Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Hindi lang pala bastos tumingin ang lalaking 'to, pati pala bunganga niya ay bastos din. Oo nga at may nangyari sa amin ng pinsan niya pero pareho naming hindi iyon ginusto. Pinilit kong ikalma ang sarili.
Tumitig ako sa mga mata niya at matamis na ngumiti, kasabay ang pagtayo at paglipat sa tabi niya. Kaagad kong hinawakan ang kwelyo niya at inayos iyon. "Alam mo, Patrick, ang ganda sana nitong suot mo, mukhang mamahalin," sabi ko sa tonong nanlalandi.Hindi na niya ako nilubayan ng tingin. Kapag lalaki na mahilig sa hilaw na karne, kaagad tinitigasan kunting landi lang, napakagat labi kaagad ang loko. Kita ko pa ang paulit-ulit nitong paglunok.Napangiti ako. Pinatong ko rin ang braso ko sa balikat niya at mas lalo pa akong lumapit sa kanya. 'Yong halos magdikit na ang pisngi naming dalawa. "Gwapo ka rin at mabango," sabi ko, at kaagad hinigit ang kanyang kwelyo."Pero ang pangit ng ugali mo," pabulong, ngunit madiin kong sabi, kasabay ang pagtayo.Nawala ang pilyo niyang ngiti. "How dare you—" Dinuro niya ako pero kaagad kong tinampal ang kamay niya."How dare you! 'Di porket pamangkin ka ng mga amo ko at pinsan ka ng kaibigan ko. May karapatan ka nang bastusin ako!" Hindi na siya nakatugon.Rinig ko na rin ang bulungan ng mga tao na nasa amin na ang tingin. Nagkamali siya ng binangga. Hindi nga ako 'yong tipong nagpapaapi lang, lalo't alam ko namang nasa tama ako.Mapakla siyang tumawa matapos ilibot ang paningin sa paligid. Tumayo na rin siya at hinarap ako. "Akala mo kung sino kang magsalita. Kahit best friend ka pa ni Fred, utusan ka pa rin ng pamilya nila." Duro na naman niya ako. Gigil na gigil nga siya.Damang-dama ko ang pang mamata niya sa pagkatao ko. Sa pagiging utusan ko."Alam ko, at alam nilang lahat." Turo ko ang mga tao sa paligid. Damay-damay na 'to. "Pero alam mo, mas lamang pa rin ako, kaysa sa'yo! Kasi ako... alam ko kung saan ako lulugar. Ikaw? Alam mo ba?"Nilahad ko ang kamay ko mula ulo hanggang paa niya. "Sayang ang purmahan mo—""Shut up! Wala kang karapatan na bastusin ako ng ganyan—""Bakit? Akala mo ba, palalampasin ko ang pambabastos mo sa akin? Hindi kita sasantuhin kahit mayaman ka pa!""Mali ka ng binangga—""Ikaw ang nagkamali ng binastos." Malupit na irap ang ginawa ko, bago humakbang palayo pero kaagad din na huminto at muling hinarap siya. "Isa pa, 'wag ka nang mag-aksaya ng pabango dahil kahit anong mahal pa ng pabangong ginamit mo, umaalingasaw pa rin ang baho mo," gigil kong sabi, habang duro siya. "Bastos!""Gwin!" sikmat mula likuran ang narinig ko.Paigtad akong napalingon. Nakamot ko rin ang batok ko. Huli na naman ako sa aktong gumagawa ng gulo at dito pa talaga sa hotel na maraming nakakakita.Tiniim ko ang labi ko at yumuko. Nagtagis kasi ang bagang ni Sir Franc, galit. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito sa ganitong oras?"Good morning, Uncle," bait-baitan na bati sa Tiyuhin niya.Nilingon ko siya. Huling-huli ko ang kakaiba niyang pagngisi habang sa akin rin nakatingin."Ano na naman ba 'to, Gwin. Hindi ka ba talaga marunong magtimpi, kahit saang lugar, sumasabog ka kaagad," pabulong na sermon ni Sir.Pigil na buntong-hininga ang ginawa ko. Bwesit 'tong Patrick na 'to, dumagdag pa sa problema ko. Sawang-sawa na ako sa mga sermon na naririnig ko sa mansyon. Tapos, heto na naman."At ikaw, Patrick, kararating mo lang, gulo kaagad ang hanap mo. Hindi ka na nahiya. Kailan ka ba magtatanda?" Kamot sa batok lang din ang nagawa niya at yumuko.Napangiti ako. Akala ko, ako lang ang makakatikim ng sermon. Siya rin pala."Wala naman po akong ginawang masama, Uncle. I'm just trying to be friendly here. Malay ko ba naman na warfreak pala 'yang best friend ng pinsan ko," gigil nitong sabi."Trying to be friendly? Talaga? Iba ang pagiging friendly sa pagiging bastos!" sabat ko.Hindi ko kayang manahimik na lang habang ang bastos na 'yan ay nililinis ang pangalan. Warfreak nga ako. Bastos naman siya."Tumigil na kayong dalawa!" Pinagduduro niya kami. Sabay na naman kaming nagbaba ng tingin. "Puntahan mo na ang Auntie mo, Patrick," sabi ni Sir, kasabay ang paghakbang.Walang salita na sumunod si Patrick sa tiyuhin niya. Habang ako napako pa rin sa kinatatayuan ko. Nilibot ko pa kasi ang paningin sa buong lounge at nag-peace sign sa mga staff na napangiti na rin lang at napapailing."Gwin, halika ka na!" sikmat ni Sir." 'And'yan na po," tugon ko. Tahimik akong sumunod kay Sir. Mukha na nga akong buntot sa nakasunod sa kanya. Yuko pa rin kasi ang ulo ko. Mukha lang akong walang kahiya-hiya pero ang totoo, para na akong malulusaw sa hiya. Ayaw kasi akong lubayan ng tingin ng mga staff. Hindi ko alam kong pinupuri ba nila ako sa pagiging matapang o kinukutya dahil warfreak ako."Bakit ang tagal ninyo?" salubong sa amin ni Ma'am Leanne. Papunta na rin sana siya sa staff lounge, mabuti na lang, sakto namang lumabas kami. Kung nagkataon na naabutan niya kaming nagbabangayan ng pamangkin niya. Siguradong sandamakmak na sermon ang inabot ko. Mabuti na lang at itong si Sir, medyo tipid lang kung magsermon."Ano 'yong narinig ko mula sa mga staff, na may gulo raw sa loob ng lounge?" tanong ni Ma'am.Hindi sadyang nagkatinginan kami ni Patrick, na ngayon ay nawala na sa mukha ang pagiging bastos Takot pala 'to sa Auntie niya. Biglang bait ng awra."Wala... 'wag mo nang alamin, naayos ko na naman," tugon ni Sir, kasabay ang paglingon niya sa amin. Sabay kaming nagbaba ng tingin ni Patrick."Gwin, hindi ba tumawag si Fred sa'yo?" tanong ni Ma'am. Papunta na kami sa parking."Hindi po," tipid kong tugon. Ayoko na kasi sanang sumama sa kanila, lalo't kasama namin itong si Patrick. Ang hirap makipagplastikan."Hindi niya ba sinabi sa'yo kung saan siya pupunta?" tanong na naman ulit ni Ma'am."Hindi po," tugon ko, saka matamlay na umupo sa front seat. Napalingon naman ako kay Patrick na siya palang magmamaneho."Hindi man lang nag-text?" tanong uli ni Ma'am. Medyo natagalan ako sa pagtugon. Nag-iisip din kasi ako kung bakit nga ba hindi nag-text sa akin si Fred."Hindi po—""Ano ba ang nangyayari sa'yo, Gwin at puro hindi po, lang ang tugon mo?" iritang tanong nito.Napakamot ako sa batok. "Wala po," tugon ko."Habaan mo naman ng kaunti ang tugon mo, Gwin, nakakairita ka na," pagtataray ni Ma'am."Sige po, Ma'am—"Rinig ko ang mahinang tawa ni Patrick. Nilingon ko siya sandali pero nasa kalsada lang ang tingin niya."Tumahimik ka na nga lang. Wala ka talagang pinagkaiba do'n sa kaibigan mong kanina ko pa tinatawagan pero hindi sumasagot. Hindi ko mahagilap. Ikaw nandito ka nga, wala naman sa sarili," talak na Ma'am."Huminahon ka nga, Hon. Baka busy lang iyon sa girlfriend niya," sabi ni Sir.Hindi ko maawat ang sarili na mapalingon sa mga amo ko. Hindi ba nila alam na hiwalay na sila Fred at Mitch? Hindi ba sinabi ni Fred sa kanila? Umaasa pa rin ba talaga ang kaibigan kong 'yon na babalik si Mitch?"Talagang nakakatampo iyong anak mo na 'yon. Hindi man lang tumawag. Alam naman niya na darating itong pinsan niya ngayon.""Tumahimik ka na, heto na nga at tumatawag na," sabi ni Sir. Pinakita pa sa asawa ang cellphone."Anak, nasaan ka na ba?" Kaagad na tanong ni Sir, kay Fred. "Mabuti, parating na kami."" 'Wag ka nang magtampo. Kanina pa raw siya naghihintay sa atin," paliwanag nito sa asawa. Kasabay ang pagsuksok ng cellphone sa bulsa.Sa isang Japanese resto sa BGC kami nagpunta. Kapag ganitong gagala ang pamilya at kasama ako. Ni minsan hindi ko naramdaman na utusan nila ako. Kung ano ang kinakain nila, iyon din ang kinakain ko.Kung sakaling mawala man ako sa buhay nila. Talagang malulungkot ako. Ma mimiss ko silang lahat. Ang pagtrato nila sa akin na kabilang sa pamilya nila.Mahinang pagsiko ang nagpabalik sa diwa ko. Si Patrick. Nagpapansin na naman. Hindi pa yata nadala sa mga pinagsasabi ko kanina at gusto pa ng isang round ng bangayan.Matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya. Papasok na kasi kami sa Resto, pero heto, at na nanadya pa. Hindi muna ako umimik lumingon kasi ang mga amo ko. Nakasunod lang kasi kami sa kanila."Ang init mo, talaga. May anger management disorder ka ba?" tanong niya. Matinong tanong. Tanong na walang halong kabastusan. Nag-iba na rin ang tuno ng pananalita niya.Nagpakawala ako ng buntong-hininga. "Wala, talagang ayoko lang sa mga taong bastos at hindi marunong gumalang sa mga babae," matinong tugon ko pero hindi ko na siya nilubayan ng tingin.Tipid siyang ngumiti at napakamot sa ulo niya. "Hindi ko gawain na humingi ng sorry, lalo na sa taong kakakilala ko lang. Ngayon ko lang gagawin 'to. Sorry, Gwin—""Alam mo, kung nagbabait-baitan ka lang dahil makakaharap mo na ang pinsan mo ngayon, 'wag ka nang mag-abala," seryoso kong sabi."Seryoso ako. Sorry, hindi ko naman intensyon na maging bastos. It's a test," nakangiti niyang sabi."Test, mukha mo," sabi ko."Pasado ka na nga na maging girlfriend ko," nakangiti niyang sabi. Naduro ko na naman siya."O, init kaagad ang ulo. Joke nga lang 'yon. Pasado ka na maging friend ko," ngiti niyang sabi."Paano 'yan, hindi ka pa pasado sa akin?" mataray kong tugon."Halika na nga, ang bagal mo," sabi niya, kasabay ang paghawak sa kamay ko at paghila sa akin papasok sa resto."Gwin," masayang bungad ni Fred. "Pinsan," tinapik nito ang balikat ng pinsan niya pero bumaba naman ang paningin sa magkahawak naming kamay."Ang bilis mo talaga, pinsan," umiiling niyang sabi."Fred... "Kaagad bumaling ang tingin ko sa malambing na boses ng babae na tumawag sa pangalan ng best friend ko.Matamis na ngiti ang sumalubong sa paningin ko. Ngiti mula kay Mitch. Kaya lang, hindi ko man lang magawang ngitian din siya. Nakaramdam kasi ako ng inis. Ang laki ng pinsalang nagawa niya sa buhay ko. Ang laki ng nawala sa akin. Ngayon babalik siya sa buhay ng kaibigan ko na parang walang nangyari. Ang galing din naman talaga maglaro ng tadhana. Malaya siyang nakakangiti, habang ako, tulala at hindi alam ang dapat gawin. Masaya sila, habang ako, malungkot. Tuloy ang buhay nila na parang walang unos na dumaan, habang ako, patuloy na binabagyo ang puso ko. Paano naman ako? Paano 'yong nawala sa akin no'ng gabing 'yon? Hindi na kailan man maibabalik 'yon. Habang buhay kong dadalhin dito sa loob ko ang pangyayaring 'yon sa buhay ko.Hindi ko sadyang napahigpit ang paghawak sa kamay ni Patrick. Doon ko naibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Alam kong ramdam niya na galit ako. Kita ko ang pagsulyap niya sa akin sa gilid ng paningin ko.Matapos ang sandaling pagkagulat at pagkainis ay nag
"Gwin, magpasundo ka na lang kay Tonyo. Kailangan na kasi naming bumalik sa hotel." Bakas sa boses ni Ma'am Leanne, ang pagmamadali. Napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap. Mabuti na lang at dumating sila Ma'am, nakaroon ako ng dahilan para hindi muna sagutin ang tanong ni Fred. "Sige po, Ma'am. Mag-iingat po kayo. Sir, ingat," masigla kong sabi. Nauna nang lumabas ang mga amo ko, pero si Patrick nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakalimutan yata nito na siya ang maghahatid sa auntie at uncle niya, pabalik sa hotel. "Hoy, Patrick. Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Lumakad na kayo, nando'n na sila Ma'am at Sir," sabi ko. Dala na rin ang pagtaboy ko sa kanya. "Puro ka ngisi," dagdag ko pa. Nakamot niya na lang ang ulo at muling ngumisi. "Paano, alis na ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi," bilin pa nito. Kumaway na lamang ako sa kanya. Kita ko rin ang pagtapik niya sa balikat ni Fred, pero umasta akong walang nakita. Nagkunwari akong nagtitipa ng minsahe. Para umalis na rin
"Aling Taning, nakita n'yo ho ba si Widmark?" tanong ko sa aming land Lady, habang sinusuot ang sapatos ko. "Ay oo, Gwin, kalalabas lang. Tinanong ko nga kung bakit mag-isa siya—" "Widmark, talaga! Pasaway," inis kong sabi, ngunit may pag-aalala naman. "Ang bagal mo raw kasi kumilos, kaya una na lang daw siya," natatawang sabi ng matanda. "Sige po, maraming salamat," sabi ko, saka nagmamadaling sinundan si Widmark—Ang Anak ko. Walong taon na ang lumipas, mula noong umalis ako sa mansyon. Dala-dala ang lihim na nangyari sa amin ng best friend ko. Akala ko, tuluyan ko nang kakalimutan ang lahat. Magsisimula na ako lang mag-isa. Pero hindi iyon ang nangyari. Nabuo nga kasi ang Anak ko—Anak namin ng best friend ko. "Widmark!" tawag ko sa kanya. Takbo lakad na rin ang ginawa ko, mahabol lang ang pasaway kong Anak. Mabuti na lang at huminto naman. Sumandal pa sa pader, at pinag-ikes ang mga paa. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi man sila magkamukha ng ama niya, mga galawan nam
Kumalampag ang dibdib ko sa tanong ng Anak ko, pero hindi ko hinayaang madaig ako ng kaba. Kaagad akong nag-isip nang ma idadahilan. Lumapit ako sa kanya. Lumuhod sa harap niya para magpantay kami. Hinaplos ko ang pisngi niya at nakitingin na rin ako sa larawang hawak niya at ngumiti. "Sana nga, Anak. Sana siya ang Daddy mo pero hindi." Mahinang tawa ang tumapos sa kasinungalingang sinabi ko. Malungkot na sulyap ang tugon ng Anak ko, at bumaling muli ng tingin sa larawan. Nalulungkot ako para sa kanya pero wala akong magagawa kung hindi ang magsinungaling dahil bunga lang naman siya ng isang pagkakamali. Hindi nga alam Papa niya na nag-e-exist siya sa mundong 'to. "Then why are you hugging him, hindi naman pala siya ang Papa ko?" Parang maiiyak ang boses nito na lalong nagpapasikip ng dibdib ko. Ngumiti ako at sinuklay-suklay ang buhok niya, saka ko siya niyakap. "Yakap ko siya dahil idol ko kasi 'yan noon," turo ko ang larawan ni Fred. "Really?" Nangungusap ang maluluha niyang
"Anak, Widmark—" "Gwin..." tawag mula sa likuran ko. Dobleng lingon ang nagawa ko. Nalito ako kung hahabulin ko pa ba ang Anak ko o haharapin itong bagong teacher ng mga estudyante ko at si Chairman. Tipid akong ngumiti at hinarap na nga lang sila. Hinayaan ko na lang ang anak ko na habulin iyong nakita niya na familiar daw ang mukha. "Chairman, magandang umaga po... Michelle," bati ko pero sumulyap pa muli ako kay Widmark, na ngayon ay nakipagpatentero na sa ibang estudyante. Pero grabe naman. Ito ba ang ugali ng teacher na magiging kapalit ko at magiging ihemplo "raw" ng mga bata, sabi ng ina niya? E, tingin niya pa lang sa akin ay nanglalait at nangmamata na. Sa bagay, dati pa naman ay ganyan na siya makatingin. Hindi ko alam kung talagang masaya siya dahil ganap na nga siyang teacher o masaya siya dahil napatalsik na niya ako na alam ko rin na matagal na rin niyang gustong gawin. "Magandang umaga, Gwin," tugon ni Chairman. "Magandang umaga, Gwin," plastik na bati naman ni M
Nataranta ako nang marinig ang pangalang binigkas ng lalaking masungit mula sa loob ng kotse. Napahawak ako sa sombrero ko at kaagad na lumayo. "Pasensya na po uli," sabi ko. Halos patakbo akong bumalik sa tricycle ni Opaw. "Tara, Opaw... bilis!" kaagad kong sabi, pagsakay ko ng tricycle. Kaagad namang lumarga si Opaw. Sandali pa siyang sumulyap sa akin. Alam kong nagtataka siya kung bakit ako nagmamadali, pero hindi na nagtanong. "Hoy, Miss, ang mansanas mo—""Mansanas mo raw, Gwin," sabi ni Opaw at akmang hihinto. Nilingon niya pa ang lalaki. "Hayaan mo na 'yon. Ano kasi, nag-text na si Aling Taning, saan na raw ako," palusot ko, hindi lang siya huminto. "Ikaw bahala, pero sayang 'yong perang pinambili mo no'n," sabi nito Nakagat ko ang labi ko. Talagang sayang nga. Pero hindi na ako tumugon. Kinapos kasi ako sa paghinga. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Takot din akong lumingon at baka nakasunod lang sila. Hindi pa nga ako mapakali sa kina-uupuan ko. Gusto kong agad n
"Miss, mansanas mo," ngising sabi ni Opaw, pagharap ko sa kanya. "Mansanas, mukha mo. Ano ba ang kailangan mo, at talagang sumugod ka pa rito sa oras ng pasada mo?" tanong ko, kasabay ang pagsara ng gate. "Wala akong kailangan, 'yong kasama ko ang mayro'n," tugon nito. "Oo nga pala, may kasama ka raw sabi ni Aling Taning. 'Asan na?" tanong ko. Nilingon ko pa ang tindahan ni Aling Taning, wala naman akong nakikitang ibang tao. "Umalis na. Pinabibigay niya lang 'to.""Talagang mansanas ko pala 'yan?" tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Opaw, at sa sando bag na inabot nito sa akin. "Oo nga, tanggapin mo na. Pasalamat ka, mabait 'yong binangga mong lalaki. Talagang sinadya pa ako sa terminal kanina para ibigay lang 'to," nakangiting sabi ni Opaw. "S-sinadya ka sa terminal?" utal kong tanong. Bigla na naman kasing nagtambol ang dibdib ko. "Nakuha niya ang numero ng tricycle ko. Nagtanong-tanong daw siya. Hanggang sa may nakapagturo sa kanya na naka rota ang tricycle
Sandali akong natigilan at hindi kaagad nakapagsalita. Pero na isip kong imposible ang sinasabi ng Anak ko. Paanong nakita niya si Fred? Mapait akong napangiti. Pinilig ko rin ang ulo ko ng paulit-ulit. "Anak, imposible na siya ang nakita mo. Hindi taga rito ang lalaking nasa picture," madiin kong sabi. Gusto kong magalit, at piliting isiksik sa utak niya na mali nga ang nakita niya. Na hindi si Fred ang nakita niya, pero pinipigil ko. Wala naman kasing kasalanan ang Anak ko, para magalit ako sa kanya. Ako ang may kasalanan sa kanya. Ako ang may mali, ako ang nagsinungaling at piniling itago ang lahat. Umiling siya ng paulit-ulit. "No, Mama, it's really him. They are exactly the same. The face, the hair, the dimples," giit niya. Kumislap ang mga mata niya habang sinasabi 'yon. Umupo ako sa harap niya para magpantay kami. Kinulong ko rin ang pisngi niya sa mga palad ko, saka matamis na ngumiti. "Where's the picture, Anak?" Imbes tumugon o kontrahin na naman ang sinasabi niya. Hin