Evie's POV
Napalunok ako ng maraming laway. Bakit ang lapit ng mukha niya sa akin? Dumadagundong na naman ang puso ko sa sobrang kaba. Ang aga-aga namang nang-akit ng nilalang na ito! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong nilalang na gwapo pa din kahit magulo ang buhok niya. Tumikhim ako parang lalabas na kasi yung puso ko sa lalamunan ko dahil sa kaba. Tila natauhan ito sa ginawa ko, saka walang pakundangang binitiwan ako. Diretso akong napaupo sa sahig.
"Aray ko." reklamo ko sa kanya saka tiningnan siya ng masama.
May gumuhit na pag-aalala sa mukha niya pero nawala din kaagad iyon. Naging malamig ang anyo nito sa akin. Hindi ito nagsalita binitiwan lamang ako nito. Napahawak ako sa pwetan ko na masakit. Che! Gwapo nga hindi naman gentleman! Huwag na lang!
Sinubukan kong tumayo saka paika-ika akong naglakad papunta sa sofa. Nasa veranda ito, tahimik lamang na nakamasid sa dagat. Peste talaga itong lalaking ito! May pasalo-salo pa siyang nala
Evie's POVMatulin na lumipas ang mga araw. Heto ako ngayon sa harap ng kompanya. Kinakabahan ako ng sobra ngayon. Matapos kasi noong sinabi ni sir Keith na "let's keep things professional" hindi na ako nito iniimikan kung hindi naman kailangan. Hindi naman malamig ang pakikitungo niya pero ramdam ko parang naglalagay siya ng invisible wall sa aming dalawa.Natuwa man ako sa ginawa niya. Pero hindi ko pa din maikakaila na medyo nanghihinayang ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang nawalan ng kulay ang araw ko. Walang hiya kasi yung lalaking iyon, matapos niyang makita ang lahat-lahat sa akin. Sasabihin niya na i-distansya namin ang sarili sa isa't-isa. Nakakahiya man ang nangyari pero nasaktan din ako sa ginawa niya. Baka kasi may hindi siya gusto sa katawan ko. Baka kasi ayaw na niya sa akin kasi nakita niya na ang lahat-lahat!"Mas okay na din ito. Kaysa naman magkaroon pa kami ng relasyon na hindi dapat naming pasukan." bulo
Evie's POV Awtomatikong napabaling ako sa likuran ko. Si Sir Keith ang nakita ko. Madilim ang aura ng mukha nito habang nakatingin sa aming dalawa ni Owen.Napansin ko rin ang pagkuyom ng kamao nito. Mukhang handa ng manapak. "Answer me! Damn it!" sigaw nito sa aming dalawa ni Owen. Kinabahan ako ng husto sa inasal niya. He is like an angry demon that could kill his prey right now! Napakunot ang noo ko sa inasal niya. Bakit ba siya ganito? Nagalit ba siya dahil lang niyakap ako ng kaibigan kong si Owen? O dahil iniisip niya na malandi akong babae? Nang maisip ang huli ay sinilaban ako ng galit. "What's wrong with you, couz? We were just catching up. Close kami ni Evie dati pa. At saka, medyo matagal din kaming hindi nagkita. Isang linggo din siyang nagbakasyon sa Cebu. At ako naman kakarating ko lang mula sa business trip. Nami-miss ko lang siya ng husto." nakangiti namang paliwanag ni Owen kay Keith. "Do you need to
Keith's POV Napahinto sa paglalakad si Genevieve. Napahigpit ang hawak nito sa tray na dala niya. Maya-maya pa'y bumaling ito sa akin. Punong-puno ng galit ang mga mata nito. Pero mas nakakatakot ang sumunod niyang ipinakitang reaksyon. She gave me a cold stare. Iyong tipong wala siyang balak na sagutin ang tanong ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang mag-init ang ulo ko. Uminit ba ito nang makausap ko si mommy kaninang umaga. O uminit ito nang makita ko sina Genevieve at Owen na magkayakap sa labas ng opisina ko. They were like a couple who were madly in love with each other. Bakit ganito? Ayaw kong mahawakan si Evie ng ibang lalaki. This woman really enjoy the line I drew between us. Mukhang nagustuhan pa nga nito ang linyang inilagay ko sa pagitan naming dalawa. "Hilig ko man po o hindi sir, wala ka na pong pakialam doon. Hindi naman kasama sa trabaho ko na i-report ko sa inyo ang lahat ng kalandian na ginawa ko, di ba?" pilosopo nitong tanong sa akin.
Evie's POVNapatanga na lang ako sa babaeng kaharap ko. Napakaganda nito ngunit napaka liit ng katawan. Kumbaga standard beauty ng mga koreano. Agad itong tumakbo papunta kay Sir Keith. Wala naman akong nagawa kundi sundan na lamang siya ng tingin.Niyakap kaagad nito si Keith sa harap ko. At ang damuhong na lalaki ay gumanti naman ng yakap sa bruha! Sino kaya ang babaeng ito? Bakit kung makayakap siya kay Keith, wagas?! Nagbitiw naman ng pagkakayakap ang dalawa. Saka lamang ako binalingan ng babae."Who is she, oppa?" nagtatakang tanong ng babae sa akin saka tiningnan ako.Napakamot naman sa ulo si Keith. He looks like a teenager who is flirting with the girl he likes! Gusto ng tumirik ng mata ko sa sobrang irita! Seriously?! Matapos niyang makita ang lahat-lahat sa akin tapos maglagay ng linya sa pagitan namin, lalandi na siya?! Aba!"She's my executive secretary. She's Genevieve Montes, dad's former secretary." nakangiting pakilala ni Keith sa akin sa bab
Evie's POVIpinikit-imulat ko ang mga mata. Tama ba ang nakikita ko? Yung bestfriend ba ni Sir Keith at yung babae kanina ang naghahalikan? Mabilis kong hinanap si Sir Keith. Nasa mesa niya ito at nagpipirma ng mga papeles. Mukhang walang pakialam sa dalawa na nagtutukaan sa tapat niya!Agad akong lumayas sa opisina ni Sir Keith. Baka kasi maka-istorbo pa ako sa nagtutukaan sa harap ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako ng opisina. Iniiling ko ang ulo. Hindi ba ako nagkakamaili sa nakita ko kanina? Baka naman dinadaya lang ako ng mga mata ko. Ganoon na ba talaga ako ka-desperada na umasa na sana wala silang relasyon ng babaeng iyon?Dali-dali akong nagpunta sa pantry saka inilagay doon ang tasa na kanina lang ay dala ko. Inilapag ko iyon sa lababo. Hinugasan ko na din iyon bago ako bumalik sa table ko para kunin ang cellphone at wallet ko. Baka kasi dahil sa gutom kung kaya't kung anu-ano na lang ang nakikita ko.Lakad-takbo ang ginawa ko. Nang maratin
Keith's POVI am currently sitting on my swivel chair while reading the papers that I need to sign. Gusto kong pigilan si Genevieve kanina na umalis dahil alam kong magkikita na naman silang dalawa ni Owen sa baba. Sigurado akong maglalambingan na naman ang dalawang iyon.Marahas kong inilapag ang mga papel sa mesa saka ako bumuntong-hininga. Sumandal ako sa swivel chair saka napatingin na lamang sa kisame. Gusto ko siyang sundan sa baba pero wala akong maisip na idadahilan sa kanya. Hindi ko din maiwan itong dalawang asungot na naghahalikan pa din hanggang ngayon. Hindi na nga nila ako pinansin. "Get a room for Pete's sake!" sigaw ko sa dalawang naghahalikan.Natigil naman ang mga ito sa ginagawa saka binalingan nila ako ng sabay. Parehong natatawa ang mga ito. Magkasalubong na kasi ang mga kilay ko. Alam nila na naiinis na ako ng husto sa kanilang dalawa. M********n ba naman sila sa harapan ko!"Bro, just admit that you're jealous. Why don't you find yourse
Evie's POVLiteral na napanganga ako sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng amo kong ito? Nagseselos ba siya? Gusto kong kiligin sa naisip ko. Putik! Kilig talaga?! Saan galing iyon?"She's my friend and I will not staying out of her life. I don't really know the real reason why you're acting possesively towards her, Keith. But I can assure you that she's just my friend nothing more, nothing less." natatawang saad ni Owen kay Keith.Nagtatakang napatingin naman ako kay Keith. Kumalma naman ang aura nito saka ako binalingan. Binitiwan niya ang kamay ko saka lumayas na lamang basta-basta sa harap naming dalawa ni Owen. Malalaki ang hakbang nito papunta sa labas ng cafeteria. Pinagtitinginan naman ito ng bawat babae na madaanan nito. Nakasunod ang mga mata nito kay Sir Keith. Nag-alburoto naman ang bumbunan ko sa nakita. Bakit ba kasi ang gwapo ni Sir Keith? Pinagtitinginan tuloy siya ng mga babaeng empleyada!Nakasimangot kong tiningnan si Owen. Nakangiti lamang i
Evie's POVNag-uusap na sina kuya at Mariana sa loob ng VIP room nito. Maayos naman daw ang kalagayan ni Mariana. Nasugatan lamang daw ito habang nagsho-shooting ng bago nitong drama.Napatingin ako sa orasan ko. Alas-kwatro na ng hapon. Naalala ko si Keith hindi pa nga pala ito kumakain. Natampal ko ang noo ko. Naku! Lagot ako kay Madame Kassandra. Hindi ko napalamon ang anak niya!Naisipan kong magpaalam na lamang kay kuya para bumalik sa trabaho sa opisina. Naiwan ko din kasi ang mga gamit ko doon. Hindi ako makakauwi dahil ibinayad ko sa taxi yung pera sa bulsa ko kanina."Mauuna na ako sa inyo ha? Naiwan ko kasi ang mga gamit ko sa opisina. Naroon din ang cellphone ko at bag. Babalikan ko na lang doon. Siya mag-usap muna kayong dalawa diyan." paalam ko sa kanilang dalawa."Thank you for bringing him here. Akala ko wala na talaga siyang concern sa akin eh!" abot-tainga ang ngiti ni Mariana sa akin."Sus! Wala yun. Si kuya naman talaga ang nag-insist