Napanglahati na nila ang shoot at nagbreak muna sila Freeshia dahil tanghali na. May pagkain naman na hinanda para sa kanila kaya hindi na nila kailangang lumabas para mag-lunch.Tahimik lang na kumain si Freeshia habang si Lance at Troy naman ay masayang nagke-kwentuhan habang kumakain.“Pasensya na kayo Troy kung biglaan ang naging pagbabago. Actually wala din akong alam dito!” sabi ni Lance kay TroySumulyap siya kay Freeshia na hindi naman nagbabago ang reaksyon. But he made it a point na marinig nito ang sinabi niya dahil yun naman ang totoo.Wala talaga siyang alam dito at kahit gusto niya ang idea ni Damon ay hindi niya mapigilang mag-isip lalo pa at alam niya na hindi ito magugustuhan ni Freeshia.It’s a good thing that Freeshia took this lightly. Alam niyang hindi ito kumportable pero ginawa niya pa rin ang trabaho niya.Bago nga sila kumain ay inisa-isa nila ni Troy ang mga pictures and he was surprised dahil maganda ang kinalabasan ng lahat.Ni hindi nga mababakas sa mata n
Nasa loob na ng Emergency Room si Lance nang makarating si Freeshia at Troy sa ospital. Labis ang pagkabigla ng lahat dahil hindi nila inaasahan na magkakaroon ng ganitong insidente.Tinawagan agad ni Troy si Lander para ipaalam ang nangyari at para na din icheck ang location ng shoot.Abot-abot ang pagdarasal ni Freeshia lalo pa at siya ang dahilan kung bakit nasa ganitong kalagayan si Lance. “Freeshia!” tarantang sigaw naman ni Herea nang matanaw niya ang kaibigan na nakaupo sa harap ng ERNiyakap muna nito si Troy bago siya tabihan ng kaibigan.“Her, si Lance!” nag-aalalang sambit ni Freeshia sa kaibigan nang yakapin siya nito“Don’t worry, makakaligtas siya! Teka, ano bang nangyari?” tanong nito sa kaibiganHabang umiiyak si Freeshia ay naikwento niya kay Herea ang nangyari kani-kanina lang.“Teka, ano namang ginagawa noong taong nakita mo sa taas?” tanong ni Herea nang marinig niya na may nakita ang kaibigan sa taas noong mahulog ang bakal ng scaffolding“Hindi ko alam Her! Ang
Kalat sa lahat ng balita online at sa ilang business papers ang nangyari kay Lance sa photo shoot kahapon.Well, okay lang naman sana dahil totoo naman ang nangyari, kung di lang sa mga malisyosong pahayag ng isang writer tungkol kay Freeshia.Sa palagay ni Troy, ito din yung nagsulat ng article tungkol kay Freeshia noong nakaraan.Hindi lang maintindihan ni Troy kung ano ang motibo ng babaing ito at ganun na lang ang kagustuhan niyang siraan si Freeshia.LANCE VILLAVICENCIO, NAAKSIDENTE DAHIL INILIGTAS ANG BABAENG NANG-IWAN SA KANYA NOONNASAAN ANG KUNSENSYA MO, FREESHIA ALTAMONTE A.K.A MALAYA ESPRIT’ ?“Damn!” hindi mapigilan ni Troy na magmura dahil sa mga nakasulat na ito lalo pa at alam niyang maaapektuhan nito ang kaibigan niyaHe got his phone and he immediately dialled Lance’s number.“Nabasa mo na ba?” wlaang kaabog-abog na tanong nito sa kaibigan niyaAlam niyang nagpapagaling pa ito pero hindi pwedeng wala siyang gawin para kay Freeshia.“Pina-trace ko na kung saan galing
Makalipas ang dalawang araw ay pinayagan na ng doktor si Lance na lumabas sa ospital. Luckily, wala naman siyang nabaling buto dahil sa pagbagsak ng bakal sa kanya. May bugbog lang at pasa pero nakakaya naman na ni Lance ang kirot kahit hindi siya uminom ng pain reliever.Inaayos na ni Freeshia ang mga gamit ni Lance dahil napilitan siyang sumama kay Troy ng sunduin niya ang kaibigan sa ospital.Ayaw talaga niyang sumama pero dahil sa pamimilit ni Troy, at sa pasimpleng pangungunsenya nito ay wala na naman siyang nagawa.“Okay ka na?” tanong ni Freeshia kay Lance dahil sumenyas na si Troy na sumunod na sila sa babaSi Troy na din ang nagdala ng gamit ni Lance kaya halos sakalin na ni Freeshia ang kaibigan niya dahil hinahayaan talaga nito na magkasarilinan sila.“Okay lang ba kung alalayan mo ako?” nakangiting tanong ni Lance kay FreeshiaNagtimpi lang talaga si Freeshia at walang kibong lumapit kay Lance.“Huwag na! Napipilitan ka lang eh!” tila nagtatampong sabi ni Lance kaya halos
Maganda naman ang naging review ng board sa mga kuha nila Freeshia at Lance. Namili sila ng mga shots na siyang ilalagay sa bawat pahina ng kalendaryong ilalabas ng kumpanya.Tahimik lang naman si Lance at si Freeshia habang nakikinig sa board at ni hindi tinatapunan ng tingin ni Freeshia si Lance.Si Lance naman ay panay ang nakaw na sulyap kay Freeshia. He was hoping na sana, tignan siya nito pero hindi ito nangyari at nanatili na mailap ang mga mata nito.“Okay na po ba ito, Sir?” tanong ni Kelly pero dahil nakatutok ang mga mata ni Lance kay Freeshia ay hindi nito inintindi ang sinabi ng dalaga“Sir….” ulit pa niya kaya napilitan naman si Freeshia na tignan si Lance at doon na nagtama ang paningin nilaThere was longing in Lance’s eyes at hindi naman manhid si Freeshia para hindi maramdaman iyon. Pero gaya ng sinabi niya, ayaw niya makasakit ng iba.Ibinabang muli ni Freeshia ang mata niya kaya naman doon na natauhan si Lance. Tumikhim pa ito at kahit hindi niya masyadong naintind
“Lance, si Freeshia! She attacked me!” Hindi na nagulat si Freeshia sa ginawa ni Marga dahil umpisa pa lang alam na niya na ito ang mangyayari.“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong naman ni Mariel kay Marga na nakasalampak pa rin sa sahig“Kinakausap ko lang naman po siya. Pero nagalit siya at sinabunutan ako! She even destroyed my designer dress. Look mommy, kinalmot pa po niya ako and then she threw water at me!” Nilingon ni Mariel si Freeshia na ni hindi man lang kakikitaan ng takot kaya lalo itong nagalit sa kanya.Tumayo si Mariel at agad na sinampal si Freeshia at halos mabiling ang mukha nito sa lakas ng sampal ng dating biyenan.“Tita…” “Mommy….”Sabay namang sabi ni Troy at Lance dala ng pagkabigla sa ginawa ni Mariel.“Hindi mo ba talaga titigilan ang anak ko?” galit na sabi ni Mariel habang nakaduro ang daliri kay Freeshia“Wala akong ginawa! Pipili na lang kayo ng bago ninyong manugang, sana naman hindi yung sinungaling!” matapang na sagot ni Freeshia kay MarielAkmang
Isang linggo na ang nakalipas buhat nung huling mag-usap si Lance at si Freeshia. At isang linggo na din siyang hindi mapakali dahil ang sabi sa kumpanya ay naka-leave daw ito at si Lander muna ang in-charge sa lahat.“Again!” Napapitlag pa si Freeshia sa sigaw ni Troy na ngayon ay nahahalata na ang pagiging balisa ng kaibigan.They are already shooting for the billboard project pero wala talaga sa hulog si Freeshia.“Guys, break muna tayo!” sabi naman ni Kelly na nahalata na din ang init ng ulo ni TroyDalawang araw na silang nagsh-shoot pero hanggang ngayon wala pang magandang kuha si Troy sa modelo niya.“Mag-usap nga tayo!” sabi agad ni Troy ng makalapit siya kay Freeshia“Sorry Troy! Masakit lang talaga ang ulo ko!” pagdadahilan ni Freeshia pero alam niya, sa tinign pa lang ni Troy na hindi ito naniniwala sa sinasabi niya“Ano ba talaga ang nangyari? After nung insidente sa restaurant, hindi na kita makausap ng maayos! Palagi kang tulala! Ano ba talagang pinag-usapan niyo ni La
Sa VIP room ng restaurant pinapunta si Abby ng tinatawag niyang madam at nang makapasok na siya doon ay agad siyang naupo.“Kakain ba tayo Madam?” tanong pa niya dito pero hindi na siya pinansin nito at inihagis sa mesa ang sobre na may pera“Uy! Salamat Madam! Pakisabi po sa ate ninyo, salamat!” ani Abby nang masilip niya ang laman ng sobre“Sigurado ka bang walang nakakita o nakakilala sayo?” tanong ng amo niya kaya agad itong umiling“Wala po Madam! Gaya po ng mga nakaraang trabaho, malinis!” proud na sagot ni Abby“Siguruhin mo lang! Ayokong sumabit kami ni ate! Pag nangyari yun ako mismo ang papatay sayo naintindihan mo?”Medyo kinabahan si Abby sa banta ni Madam pero dahil confident naman siya, hindi na lang niya ito binigyan ng pansin.Ang mahalaga naman nagagawa niya ang trabaho niya at kumikita siya ng pera. Kung sa dating trabaho niya na paraket- raket lang, hindi niya kikitain ang perang nahahawakan niya ngayon.“Ang mga susunod na bayad namin para sa trabaho mo, ipapadala
Tinawagan ni Lance ang kapatid niyang si Lander para asikasuhin ang labi ng kanyang anak. Hinihintay na lang niyang magising si Freeshia at hanggang ngayon, hindi niya alam kung paano sasabihin ang lahat.Tulog pa rin si Freeshia pagpasok nila ni Troy sa kwarto at nakabantay naman dito si Herea.“Hindi pa ba siya nagigising?” tanong ni Lance and Herea immediately shook her headAs if on cue ay nagising naman si Freeshia nang maupo si Lance sa tabi niya.“Baby…” naghihinang tawag ni Freeshia kay Lance“Hey sweetheart!” sagot naman ni Lance habang pinipigil ang luha niya“Nakita mo na ba ang baby natin? Narinig ko kanina, sabi ni doc, lalaki siya.” Hindi nakapagsalita si Lance kaya naman nagtaka si Freeshia.“Lance..hindi mo pa nakikita ang anak natin?” ulit ni Freeshia at naramdaman niya ang paghawak ni Lance sa kamay niya“Sweetheart…” tila may bikig sa lalamunan si Lance at hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagtatapat “Lance…bakit!? May problema ba? Nasaan ang anak natin?” t
Nakaramdam si Freeshia ng pananakit ng tiyan ng nung gabing iyon. Nakahiga na sila ni Lance at kaninang hapon palang ay nakaramdam na si Freeshia ng paninigas ng tiyan. She called her doctor at sinabi nito that she is already in labor. At pinagbilin nito na if the pain intensifies, magpadala na ito sa ospital.“Baby..” ani Freeshia at tinapik nito si Lance Agad namang nagising si Lance dahil naka-alerto na ang utak niya na anytime ay dadalhin niya sa ospital si Freeshia.Biglang bumalikwas ng bangon si Lance as he heard Freeshia’s voice. “Sweetheart…” pupungas- pungas na sabi ni Lance“Masakit na yung tiyan ko! Pumunta na tayo sa ospital!” nakangiwing sabi ni FreeshiaNapatalon na si Lance sa kama at agad niyang hinagilap ang telepono niya. Nakaalerto na din kasi sila Randy since last week dahil kabuwanan na nga ni Freeshia.“Randy, ihanda niyo na ang mga gamit at ang kotse. Dadalhin na natin ang Ma’am niyo sa ospital!” utos niya sa mga itoBinalingan ni Lance si Freeshia na nakau
Hindi pumayag si Lance na magmaneho si Damon dahil medyo naparami ang ininom nito.Masaya kasi ang naging kwentuhan nila lalo pa at pare-parehong maganda ang takbo ng lovelife nila.“Pasensya na sa abala, Randy!” sabi ni Mint dahil siya ang inutusan ni Lance na ipagmaneho sila ni Damon pabalik sa bahay nito“Naku Ma’am wala pong problema yan! Trabaho po namin ito!” masayang sagot naman ni RandyNakasunod naman sa kanila si Dindo dala ang kotse ni Lance para may masakyan sila pabalik ng townhouse.Pagdating nila sa bahay ni Damon ay nagpasalamat si Mint sa kanila. Nagpasalamat din naman si Damon bago sila pumasok sa loob ng bahay.Aasikasuhin muna ni Mint si Damon bago siya umuwi sa kanila.Inalalayan ni Mint si Damon na umakyat sa kwarto nito. Ilang beses na din naman siyang nakapunta dito kaya kabisado na niya ang lugar.Pero hanggang sa baba lang naman siya. Hindi pa siya nakakaakyat sa kwarto ni Damon and this will be the first time.“Mahiga ka na!” utos niya kay Damon nang maiupo
Freeshia is so happy dahil sa hindi inaashang bisita niya noong hapon na iyon.“Her!” masayang sabi ni Freeshia at sa sobrang saya niya ay napatayo siya agad “Oh dahan-dahan lang!” natatawang sabi ni Herea at agad niyang sinalubong ang kaibigan“Baka nakakalimutan mo ha, buntis ka! Akala ko tatambling ka na!” biro ni Herea“Oh my God, Troy!” napatili si Freeshia nung makita niya si Troy“Hello Pumpkin! Na-miss mo ba ako!” nakangiting sabi nito saka niya niyakap si Freeshia“I missed the both of you! Grabe ang tagal niyong bumalik! Akala ko manganganak na ako’t lahat, wala pa rin kayo!” sabi ni Freeshia saka sila naupo sa couch“Hay naku, sisihin mo yang si Troy! Kung hindi ba naman kasi naaksidente edi sana, hindi ako umalis dito!” paninisi ni Herea sa nobyo “Babe naman, kasalanan ko ba yun? Mahal mo lang talaga ako kaya hindi mo ako matiis!” pang-aasar ni Troy kay Herea kaya inikutan siya nito ng mata“Ikaw naman kasi Troy, ano bang naisipan mo at nagdrive ka ng lasing!” sermon pa
Tahimik lang si Freeshia habang kumakain sila ng hapunan ni Lance. Nakaalis na si Mariel at kahit magkaharal sila sa dining table ay hindi sila nag-uusap na para bang pinapakiramdaman nila ang bawat isa.Nang matapos na sila ay pumasok na si Freeshia sa kwarto nila at kasunod naman niya agad si Lance.“Are you upset?” tanong ni Lance kay Freeshia na nakaupo muna sa gilid ng kamaHuminga ng malalim si Freeshia habang hinihimas ang tiyan niya.“Lance, alam ko naman na hindi mo pa kayang patawarin ang Mommy mo! Kaya lang sana huwag mo naman siyang itaboy na parang ibang tao siya!” pagsisimula ni Freeshia dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa kanina ni Lance sa Mommy niya“At ano naman ang gusto mong gawin ko, Freeshia? Do you want me to hug her and pretend that nothing happened?” bakas pa rin ang inis sa mukha ni Lance at naiintindihan naman iyon ni Freeshia“Lance, hindi sa ganun! I just hope na bigyan mo ng chance ang Mommy mo! She misses you at mukhang nagsisisi naman na siya!” paliw
Mabilis na lumipas ang mga buwan at ngayon ang ika-walong buwan ng pagbubuntis ni Freeshia. Wala namang maging problema sa pagbubuntis niya at lubos na ipinagpapasalamat ni Lance at Freeshia ang bagay na iyon.Mula ng umalis sila sa resthouse sa Antipolo ay sa townhouse ni Freeshia sila tumuloy. Pinasimulan na ni Lance ang mansion nila ni Freeshia and hopefully, after their wedding ay makalipat na sila dito.Nasa sala si Freeshia at nagbabasa siya ng libro nang dumating si Herea.“Her!” masayang salubong niya sa kaibiganNakita niya na may dala itong box ng paborito niyang doughnut.“How are you?!” anito matapos niyang yakapin ang kaibigan“I am fine! Heto, kinakabahan!” pagtatapat niya sa kaibigan“Ano ka ba! Kaya mo yan! Ikaw pa ba?” pagpapalakas ng loob ni Herea sa kanya“Oo naman, Her! Hindi ko lang maalis sa isip ko ang matakot lalo at first time ko ito!” sagot niya sa kaibigan“You will be fine! Nandito lang kami!” sabi pa ni Herea“Nasaan nga pala si Troy? Bakit hindi mo si
Apat na buwan na ang tiyan ni Freeshia at sa awa naman ng Diyos, idagdag pa ang todong pag-aalaga sa kanya ni Lance ay naging maayos naman ang unang trimester ng pagbubuntis niya.“The baby is healthy, Freeshia! So you don’t have to worry! Pwede ka ng tumayo at maglakad lakad but of course, kailangan pa ring mag-ingat, okay.” saad ng doktor ni Freeshia noong araw ng check-up niya“Opo doc! Tatandaan ko po yan!” masayang sagot ni Freeshia dito“That’s good! Eto ang bagong reseta mo since may dinagdag akong bagong gamot!” anang doktora saka nito inabot sa kanya ang isang papel“Ah doc, may I ask po, pwede na po akong bumyahe?” tanong no Freeshia sa doctor“Why sweetheart? You want to visit your parents?” tanong naman ni Lance“I was just thinking kung pwedeng umuwi na tayo sa Manila.” pahayag ni Freeshia kag Lance“Well, pwede naman since malakas na ang kapit ng baby!” sagot naman ng doctor“Let’s talk about it later! Anyways, doc, maraming salamat!” baling ni Lance at nakipagkamay siya
Magaan ang pakiramdam ni Freeshia nung magising siya kinabukasan lalo at katabi niya si Lance sa pagtulog.Niyakap niya ito ng mahigpit kaya naman nagising si Lance at niyakap din siya.“Good morning, sweetheart!” bulong sa kanya ni Lance in his sexy husky voice“Good morning Baby!” sagot ni Freeshia sa kanya as she buried her face in his neck“How do you feel?” agad na tanong ni Lance sa kanya“I feel good, better than ever, baby!” masayang sagot ni Freeshia“That’s good! What do you want for breakfast?” tanong uli ni Lance sa kanya“Hmmm… anything baby! Wala naman ako naiisip na kakaiba!” sabi ni Freeshia“Okay then! Check ko lang kung ano ang niluto nila after your morning ritual!” Binuhat siya ni Lance at dahan-dahang dinala sa banyo. “Ok na ako dito, baby! Just leave me here na!” sabi ni Freeshia kay LanceAfter niyang magbanyo ay binuhat siya uli ni Lance pabalik sa kama.“Okay ka na? Are you comfortable?” tanong pa ni Lance and she just noddedSobrang saya ng puso niya dahi
Eksakto alas kwatro ay sinundo ni Damon si Mint para sa lakad nila. Papunta silang Palawan para sa isang event na dadaluhan ni Damon.Ayaw na sanang sumama ni Mint pero mapilit si Damon at sinabing kailangan siya nito.Mula sa opisina ay sasakay sila ng chopper na maghahatid sa kanila sa hotel na tutuluyan nila doon.“Bakit naman kasi kailangang sumama pa ako doon? Pwede naman na ikaw na lang!” may inis sa boses ni Mint lalo pa at araw naman ng linggo ang event“Tsk! Alam mo naman na gusto ko palagi kang nasa tabi ko eh! Sanay na ako na palagi kitang nakikita! Kulang na nga lang, mula pagtulog at paggising eh!” biro ni Damon habang inaayos nito ang headset ni MintNapasimangot naman si Mint sa sinabi ni Damon. Although sanay na siya na palaging hinahaluan ni Damon ng biro ang mga sinasabi nito, hindi din nawawala ang kilig na nararamdaman niya sa bawat banat nito.“Oh nakasimangot ka naman! Halikan kita dyan eh!” Naningkit ang mata ni Mint sa sinabi ni Damon pero nandoon ang pagkalab