Pagod na dumating si Francisco sa kanilang tahanan; agad na pumasok sa silid at namintana. Pinagala ang paningin sa kalawakan.
Nasa tabi ng Ilog ng Pag-ibig ang silid ng kanyang tinutuluyan at tanaw na tanaw niya ang bahay na iyon at naririnig niya ang masaya at malambing na tugtugan. Ang bahay na iyon ay kay Gob. Gregorio, sa kanyang guniguni, sana'y naroon siya at kasama sa kasayahang iyon, dangan nga lamang at masyado siyang abala at may dapat asikasuhin.
Nakita sana niya ang wari'y malikmatang kagandahan ng isang diwata sa gitna ng kaakit-akit na bulwagan.
Ang diwatang iyon ay walang iba kundi si Felicidad de Quintos; ang diwa't buhay ang nag-iisang babaeng minamahal ni Francisco na kararating lamang mula sa kumbento.
Subalit kay daling naparaan ang magandang gunita, humalili ang kalunus-lunos na tanawin na nakapanunuot ng sarili. Ang naglalaro sa kanyang gunita ay isang madilim na silid na napaliligiran ng pader. Sa napaka ruming sementong sahig ay may nakalatag na sira-sirang banig, isang matandang lalaki ang nakahiga sa biglang tingin ay malapit nang mamatay. Sa kabila ng paghihirap ng matanda, inililibot nito ang paningin na tila may hinahanap at tinatawag. Naririnig paminsan-minsan ang kalansing ng isang tanikalang bakal na sinasabayan ng paghibik ng matanda. Kaawa-awang matanda!
Sa mga sandaling iyon ay sumisingit ang isang kasayahan na nagaganap sa isang malayong lugar. May isang binatang nagpapakasaya habang umiinom ng mamahaling alak at ang iba naman ay lasing na nga ay nagpapalakpakan pa.
Sa isang iglap, nakita ni Francisco sa kanyang guniguni ang kahabag-habag na matanda ay ang kanyang ama at ang lalaking nagpapakasarap sa alak ay siya. At narinig niyang tinatawag ang kanyang pangalan, "Francisco! Francisco tulungan mo kami!"
Ganoon ang nakita niya sa kanyang pag-iisa at sinisisi ang sarili na wala man lamang siyang nagawa sa naganap sa kanyang pamilya, "Siya'y duwag! Isang malaking duwag!"
-O, Ama, habang ikaw'y nagdurusa ako'y wala sa iyong kalinga.
Si Gobernador Gregorio ay bata sa tingin sa tunay na gulang. Parang edad niya ay nasa pagatin ng trenta at trenta'y singko. Siya'y pandak na mataba at kanyang kulay ay kayumangging-kayumanggi.Sabi ng kanyang mga kaibigan: "Pinagpapala siya ng Panginoon kaya siya'y malusog."Sabi naman ng kanyang kaaway: "Tumataba siya dahil sa pagsipsip ng dugo ng mahihirap."Maliit na hugis-almond ang kanyang mga mata. Pango, bilugan na katamtaman ang laki ng kanyang ulo. Ayon sa iba ito raw ay punung-puno ng katalinuhan. Guwapo sana siya kaya lamang ang kanyang mga labi ay pinaitim ng kanyang paninigarilyo at pagnganga ng hitso na laging nakabukol sa kanyang pisngi. Mapuputi ang kanyang mga sungki-sungking ngipin na dalawa niyon ay pustiso.Si Gobernador Gregorio ay itinuturing na pinakamayaman sa Sta. Clarita isang lugar sa San Lorenzo. Ang pinanggalingan ng kanyang yaman ay ang kanyang mga lupain sa Pampanga at sa Nueva Ecija lalo na sa San Lorenzo. Madal
Umagang-umaga sina Tiya Flora at Felicidad ay nagtungo sa simbahan upang magsimba.Pagkatapos na pagkatapos ng misa, nagyaya na si Felicidad sa pag-uwi. Takang-taka si Tiya Flora kung bakit nagmamadali si Felicidad, galing ito sa kumbento kaya inaasahan ni Tiya Flora na dapat lamang matulad si Felicidad sa isang mongha.Habang may kasabay na lumalakad palabas ng simbahan, sinabi ni Tiya Flora na tila nangangaral, "Katatapos lang ng misa ay nagyaya ka na. Bakit ka naiinip sa loob ng simbahan?"Nasabi na lamang ni Felicidad sa sarili, "Patawarin ako ng Diyos, alam ng Diyos ang damdamin ng isang dalagang tulad ko. Anong malay ninyo sa niloloob ng isang dalagang tulad ko?"Pagkatapos mag-agahan, wari'y naiinip si Felicidad na may hinihintay. Abala ang kanyang isap sa kung anong bagay. Iniisip niya ang tahimik na buhay sa kumbento. Parang ibig niyang magalit kung dumaraan ang alin mang sasakyan ay makalagpas iyon nang hindi humihinto.Si Gobernador Greg
Ang kalungkutang nadarama ni Francisco ay bahagyang naibsan habang ang karuwaheng kanyang sinasakyan ay naglalakbay sa isang bahagi ng magulong kalye ng San Lorenzo.Nakalilibang panoorin ang mga kalesang nagpaparoo't parito. Ang mga Pilipino, Europeo at iba pang dayuhan ay nakikilala lamang sa kanilang mga kasuotan. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin amg naglalako ng iba't ibang prutas at kakanin. Ang mga karitong hila ng mga kalabaw at ng hilera ng mga tindahan ay mga alaalang muling nagpapasariwa ng kahapon.Napansin ni Francisco na wala pa ring pagbabago sa mga dating lansangan. Hindi pa rin ito nalalatagan ng bato. Kapag tag-init ang kalye ay punong-puno ng alikabok na naninikit sa balat at kung humahangin ito ay nagiging libreng pulbos na nagpapaubo at humihilam sa mga mata ng mga naglalakad. Kung umuulan, ito ay nagmimistulang ilug-ilugan. Kaya kaawa-awa ang mga nagdaraan dahil nagtitilamsikan ng marumi at nagpuputik na tubig.Habang binabagta
Si Francisco ay hindi nagkamali sa kanyang hinala na si Padre Ignacio, na sakay ng isang magarang sasakyang Victoria ay papunta kay Gobernador Gregorio. Pagbaba ni Padre Ignacio ay paalis naman sina Felicidad at Tiya Flora. "Mukhang may pupuntahan kayo," ang bati ni Padre Ignacio sa magtiya. "Kukunin po namin sa kumbento ang aking kagamitan," ang sagot ni Felicidad.Nabigla ang pari sa sagot ni Felicidad at pabulong sa sarili lamang sinabi, "Tingnan nating kung sino ang masusunod, kung sino ang higit na makapangyarihan!"Napansin ni Tiya Flora ang pabulong-bulong ni Padre Ignacio, kaya naisip niya."Siguro ay may sinasaulong sermon si Padre Ignacio," ang wika nito at inutusan si Felicidad."Sige sumakay ka na at tatanghaliin tayo."Tuluy-tuloy na pumanhik sa bahay ni Gobetnador Gregorio si Padre Ignacio. "Gregorio, may pag-uusapan tayong mahalaga sa iyong tanggapan," pasigaw at pagalit na sabi ni Padre Ignacio.Nang makita ang pari, ma
Ang bayan ng San Lorenzo ay saganang-sagana sa biyaya ng lupa, tulad ng tubo na ginagawang asukal, palay, kape, mga gulay at bungang-kahoy na ipinagbibili sa iba't-ibang bayan lalo na sa mga mapagsamantalang Instik. Ang bayan ay nasa baybay lawa na napapaikutan ng malawak na bukirin.Ang buong kabayanan ay tanaw sa simboryo ng simbahan ng San Lorenzo. Ang mga kabahayan ay nakatumpok sa pinakagitna ng malawak na kabukiran. Ang mga bahay ay karaniwang may pawid na bubong na sinalitan ng mga kabunegro, yero at tisa. Mula pa rin sa tuktok ng simbahan ay kitang-kita rin ang mala ahas na ilog sa gitna ng bukid na kumikinang sa tama ng sikat ng araw. Sa di kalayuan ay may isang dampa na nakatayo sa gilid ng isang talampas na nakabukod sa karamihan.Ang gubat sa gitna ng sakahang lupa ay kapansin-pansin para sa lahat. Ang mga puno rito ay masisinsin na malalaki at maliliit, kayat kahut ang sikat ng araw ay maramot na palaganapin ang liwanag sa loob ng gubat. Ang lugar ay pinan
Sa patuloy na pagsulong at paglaki ng bayan ng San Lorenzo, hindi kataka-takang lumitaw ang mga taong maghahari-harian at hahawak ng renda ng kapangyarihan.Sinu-sino ba ang mga ito?Si Don Lorenzo, masasabing pinakamayaman sa San Lorenzo. Kanya ang pinakamalawak na lupain. Siya ang takbuhan ng mga taong nagigipit. May mababang-loob at hindi mahilig sa kapangyarihan. Siya ay iginagalang at hindi naman kinatatakutan. Sa kabila nito, siya ay hindi kabilang sa makapangyarihan ng San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay mayaman din. Nagkukusa nang sumasalubong sa kanya ang mga may utang at sila ay nagreregalo ng kung anu-ano sa hangad na magpalakas kay Goberanador Gregorio. Pinakamasarap na prutas ang inihahandog sa kanya. Kapag may nagustuhan si Gobernador Gregorio kahit ang magilas na kabayo, siya ay hindi nagdadalawang salita, tiyak na maipagkakaloob sa kanya. Sa kabila ng lahat, kung siya'y nakatalikod, siya ay pinagtatawanan at kung tawagin ay Sakrist
Tuwing unang araw ng Nobyembre, ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang Araw ng mga Patay o Todo Los Santos sa Espanyol. Ang kaugaliang paggalang at pagalala sa mga yumao ay atin nang nakagisnan.Sa gawing kanluran ng bayan ng San Lorenzo matatagpuan ang sementeryo. Ito ay nababakuran ng bato at kawayan. Ang landas patungo rito ay maalikabok kung tag-araw at matubig kung tag-ulan. Malaki ang loob ng sementeryo na may panandang isang malaking krus na kahoy na makikita sa pinakagitna ng libingan. Nakasulat ang hindi na halos mabasang INRI sa isang yerong niyupi ng bagyo sa pinakatuktok ng krus.Ang loob ng libingan ay nagsisilbing galaan ng mga alagang hayop tulad ng manok, bibe, baboy o kalabawa. Pero nang araw na iyon ang mga galang hayop ay binulabog ng dalawang lalaki. Ang isa sa mga lalaki ay hindi mapalagay. Tumatagaktak ang kanyang pawis, walang tigil ang paghithit sa kangang sigarilyo habang dura nang dura. Binabantayan niya ang kanyang kasama na k
Huminto ang isang karwahe sa tapat ng libingan, bumaba si Francisco kasama ang kanyang utusan. Lumakas sila patungi sa loob ng libingan. "Nagkasakit po ako, hindi ko masyadong nagpapasyalan ang libing. Ang sabi po ni Gobernador Gregorio, ipagpapagawa niya ng isang nitso. Pero bago ako nagkasakit, natamnan ko ang libing ng mga bulaklaking halaman. Nilagyan ko rin ng krus na ako mismo ang gumawa." Hindi sumagot si Francisco sa mga sinabi ng utusan. Muling nagsalita ang utusan, "Naroon po ang krus sa dakong iyon," may itinuturong sulok ang utusan. Maingat sa paglalakad si Francisco at ang utusan, iningatan at iniiwasan na matapakan ang mga puntod. Hinahanap nila ang puntod ng mga magulang ni Francisco. Natanaw nila ang sepulturero bilang pagbibigay galang. "Saan po, ginoong sepulturero, ang libing na may isang krus doon?" "Isang krus po bang malaki?" tanong ng bantay ng libingan. "Opo, malaki nga po," parang nabuhayan ng loob an