Share

Chapter 10

Nagmadali siyang pumasok sa kanyang kwatro para maligo habang tulog pa ang alaga niya. Nanggigigil siya kay Enrico ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili na hindi makasabi dito ng masamang salita. Baka bukas ay wala na siyang trabaho kung pairalin niya ang galit at inis dito.

Matapos mag ayos ng sarili binalikan niya ang sanggol. Gising na ito ngunit tahimik lang. Nasa banyo parin si Enrico. Kinuha niya ang sanggol upang papaarawan ito saglit. Hindi niya kasi alam kung paliguan ba ito muna, o sino ang magpapaligo. Hindi niya pa kasi nasabi kay Enrico na hindi siya marunong magpaligo ng sanggol.

"Good morning ho, Don Emmanuel. " nakangiti na pagbati ni Nadia ng makasalubong niya ang matanda sa hagdan. Pa akyat ito. Siguro ay pupunta sana ito sa kwarto ni Enrico para silipin ang apo.

"Magandang umaga, hija. Magandang umaga rin sa aking apo, " magiliw na wika niya na may matamis na ngiti sa labi. Hinaplos niya ng marahan ang ulo ng sanggol. "Tanggalin mo ang lahat ng suot niya bag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status