Share

Chapter 1: The Attacker

12 YEARS AGO . . .

Morte's Family

"Pakiusap Mia, ilayo mo na ang anak natin dito at itago mo siya sa pinakaligtas na lugar." Sambit ni Isiah sa kanyang asawa habang unti-onti na nitong nararamdaman ang panghihina ng kanyang katawan, ni hindi na rin nito magawang makapagsalita pa ng maayos dahil sa iniindang hindi mabilang na tama ng bala mula sa kanyang nanghihinang katawan.

"You know that I can't just leave you here alone, Isiah! They're beyond any reasonable amount to deal with, you can't just go and fight them now that your body is debilitated. Marami na ang tauhan mo ang nawala, huwag ka naman nang dumagdag pa, Isiah, please. Let's just surrender. I can't take this anymore, hindi ko kayang ibigay sa kanila ang anak natin at mas lalong ayokong mawala ka. Tumakas na lang tayo, pakiusap..." Tugon ng kanyang asawa habang bakas sa tono ng pananalita nito ang pag-aalala. Halata na din ang takot at pangamba sa mga mata nito dahilan para mas lalong maramdaman ni Isaiah ang panghihina ng kanyang katawan.

Nakadagdag pa nang pagkadurog ng kanyang puso ang mahinang paghikbi ni Mia habang nakatingin sa kanilang anak na sanggol.

Hindi nito mapigilan ang sulyapan rin ang kanyang anak na nasa bisig ng kanyang asawa ni Mia. Ang batang kanilang pinaka-iingatan sa lahat dahil alam nilang ang kanilang anak ang gustong makuha ng mga taong sumugod sa kanila ngayong gabi at hindi rin nila malaman at matukoy kung kanino at saan ba talaga nanggaling ang mga tauhan na bigla na lang sumulpot para ubusin ang kanyang mga tauhan.

"Hindi ko hahayaang makuha siya sa akin nang kahit sino," sambit pa ni Isiah. Kung tutukuyin ang itsura ng kanilang anak ay hindi ganoon kadaling ilarawan dahil kung tutuusin ay kakaiba at hindi normal ang itsura nito.

"She has these wolves eyes," hindi makapaniwalang banggit ni Isiah habang mangha na pinagmamasdan ang kaniyang anak. Compared to the appearance of ordinary individuals, the shade of its eyes is often seen only in the eyes of the wolf. Kaya naman hindi mapapantayan ng kahit anong salita ang kagandahang taglay na mayroon ang bata. Ang balat nito ay mala-porselana at matangos ang ilong. Habang ang kulay ng mga mata nito ay magka-ibang magka-iba.

Ang kanang mata nito ay may kulay na dark amber, habang ang kaliwang mata naman nito ay may kulay na dark blue. Ang mga mata nito ay nagsisimbolo ng katapangan at kabagsikan, tulad na lamang ng isang mabangis na hayop o kung tawagin man ay wolf.

"Don Isiah! Hindi sila nauubos, lalo silang dumarami. Kinakailangan na nating kumilos at tumakas!" Biglang sumulpot sa harapan nila ang isa sa mga tapat na tauhan ni Isiah, kaya naman hinarap niya ito.

Rinig na rinig sa buong kapaligiran ang ingay ng putukan ng baril pati na rin ang pagsabog, tila ba ito na talaga ang katapusan nila kapag hindi pa nila isinuko ang batang na sa bisig ni Mia.

"Ako nang bahala dito, ilayo mo na lamang ang aking mag-ina mula rito, pakiusap." Pilit na nilalakasan ang loob na saad ni Isiah sa kanyang kanang-kamay. Muli niyang tinignan ang kanyang anak at hinalikan ito sa noo at saka niya binalingan ng atensyon ang kanyang asawa na hindi na natigil ang pag-agos ng luha mula sakanyang mga namumugtong mata.

"Mia, tandaan mo ito. Sakali man na mawala ako-"

"Isiah naman!" Naiiyak na pagpigil ni Mia sa sasabihin ng kanyang asawa. Hindi nito gustong marinig ang gustong sabihin ng asawa dahil alam niyang pagsisisihan niya ito.

"Shh, huwag ka nang umiyak. Kailangan kong gawin ito. Just promise me na alagaan mo ng mabuti ang anak natin. Ilayo mo siya mula rito, itago mo siya sa pinakatatagong lugar kung saan hindi kayo madaling matutunton nang kahit sino. At sakali mang hindi na ako maabutan pa ng araw bukas, ay gusto kong ipangalan mo sa anak natin ang lahat ng kayamanan na mayroon tayo. Sa pagdating niya sa edad na labing walo, ay siya na ang hahawak sa position ko. She will take my position like no other. She will be the rule and lead everything. She will be powerful and influential. She will be the leader, Mia. She will be, someday," saad nito, habang diretsong nakatingin sa mata ni Mia. Bahagya namang tumango ang babae bilang tugon at pinigilan ang humikbi dahil mukhang wala na talaga siyang magagawa pa para pigilan ang asawa dahil talagang desidido na itong lumaban.

"Sige na, umalis na kayo. Forte, alagaan mo nang mabuti ang mag-ina ko," utos nito sa kanyang tauhan na mabilisang tumango at bahagyang yumuko para magpaalam. Nang makaalis sila sa lugar na iyon, ay mabilisan na hinatid ni Forte ang mag-ina sa ligtas na lugar.

Kabilaan ang hawak ni Forte na baril sa kanyang kamay at kabilaan rin ang kanyang tingin habang mahigpit na pinoprotektahan ang mag-ina palayo sa kanilang pinanggalingan kung nasaan ang gulo.

Nang tuluyan nang mailayo ni Forte ang mag-ina ay saka niya ito hinarap at may dinukot na kung ano sa kanyang bulsa.

"Doñia Mia, ito po ang susi ng kotse ko. Gamitin niyo iyan para makalayo kayo dito." Iniabot nito ang susi kay Mia na siya ding amo niya. Ikinatakha pa ni Mia ang ginawa ng kanyang tauhan kaya naman hindi niya agad natanggap ang bagay na iniaabot nito.

"Teka, ikaw? Hindi mo ba kami sasamahan? Saan ka pa pupunta?" Magkakasunod na tanong ni Mia sa tauhan, bakas ang pag-aalala sa kanyang tinig.

"Mauna na po kayo, hindi ko maaaring iwanan si Don Isiah nang mag-isa. Hindi maganda ang kutob ko ngayong gabi, kaya mas mabuti po kung babalikan ko siya roon," sagot nito. Hindi naman agad nakasagot si Mia at tinanggap na lamang ang susi ng sasakyan.

"Mauuna na po ako, mag-iingat kayo." Paalala ni Forte bago ito tuluyang umalis at maglaho sa paningin ni Mia.

Balak na sana nitong tumalikod para makasakay na sa kotse kasama ang kanyang anak ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito natuloy, dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang may tumarak na pana sa kanyang likuran na hindi alam kung saan man nangmula.

"Ah.." mahinang atungal nito.

Napadaing si Mia sa sakit, pero agad din siyang nagmadaling kumilos at pilit na dinala ang kanyang anak sa loob ng kotse para maiwas ito sa kapahamakan.

"Ah!" Muling d***g nito nang muli ay maramdaman niyang mayroon na namang tumama na pana sa kanyang likuran. Sa pagkakataong ito ay naramdaman niya agad ang panghihina ng kanyang katawan at parang ilang segundo lang ay mawawala na ito sa balanse.

Napapikit na lamang si Mia dahil hindi na nito napigilan pa ang panghihina, dahil mukhang hindi normal ang mga panang tumama sa kanyang likuran. Mayroon itong lason na kung saan ay ilang minuto lang, malalagukan na agad siya ng hininga.

Bago pa man ito tuluyang makapikit ay naaninag niya muna ang postura ng isang lalaki. Pilit niyang inaaninag ang mukha ng lalaki kahit pa nandidilim at nanlalabo na ang paningin nito, ngunit ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makilala niya ito.

"H-huwag . ." pilit niya pang sambit habang inaabot ang anak nitong panay ang iyak nang lapitan ito ng matandang lalaki.

Ang matandang lalaki na nag-ngangalang Don Rafael. Walang iba kung hindi ang kanilang kanang-kamay na siyang matagal nilang pinagkatiwalaan na siya rin pa lang tatraydor sa kanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status