“Pero sinuot ko ito para sa ‘yo,” reklamo niya.
“I know. And those are mine…” sabi nito tungkol sa cleavage niya. “Kaya ayokong may ibang makakita and imagine you—just change, please, babe? Please?”
Unfair.
But she went. Unang beses iyon na lalabas sila sa isang date pero hindi ang unang beses na naranasan niyang naging possessive ito sa kanya sa harap ng ibang mga lalaki.
It happened at the resort when they swam at the beach. Tinakpan siya nito ng tuwalya noong may mga lalaking turistang hayagang nanood habang nagla-lakad siya pabalik sa buhangin mula sa tubig. Naka-bikini siya noon. Pinasuot na nito sa kanya ang shorts niya at t-shirt nito noong gusto pa niyang mag-langoy.
Hindi siya nainis kundi natuwa pa sa ginawa nito. Parang ang possessive masyado, but she didn’t mind then. Ngayon pa ba na asawa na niya ito?
Ang ipinalit niya ay color-coordinated rito. Sleeve
“’Yun si Jigo Myrick? Teka. ‘Di ba barkada siya ni Carl noon sa campus?” sambitla ni Joana noong makaalis ito. “Noon ko pa iniisip na parang pamilyar ang mukha niya… kasi alumni siya sa school natin!”“Oh my god, mas mayaman ang mga Myrick sa mga Easton, ‘di ba?” sabi naman ni Kacey. “Teka wait… siya ‘yung may-ari n’ung resort at n’ung isla!”“Ay, gurl… ang galing…! Nakahanap ka ng rebound na much better pa kay Carl. Gwapo at sex appeal, over the roof… my god! That’s how you play the game!” buyo ni Pam na nagniningning ang mga mata. “So, may kapatid ba siya? Mga pinsan na kasing howt niya?”Nagtawanan ang tatlo. Tumawa rin naman siya, saka naaasiwa siyang ngumiti. “Actually, hindi ko siya rebound. I like him. I really like him.”Nagtatawanan pa rin ang mga ito, pero noong hindi ni
Kinabukasan, sinama siya ni Jigo sa bahay nito—nila—sa unang pagkaka-taon. Bago iyon ay sa pent suite nito sa Manila pa lang siya nito naiuuwi pero mas madalas silang sa condo niya natutulog. Para kasing laging ang daming tao sa building ng pent suite nito na nasa gitna ng BGC habang mas konti sa kanya na nasa kabilang dulo. Mas private sa lugar niya.Ang residential property nito as isang gated half-hectare land sa Quezon City. Manor style ang bahay na nakatayo sa bandang likod ng maluwang na grounds, two-storey at may left wing. Puno ng mga halamanan ang mga hardin pero ang pinakapaborito niyang spot ay ang man-made koi pond. Napapa-libutan iyon ng iba-ibang klase ng tropical plants, banana trees at palm trees tapos naka-arrange na mga batong galing ilog at limestones ang border. Mga malalapad na marble slabs na magaspang ang cut ang bumubuo ng hagdanan na pwedeng babain para makapaglaro sa malinaw na tubig.Noong tinanong niya kung paano nalilinis ang tubig dahil napakalinaw niyon,
Nagpatuloy si Jigo. “She was impatient with me. Bakit daw hindi kita sinusubukang ligawan para hindi si Carl lang ang nakikita mo? Then noong eighteenth birthday party mo kina Carl,” anito. “I danced with you, remember? She was over-the-roof sa kilig. Bagay na bagay daw kasi tayo.” Relaxed si Jigo habang nagkukuwento.“You’re kidding me,” sabi pa niya. Nag-iinit ang mukha niya. Naalala pa niya ang sayaw na iyon kagabi. Ganoon ba talaga ka-sync ang mga utak nila ng lalaking ito na pai sa mga naaalala at iniisip ay nagkakapareho?Natitilihan siyang isipin na may ganoong ganap pala ang lola nito. Ami-nado siya na giliw na giliw ito sa kanya kasi naramdaman niya. Kilala itong istrikto pero maliit pa siya ay masuyo na ito sa kanya. Meron pa nga itong tahimik na pwesto sa puso niya dahil sa isang act of kindness nito noong bata pa siya.Iyong lady watch nitong regalo noon sa kanya. Noong twelfth birthday niya, niregaluhan siya nito ng wrist watch na manipis ang strap at preppy ang design.
Ang lakas ng ingay sa sahig ng mga paa ng silya noong tinulak ni Jigo iyon para makatayo. Nasa tabi na ito Ni Fae bago siya makatapos magsalita at halos buhatin na siya nito noong kinuha siya nito mula sa kanyang silya para iupo sa gilid ng mesa.“Yes? Ulitin mo nga?”Umikot ang eyeballs niya. “I love you na lang para hindi na mahaba.” Tapos tumawa na siya noong sumalta na rin ito sa mesa pagkatulak sa kanya sa gitna. Siniil siya nito ng halik at tuluyan na siyang napahiga noong diniin siya ng bigat nito sa gitna ng mesa.Hinalikan siya nito nang matagal at masuyo, at ramdam niya ang damdamin nito sa halik nito, o malakas na pagtahip ng puso nito sa magkadikit nilang dibdib, at pangangatal ng katawan nito at kamay habang hinahaplos ang pisngi niya.Naroon iyon sa mga mata nito noong inangat nito ang mukha para masuyo siyang ngitian.“I love you, too,” sabi nito. “I planned to say it first today, pero naunah
Nang sumunod na weekends ay sa QC house umuwi ang mag-asawang Jigo at Fae. Hindi pa kasi tapos ang renovation sa condo niya. Mas makakatrabaho ang interior decorator nito at kasamang cabinet maker kung wala sila roon. Nag-drive sila pa-QC Friday ng hapon. Magtatrabaho ang decorator sa condo niya Sabado at Linggo.Nang gabing iyon, napag-usapan nilang imbitahan ang mga kaibigan niya kinabukasan ng Sabado. Nauna na nilang napagdesisyunan nang nakaraang araw pa na sabihin na sa pinakamalapit sa kanila na kasal na sila at gusto nilang unahin ang mga ito. Mas delikado kasi at kailangang paghandaan ang pagsasabi kay Lola Leah.“Pwede bang mag-sleepover sila bukas, baby? Nag-aalala kasi akong baka magtampo sila. Gusto ko mas mahaba ang time kong manuyo.”“Whatever you and your friends want. Isa pa, nami-miss mo na siguro sila. Ang saya n’yo noon sa club at hindi pa kayo uli lumalabas mula noon. Ako na lang lagi ang kasama mo, baka magsawa ka na
“Congratulations!”Iilang sandali bago nag-react si Carl sa pagbati ni Fae. Pumihit ito at humarap sa kanya. Matagal iyon para sa dalaga na nangangatal ang mga tuhod sa paghihintay na pansinin siya nito, lalo’t maraming mga matang nanonood sa kanila sa bulwagan ng hotel na iyon kung saan ginaganap ang reception ng kasal nito.Noong nakikita na niya ang pamilyar nitong mukha ay muntik na siyang mapaluha. Pero hindi maaari. Napapalibutan sila ng mga bisita, mga taong kilala nilang dalawa. Mga taong alam ang kanilang kuwento.Napakatikas nito sa suot nitong three-piece suit, ang lalaking ito na ninais niya at minahal sa halos buong buhay niya. Ni walang pagsisisi sa mukha nito habang possessive nitong hawak ang maliit na beywang ni Sarah. Nagmamalaki namang suot ng babae ang traje de boda nito para sa okasyon. At ang sumasambang ngiti ni Carl sa bride nito—na kanyang best friend—ang sa wakas ay nagsara ng pinto sa pagitan ng nakaraan ni Fae at kanyang hinaharap. Hindi na niya ito pweden
Lumabas si Fae sa pinto ng lady’s restroom, umaasang sana ay natakpan niya nang maayos ng make up ang pamumula ng kanyang mga pisngi at dulo ng ilong. Kahit papaano ay nagawan niya ng paraan ang kanyang mga mata gamit ang eye drops na binaon niya dahil alam niyang iiyak siya, pero mukha pa rin siyang miserable habang pabalik na siya ulit sa function hall ng hotel. Pinakamahalaga, nagawa niyang kumalma. May dalawang oras pa siyang bubunuin bago matapos ang kalbaryong wedding reception sa hapong iyon. At pagkatapos niyon, she could do whatever she wanted. Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niya ang matangkad na lalaking nakamasid sa kanya sa bandang malayo. Nagbuntunghininga siya. Si Jigo, o si Spencer Jigo Myrick, ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Carl noon pa mang bata pa sila na ang pamilya ay ang may-ari ng resort na ito, ng hotel—ng isla. Hindi siya makatingin dito dahil nahihiya siya. Hindi na siya magtataka kung naroon si Jigo para bantayan siya—damage control sa esp
Ang totoo, natuwa si Fae sa paglapit ni Jigo. The last thing she needed was getting exposed to Sarah’s sex bunny. Dahil kay Jigo kaya bigla siyang binitiwan ni Tom. Pero habang lumilingon siya sa kanyang rescuer, namalayan niyang hindi pa pala siya nakakababa sa high stool. Sumuray siya, magsa-slide sa gilid, at babagsak sa kanyang mukha sa sahig. Hinawakan siya ni Jigo sa likod. Naramdaman niyang kumapit ang kamay nito sa kanyang damit at nahila siya bago siya tuluyang mag-slide all the way down… “I’m just talking to Fae,” narinig niyang katwiran ni Tom. Pumapalibot sa kanyang beywang ang braso ni Jigo, securing her in place atop the stool. Napahawak siya sa dibdib nito para bumalanse, ni hindi nag-takang malapad iyon. At matigas. Jigo had always looked solid. Now she knew that he really was solid. She could feel it. Ito ang unang beses na nahawakan niya ito nang ganito, at hindi na siya nagdalawang-isip sumandal dito kasi malakas naman ito. Parang ding-ding na bato. “No…” sabad