Share

Chapter 17 Ang Pagkakaayos nina Storm at Judith

"NAGUGUTOM ako," hindi napigilang sabihin ni Judith pagkaraan ng ilang sandali. Dama kasi niya ang pagkulonng kanyang tiyan.

Napangiwi siya nang maalala niyang dalawang pagsubo lang ang kanyang nagawa kaninang almusal. Sarap na sarap kasi siyang pinagmamasdan si Storm habang kumakain kaya agad niyang napansin ang pagkawala ng gana nito. Pakiramdam tuloy niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa, ng mga oras na iyon.

"Kumain tayo," mabilis na sabi ni Storm.

"Talaga?"

"Magpa-deliver tayo. Saan mo gusto?"

Napangiti siya sa pagtatanong nito. Pakiramdam niya kasi'y pinahahalagahan siya nito. Gaya ng isang Prince Charming sa kanyang Prinsesa.

"Bakit naman kailangang magpa-deliver pa tayo kung pwede namang sa canteen na lang tayo kumain?" Pagkaraan bigla siyang natigilan. "Sorry. Hindi nga pala pwede."

"Bakit hindi pwede?" Takang tanong nito.

"Wala namang nakakaalam na kasal tayo –"

"Di ipaalam natin," putol ni Storm sa sasabihin niya.

Hindi niya inasahan na ang mga salitang iyon ang l
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status