya na sina Lean na umakyat sa guest room dahil doon nag-set up ang kasambahay nila ng papanuoran namin. 

Naupo naman ako sa kama at sumandal sa headboard. I was scrolling on my phone while Keij was asking them what movie we were going to watch. 

Si Jahann ay nasa tabi ni Kol na nakaupo sa may couch habang si Cherinna naman ay may kinuha sa kwarto ni Lean. I think she left her phone in Lean's room. 

“Let’s just swim,” aya ni Keij sa amin. “Doon na lang tayo uminom,” dagdag pa nito na pinatay na ang TV nang walang mapili na papanuorin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Napalingon naman ako sa mga kasama ko nang nagtayuan na ang lahat at sumang-ayon kay Keij. 

Seryoso ba? 

Wala akong dalang swimsuit!

Hindi ako lumalangoy ng hindi ako nakaswimsuit!

“Sasama ka?” hinawakan ko ang kamay ni Enzo. He was sitting beside me earlier and I am actually surprised he will go with them. Ayaw na ayaw nito na lumalangoy kapag gabi na dahil malamig daw. 

“Yeah,” tipid na sabi ni Enzo sa akin. “You’re not coming?” he asked, curious because I was still sitting on the bed. I frowned a little. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya para kumuha ng puwersa sa pagtayo. Inalalayan naman ako nito at hinawakan ang bewang ko. 

“Sasama, alangan namang maiwan ako,” sabi ko sa kanya bago naglakad na papalabas. Sumunod naman siya sa akin at nakita ko si Cherinna na bakas ang pagtataka sa mukha nang makita ang mga kasama namin na naglalakad pababa. 

Inakbayan naman ito ni Jahann at inakay na rin pababa. 

Enzo and I followed them. 

“Bring the beers at the pool area,” bilin ni Enzo sa kasambahay bago hinawakan ang siko ko at dinala na rin ako papunta sa mga kasama namin. 

“What the hell?” I saw Keij push Jahann to the swimming pool. Panay naman ang tawa nito bago kusang tumalon na rin. 

Hindi ko mapigilang matawa nang namura ni Jahann si Keij dahil na rin sa nakasuot nga ang lalaki ng pyjama. Narinig ko kay Kol na magpapalit muna sila ng damit bago lumangoy. 

I crossed my arms against my chest and looked at Keij and Theon who were having fun at the pool. Napailing na lang ako sa kanila. 

Nagpaalam naman na muna ang mga kasama namin na magpapalit ng suot na damit dahil na rin sa pagbabago ng plano. Good thing was I am wearing shorts and a sleeveless top. Hindi ko na kailangan pa magpalit. 

Nang makabalik ang mga kasama ko ay naihatid na rin ang beer sa amin. Inaya na ako ni Cherinna na lumangoy kaya naman nagpaunlak na rin ako. Iniwan na lang namin ang phone namin sa may lamesa at lumusong na rin sa pool. 

“Ang lamig!” tili ni Cherinna na natatawa rin. “Oh my gosh!”

Maging si Lean ay sumama na rin sa aming dalawa. Pare-pareho kaming nakasuot na ngayon ng shorts at sleeveless top. 

“Ano, Enzo? Diyan ka lang?” tanong ni Theon sa lalaki na nakatayo lang sa gilid ng pool. I looked at him and he was looking at me, too. 

I smiled a little and called him. “Wag kang madaya, Enrico Lorenzo!” sabi ko naman sa kanya habang natatawa. He hates it when we’re calling him that. Ayaw lang nito na buong-buo ang tinatawag sa kanya kaya naman kapag gusto ko siyang asarin, iyon ang sinasabi ko. 

He shook his head before taking off his shirt. 

Natigilan naman ako sa pagtawa nang mahubad na nito ang damit at tumalon na rin sa swimming pool. 

“Ang show off!” ani Lean sa kakambal nito na sinasabuyan pa nito ng tubig. Nakisali na rin kami nang sabuyan nilang kaming tatlo ng tubig. Di hamak naman na mas malakas ang hampas sa tubig ni Keij kaya naman hindi ko na talaga mapigilang murahin ito.

We’re fine like this. Hindi naman kami sumasama sa iba na kung saan-saan nagpupunta o kaya ay may ibang kaibigan. We’re always with each other. 

Kung magpupunta ako sa mall, I am always with Cherinna or Lean, kapag outing naman, kami ang magkakasama. Parang never pang nangyari na may sinamahang iba ang isa sa amin.

Nang mapagod na si Keij sa ginagawa ay tumigil na rin ito at tumabi kay Theon. They passed the beer to Jahann, Kol and Enzo. Nasa may kabilang gilid naman kami nila Cherinna at Lean habang nag-uusap. 

“Grabe talaga ‘tong mga kaklase ko,” I scoffed when I saw messages from them. “They’re asking for Enzo’s number kasi raw may mga itatanong about programs ng SSG,” napapailing na lang ako. Natawa naman si Cherinna. Ganoon din naman ang mga kaklase nito. Madalas pa nga na si Jahann ang tinatanong dahil alam nila na kapatid namin si Jahann. 

“Bigay mo, malay mo may magustuhan si Enzo,” natatawang sabi ni Lean sa amin. I looked at her and I can’t tell if she’s serious or what. 

“Bigay mo na, maybe he’ll like one of them,” she shrugged. 

“No way!” malakas na sabi ko. Natigilan din ang mga kasama namin sa pool at lumingon sa amin na tila nagtataka kung ano ba ang pinag-uusapan naming tatlo. 

“Lean, you know those girls, walang papasa sa kakambal mo sa kanila,” sabi ko na lang sa babae. She smiled and nodded. “Kunsabagay, Enzo can really be a pain in the ass, no!” sabi pa nito na humahagikgik. 

“Grabe kayo kay Enzo,” napapailing naman si Cherinna. 

Kung marami ang may gusto kay Theon at Keij sa campus, hindi talaga magpapahuli sina Enzo, Jahann at Kol. Hindi naman lihim sa amin na kapag Valentine’s day ay ang lima ang may pinaka maraming regalong natatanggap mula sa mga kababaihan. 

“But you know what, if ever Enzo will fall in love, I want a girl who will really love him. He’s weird sometimes, he’s quiet and he’s hard to understand, but he’s really a good man. Protective, responsible and he’s thoughtful…” 

Napatingin ako kay Lean nang magsalita ito. She was looking at Enzo so we also turned our heads and looked at him. Kausap pa rin nito si Kol at mukhang may mahalagang pinag-uusapan ang dalawa at seryoso ang bagay na iyon. 

“He needs someone who will take care of him and who will make him smile and laugh. Iyon lang naman ang gusto ko para kay Enzo, basta mamahalin lang niya ang kakambal ko, okay na ako roon,” she chuckled. “Pero matagal pa iyon. Hindi naman nakikipag-usap sa iba ‘yang si Enzo, eh,” she added before drinking.

Inalok ako ni Lean pero tumanggi na muna ako. Light drinks lang ang binigay sa amin nila Jahann kanina matapos kaming pagbantaan na hindi pwedeng uminom ng marami. 

I leaned on the side while looking at Enzo. 

Come to think of it, wala kaming ideya lahat kung ano ba ang gusto nito sa babae. We always tease him that he likes to marry a librarian because he’s always in the library, but we really don’t have any idea what his ideal girl is. 

Kol smiled a little and tapped Enzo’s arm. Nagulat ako nang ituro ako ni Kol at lumingon sa akin si Enzo. Agad namang namula ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin sa lalaki. 

Si Kol, minsan parang gago! 

Pilit kong inintindi ang pinag-uusapan ni Cherinna at Lean at pinigilan ang sarili na muling lumingon kay Enzo. I could feel he’s looking at me and I was tempted to turn my head but I didn’t. 

Nakalubog lang ako sa may pool dahil alam kong giginawin ako kapag umahon ako. Naiwan ako sa gilid nang kumuha si Cherinna at Lean ng makakain namin. They want something salty so I just told them I will wait for them here. 

I closed my eyes while leaning on the tiled wall of the pool when I felt something warm on my arm. I immediately opened my eyes and saw Enzo beside me. 

“What is it…?” tanong ko sa kanya habang nakatingin. 

“Are you okay?” tanong naman niyang pabalik sa akin. “Are you cold?” sabi nito kahit na hindi pa ako nakakasagot sa unang tanong nito. 

“I’m okay, ayoko lang umahon kasi baka ginawin ako lalo,” sabi ko naman dito bago biglang napabahing. “Excuse me,” sabi ko sa kanya bago pinisil ang ilong ko. 

He chuckled and shook his head. “You should get out of the pool, you might catch a cold, Alyanna,” he said while looking at me. Ganoon naman sila sa amin lalo na kapag ganitong nakikita nila na baka magkasakit kami. 

They’re all protective of us because we grew up together. Para na kaming isang malaking pamilya lahat.

“No naman, I am good and--” muli akong nabahing. 

He cocked his head and looked at me, as if telling me that he told me so. 

“Fine,” I frowned. I was about to swim to the other side to use the stairs but Enzo stopped me. Kunot ang noo na nilingon ko naman ito dahil sa pagtataka nito nang pigilan ako. 

“Here,” sabi nito na tinapik ang itaas ng swimming pool at mas nagtaka naman ako sa lalaki. 

“Huh?” 

Napasinghap naman ako nang hawakan ni Enzo ang bewang ko at itaas ako upang makaakyat ako sa itaas ng swimming pool. Inalalayan niya ako hanggang sa tuluyan akong makaupo roon. 

Gamit ang kamay ay tumukod naman si Enzo roon at binuhat ang sariling bigat upang daluhan ako. Napalingon pa ako rito nang naglakad ito patungo sa kabilang side ng pool at kunin ang towel nitong nakahanda at ilagay iyon sa balikat ko upang takpan ako. 

“Go take a bath,” he said before helping me get up. 

Tumango ako sa kanya at ngumiti ng tipid. “Thank you,” sabi ko habang hawak ang tuwalyang nakatakip sa akin. Naglakad naman na ako papasok sa loob ng bahay nila at paakyat sa kwarto ni Lean para makaligo ulit. 

Habang nasa banyo ay hindi ko maalis sa isip ko ang mukha ni Enzo habang tinititigan ko ito kanina at noong tulungan ako nito makaahon sa pool. 

Well, I agree with Lean. 

I am also hoping that Enzo finds someone who will love him and will make him happy because we all know he deserves it. 

Matapos akong maligo ay bumalik na ako sa mga kasama ko habang bitbit ang tuwalya ni Enzo. Ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita ko nang makita ko si Enzo sa may hagdan na tila hinihintay ako. 

“What are you doing there?” tanong ko sa kanya. Mukhang nakapaligo na rin itong muli dahil nakasuot na ito ng t-shirt at shorts. Dinala ko pa man din ang tuwalya niya. 

“Waiting for you,” he said while looking at me. 

“Hindi ka na inis na nakita ko katawan mo kanina?” pang-aasar ko sa kanya. Sinulyapan naman niya ako at kumunot ang noo sa akin. 

“Why would I get mad if that made you blush?” he asked. 

What? He saw me blushed?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status