Kakarating pa lang nila Hanz, Nica at Chyna sa mall ay may napansin na agad itong lalaking tila ba kanina pa nila nakakasalubong, hindi niya na sana ito pagtutuonan ng pansin ngunit ng makita niya na naman ito noong nagsusukat ng dress si Nica ay hindi na ito nawala sa isip niya kaya kahit nakaalis na sila doon ay tila ba lahat ng senses niya ay naka high alert at halos libutin ng paningin niya ang buong paligid habang naglalakad lang ang dalawang kaibigan sa harap niya.
At tama nga siya dahil nakita niya na naman ito ng pumunta sila ng ice cream place kaya agad niya itong nilabas at hinanap ngunit paglabas niya ay kahit tinakbo niya ang paikot nang paligid ng ice ceam shop ay hindi niya ito nahanap kaya napagdesisyunan niya na lang na iuwi ang mga kaibigan.
Hindi niya sinagot ang kahit na anong tanong ng mga dalaga dahil
Umaga na ng makarating ang mga magulang ni Chyna sa hospital dahil hindi ma-contact nila Hendrix ang Ina nito kanina at mukhang galing pa ng trabaho, sumunod namang dumating ang mga magulang ni Hendrix na puno rin ng paga-alala ang mukha.Si Hanz naman ay kasa-kasama lang ni Hendrix sa kwarto ng asawa sa ospital at kapwa wala pang tulog parehas, balak nilang lakarin ang lahat ng dapat nilang lakarin kapag sigurado na sila kung sino ang magbabantay kay Chyna.Dumating rin si Nica kasama ang kaibigan ni Hendrix na si Lucas, agad na naiyak ang dalaga ng makapasok sa kwarto ni Chyna dahil halos mapuno ng takot ang puso niya ng magising siya dahil sa tawag ni Hanz sa kaniya.“Kami na muna ang magbabantay rito, gawin niyo na ang dapat niyong gawin,” s
“Opo Ma, sa isang araw na ho ako uuwi dahil bukas ay didiretso na ako ng pasok,” wika ko habang naglalakad na palabas ng locker room ng trabaho ko.“Oh sige, batiin mo na lang si Hanz para sa’kin,” sagot naman ni Mama, agad naman akong kumaway dahil nakita ko na si Hanz na hinihintay ako sa labas.“Ikaw na magsabi sa kaniya oh,” sabi ko at agad na iniabot kay Hanz ang telepono ko bago naglakad na patungo sa passenger seat.Nakita ko naman na tumatawa pa siya habang kausap ang nanay ko, sobrang close nila ni Mama na halos anak na rin ang turing sa kaniya nito. Pumasok na rin siya nang siguro ay ibinaba na ni Mama ang tawag.“Buti na lang talaga napapayag ka ni Tita na sumama ngayon,” sabi niya naman habang inaayos ang seatbelt niya.“Ewan ko sa ‘yo, kapag ako hindi nakapasok sa school bukas, sasakalin kita,” sabi ko na ikinatawa naman niya.“Regalo ko?” tanong niya kaya kinuha ko naman sa bag ko ang isang paper bag
Ilang linggo ko ng tinatago ang nalaman ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko, isa lang ang sigurado ko at iyon ay ang hindi ko pa kaya maging isang Ina. Hindi ko pa nasasabi kay Mama dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya.“Nakauwi na ho ako,” malakas kong sabi pagpasok ko ng bahay namin ngunit hindi ko man lang narinig si Mama.“Ma?” tawag kong muli pero nang wala akong marinig ay umakyat na lang ako sa kwarto, nagulat naman ako ng makita ko si Mama sa loob at mas nanindig ang balahibo ko ng makita kung ano ang hawak niya.“Ma,” mahina kong sabi at lumapit sa kaniya ngunit agad napabaling sa gilid ang mukha ko ng makatanggap ako ng isang malakas at malutong na sampal sa kaniya.
Wala pang isang linggo ang naging preparasyon sa kasal ni Chyna at Hendrix, halos ang mga magulang lang nila ang nagkakausap tungkol dito dahil pareho may pasok si Chyna at Hendrix. At ngayon na ang araw ng kasal nila, isang garden wedding ang mangyayari at imbitado ang ilan sa mga business partners ng mga Vilmora at ang pamilya ni Chyna na hindi naman ganoon kalaki.“Akala ko joke lang ‘yung ikakasal ka,” hindi pa rin makapaniwalang saad ni Veronica sa kaibigan.“Kahit ako ay hindi ko rin naman ine-expect na ikakasal ako ng ganito kaaga at lalo na sa lalaking ni hindi ko man lang kilala,” sagot ni Chyna.“Bakit feeling ko pinakinggan ni Lord ‘yung sinabi ko sa birthday ni Hanz medyo sumobra lang ‘yung nangyari,” sabi ni Veronica at naalala na
Chyna’s POV“Salamat po,” sabi ko bago bumaba ng sasakyan.“Ingat po ma’am,” sabi naman ni Kuya kaya ngumiti ako.Mabait ang nakuhang driver ni Tita, kung ituring niya ako ay parang anak kaya hindi lang rin driver ang turing ko sa kaniya. Ilang araw na rin mula ng magsimula siya sa paghatid at pagsundo sa akin.Pagkababa ko ng sasakyan ay naglakad na ako papunta sa meeting place namin nila Nica pero napansin ko na parang tinitingnan ako ng mga nakakasabay kong studyante pero hindi ko na lang pinansin.“Natapos mo ‘yung activity kay Sir Gamboa?” tanong ni Nica sa’kin pagkaupo namin sa loob ng classroom.
Nagpa-panic na ako ngayon dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nalimutan ko lang naman sa bahay ang drawing tube ko at dalawang plates ko ang nakalagay doon na ngayon na ang deadline.“Ayaw sumagot ni Hanz,” halos paiyak ko ng sabi kay Veronica habang nandito kami sa comfort room.“Kumalma ka, sasagot rin ‘yan okay? Or kung hindi mo makuha ‘yon ngayon ay makiusap ka na lang kila prof, ngayon lang naman nangyari sa ‘yo ‘yan eh,” sabi ni Nica at hinagod pa ang likod ko dahil konti na lang ay iiyak na talaga ako.Sa dalawang major ko ang plates na ‘yon kaya hindi ko alam paano ko ie-explain sa kanila na naiwan ko sa bahay ang gawa ko. Sinasabunutan ko ang sarili ko ng bigla naman mag-ring ang phone ko, dahil sa paga-akalang si Hanz ang tumawag ay agad ko na itong sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang caller ID.“Hello! Hanz! Kanina pa kita tinatawagan,” sabi ko habang hinihingal pa.“Chyna,” nandilat naman ang mata k
Tinawagan ko na si Hendrix habang naglalakad kami palabas ng building, buti naman at nakisama si Nica at tumahimik kahit papaano pero hindi pa rin nawala ‘yung mapang asar niyang mukha.“Hello?” sagot ni Hendrix sa kabilang linya.“Bakit mo ako susunduin? Wala si Kuya Ruel?” tanong ko naman.“Sa bahay tayo magdi-dinner at naghanda sila Mommy, nandito na ako sa labas,” sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at binilisan ko na ang paglalakad habang humahabol naman si Nica sa’kin. Binaba ko na ang tawag at saktong paglabas ko ng lobby ay nakita ko agad siya kahit ang daming naglalakad palabas dahil naka park ang sasakyan niya sa tabi niya at nandun na rin si Hanz pero mukhang hindi sila nagu-usap.“Anong mayroon ngayon?” tanong ko naman pagkarating ko doon.“Trip lang ni Mommy maghanda, baka nag-experiment ulit ‘yon,” sagot ni Hanz kaya tumango na lang ako.“Una na ako, ingat kayo,” paalam ni Nica sa tabi ko kay
Sa bawat araw na lumilipas ay ayoko mang aminin pero unti-unti na talaga akong kinikilig kay Hendrix. Alam kong walang meaning ang mga ginagawa niya, lahat ‘yon para lang sa anak namin pero hindi ko naman kasi kayang hindi pansinin kung gaano siya kabuting lalaki.Lord, sobrang gentleman nito, tulungan niyo po akong ‘wag mahulog kasi baka lumagapak ako sa lupa.“Good morning Nay,” bati ko kay Nanay pagkababa ko sa may dining area para kumuha ng tubig.Pabukas na sana ako ng pinto ng ref nang makita kong may note doon, binasa ko naman at napairap na lang ako at nagpigil ng ngiti. Lord sabi ko tulungan mo ko ‘wag mahulog eh.‘I bought you new vitamins, it is good for you and the baby. Drink it every morning.’ - HDelikado na ata ako, vitamins lang ‘yan pero ‘yung kilig ko akala mo ay nag-propose sa’kin