Amber PovAbala ako sa pagtatanggal ng mga tuyong dahon sa mga halaman sa hardin nang makarinig ako ng paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay ni Phil. Bahagya akong sumilip sa may gate para tingnan kung si Phil na ba ang dumating. Pero sa pagkakaalam ko ay nasa Hongkong siya para sa kanyang apat na araw na business trip at ngayon ay pangatlong araw pa lamang niya roon. Siguro ay may bisitang dumating. Nagkibit na lamang ako ng balikat pagkatapos ay nagbalik ako sa hardin para ipagpatuloy ang ginagawa ko.Muli kong inabala ang aking sarili sa pag-aalis ng mga tuyong dahon sa mga halaman. Hindi ko naman kilala ang bisitang dumating at natitiyak ko na hindi gugustuhin ni Tita Aloha na humarap ako sa bisita nila lalo na ang ipakilala ako bilang asawa ni Phil. Kaya mabuti pang dito na lang ako hanggang sa umalis ang kung sino mang bisita nila. Kasalukuyang kong winawalis ang mga tuyong dahon sa lupa nang bigla na lamang may mga paang tumayo sa harapan ko at biglang inapakan ang dulo ng wa
Amber PovMalakas man ako ay talo pa rin ako kumpara sa lakas ng dalawang babae na magkatulong sa pagsampal at pagsabunot sa buhok ko. Mahapdi na ang mga pisngi ko at pati na rin ang anit ng ulo ko ngunit ayaw pa rin nilang tumigil. Pumutok na nga ang aking mga labi dahil sa ilang beses na pagsampal nila sa mukha ko at nalalasahan ko na ang maalat-alat na lasa ng aking dugo. Ngunit kahit talo man nila ako ay hindi ko naman hinayaan na hindi man lang ako makaganti sa kanilang dalawa. Kahit paano ay nakatanggap din sila ng sampal, sabunot at kalmot mula sa akin. Hindi pa sana kami titigil sa pag-aaway kung hindi lamang dumating at umawat si Tita Aloha kasama si Phil na mukhang kadarating pa lang. Ewan kung bakit umuwi agad ito gayong hindi pa naman tapos ang apat na araw na business trip nito."Siya ang may kasalanan kung bakit kami nagkagulo. Pinuntahan ko lang naman siya rito sa garden para makilala dahil asawa mo siya. Pero ano ang ginawa niya sa akin? Ininsulto niya ako at pinagtawa
Phil PovMag-isang umiinom ako ng alak sa terrace habang iniisip si Amber. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Kung saan siya matutulog ngayong gabi. Alam kong hindi siya pupunta sa bahay ng kanyang ina dahil hindi naging maganda ang trato sa kanya ng pangalawang pamilya ng kanyang ina lalo pa noong hindi niya sinasadyang masabotahe ang planong pagpapanggap ng kanyang stepsister bilang si Amber. Natitiyak ko na hindi siya tatanggapin sa bahay na iyon kapag doon siya magpunta. Ngunit kung hindi sa bahay ng kanyang ina ay saan naman siya pupunta? Wala naman akong alam o kilala na kaibigan niya na maaari niyang tuluyan pansamantala. Ngayon ko lamang na-realized na marami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya. Hindi ako nagkaroon ng chance na kilalanin siya mabuti o hindi ko lang talaga siya pinagtuunan ng pansin. Kapag tinanong ako ng mga pesonal na bagay tungkol sa kanya ay tiyak na konti lamang ang aking masasagot.Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga pagkatapos ay sumims
Amber PovPagkatapos kong umalis sa bahay ni Phil ay nagtungo ako sa apartment ni Mildy. Wala siyang trabaho ngayon dahil pareho kami ng schedule sa pinapasukan naming bar. Nagtaka si Mildy kung bakit ko siya pinuntahan at namumugto pa ang aking mga mata. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kanya ang tungkol kay Phil at ang pagpapakasal naming dalawa for the sake of his grandfather's happiness and ownership of the Salvatore Conglomerate. Pinagalitan ako ni Mildy matapos kong sabihi sa kanya ang lahat at pati na rin ang dahilan kung bakit nasa ganito akong kalagayan. Matapos kong mailabas ang nararamdaman kong sama ng loob ay natulog ako sa pag-aakalang lilipas din ito pagkagising ko. Ngunit nang magising naman ako pagkatapos ng mahaba kong tulog ay mabigat pa rin ang dibdib ko. Kaya niyaya ko ang kaibigan ko na magtungo sa bar na pinagtatrabahuhan namin. Ngunit hindi para pumasok sa trabaho kundi bilang customer. Hindi ko alam kung ilang bote na ng beer ang nainom ko ngunit umi
Amber PovBahagya akong napaungol ngunit hindi ako nag-abalang magmulat ng aking mga mata. Masakit ang ulo ko na parang binibiyak. Ganito pala ang pakiramdam ng may hangover. Ipinapangako ko na hindi na talaga ako maglalasing. Maliban kasi sa masakit ang aking ulo ay humihilab din ang aking sikmura. Ayoko sanang bumangon ngunit hindi ko kaya pigilan ang paglabas ng laman ng aking tiyan. Nagmulat ako ng mga mata at patakbong nagtungo sa banyo. Agad kong inilabas sa inidoro ang lahat ng mga nakain ko kagabi. Ngunit hinang-hina naman ang pakiramdam ko matapos kong sumuka. Pakiramdam ko ay mamamatay na yata ako."Gising ka na pala, Amber. Dinalhan kita ng mainit na sabaw at gamot. Higupin mo agad at inumin ang gamot para mawala ang iyong hangover," kausap sa akin ni Mildy na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala."Mamamatay na yata ako, Mildy. Wala na akong lakas. At saka bakit ba umiikot ang apartment mo? Lumilindol ba?" nanghihina ang boses na tanong ko sa kanya.Hindi napigilan n
Amber PovNagdesisyon akong bisitahin si Lolo Fidel sa ospital kahit na hindi ko kasama si Phil. Bilang asawa ni Phil at pagsunod sa pinirmahan naming kontrata ay kailangan kong magpakita sa kanyang lolo para hindi siya magduda tungkol sa tunay na relasyon namin ng kanyang apo. Natitiyak ko kasi na may nakapagsabi na sa kanya tungkol sa ginawa kong pag-alis sa bahay ni Phil. Alam kong ikalulungkot niya iyon kaya kailangan kong gawin ang aking papel."Saan ka pupunta at nakagayak ka yata?" tanong sa akin ni Mildy nang makita ko siya paglabas ko sa kuwarto niya. Nasa sala siya at nanunuod ng televesion habang kumakain ng pop corn."Magtatrabaho," simpleng sagot ko sa kanya. Tumaas ang kilay ng kaibigan ko. Wala kasi kaming pasok ngayon dahil may mga bagong waitress at gagamitin nila ang time namin para sa kanilang training. "Bibisitahin ko ang Lolo ni Phil. Baka nakarating na sa kanya ang tungkol sa nangyari at natitiyak ko na nalungkot siya. Ayoko na nang dahil sa akin ay maging malung
Amber PovMadalas akong napapatingin sa orasan na nakasabit sa dingding ng silid ni Lolo Fidel sa ospital. Malapit ng mag-ten ng gabi ngunit tila walang balak si Phil na umalis. Hanggang ten ng gabi lamang tumatanggap ng bisita sa ospital ngunit walang indikasyon na aalis na siya. Mukhang dito rin yata niya balak matulog sa loob ng silid ng kanyang lolo. Sana naman ay nagkakamali ako ng aking iniisip. Iisang hospital bed lamang ang nasa loob ng silid ni lolo maliban sa higaan niya at maliit lamang ang bed. Hindi kami kasya kung dalawa kaming mahihiga sa maliit at makitid na kamang iyon. At isa pa, masyadong awkward kung magkatabi kaming mahihiga dahil hindi naman kami totoong mag-asawa. Oo nga't sa iisang kama kami natutulog sa bahay ngunit malaki naman ang kama niya kaya maluwag ang space. Hindi nagkakadikit ang aming mga balat at may dalawang mahabang unan pa na nakaharang sa pagitan namin."Masyadong gabi na, Phil. Hindi ka pa ba uuwi?" hindi nakatiis na tanong ko sa kanya. Umaasa
Amber PovBigla akong napabangon sa kama nang makita kong nahulog si Phil sa ibaba. Hindi ko kasi inaasahan ang ginawa niyang paghalik sa akin kaya naitulak ko siya ng hindi sinasadya. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya," nakangiwing paumanhin ko kay Phil na halos hindi ma-drawing ang mukha sa pagkakasimangot. "Anong nangyari, Amber? Bakit biglang nahulog si Phil sa ibaba ng kama?" tanong naman ni Lolo Fidel na biglang nagising mula sa mababaw niyang pagtulog."Masyado po kasing maliit ang kama para sa aming dalawa kaya siya nahulog, Lolo," mabilis kong sagot bago pa man ako maunahan ni Phil sa pagpapaliwanag.Natawa ng malakas si Lolo nang marinig ang sinabi ko. "Sinabi ko na kasing yakapin niyo na lang ang isa't isa para magkasya kayo sa maliit na kamang iyan at hindi kayo mahulog."Muling bumalik si Phil sa ibabaw ng kama at tinapunan ako ng matalim na tingin. Sa aking paningin ay muling nagbalik ang dating Phil na aking kilala. Kanina kasi kumikilos siya na parang hindi siya si Phil