Share

'Mikayel Guerero'

Umalis ako ng gabing iyon sa condo niya at tinakpan ko ang mukha ko ng balabal na nadampot ko kung saan. Tumakbo ako palayo sa lugar na iyon hindi ko na ininda ang sakit ng mukha ko gawa ng pagkakangudngod niya sa akin. Habang kumakabog ang dibdib ko ay gayundin ang bilis ng hakbang ko. Bumuhos ang malakas na ulan at naagos ang mga dugo sa kamay ko at mukha. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa bumagsak ako dahil sa pagkahilo.

"Ka-Kailangan kong ma-makala-layo dd-di-dito" paulit-ulit kong sinasabi habang unti-unti ng lumalamig ang aking katawan. Lumalabo ang aking mga mata at unti-unti narin nawalan ako ng kontrol sa aking katawan.

-----

'Pinatay mo ako!' sabi ng lalaki habang siya ay naliligo sa sarili niyang dugo. Umiling ako dahil hindi ako ang pumatay sa kanya. Hindi ba nakalayo na ako kanina? Bakit andito parin ako sa condo niya at ano to? Nasa kamay ko ang isang baril at unti-unti kong itinututok muli sa kanya. Bakit wala akong kontrol sa aking mga kamay.

'H-Hindi! Hi-Hindi!'
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status