Ang buong akala ni Sabrina ay maniniwala na sa kanya ang kanyang kaibigan pero hindi pala dahil matapos siya nitong lingunin ay napatawa lamang ito na para bang ginagawa nitong biro ang kanyang ipinagtapat dito.
“Brin, alam kong pagod ka pero pwede bang huwag mo siyang gawan ng isang bagay na hindi naman niya magagawa?” natatawa nitong saad at masakit iyon para kay Sabrina dahil nais lang naman niyang mailayo ang binata sa mapanlukong si Alheia.
“Nagsasabi ako ng totoo saýo. Hindi ko gawa-gawa ang bagay na ýon at alam mo kung anong klaseng tao ako, Matt kaya sana naman, paniwalaan mo ako kahit ngayon lang,” pagsusumamo pa niya pero talagang hindi na naniniwala pa sa kanya ang kanyang kaibigan.
Ganito nga siguro kapag sobrang nagmamahal, nakakabulag at nakakabingi!
Naglakad palapit sa kanya ang binata saka siya nito matamang tinitigan sa kanyang mga mata.
“Thank you for your information. Alam kong concern
Nang maayos nang naibaba ni Matthew ang kanyang kamao ay mapagkumbabang binalingan ni Sabrina ng tingin ang mga kalalakihan lalo na ang sinapak ng kanyang kaibigan.“Pasensiya na kayo, lasing lang siya at hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa,” paghingi niya ng paumanhin.“Ilayo mo na ýan mula rito dahil baka kung ano pa ang magagawa namin diyan,” sabi ng isa sa mga ito habang nakahawak ito sa kabilang braso ng kaibigan nitong nasapak ng binata.“Anong sabi mo?!” galit na tanong ni Matthew pero agad naman niya itong binalingan.“Tumigil ka na,” saway niya saka niya ito pinandilatan ng mga mata.“Pasensiya na po talaga sa inyo ulit,” muling paghingi ni Sabrina ng paumanhin sa mga ito. Mabuti na lang at hindi ganu’n kainit ang ulo ng mga ito kaya imbes na manggulo at gumanti dahil sa ginawa ni Matthew ay mas pinili na lang ng mga ito ang pagpasensiyahan na lamang sila.
“What? No!” sigaw ni Matthew sabay tayo. Napatingin ang lahat sa binata habang si Sabrina naman ay nanatiling nakayuko at pilit na pinipigilan ang sarili nitong mga luha sa pagdaloy.“Matthew!” awat ni Arturo sa anak.Nahihiya naman ang mag-asawa nang napatingin ang mga ito sa mga magulang ni Sabrina. Napailing na lamang din si Roman dahil sa inasal ni Matthew ng mga sadaling ýon.“Hindi ako papaya na makasal kau Sabrina. Ma, alam naman ninyong kapatid lang ang turing ko sa kanya at kahit kailan, hindi na ýon magbabago pa,” katwiran ng binata na siyang lalong sumaksak sa puso ni Sabrina nang lihiman.“If you don’t love her then, why did you sleep with her?!” singhal na tanong ni Slyvia sa anak na gustong magrebelde sa kanila.“I was drunk last night. I was unconscious. I was not in-----”“Kahit ano pang sasabihin mo, sa ngalan na nakipagsiping ka sa kanya,
Pagkatapos ng kanilang secret wedding ay mas pinili ng dalawa na dumiretso na lamang sa Boracay para sa kanilang honeymoon. Ang nasabing honeymoon ay pinlano rin ng ina ni Matthew. Wala na rin sa kanilang kukuti na magkakaroon pa sila ng kasiyahan pagkatapos ng kasal dahil alam naman nila na magmumukha lang silang namatayan dahil sa mga nangyayari sa kanila.Walang imikang na namamagitan sa kanilang dalawa habang nagba-biyahe sila papunta sa kanilang destinasyon. Hindi rin magawa ni Sabrina ang ibuka ang kanyang mga bibig para magsalita dahil sa takot nab aka bulyaw lang ang kanyang matatanggap na tugon mula sa kanyang asawa lalo na at wala talaga ito sa mood na makipag-usap matapos itong ikasal sa kanya ng sapilitan.Hanggang sa mga sandaling ýon ay hindi pa rin talaga mawala-wala sa kanyang isipan na ang labis na pagsisisi kung bakit mas pinili niya ang kagustuhan niyang matikman ang higpit na yakap ni Matthew pati na ang matikman ang tamis ng bawat halik nito
Nanatili siyang nakatitig sa kanyang asawang maghimbing nang natutulog ng mga sandaling ýon. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa kama at nang nakalapit na siya ay dahan-dahan naman siyang umupo sa gilid nito saka niya tahimik na pinagmamasdan ang mukha ni Sabrina. Ang mukha nap uno ng saya at tawa noon na naging malungkutin na ngayon dahil sa mga nangyayari sa kanilang dalawa.Masisisi ba siya kung hindi naman talaga niya ginusto kung anuman ang mga namagitan sa kanilang dalawa?Oo, mahal niya ito hindi bilang isang babae kundi bilang isang kaibigan at kapatid. Kahit kailan ay hindi talaga sumagi sa kanyang isipan na mangyayari sa kanilang dalawa ang bagay na ‘to. Wala sa isipan niyang darating ang panahon na magiging asawa niya ito nang dahil sa isang gabing pagkakamali.Kailanman, wala sa kanyang bokabularyo ang saktan ito pero anong magagawa niya kung nang dahil dito ay masisira ang kanyang mga pangarap para sa kanilang
“Alam ko na ang buong katotohanan tungkol sa inyong dalawa ni Matthew,” pahayag ni Alheia nang nakapagsolo na silang dalawa para pag-usapan ang mga bagay-bagay na kinakailangan ng masinsinang pag-uusap.Kasalukuyan silang nasa pasyalan habang si Matthew naman ay umalis saglit dahil may binili ito.Napatingin siya sa kanyang kausap at nababasa niya sa mga mata nito na hindi ito nagbibiro ng mga sandaling ýon.Hindi niya akalain na ganu’n lang kadali para kay Matthew ang sabihin ang buong katotohanan kay Alheia at ni hindi man lang nito napag-isipan kung ano ang mararamdaman niya para sa bagay na ýon.Naibaling niya ang knayang paningin sa ibang bagay habang unti-unting sinasaksak ang kanyang puso.“Galit ako noong una. Wala akong maintindihan pero dahil mahal ko si Matthew, pinilit ko ang sariling intindihin siya at samahan sa laban niyang ‘to ,” seryosong pahayag nito habang nakatuon ang mga mata ni
Tahimik si Matthew na nakaupo sa isang upuan na nasa gilid ng pool na nasa labas ng kanilang bahay habang nakamasid siya sa piligid.May alak na nakapatong sa mesang nasa tabi niya habang may lamang alak naman ang basong hawak-hawak niya.Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang mukha ng kanyang asawa matapos nitong pirmahan ang kasunduan na inihanda niya para sa kanilang dalawa. Mahal niya si Sabrina hindi bilang asawa niya kundi isang kaibigan na alam niya sa kanyang sarili na hindi na ýon magbabago pa.Gusto lang din naman niyang makahanap ito ng lalaking kayang suklian ang pagmamahal na iniaalay nito kagaya ng pagmamahal nito sa kanya. Alam din niya sa sarili na kahit kailan ay hindi niya masusuklian ang pagmamahal na ýon dahil si Alheia lang ang babaeng pinangarap niyang makasama habang-buhay. Alam niya sa sariling si Alheia lang ang natatanging babaeng nakatakda at nararapat sa kanya at wala nang iba pa.Hindi ba parang sumusobra na yat
“Finish them all.”Pabagsak na inilapag ni Matthew sa ibabaw ng mesa ni Sabrina ang patong-patong na folder na dala nito mula sa opisina nito pagkatapos niyang makaupo sa harap ng kanyang mesa ng tanghaling ýon. Kararating lang niya galing mag-lunch kasama si Leo pero ganito na ang agad na isinalubong sa kanya. Hindi pa nga siya nakapagpahinga kahit saglit mula sa kinain niya ay sangkatutak na folders ang inilapag nito sa ibabaw ng kanyang mesa.“I need your report about it before you can go home,” dagdag pa nito.Gusto niyang mag-react pero hindi na niya nagawa pa dahil agad naman itong umalis mula sa kanyang harapan. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil mabilis pa sa alas-kwatro ang naging kilos nito.Matamlay na napatingin siya sa bulto-bultong folders na nasa harapan niya. Mas okay pa naman sana ang kanyang asawa kanina pero bakit bigla na lang itong nag-iba.Naiintindihan naman niya kung hanggang sa mga sandaling
Napatingin si Sabrina sa kanyang kamay nang walang anu-anoý hnawakan ito ni Leo.“Give me a chance to prove my feelings for you, please,” pakiusap nito.Nang titigan niya ito sa mga mata nito ay kakaibang emosyon ang nakadungaw na siyang sumalubong sa kanyang mga mata.“Leo, alam mo naman ang totoo kong sitwasyon. Alam mo namang kasal na ako at---”“At hihiwalay din kayo pagkatapos ng tatlong buwan, di ba?” agad nitong putol sa iba pa sana niyang sasabihin.“Leo?”“I’m willing to wait. I promise, I won’t give up until you will totally free from him,” madamdamin nitong pahayag.Bakit ba hindi na lang ikaw si Matthew? Tanong ng kanyang isipan habang pinagmamasdan niya sa mga mata ang lalaking kaharap niya ng mga sandaling ýon.Ang hindi alam ni Sabrina ay nasa labas pala ng pintuan ng kanilang department ang kanyang asawa habang may bitbit itong