Isang restaurant ang naging hantungan nina Alheia at Matthew ng mga sandaling ‘yon. Kung saan sila madalas pumupunta ay du’n siya dinala ng kanyang nobya.Sa totoo lang, naging masaya naman siya dahil ang buong akala niya ay hindi na siya kakausapin ng dalaga. Hindi niya alam kung tungkol saan ang pag-uusapan nilang dalawa pero ang alam lang niya ay naging masaya siya para du’n.“A-anong pag-uusapan natin?” tanong niya rito matapos kunin ng waiter ang kanilang order.Napatingin sa kanya ang nobya habang siya naman ay naghihintay sa mga sasabihin nito sa kanya.“Don’t you have anything to tell me?” balik-tanong nito sa kanya. “Don’t you have a plan to explain everything that happened or to say sorry for not considering my feelings before you make a plan to tell everybody about your real relationship with Sabrina?”Ramdam n ani Matthew ang galit sa boses ng dalaga. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang nasaktan niya ito ng labis-labis.“Sabrina asked me to act as her husband a
Matapos iparada ni Leo ang sasakyan nito sa harapan ng bahay kung saan nakatira sina Sabrina at Matthew ay agad itong lumabas para ipagbukas ng pintuan ang babaeng minamahal.“Thank you for bringing me home,” baling ni Sabrina sa binata.“If you need help, just give a beep. Okay?”Marahan siyang tumango bilang tugon sa sinabi nito sa kanya at nang hahakbang na sana ito papunta sa sasakyan nito ay siya namang pagdating ng sasakyang minamaneho ng kanyang asawang si Matthew.Napasunod ang kanilang tingin sa sasakyan hanggang sa tuluyan na nga itong pumasok sa garahe at maya-maya lang ay umibis mula rito ang kanyang asawa na kanina pa niya hinahanap, kanina pa niya hinihintay.“Good evening, sir,” magalang na bati ni Leo rito.“It’s already late in the evening but you still here. What’s the matter?” tanong ni Matthew sa isa sa kanyang directors sa kompanya.“Hinatid ko lang si Sabrina.”“Sabrina?” tanong ni Matthew sabay tawa ng nakakainsulto, “Ganu’n ba talaga kayo ka-close sa isa’t-isa
Matapos ang eksenang ‘yon ay ganu’n pa rin ang pakikitungo ni Matthew sa kanyang asawa at para maging malinis ang pangalan niya sa mga mata ng kanyang pamilya ay ipinalabas nilang hiwalay na silang dalawa ni Alheia. May mga naniniwala pero mayroon ding hindi naniniwala. Kinausap nilang dalawa si Alheia patungkol sa bagay na ‘yon at agad din naman itong pumayag dahil sa pangako ni Matthew na pagkatapos ng tatlong buwan ay pakakasalan siya nito.Masayang-masaya si Alheia para du’n habang si Sabrina ay tahimik lang na nakikinig sa gilid habang ang puso ay palihim na nawawasak. Pero, dahil mahal niya ang kaibigan ay kailangan niyang tiisin ang sakit na ‘yon.Tahimik siyang naglalakad sa gitna ng maraming tao na nakakasabay niya habang ang iba naman ay nakakasalubong niya. Parang wala siya sa katinuan habang naglalakad dahil ang tanging laman ng kanyang utak ay ang pangako ng kanyang asawa sa ibang babae. Ang pangako nitong kasal!Bakit ba kailangan pang masaktan ang taong nagmamahal? Tano
Inabutan ni Leo si Sabrina ng mineral water habang nakaupo ito sa isang bench para pakalmahin ang sarili. Umiiyak pa rin ito pero hindi na katulad kanina. Kumalma na ito ng konti.Agad naman nitong tinanggap ang inabot niyang bote ng mineral water habang nakatuon ang mga mata nito sa unahan.Umupo siya sa tabi nito habang pinakikiramdaman niya ang bawat kilos nito. Mabuti na lang at nasdaanan niya ito kaninang naglalakad pauwi kaya naisipan niyang sundan ito at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita niya kung papaano ito sinubukang saktan ng isang lalaki. ngNi-report na rin nila ang tungkol sa nasabing lalaki at inaasikaso na ito ng mga pulis para maagapan at hindi na makapanakit pa ng ibang tao lalo na ng babae.“Sigurado ka bang okay ka na?” nag-aalala niyang tanong dito nang maihatid na niya ito sa tapat ng bahay nito. Marahan namang napatango si Sabrina bilang tugon sa naging tanong niya rito. Gusto pa sana niyang maniguro sa kalagayan nito pero wala na siyang nagawa dahil na
"Hoy! Bakit inaaway niyo na naman siya? Hindi ba, ang sabi ko sa inyo huwag niyo siyang awayin!"sigaw ng batang Matthew Santos sa mga batang kung umasta ay kaytatanda na. Inaaway na naman ng mga ito ang isang patpating batang babaeng si Sabrina Montis.Agad namang nagsilayuan ang mga batang umaaway sa umiiyak na si Sabrina na para bang takot na takot kay Matthew."Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?"agad niyang tanong kay Sabrina nang nakalapit na siya rito at napaangat naman ng mukha ang batang Sabrina. Napatingin ito sa kanya habang may mga luha sa mga mata.Marahan itong umiling-iling para sabihing wala itong nararamdamang sakit sa katawan.Nakalipas ang ilang sandali ay tahimik silang magkatabing naka
"Happy birthday, tita," bati ni Sabrina kay Olivia nang dumating na sila sa hotel kung saan sila magdi-dinner.Niyakap at nagbeso-beso silang dalawa habang sina Roman naman at Arturo ay nagtapikan."Thank you, dear," magiliw na saad nito habang nakayakap sa kanya sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa na para bang pinag-aaralan siya nito nang mabuti."You look so gorgeous tonight, honey!" compliment nito sa kanya habang hawak-hawak siya nito sa magkabila niyang braso.Nahihiya namang napayuko na lamang siya habang ang asawa naman nito ay mabilis na sumang-ayon sa kanila."Thank you, tita," sabi naman niya habang nakakaramdam pa rin siya ng hiya.
Nagtatakang napatingin si Matthew sa kanyang ina nang wala pa rin silang natanggap na tugon mula rito. Talagang nabigla ito sa kanyang dalang balita, hindi naman kasi pumasok sa kanyang isipan na ganu'n pala ang magiging epekto ng balitang 'yon sa kanyang pamilya."Ma?" tawag niya sa ginang habang ang lahat ng nandu'n ay kakaibang atmosphere na ang nararamdaman sa kanilang paligid na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat.Napatingin si Sabrina sa ginang at nang makita niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa basong may lamang tubig ay nagmamadaling agad niya itong nilapitan saka niya hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa may baso."Tita," tawag niya rito na siyang nagpagising sa diwa ng ginang.Napangiti siya nang kaytamis nang n
Parang biglang nag-slow motion lahat ng nasa paligid ni Sabrina nang marinig niya ang sinabi ni Matthew. Pakiramdam niya, pati ang bosesng binata ay nag-slow motion na rin dahil sa sakit na unti-unting bumabangon mula sa kanyang kaibuturan."Hoy! Naririnig mo ba ako?" tanong ni Matthew sa kanya na siyang nagpagising sa kanyang damdamin na unti-unti nang sinasaksak ng sakit na naidulot nito sa kanya."O-oo naman!" sagot naman niya sabay ngiti kahit na nasasaktan na siya."Eh, mukhang hindi naman, ah!""Nakikinig kaya ako," pagrarason pa niya."Eh, bakit mukhang hindi ka masaya para sa akin?"Diretsong napatingin siya sa mga mat