Share

Kabanata 8

"Gwin, magpasundo ka na lang kay Tonyo. Kailangan na kasi naming bumalik sa hotel." Bakas sa boses ni Ma'am Leanne, ang pagmamadali.

Napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap. Mabuti na lang at dumating sila Ma'am, nakaroon ako ng dahilan para hindi muna sagutin ang tanong ni Fred.

"Sige po, Ma'am. Mag-iingat po kayo. Sir, ingat," masigla kong sabi.

Nauna nang lumabas ang mga amo ko, pero si Patrick nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakalimutan yata nito na siya ang maghahatid sa auntie at uncle niya, pabalik sa hotel.

"Hoy, Patrick. Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Lumakad na kayo, nando'n na sila Ma'am at Sir," sabi ko. Dala na rin ang pagtaboy ko sa kanya. "Puro ka ngisi," dagdag ko pa.

Nakamot niya na lang ang ulo at muling ngumisi. "Paano, alis na ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi," bilin pa nito.

Kumaway na lamang ako sa kanya. Kita ko rin ang pagtapik niya sa balikat ni Fred, pero umasta akong walang nakita.

Nagkunwari akong nagtitipa ng minsahe. Para umalis na rin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marlen Paras
ganda..lalayo ka muna para makita nya yung worth mo sa buhay nya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status