Share

CHAPTER 3 - Truth

ZIK'S POV

That mischievous woman. *Chuckles*

I just look at her as she immediately walk towards our classroom. 

***FLASHBACK***

"Masaya ka na? Ito ang gusto mo 'di ba!? Gusto mo lang naman akong pahirapan hindi ba!? Kahit kailan hindi mo ako itinuring na anak! dahil galit na galit ka sa'kin 'di ba!? ako ang sinisisi mo sa pagkawala ni mommy 'di ba!? Tanggap ko naman eh! Alam na alam ko na hindi mo ako mahal! Dahil kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang amang katulad mo! Sana masaya ka! Sana maging masaya ka na nakikita mo ang buhay kong miserable!-----*PAK*

"I clench my fist in anger when I remember what the hell happened yesterday when her father slapped her face in front of me."

I can't find the words to say and how to act in the middle of an argument between a father and daughter conversation. *Sigh*

"To my Son-in-law you're very welcome to my family *smile* Please take care and Love my daughter as your Wife, I Hope you two will stand firm and hold on together." *Smile* her father said.

I just look at him with a blank look, I put my one arm on Quinlee's shoulder and smile like I'm not disgusted.

"Ok sir, I will cherish your daughter and Love her, more than myself." *Smile*

***END OF FLASHBACK***

"There's still so much to find out, I want to know more about you Miss Quinlee Velez Ford."

QUINLEE'S POV

Pagbukas ko sa pintuan ng classroom ay bumungad sa akin ang mukha ni Cody na halatang may pag-aalala at pagtatanong na mukha.

"Quin! Ano'ng nangyari!? Mabuti naman ay ligtas ka!?" Tawag at tanong niya sa'kin sabay yakap. 

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako at pagkatapos ay mabilis na akong umupo sa upuan ko, wala pa masyadong estudyante ngayon dahil maaga pa naman at sinimulan ko na ang e-explain kay Cody ang lahat ng nangyari pati na rin ang pagkidnap sa akin at ang arrange marriage na plinano lang lahat ni daddy at ng kaibigan niya at tulad nga ng ineexpect ko ay gulat na gulat siya at hindi makapaniwala.

Maya-maya~

Dumating na si Zik at tumabi sa akin.

Na-ekwento ko na kay Cody ang tungkol sa arrange marriage pero hindi ko pa sinabi sa kanya na ang lalaking napangasawa ko ay ang pabidang lalaki na nandito sa tabi ko ngayon na tahimik lang na naglalaro ng games sa cell phone niya. 

Hays!

Mamaya ko na lang siguro sasabihin kay Cody kung bakit at paano dahil feel ko kasi sasabog na siya dahil sa may halong pagtatanong, pagtataka, galit, at sakit? Tama ba ako sa aking nakikita kanina lang kay Cody ? Nasasaktan siya? Isip ko.

Hindi ko rin alam kung bakit, siguro nasasaktan siya para sa'kin dahil bestfriend niya ako. 

*Sigh*

"Good morning class!" Bati ng teacher namin.

"Good morning ma'am!" Bati ng mga kaklase ko kay ma'am.

"Okay, class I have an announcement." pagpupukaw ni ma'am sa attention namin.

Biglang tumahimik ang mga kaklase ko at bigla akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Nagulat ako nang tumingin si ma'am sa'kin at kay Zik habang nakangiti at teka... bakit parang kinikilig si ma'am?! Isip ko.

>///<

Wait... Huhu! alam na ba ni ma'am? O baka napapraning lang ako? kung alam na niya, 'wag naman sana niyang sabihin sa mga kaklase ko ang tungkol sa'min ng pabidang lalaking 'to. ><

.

.

"I would like to congratulate Mr. Zik Ford and Mrs.Quinlee Velez Ford." *Smile* 

O____O

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapagsalita.

Ano raw?

Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang pagkagulat pagkatapos nilang marinig ang sinabi ni ma'am.

Nakangiting tumingin si ma'am sa aming dalawa ni Zik pagkatapos niyang sabihin ang mga linyang 'yon at tahimik lang na naghihintay ang mga kaklase ko sa susunod pa na sasabihin ni ma'am.

Takte!

"Both of your father has informed the school president, the head office, and all your teachers regarding your marriage. even if I'm surprise and thinking why of a sudden and still clueless of what had happened, I would like you to know that I am happy for the both of you. *Smile* Best wishes and I hope that you will inspire each other more to continue learning and making progress to achieve your goals and be successful on the future. " Saad ni ma'am.

"And class you heard it right? I want to inform you, I want you all to know that Ms. Velez and Mr. Ford are married because yesterday their parents has informed us regarding about it, I hope you guys will respect them as a couple and support them as your classmate." *Smile* dagdag niyang sabi.

Mas lalong Nanlaki ang aking mga mata sa gulat ng dahil sa aking narinig mula kay ma'am, hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, hinihiling ko na sana ay lamunin na lang ako ng lupa. @___@

Tumahimik ang buong kaklase ko at nakanganga silang lahat na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni ma'am, may halong pagtataka at pagtatanong ang mga mata at mukha nila. tanging ihip lang ng hangin ang naririnig ko at nang lingunin ko si Cody ay nagulat ako sa aking nakikita.

Halatang nasaktan siya at tela parang maluluha siyang nakatingin sa'kin.

Tahimik lang ako at tiningnan si Cody ng "ee-explain ko lahat sa'yo mamaya look."

Pero bigla na lang tumayo si Cody at mabilis na naglakad palabas ng classroom. 

"Cody !" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon.

Bakit ako nasasaktan para sa bestfriend ko? napakawala kong kwentang bestfriend.

Nagsimula ng magbulong-bulongan ang mga kaklase ko lalo na ang mga babae.

"Hindi ako makapaniwala girl! ang swerte naman ni Quinlee kay Zik, huhu! sana ako na lang!"

"Hindi ito totoo! Paano nangyaring sila na at mag-asawa na sila? akin lang dapat si Zik, huhu. "

Literal talaga na umiyak ang mga babaeng tanga, halatang may gusto dito sa pabidang lalaking 'to, Tsk. -_-

Ang iba naman ay nag-congrats lang sa amin kahit hindi pa rin sila makapaniwala at itong pabidang lalaking katabi ko naman ay parang walang pakialam at may sariling mundo, Hay naku! ang unfair talaga! Siya? parang Okay lang sa kanya ang lahat samantalang ako ay parang mababaliw na! Parang hindi ko maabsorb ang lahat ng mga pangyayari. 

Hindi ko na lang siya pinansin, Kung wala siyang pakialam sa nararamdaman ko, wala rin akong pakialam sa kanya! Ulol siya! Isip ko. 

***Pagkatapos ng klase***

Pumunta ako kaagad sa canteen para hanapin si Cody, gusto ko siyang makausap. 

"Nasaan ka Cody? please magpakita ka."

CODY'S POV

Umuwi ako sa bahay at agad na nagmokmok sa aking kwarto, wala na akong ganang pumasok sa ibang subjects ko ngayong araw, bahala na dahil hindi ko alam pero nasaktan ako ng sobra sa mga nalaman ko, Mahal ko si Quinlee bilang pinakamatalik kong kaibigan, Hindi ako makapaniwala, Sana panaginip lang ang lahat ng 'to at itong sakit na nararamdaman ko ngayon, ngayon lang ako nakaranas ng ganito dahil ba bestfriend niya ako? parang dinudurog ng pinong-pino ang puso ko. 

Bakit ?

Bakit ako nasasaktan ?

Alam ko na naman ang tungkol sa arrange marriage kasi nabanggit niya 'yon sa'kin kaninang umaga, pero hindi ko naman ene-expect na tapos na at nangyari na agad-agad at meron na siyang napangasawa.

Ang hindi ko lubos maisip ay nang malaman ko na ang napangasawa pala niya ay kaklase lang pala namin at 'yon ay ang gagong katabi niya sa upuan.

Hindi ba dapat suportahan ko na lang siya at erespeto ang desisyon ng daddy niya? Kasi wala naman talaga akong laban at wala akong magawa.

Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.

Ang sakit.

Nakakabakla pero ito ang nararamdaman ko.

Naramdaman ko na lang na umagos ang mga luhang hindi ko alam kung bakit.

Bakit ako nagkakaganito?

Napangiti ako ng mapait nang may ma-realize ako.

Mahal na yata kita Quin, Mahal na mahal pero huli na pala ako.

QUINLEE'S POV

Nilibot ko na ang buong eskwelahan at ang mga lugar kung saan madalas kami tumambay ni Cody pero hindi ko siya nakita ni-anino niya, nagtanong-tanong na rin ako sa mga kaklase ko pero hindi rin nila alam kung nasaan si Cody.

napabuntonghininga na lang ako.

Baka umuwi na siya ng bahay?

Tama!

Palabas na ako ng gate nang mapansin ko ang pabidang lalaki na nakatayo at nakacross-arms sa may gate habang nakatingin sa'kin.

Inirapan ko lang siya at nilagpasan, tuloy lang ako sa paglalakad para pumara ng taxi sa labas ng gate.

"Kailangan kong makausap si Cody." Bulong ko sa sarili.

Nang akmang papara na sana ako ng taxi ay agad akong hinila ni Zik at tiningnan sa mata ng diretso. 

"Ano ba!? Bitawan mo nga ako! at ano'ng kailangan mo?! Kita mo bang nagmamadali ako!?"

"Where are you going?" kalmado niyang tanong.

"May pupuntahan lang ako at labas ka na do'n." simpleng sagot ko.

papara na naman sana ulit ako ng taxi nang----

"I'll drive you there." Sabi ng pabidang lalaki.

Aangal na sana ako sa gusto niyang mangyari nang hilahin niya ang kanang kamay ko papuntang parking lot ng school at hindi na ako nakapalag pa dahil kinaladkad na niya ako. 

Hays, kainis!

Nang makasakay na kaming dalawa sa kotse niya ay agad ko siyang sinamaan ng tingin at sinabing, "Bakit mo ginagawa 'to?!" Inis kong tanong sa kanya.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to dahil hindi mo naman ako responsibilidad, at nakalimutan mo na ba? Kasal lang tayo sa papel at ito ay kagustohan lamang ng mga magulang natin kaya hindi mo na kailangan pa ang magpanggap kung tayo na lang dalawa ang magkaharap ,Okay ? Gets mo?" dagdag kong sabi.

Hindi niya ako tiningnan at sa harap ng windshield ng sasakyan lang siya nakatingin.

"I know but since you're my wife now, as if, real or not it is still my responsibility to watch over you because if my father and your dad will find out that we're not getting along with each other, surely we will face another consequence. So, that's it. "seryoso niyang sagot.

"Whatever." at inirapan ko lang siya at hindi na ako umimik pa, hinayaan ko na lang siyang mag-focus sa pagda-drive niya ng kotse.

"Akala mo naman madali kang pakisamahan." Iritang bulong ko.

.

.

"Kyaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!!!"

Bigla na lang huminto ang kotse at napasigaw ako sa gulat. 

"Ano ba!? Papatayin mo ba ako?!" iritang tanong ko.

"Tsk." reaction niya.

Bigla siyang lumapit sa akin at amoy na amoy ko ang pabango niya, Ang bango-bango niya pero naiinis talaga ako sa pagmumukha niya, Psh! Kinuha niya ang seatbelt sa gilid at dali niya itong inilagay sa akin at bumalik na siya sa pagmamaneho niya.

Infairness, over-protective lang pala ang pabidang 'to, pero muntik na niyang makalimutan ang seatbelt ko, Tsk.

*Chuckles*"don't over react." 

"Nang-iinis ka ba talaga ha !?" tanong ko.

"Nope, Tss."

"So, where are we going?" 

"Pupuntahan ko ang bestfriend ko, gusto ko siyang makausap." Sagot ko at saka tinuro ko na sa kanya ang address ni Cody.

Maya-maya~

***CODY'S RESIDENCE***

Nandito na kami ngayon sa may gate ng bahay ni Cody, Nagdodoorbell na ako at maya-maya lang ay dumating na siya at pinagbuksan niya kami ng gate. 

"Cody." tawag ko na may pag-aalala.

"Pwede ba kitang makausap? Please." Dagdag ko.

Laking pasasalamat ko dahil tumango lang siya ngunit may tinitingnan siya sa likuran ko at muntik ko na makalimutan na nandito pala sa likuran ko si Zik slash ang pabidang lalaki. 

"Ah---Cody sinamahan lang ako ni Zik, kung okay lang sana, papasukin mo rin siya sa loob ng bahay mo, Hehe." pilit kong nginitian si cody at tumango lang siya ulit.

***

Nandito na kami ngayon sa living room ng bahay ni Cody, malaki rin ang bahay niya dahil mayaman rin ang pamilya niya.

Tahimik lang kaming tatlo at nagpapakiramdaman lang sa isa't-isa.

"So, bakit napadaan ka dito sa bahay Quin?" Seryosong pambabasag ni Cody sa katahimikan.

"Ah--eh? gusto ko sanang magpaliwanag sa'yo Cody, tungkol na rin sa narinig mo kay ma'am kanina sa klase." panimula ko.

Kita kong biglang sumeryoso ang mukha ni niya. 

"Please excuse me, I'll give you time to talk." Sambat ni Zik.

Agad na siyang umalis sa harapan namin at hindi na niya kami hinintay na sumagot pa sa kanya. 

"Quin, Totoo ba ang lahat ng narinig ko kay ma'am kanina? Gusto ko sana siguraduhin, baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig at pagkakaintindi kanina, hindi ba? Gusto ko sa'yo manggagaling lahat ng katotohanan." sunod-sunod na tanong ni Cody.

Para akong nabulunan ng tinik at hindi alam kung saan ako magsisimula sa pagpapaliwanag.

Hays! bahala na.

"Totoo ang lahat ng iyong narinig Cody."

.

.

"Kasal na nga kami ni Zik at lahat ng ito ay kagustohan lamang ni daddy at ng daddy niya, syempre tumutol kami dahil hindi namin gusto ang naisipang kabaliwan nila pero wala kaming nagawa dahil tinakot ako ng daddy ni Zik, kung hindi ko raw pepermahan ang marriage contract ay malalagay sa panganib ang buhay namin ni daddy at pati na rin ang kompanya at ari-arian namin, Hindi ko naman pwedeng isipin lang ang sarili kong kapakanan, Inisip ko si daddy at pati na rin ang mga pinaghirapan niya, kaya napilitan akong pumerma kahit labag ito sa kalooban ko at alam kong gan'on din si Zik, biktima lang kami sa kabaliwan ng mga magulang namin. May mas malala pa dahil pagkatapos kong permahan ang marriage contract, nalaman ko na palabas lang pala ang lahat ng pananakot ng daddy ni Zik sa'kin dahil ang totoo ay tunay na matalik na magkaibigan pala sila ni daddy, hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit ang bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit umabot kami sa ganito'ng sitwasyon, ang hirap isipin dahil ba sa business or what? hindi ko talaga alam Cody , Biktima lang kaming dalawa ni Zik dito at hindi pa rin kami makapaniwala. Kasal lang kami sa papel Cody at 'yon lang 'yon, no feelings involved dahil 3 days ko pa lang siyang nakilala, Pasensiya kung ngayon lang ako naglakas ng loob na sabihin sa'yo ang lahat, Naisip ko na napakawalang-kwentang bestfriend ko, Kaya Sorry talaga Cody." paliwanang ko at agad na namang nag-uunahang tumulo ang mga luha ko.

Nakita kong napabuntonghininga si Cody at kita ko sa expression ng mukha niya ang gulat at tela hindi makapaniwala sa aking sinabi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Caren Mestiola
ndi makapaniwala na magagawa ng magulang sa anak
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status