Napalunok si Fae at bumigat ang mga talukap ng kanyang mga mata habang patuloy siya nitong hinahagod ng mga daliri nito roon. Nagdaan muli ang katahimikan, patuloy ito sa ginagawa at siya sa pagkontrol ng kanyang paghinga. Saka siya muling tumingin dito. “Is it always like this with you? Kapag may kasama kang babae, I mean? I mean… ganito ka ba sa lahat?” Napaawang ang mga labi niya at sandaling nilabanan niyang mahigang muli. She still wanted to talk to him, but she wouldn’t stop him doing that. “Hindi… ganito ang… ahh… kwento ng iba.” “Paanong hindi ganito?” “Ganito… na parang walang katapusang… arousal. Kasi marami silang complaints.” Marahan siya nitong tinapik sa baba bago sumilid ang kamay pataas, hanggang hawak na nito ang isa niyang boob para marahang pisilin. “Honestly? Will you believe me when I say I haven’t felt like this? Hindi ako makatigil sa kaiisip ng mga pwede pa nating gawin. Mga gusto ko pang gawin sa ‘yo. At kapag kasama kita nang ganito, I can’t seem to stop w
Busog na siya, at masayang busog, habang nakahalumbabang pinanonood ito sa pag-ubos sa laman ng isa sa mga bowls ng siomai na ang iba ay sinubo nito sa kanya gamit ang chopstick. “Akala ko noon, chill ka lang. Cool na cool. Pero hindi ka lang mabait, makulit ka rin pala.” “You’re okay yourself, kid,” sabi nito. “But I already know that a long time ago. Loyal and honest. And patient.” Ah. Dahil iyon sa kanyang matagal na paghahabol kay Carl. Sa halip na sabihing obsessed, parang inosente ang kanyang feelings sa lalaki. And she had been a bit obsessed kaya nakaka-guilty. Pero pinilit niyang kontrolin iyon, in fairness to her. Naging defensive din siya nang matagal tungkol doon noong nauso na ang stalkers. May panahon na natakot siyang masabihang stalker ni Carl kaya noong nasa college na siya ay kinontrol niya ang kagustuhang lagi itong makita, hanggang sa bumili siya ng condo unit para umalis na sa bahay ng mga ito. Pero hindi pinaramdam ni Jigo ang mga ito sa kanya. Nilarawan lang
Tumawag si Jigo. “How is everything doing? Kumain ka na ba?” “Yes.” Napangiti siya. “I really appreciate you checking on me kahit alam kong busy ka sobra dahil hindi ka pumasok kahapon,” sabi niya rito. Narinig niyang inutos nito kay Maria na i-move lahat ng appointments nito kahapon bukas kasi hindi pwedeng i-postpone ang kung anumang kailangan nitong gawin ngayon sa Cebu. So, definitely, naistorbo niya ito talaga kahapon. Nag-atubili tuloy siyang mag-chat rito kaninang umaga para kumustahin ang flight nito. also, it felt almost like… girlfriend-ish? Nag-atubili siyang mag-chat rito kaninang umaga para kumustahin ang flight nito. It felt almost like… girlfriend-ish? Okay sila kapag magkasama, pero baka kasi ibang boundary na iyon na hindi niya dapat lampasan. “Gusto ko lang malaman kung inaalagaan mo ang sarili mo kahit wala ako. I know. Positively evil of me.” Napatiim ang kanyang mga labi. So he felt it, too. The reluctance to overstep. Pinakiramdaman niya ang sarili niya, and
May tatlong regular na mga kaibigan si Fae na walang koneksyon kay Carl o sirkulo nito. Si Joanna ang pinakamatagal niyang kaibigan dahil nagkilala sila, highschool pa, tapos sa parehong university sila nag-aral. Si Kacey, college na niya nakilala. Si Pam ay sa isang party niya nakatagpo, noong iniwan nila ang kanilang mga blind dates at sila ang nagkwentuhan sa ibang bar hanggang madaling-araw. Malapit sa campus iyon at kamukat-mukat, nasa pareho pala silang university nag-aaral, sa ibang college lamang ito. Agad ding nakasundo nina Joana at Kacey ang dalaga noong ipakilala niya ito sa dalawa. Joanna was an accountant, Kacey was a businesswoman, and Pam was a doctor. Lahat sila ay nasa mid-twenties. Single din silang lahat. Ewan niya kung significant ito, dahil magaganda ang kanyang friends, matatalino at may mga karera. Mahilig lumabas sina Kacey at Pam kaya nadadamay sila ni Joana. Pero siya, ang excuse niya ay si Carl dati kaya si
Siniguro ni Fae na wala nang ibang tao sa kanyang condo kinabukasan kasi baka sakaling may ma-wrong door na naman if ever na maisip uli bumisita ni Jigo. Sa salas siya pumuwesto para makasiguro siyang maririnig niya kapag tumunog ang doorbell. Hindi siya mapalagay. Pero kahit isang kaluluwa ay ni hindi naligaw sa kanyang pinto buong umaga. O hapon, na ginugol niya sa pagpupuno ng kulay sa una sa mga small canvases na binili niya. Natagpuan nang gabing iyon si Fae sa harap ng kanyang TV, nagma-marathon ng huling season ng paborito niyang ‘Suits’ kasi pagod na siya pero hindi pa siya makatulog. Tapos naalimpungatan siya sa tunog ng doorbell. Nakatulog na pala siya nang hindi niya namamalayan. Sinulyapan niya ang oras sa kanyang wall clock. About ten PM. Binuksan niya ang pinto. It wasn’t any of her friends. It was Jigo. She knew it would be him. She had been waiting for him. Kahit nagtagal, alam niyang babalik it
“Jigo, nagba-vibrate na naman ang phone mo,” sabi niya rito. Nakapatong ang gadget sa ibabaw ng nightstand at ilang beses na iyong nagparamdam.Nagbuntunghininga ito, saka isinubsob ang mukha sa liko ng leeg niya at balikat habang niyayakap siya nang mahigpit.Matapos ang ilang sandali ay tumihaya siya ng higa para makita niya ang mukha nito. “It’s Monday. Baka natataranta na si Maria sa opisina.”Marahan itong tumango habang nakatingin sa kanya.Nginitian niya ito. “Punta ka na lang uli rito kapag may free time ka na.”Pinisil nito ang pisngi niya. “Let’s go out.”Nakagat niya ang ibaba niyang labi. Naramdaman na niya iyon, na may sasabihin itong ganoon. At sa totoo lang, naisip na rin niya ito noong na-miss niya ito kahapon.Akala pala nito ay buong weekend silang magkakasama ng kanyang mga kaibigan. Pero may pampamilyang lakad sina Kacey at Joana, habang s
Mabagal ang kurap ni Jigo habang titig na titig sa kanya. “Us. My god, Fae. Ang dami kong sinabi and you only need to say one word…”Nakagat niya ang ibabang labi. “There is an ‘us?’ Talaga?”“You betcha, there is. Don’t you take it back.”“I’m taking it back.”“NO, you will not.” Saka siya nito kiniliti. Sa sumunod na mga sandali ay puro sigaw at halakhak niya ang maririnig sa kwarto hanggang naiiyak na sa katatawa niyang pinangakong hindi na niya babawiin ang kanyang sinabi.“What do you think?” tanong nito habang nakatukod ang mga siko sa magkabila niya, nakabantay sa kanya habang humihingal pa rin siya.Umikot ang kanyang mga mata. “Whatever you’re thinking.“Natatawa ito. “Which is…?”“We’re going… dating?”“I want them to see us dating. Lalo na ‘yong mga gustong manligaw sa ‘yo dahil wala nang sagabal na Carl.”“Ah, so dahil hindi ka marunong manligaw, ayaw mong ligawan ako ng mga marunong—nooo!” Kinikiliti na naman siya nito hindi lamang ng mga kamay nito kundi ng mga labi. “St
Nakaligid na si Jigo sa island noon at niyayakap na si Fae. “I’m so sorry. I’m sorry it happened to you. That it’s still happening to you.”“Noong kasal, parang ang sama-sama kong tao noong araw na ‘yon. Tapos ni hindi pala ako invited. Tinakas lang pala ni Sarah ang invitation ko. Naging walang kwenta lang iyong pagpunta ko roon para patunayan kay Carl na masaya ako para sa kanya at walang nagbago. But something did. That day changed us. All that could have been prevented, you know? Kung hindi na lang ako dumalo.”“I know. She’s a bitch, but he’s such a prick.”Umalpas ang tawa sa bibig niya.“It’s true,” anito habang bahagyang inuurong ang dibdib sa kanya para matulungan siyang magpahid ng luha at suklayin ang mga hibla ng buhok niyang humarang sa kanyang mukha. “He’s such a moron. Bagay silang dalawa.”“Kaibigan mo s