Share

chapter5

Mataas na ang araw ng magising si Airon.Kinapa nya ang babae sa tabi ngunit wala iyon sa tabi nya. Iminulat nya ang kanyang mga mata iniikot nya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto batid nyang ibang kwarto iyon bumangon siya suot pa rin nya ang damit nya kagabi.Pumasok sya sa nakita nyang banyo at nag hilamos. Lumabas na sya kwarto nagkasabay pa sila ng labas ng kanyang pamangkin naghihigab pa ito habang papalabas ng pinto.Nagulat pa si Iyah ng makita nya ang kanyang uncle na papalabas sa kabilang kwarto.

"Tito bakit nandito ka" gulat na tanung ni Iyah.

" Dito na din ako nakatulog kagabi nahilo kasi ako kaya hindi ko na kayang umuwi sa kabila kaya dito nalang ako pinatulog ni Irish pati James sa guest room na natulog"turan ni Airon na pababa na sa hagdan.

"ah talaga tito nasa guest room pa sya".nanlaki pa ang mata nito sa nalaman.

"hindi ko alam, oh bakit mo naman itinatanung, kung anu iniisip mo Iyah lubayan mo yan."pag babanta ni Airon sa pamangkin.

"si tito naman para nag tatanung lang eh"nakanguso ito inirapan pa si Airon.

"Oh gising na pala kayo iyah tara kumain na kayo nakahanda na ang almusal"napalingon sila sa babaing magsalita papalabas sa kusina si manang agnes.Bumaba na sila at nag tungo sa kusina.

"manang si Irish po"tanung ni Iyah na papasok sa loob ng kusina sabay upo sa mesa naupo narin si Airon.

" ah maagang umalis dadaan pa daw sya sa gulod at may ibibilin sa mga tauhan ng lola mo. Kasabay na nga umalis yung isang tauhan nya." sabi ni manang habang inihahanda ang kanilang almusal. Matamang nakikinig lang si Airon sa dalawa. Pagtapos nilang kumain ay nagpaalam na sila kay manang upang umuwi na sa kabila. Papasok na sila ng matanaw ni Airon ang kanyang mommy sa garder at nag iispray ito ng mga tanim nya.

"Mommy"tawag nya lumapit sya dito at humalik.

"hijo! bakit hindi ka umuwi kagabi saan kaba natulog" takang tanung nito

"kala Irish po eh ginabi na po kasi ng uwi medyo may tama na po ako ng alak kaya hindi ko na nagawang lumipat dito"kakamot kamot nyang sagot. tumango lamang ang mommy nya. Nagpaalam na sya dito nag diretso sa kwarto upang maligo hinubad nya ang kanya mga damit. Magaan ang kanyang pakiramdam. Napapangiti pa siya pag naiisip nya katabi nyang natulog si Irish.Itinapat nya ang kanyang mukha sa dutsa ng shower. Naiimagine nya ang mahimbing na pagkakatulog nito sa mga bisig nya. Nang matapos sya ay agad siyang nagbihis plano niyang pumunta sa presinto upang ayaing mananghalian si Irish. Nagsuot lang sya ng simpleng tshirt and pants. Nagtungo na sya pababa sa hagdan nakangiti siyang bumababa. hindi nya napansin na nakaupo ang mga kuya at ate nya sa sala kasama mommy nya.Pinagmamasdan pala siya ng ate nya.

"brother anu ba nangyayari sayo nahipan kaba ng hangin at nakangiti kang bumababa ng hagdan mukang tulala ka pa dyan nasapian kaba."birong puna ng ate dory nya.Hindi sya pansin ng mommy nya dahil may kausap ito.

"hindi ko nakakalimutan ang oras ng inom ko ng gamot hija"narinig nya sabi ng mommy nya sa kausap niyo sa phone. maya maya pa ay nagpaalam na ito at hinarap sya.

"anak san ba lakad mo at mukang bihis na bihis ka"sita ng mommy nya.

"dyan lang po ma maglilibot libot" hindi nya sinabi kung san talaga sya pupunta paniguradong kakantyawan nanaman sya ng ate dory nya.

"ma sino po ba kausapan nyo sa phone"singit ng ate dory nya

"si Irish pinaalala nanaman ang oras ng inom ko ng gamot. kaninang maga nagdaan pa dito bago pumasok ipinaalala nanaman ang gamot ko. masahol pa sa nurse ang higpit sa pag papaalala" mahabang lintanya ni mommy mary.

"Ma ang bait talaga ng bata nayan hano" ani ni Dory

"ay naku sinabi mo pa,kaya maswerte mapapangasawa ng bata nayun, kung hindi lang walanghiya itong si Airon baka ako na nag tulak dyan na ligawan si Irish eh"turo pa ni mommy mary kay airon natawa naman ang mag asawa

"oh mommy bakit nasali nanaman ako dyan"kakamot ulo na sagot ni Airon

"panung hindi eh pasan sa mata ko ang lahat ng kawalanghiyaan na ginawa mo dati kay Irish buti nga kahit ganun ang ginawa mo sa batang iyon eh bumalik sya dito,siya lahat ang sumalo sa resposibilidad mo"galit na turan ni mommy mary nilakihan pa ng mata si Airon.

hindi na kumibo pa si Airon, alam nyang lalong magagalit sa kanya ang mommy pag nangatwiran pa siya dito.

"sige na Airon umalis kana at napapahighblood mo pa si mommy"pagtataboy ng kua nya kinindatan pa sya nito humalik muna si Airon sa mommy nya ,lumabas na ito nagtungo sa garahe sumakay sa kanyang Dmax. Binuksan naman ng tauhan nila ang gate. Lumabas na sya patungong presinto.

Pasado alasonse na, seryosong nakaupo si Irish sa harap ng mesa binabasa nito ang mga file ng may kumatok nag angat sya ng ulo. bumukas naman ang pinto. Sumilip ang kumatok

" Leuitenant may nag hahanap po sa inyo" ani ni Vivar.

" sige papasukin mo"muli nya itinutok ang mga mata sa kanyang binabasa.

"Hi" bati ng pumasok

"yes" nag angat ng mukha si Irish para mapagsino ang taong humahanap sa kanya.

"Oh Airon ikaw pala, upo ka"itinuro pa nya ang upuan sa harap ng mesa nya.

"Oh anung atin, may problema ba" seryosong tanung ni Irish.

" wala napadaan lang ako may pinuntahan ako dyan,eh malapit lang naman dito kaya naisipan ko ng ayain ka kumain ng tahalian.pwede bang sabay na tayong kumain"nakangiting saad nito.

"naku kakain ko lang eh" nakangiting sagot ni Irish kita nya nag pagkadismaya ni Airon sa mga mata nito.

"Ganun ba" napayuko ito.natawa naman si Irish

"joke lang,hindi pa ko kumakain,tinatapos ko pa kasi basahin to"umaliwalas ang mukha ni Airon.

"sige intayin mo lang ako tatapusin ko lang toh,"nakangiting saad ni Irish tumutok uli ang paningin ni Irish sa kanyang binabasa.Nag intay lang si Airon na nakaupo sa harap ng mesa ni Irish nakadikwatro pa ito.Nang matapos na si Irish ay inayos na niya ang kanyang binabasa inilagay sa folder.

"tapos kana"tanung ni Airon tango lang ang isinagot nito.

"tara na" aya ni Irish tumayo na sila, lumabas na sila ng office, Inabot ni Irish ang dala nya folder kay SPO.

"Vivar pakibigay kay Captain"nakangiting inabot ni Irish ang folder

"Ok Leuitenant"inabot nya ito.

"thanks" tumalikod na sila at nagtungo sa labas ng presinto. iginiya ni Airon si Irish patungo sa kanyang sasakyan. Pinagbukasan nya ng pinto si Irish nagulat pa si Irish ng may makitang isa bouguet ng red roses sa upuan ng kotse kinuha ni Airon ito at inabot kay Irish.

" anu toh bakit may paganito pa" ani ni Irish na natatawa

"may nadaanan kasi kong nagtitinda nya kaya binili kita"kakamot kamot ng ulo si Airon.

Sinalat salat ni Irish ang noo at leeg ni Airon na ipinagtaka naman nito.

"bakit" takang tanung nito

" baka kase may sakit ka o nag dedeliryo bakit sobrang bait mo na sakin".natatawang sabi ni Irish. Natawa lang si Airon sa tinuran ni Irish. Pumasok na sya sa kotse nito, isinara ni Airon ang pinto at umikot sa driver seat.Pinaandar na niya ang sasakyan.Dinala ni Airon si Irish sa isang mamahaling restaurant. Lumiko ito papasok sa parking ipinarada na ito at mabilis na bumaba ipinagbukas nya ng pinto si Irish.

" Oh bakit dito pa tayo kakain eh pang lovers ang ambiances dito" tatawang tanung ni Irish

"Hayaan mo na mag panggap na lang tayo na lovers"napakamot ng ulo si airon. Nagtawanan silang dalawa. Inalalayan ni Airon si Irish papasok sa restaurant pinagtinginan sila ng mga nandun dahil naka police uniform pa si Irish may nakasukbit pa itong baril. hinapit naman ni Airon ito sa bewang taas noo silang nagtungo sa pinareserve nya table para sa kanilang dalawa. Nabigla naman si Irish sa ginawa ni Airon. Hindii sya nakakibo umayon na lang sya sa ginawa nito pinaghila pa sya nito ng upuan. Tinawag ni Airon ang waiter ng makapili na sila sa menu saglit lang silang nag hintay.

"Irish may lakad kaba bukas" ani ni Airon habang kumain sila

"hindi ko pa alam eh bakit" sagot ni Irish

"hindi ba dayoff mo bukas, aayain sana kita sa gulod aanihin daw yung mangga" pagaaya ni Airon

"di ko sure ha pupunta kasi ko sa fort may usapan kasi kami ni tito"

"anu oras ba lakad mo bukas

"before lunch, gusto mo sumama kayo ni Iyah" aya ni Irish

"sige maaga naman pipitas bukas eh"ani ni airon uminon na nang tubig tapos na silang kumain

"sige maaga ko gigising bukas sasamahan kita sa gulod" natuwa si Airon sa sinabi ni Irish tinawag na nya at kinuha ang bill ng kinain nila.pagkatapos magbayad ay lumabas na sila hinatid ni Airon si Irish pabalik sa presinto.Hininto nya sa tapat ng presinto at bumaba para pagbukas si Irish

"salamat ha"bumaba si Irish dala pa ang bouquet ng bulaklak.

"welcome, Irish anu oras uwi mo" pahabol na tanung ni Airon

"maaga ko uuwi at may usapan kami ni Reynald mamaya" sa narinig ni Airon nagtagis ang bagang nya.

" sige na salamat" tumalikod na si irish pumasok na ito sa presinto sinundan lang ito ng tingin ni Airon may kirot sa puso nya sa isiping may makakasama si Irish na ibang lalaki. sumakay na sya pauwi.

"f*ck! f*ck" mura nya mahigpit ang hawak nya sa manubela napapamura siya matinding selos ang nararamdaman nya sa isiping may ibang lalaking kasama mamaya si Irish. Ganitong ganito ang pakiramdam nya nung una nyang nakita si irish na may kausap na lalaki nung high school pa itoPakiramdam nya ay mapula na ang kanyang mukha sa tindi ng selos na nararamdaman nya. hininto nya sa gilid ng highway ang sasakyan. Huminga sya ng malalim kinalma nya ang kanyang sarili. Muli nyang pina andar ang sasakyan at nagdiretso sya pauwi. Nag nasa tapat na sya ng gate ay walang tigil sa pag busina si airon. Halos magkadarapa ang tauhan nila palabas para lang mapagbuksan sya. Ipinasok nya garahe ang sasakyan. Bumaba siya at pabalibag na isinara ang pinto. Napalabas ang mommy nya sa pag kagulat

"Airon anu ba nangyayari sayo at halos wasakin mo na yang sasakyan" pag aalalang tanung ng mommy nya.

"No! mom, si Iyah po mommy nasan"humalik sya sa pisngi nito

" nasa taas" nagtataka parin ito sa ikinikilos nya

" geh po mom puntahan ko lang ang apo nyo" tumalikod na ito patungo sa kwarto ni Iyah. Sinundan lang ito ng tingin ng nagtataka nyang ina.

Kumatok muna sya sa pinto ng kwarto ni Iyah.

"come in" dinig nya sabi nito huminga muna siya ng malalim bago pinihit ang doorknob nakita nyang nakasandal ito sa kama at kinakatikot ang phone

" Iyah baby"pumasok si airon sa kwarto nito

"yes tito do you need anything"tanung nito na nakatingin parin sa phone

"tanung ko lang kung gusto mo lumabas mamaya, aayain sana kita"lumapit ito at naupo sa kama.

'talaga ba tito, sige sama natin si James" nakangitin saad ni Iyah

"sino namang James yan"takang tanung ni Airon

"Si SPO1 James Vivar nakalimutan mo na"irap na saad ni Iyah

"At gagawin nyo pa kong chaperon"kunot noong turan ni Airon

"eh di kung ayaw mo, di wag! ikaw nalang mag isa lumabas"ngumuso pa ito at umirap

"sige na nga payag na kong kasama si SPO."tumayo ito at nag tungo palabas ng kwarto

"talaga tito yeheyy"parang batang napapalakpak si Iyah

Maagang umuwi si Irish dahil may lakad siya mamaya, Namumublema sya sa isusuot nya sa date nila ni Reynald, Tinawagan nya si Iyah.

"best can ask for favor" saad nya ng sagutin nito ang phone

"sure! what is that" sagot ng nasa kabilang linya

"please come here, tulungan mo ko mamili ng isusuot ko para mamaya" hindi na nagsalita pa si Iyah inoff na nito ang phone at dali daling lumipat sa kabilang bahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status