Share

chapter4

Nagising si Airon dahil sa malalakas na katok sa pinto ng kwarto nito.

"tito! tito! gumising kana!" sigaw ni Iyah habang kinakatok ang pinto.

Pupungas pungas si Airon na binuksan ang pinto

"Anu ba Iyah may sunog ba at kung makatili ka" nakita niyang nakabihis ito.

"Bakit hindi kapa nakabihis hindi kaba sasama". takang tanong ni Iyah

" saan ba" halos walang ganang sagot ni Airon dahil sa dami ng nainom nito kaya antok na antok pa ito

"anu ba naman tito hindi ba ngayon ang awardee ni Irish"inis sagot nito na napapadyak pa ito ng paa.

Biglang nanlaki ang mata ni Airon nag sink in sa kanya ang lahat mabilis sya nagtungo sa banyo hindi na nya pinansin ang nagtatalak nyang pamangkin mabilis syan naligo at nagbihis sinigurado nyang gwapo sya sa paningin ni Irish inamoy amoy pa nya ang kanyang sarili. Nagdiretso na sya sa baba inabutan na nyan nag aalmusal sila Iyah naupo na siya at kumain ng matapos na sila ay inaya nya agad si Iyah na pumunta na sakabila.

"Bilisan mo naman iyah" pag mamadali ni Airon

"excited ha! bakit ikaw ba ang tatanggap ng award kaya masyado kang mag apura dyan" panunuya ni iyah hindi sya pinansin ni Airon nagdiretso na sila patungo sa gate. unabutan nila na may isang patrol motor car sa harap ng gate nag diretso sila sa loob. may nakita silang isang lalaking nakaupo sa sala. Nangislap ang mga mata ni Iyah ng makita ang gwapong lalaki na nakapolice uniform. tinignan lang ito ni Airon.

" oh! nandyan na pala ko" pababa si Irish sa hagdan na nakasuot ng police uniform may dala din itong helmet at jacket. Lumapit ito sa tatlo.Nag salute agad si Vivar kay Leiutenant. pag baba nito

"Oh kilala nyo naba si SPO1 James Vivar " tanung ni Irish.

" SPO siya ang bestfriend ko si Iyah at sya naman ang tito ni Iyah si Airon" pagpapakilala ni Irish sa tatlo

Kinamayan ni SPO ang dalawa.

"Hi!" malanding sabi ni iyah na kinamay si spo.Nakipag kamay din si Airon dito.Bumaling si SPO1. Vivar kay Irish

"Leuitenant tara na po at dadaan pa tayo sa Prisinto". sabay sabay na sila lumabas ng bahay. inabot ni Irish ang helmet kay Iyah.Lumapit si Iyah kay Irish may ibinulong ito.

"best ang gwapo, bakit hindi nakapasa"malanding sabi nito.

"ang ingay mo baka marinig ka "saway ni Irish

"best dun ako sa kanya aangkas ha"paglalambing pa ni iyah. tinignan lang nito ang kaibigan nagpacute nman si iyah. natawa na lang si Irish at napailing.inabot uli ni iyah ang helmet kay Irish kinuha nya iyon at inabot kay Airon. Napapalakpak pa si Iyah na parang bata sumunod kay SPO. Inabot ni SPO ang reserbang helmet.

"ma'am suotin nyo po" sabi nito na ikinalaki ng mata ni Iyah.

"what muka ba kong teacher" napakamot ng batok si SPO. iiling ito

"hindi po ma'am" nangingitin sagot ni SPO

" SPO may problema ba" singit na tanung ni Irish kasakay sila ni Airon sa motor.

"wala Leuitenant" mabilis na nito isinuot ang helmet at sumakay sa mator. Pinaandar na ang makina. Sumakay naman na si Iyah sa motor nito. At magkasunod sila na umalis. Habang nakaakap si Airon sa bewang nito ay walang tigil ang kabog na dibdib nito. Nagkambiyo si Irish pinihit ang selinyador. bumilis lalo ang takbo nila.Napahigpit ang pagkakayakap ni Airon sa bewang ni Irish.Lihim na napangiti si Irish. Umober take sya sa mga nauuna sa kanyang sasakyan.Halos hindi na humihinga si Airon sa kabang nararamdaman nya.Sobrang tulin magpatakbo ni Irish. Saglit lang ay nasa Presinto na sila.Kita nya ang nerbyos ni Airon ng tanggalin nito ang helmet.

"Are you ok" natatawang tanung ni Irish

"yah!"huminga pa ito ng malalim.tinapik ni Irish ang balikat nito.

"wag ka matakot sabi ko nga sayo kung mamatay ako sasama kita ng hindi boring"tatawa tawang turan ni Irish. Tinignan lang ni Airon ang babaeng papasok na sa prisinto.

"Congratulation Leuitenant" bati ng bawat makasalubong nito tanging ngiti lang ang isinasagot nito. Nakasunod lang sila SPO sa kanya. Pumasok muna si Irish sa Office ni Capt. Esmundo maya maya ay lumabas na ito.Sumakay sila sa kanilang mga motor upang mag tungo sa lugar kung saan gaganapin ang awarding ceremony. Bago pa sumakay si Airon ay bumuntong hininga pa ito. natatawang umiling si Irish

"relax Airon ako bahala sayo" sigaw ni irish na katuon ang mata daan. saglit lang ay narating nila ang venue bukod sa tulin ng pagpapatakbo ay gamit pa nila ang siren ng mobile patrol kaya lahat ay lumilihis at binibigyan sila ng give way. Covered sa lahat ng station ang naganap na awarding ceremony. Titig na titig si Airon kay Irish habang tinatagap nito ang plake. Napaisip sya panung nahulog ang loob nya sa isang babaeng mas mukha pang lalaki kung kumilos kaysa sa kanya.Maayos na natapos ang awarding. Kumain muna sila at umuwi. syempre treat ni Leuitenant. Nag diretso sila sa presinto kinantyawan ng mga kasamahan nya si Irish.

"Ok ititreat ko kayo san nyo ba gusto"nag hiwayan ang mga kasamahan nito.

"ang mga naka onduty maiiwan next time nalang kayo sigaw pa ni Irish."Pumayag naman ang lahat.. Lumapit sya sa mag tito

"ok lang ba na hindi muna tayo umuwi nahilingan kasi ko ng mga tauhan ko."sumang ayon naman ang dalawa. Dinala nya sa isang sikat at mamahaling resto bar ang mga kasamahan nya. Bago sila pumasok ay hinubad nito ang uniform ang tanging natira nalang at ang black sando na nakadoble dito. pumasok na sila sa bar at kumuha ng mesa na kasya silang lahat magkatabi sila ni Airon, si Iyah naman ay ayaw ng humiwalay kay James. tinawag nya ang waiter at umorder ng 2 bucket ng san mig. sizzling sisig at crispy pata.Nilingon nya si Airon.

"pwede mang hingi ng favor" itinutok ni Irish anh bibig sa tenga nito dahil hindi sila magkakarinigan sa ingay sa loob.. nakaramdam si Airon ng kakaiba ng dumampi ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga. ngumiti si Airon at tumango.

"hindi kasi ko umiinom pwede kaw na umasikaso sa kanila." malambing sa turan ni Irish

"sure stay kalang dyan at ako bahala sa kanila"sagot ni airon sa na itinutok din ang labi nito sa tenga ni Irish. libo libong kuryente ang naramdaman ni Irish ng dumampi ang labi nito sa tenga nya.masaya ang lahat ng mapansin ng isa sa kasamahan nya na hindi siya umiinom Leuitenant inalok nito siya si Airon ang umabot ng baso at sabay tungga.

"Sorry Jacinto hindi talaga ko umiinom" paliwanag ni Irish

" Ok po Leuitenant pasensya na po. Pero Leuitenant kumakanta naman po siguro kayo"biro ni Jacinto. ngiti lang ang sagot ni Irish. Napansin nyang tumayo si Iyah kumekembot na lumapit sa stage ng live band. Nagsalita ang singer nito.

"please come here to the stage Leuitenant Irish Guzman. The stage is yours."nagpalakpakan ang mga kasama nya. lumapit si Irish sa stage nasalubong naman nya ang kanyang kaibigan pinong kurot ang inabot ni Iyah sa kanya.

"Ikaw talaga"sabi ni Irish iwas naman ang ginawa ni iyah sa pag kurot ng kaibigan nya. tumawa lang ito ng malakas. Nag diretso sa stage si Irish nagsigawan at palakpakan ang mga kasamahan nito pati si Airon animo ay batang binigyan ng paborito nyang laruan sa ginagawa nitong pag sigaw at pag palakpak.

"hello leuitenant "sabi ng lalaking lead singer ng band.

"hi" nakipag kamay si irish dito.

"do you have a boyfriend leuitenant" tanung ng singer.nagsigawan ang mga kalalakihan na nanunuod

"actually nothing but I'm looking for a man who will make my heart beat" birong sagot ni Irish muling nag sigawan ang lahat.titig na titig si Airon sa babaeng na sa stage

"To whom will you dedicate the song you are going to sing, Leuitenant" tanong ng lead ng band

"I think of the person who will make my heart beat" birong sabi ni Irish muling nag hiwayan ang mga nanunuod masaya ang lahat. pumailanlang na ang awiting MULING BINUHAY MO ng isang sikat na singer na si CM. tumahimik ang lahat

...ikaw ang nagbigay sa puso ko ng tunay pag mamahal na di mapaparisan at wagas na totoo.... halos hindi na kumukurap si Airon sa pag titig nya sa kumakanta. Nadadala sya ng bawat kataga ng kanta na lumalabas sa magandang boses ni Irish.

..dati nag-iisa nalang ako ayoko na magmahal.. pagkat lagi nalang iniiwan ang tulad ko...

..ngayon ay biglang nag bago pagkat ngayon sa piling ko ikaw naririto.... sa lamig ng boses ni Irish ay halos manuot na sa kaibuturan ng puso ni Airon ang bawat kataga na kanyang naririnig.

...muling binuhay mo ang pusot isip ko ... na dati ay nag iisa t ayaw na sa mundo .. ngayon ay kay saya pagkat kapiling ko ang tulad mo sakin nag mamahal ng totoo...

Muling binuhay mo...

Nang matapos na si Irish ay sigawan at palakpakan ang maririnig mo. pati ang mga tauhan nito hindi magkamayaw, sa paghanga sa kanilang leuitenant. Bumaba na si Irish sa stage kahit hinihilingan pa sya ng awit ng mga nanunuod. bumalik na sya sa table nila tumabi muli sya kay Airon.

"galing talaga ni best tagos sa puso "sigaw ni Iyah..

"ang galing mo kumanta" bulong ni Airon

"thanks"nakangiting sinabi ni Irish. Ramdam ni Irish na may tama na ng alak si Airon dahil abot na ang dikit sa kanya nito.Hinawakan pa nito ang kamay nya pag inaalis nya ay mayat maya naman kinukuha nito ang kamay nya kaya hinayaan nalang nya nakahawak ito sa kanya.Alas dyes na ng gabi ng lumabas na sila sa restobar. kanya kanya na silang sakay sa kanilang mga motor. Nag diretso na ng uwi sila Irish sa kanila.Inihatid na man ni SPO si Iyah. Nagmakarating na sila ay inalalayan ni SPO si Iyah dahil nalasing na ito. Duon ito pinadiretso sa kwarto ni Irish dahil sa katabi nya itong natutulog.

"Vivar"tawag ni Irish ng papababa na ito ng hagdan

"wag kanang umuwi dito kana matulog". Nakaupo silang dalawa ni Airon sa sala nagkakape.

"Eh Leuitenant"kakamot kamot ng ulo si SPO

"Vivar that's an order. delikado kung uuwi kapa bukas na lang ng umaga ka umuwi. Use the guest room"matamang nakatingin lang si Airon kay Irish. Batid nyang mabait sa tauhan si Irish pero istrikta ito. Itinuro ni Irish kung san matutulog si Vivar. Pag balik nito ay si Airon naman ang pinagbalingan nito.

" oh ikaw Airon hindi kapa ba uuwi para makapag pahinga" tahasang sabi nito.

Napatayo si Airon dahil narin sa tama ng alak ay kamuntikan na tong mabuwal mabuti nalang ay nasalo ito ni Irish.

"oh kaya mo bang maglakad"may pag-aalalang sabi ni Irish

" nahihilo ako" napasuray pa ito.

" sige dito ka nalang din matulog inalalayan niya si Airon paakyat sa hagdan nakaakbay sa kanya ito,ang isang braso naman ni Irish ay nakayakap sa bewang niAiron, ipinasok nya ito sa katabi ng kanyang kwarto. Sa sobrang bigat nito ay pareho silang napahiga sa kama.Niyakap siya nito.nakaunan naman sya sa braso nito.Hindi makahuma si Irish amoy na amoy nya ang hininga nito amoy alak.Tinitigan nya ang gwapong mukha nito nakapikit ang mga mata nito. May biglang nagbalik sa kanyang alaala, ang masakit na mga salitang natamo nya dito natauhan sya. dahan dahan nyang inaalis ang braso nitong nalayakap sa kanya. Nang magsalita ito.

"please stay, wag mo ko iwan" niyakap syang muli nito at isinubsob pa ang mukha nito sa leeg nya. Hindi makahinga si Irish ibang sensasyon ang nararamdaman nya sa oras na yon. Gusto nya ang pakiramdam na iyon. Pero pag bumabalik sa alala nya ang nakaraan ay may kirot parin syang nararamdaman. Mapait syang napangiti. Hinayaan muna nyang makatulog si Airon sa tabi nya. Balak nya pagnakatulog na ito ay saka nya iiwan. Nang makapaligo at mag palit na din ng pantulog. Dala na marahin ng pagod ay nakatulog na rin sya..

Madaling araw ng malimpungatan si Airon pakiramdam nya ay may malambot na katawan sya yakap yakap. Amoy nya ang mabangong balat nito. Iminulat nya ang kanyang mga mata sumalubong dito ang mabangong leeg ng katabi nya.Dahan dahan nyang iniaangat ang kanyang ulo at tinignan nya kung sino ang katabi nya. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi ng mapagsino nya ang kanyang yakap. Ang maamong mukha nito na mahimbing ang tuloy matagal nya itong tinitigan. Masaya ang puso nya dahil nasa tabi nya ang babaeng matagal na nyang mahal. Nang makaramdam muli siya ng antok mas umasog pa sya dito at isinubsob nya ang mukha nya sa leeg nito nakayakap parin sya dito may mga ngiti sa labi na nakatulog si Airon.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status