Share

Chapter 1

"Jezreel!!" napatalon ako sa upuan nang marinig ang boses ng boss kong pinaglihi sa sama ng loob.

"Coming" sagot ko sa intercom.

Pagkapasok ko pa lang ay nakabusangot na agad ang mukha nito.

"Asan na yung mga files na kailangan ko? Hindi ba sabi ko dapat pagpasok ko nandito na yun sa table ko" hinampas nito ang lamesa niya kaya napapikit ako.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Nagpakita ako ng isang magandang ngiti sa boss ko.

"Sir, the papers are on your table po yung nasa ilalim po ng red folder" paliwanag ko dito.

Bakas sa mata nito ang biglang pagtiklop dahil sa sinabi ko.

"Bat kasi dyan mo nilalagay! Next time sa ibabaw mo ilagay para nakikita ko agad" masungit na sabi nito.

Hindi ko mapigilang mag mock face at mapa eye roll dahil sa sinabi nito.

"I see that Jezreel" masungit na sabi nito. Napangiti ako ng alanganin dahil sa pagkahuli nito sa akin.

"Go back to your table" malamig na sabi nito.

Pagkalabas sa office niya ay agad akong nagmaktol dahil ang aga aga init ng ulo.

"Kasalanan ko bang inuuna mo yang kasungitan mo at hindi mo muna hinanap bago ka magalit! Gwapo ka sana sir eh kaso ang sungit sungiiiitt mo! Alam mo yun papasa ka nang pang matinee idol Aziel Frost Salvador oh di ba pangalan pa lang ang gwapo na kaso negative ka sa kasungitan" umupo ako at inikot ikot ko ang swivel chair habang nagpapawala ng inis.

"Jezreel! You're intercom is on! I can hear what you are saying" halos malaglag ako sa upuan nang marinig ang boses ni sir Frost. Napatingin ako sa blinders at nakita ko na magkasalubong na ang kilay niya at nakatingin sa akin. Napa peace sign na lang ako at agad na kumuha ng folder para takpan ang mukha.

Jez, ang aga aga kumo quota ka na agad kay Sir Frost!

Buong araw kong sinubukang iwasan ang masungit kong boss kasi naman hiyang hiya ako sa pinagsasabi ko. Kung tutuusin hindi naman ganito to kasungit si Sir dati. Simula lang nang iwan siya at lokohin ng girlfriend niya 2 years ago ay naging malamig na siya sa lahat ng kasama niya.

"Hi, Jez. Andyan ba si Kuya?" nakangiting tanong ni Catalina.

"What do you need?" Sabay kaming napalingon ni Catalina sa pintuan kung saan gwapong nakatayo si Frost.

Lumapit ito sa kapatid niyang nasa tapat ng table ko at hinalikan ito sa noo. Napangiti ako sa ginawa niya.

"Kuya, may operation kami bukas can I stay on your place. Yun kasi ang pinakamalapit eh" pagpaalam ni Catalina.

"Kasama mo ba si Kuya L at Kuya Mason dyan sa operation na yan ha Catalina?" masungit nitong sabi. Catalina is part of a special task force.

"Kuya, I'm the best in my batch kaya pwede stop worrying. I can handle myself. Palagi akong uuwing buo sa bahay natin" sabi nito nang nakangiti

Napabuntong hininga si Frost bago lumingon sa akin. Napaiwas agad ako ng tingin mamaya isipin pa niya chismosa ako.

"Jez, call my housekeeper. Sabihin mo linisin ang unit ko at dun matutulog si Catalina"

"Ha? Paano ka sir? San ka matutulog?" sandaling nanahimik ang paligid bago ko marinig ang mahinang pagtawa ni Catalina.

"And why do you care?" pinaningkitan ako ng mata nito.

"Aaahh baka kasi wala kang matulugan?" patanong kong sagot dito.

Frost smirked at me. Nanlaki ang mata ko nang makita yun dahil napakabihira nitong ngumiti.

"Nakalimutan mo atang ako ang may ari ng building na to Jez. I can buy even a new hotel if I want to" mayabang na sabi nito kaya naman agad na naman akong nainis dito.

"Yabang" mahina kong bulong.

Akala mo ikaw lang? Excuse me kaya ko ring bumili ng buong hotel noh!

"I can hear you Jez" napapikit ako nang marinig na naman ang boses ni Frost. Tumingin ako sa kanya at nakabusangot na naman ang mukha nito.

"Last war......"

"Yes sir hindi na talaga ako mag c comment. I zi zipper ko na ang bibig. I l lock ko pa tapon susi" sabi ko at pindaanan ko sa bibig ang pahigang linya na tila sinara nga ito.

Kinuha ko ang kamay ni Frost at kunwaring nilagay dun ang susi na pinang lock sa bibig ko. Nakita kong sandaling nagulat si Frost sa ginawa ko at napatingin siya sa kamay ko na ngayon ay nakahawak pa rin sa palapulsuhan niya.

Nang marealize ang ginawa ko ay mabilis ko yung binitawan at inilagay ko ang kamay ko sa likuran ko. Malakas na tumawa si Catalina dahil sa ginawa ko.

"Kuya, I think nakahanap ka ng katapat mo. Good job Jez. Keep it up" nginitian ako ni Catalina at tinapik ang balikat ko bago iniyakap ang mga kamay niya sa braso ng kapatid at hatakin yun palabas ng office.

Sinundan ko sila ng tingin at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa munting pangyayari kanina. Nanlaki ang mata ko nang biglang lumingon si Frost at nagtama ang mga mata namin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya at napatayo para pumunta sa CR.

Nang makapasok sa CR ay napahawak ako sa dibdib ko.

Sh*t! Sobrang lakas ng tibok ng puso ko! Tingin pa lang yun!

Mabilis kong iwinaksi sa utak ko ang magandang mga mata ni Sir Frost! Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko kaso napaupo na lang ako at napapikit dahil talagang tumatak sa utak ko kung paano siya lumingon kanina at kung gaano kaganda ang pagtatama ng aming mga mata.

Napabuntong hininga na lang ako at pinakalma ang tibok ng puso ko bago bumalik sa table. Tatlong taon na rin simula nang umalis ako sa bahay namin.

Tanging sa internet lang ako nakikibalita sa kanila at sa tingin ko mukhang masaya naman sila. Walang naghahanap sa akin. Tatlong taon na rin akong secretary ni Sir Frost. Nagtataka nga ang iba kung paano ko nagpat'tyagaan ang ugali ni Sir Frost na lagi akong sinisinghalan.

Hindi ko rin alam kahit madalas akong naiinis dito eh kumportable ako sa kanya lalo na kapag nagsusungit siya kasi parang normal routine na sa akin na saluhin ang kasungitan niya.

"Jez, ano mamaya sama ka?" tanong ng katrabaho ko. Nagyaya kasi silang uminom.

"Hindi ko pa alam kapag walang pinagawa si Sir" sabi ko dito. Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok mula doon si Sir Frost. "Speaking of the d...."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagtama agad ang mata namin. Hindi nito pinutol ang tingin niya sa akin habang naglalakad dahilan para kabahan na naman ako.

Nakalagpas na si Sir Frost sa amin saka lang ako nakahinga ng maayos.

"Tanungin mo na" pag uudyok sa akin ng mga katrabaho.

"Sir Frost" tawag nila dahilan para huminto si Sir at tumingin sa pwesto namin. Nakapameywang itong humarap sa amin at walang emosyon ang mukha.

"May sasabihin si Jez" sigaw ng mga ito at tinulak ako.

Bwiset talaga tong mga to!!

"Aaahh, sir pwede ako mag early out? May papagawa ka ba?" tanong ko dito. Hindi ito agad sumagot sa tanong ko.

"Why?" nakataas ang kilay nito habang nakapako lang ang tingin sa akin

Lets* naman! Matunaw ako Frost!

"Ahh girl's night out lang....."

"Then, it's a no" sabi nito at agad na tumalikod. Naglakad ito papasok sa office niya.

Napanganga ako sa sinagot niya sa akin. At bakit no?? Bawal ba akong mag night out???

"Hooyy baklaaa ichika mo yan" kinikilig na hinampas ako ng mga katrabaho ko.

"Ha? Ichika?" naguguluhan kong tanong sa mga ito

"Bakit it's a no ang sagot?" malalaki ang ngiti nila sa akin

"Malay ko baka may ipapagawa?"

Tinusok nila ang tagiliran ko.

"Sus, aminin mo pinagalaw mo na ang baso noh" pangungulit ng mga ito.

"Hindi ko kayo maintindihan" natatawa kong sabi sa mga ito.

"Hindi ka pinatapos bakla. Pagkasabi mong it's a girl's night out biglang no agad. Ano yun jowa lang ang peg ??? Ayieee" pinaghahampas nila ang braso ko.

Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.

"Hoyy namumula ka! Si Jez kinikilig." Sigaw ng mga katrabaho. Napatingin tuloy sa akin lahat at sabay sabay akong inasar pero parang nilisan ng kaluluwa ko ang katawang lupa ko nang makitang nakatayo si Sir Frost sa tapat ng pintuan at nakatingin din sa akin.

Parang lahat na ata ng dugo nasa mukha ko.

"Baliw! Magtigil nga kayo!" saway ko sa mga kaibigan ko pero tuloy lang sila sa pang aasar. Napatakip na lang ako sa mukha ko sa hiya.

Matapos ang nakakahiyang asaran ay nagpakabusy na lang ulit ako sa trabaho. Mag 8pm na akong natapos pero nang sumilip ako sa blinders ay nagt trabaho pa rin si sir Frost busy pa rin siya sa pagbabasa at pag c check ng mga paper.

Napangiti ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Binuksan ko ang intercom at nagsalita.

"Sir, uwi na ako. Ikaw na lang maiiwan dito. Hindi ka pa ba uuwi?" Lumingon si sir Frost sa gawi ko at bahagyang binaba ang reading glasses niya.

Ang gwapo niya talaga!!

"You go home Jez" sabi lang nito at bumalik sa pagt trabaho.

"Okay, sir wag kang magpagabi balita ko kay may gumagalang batang umiiyak daw dito sa floor" pananakot ko dito. Ibinaba ni Sir Frost ang binabasa niya at napatitig na sa akin bago sumagot.

"You really have the guts to scare me ha?" masungit nitong sabi "Umuwi ka na Jez. Diretsong uwi wag nang dumaan sa whatever night out na sinabi mo kanina. Go home" napangiti ako sa sinabi nito.

"Yes boss" sabi ko dito at sumaludo sa kanya through blinders pero wala pa rin itong reaksyon. "Bye" sabi ko at nag wave sa kanya. Inayos ko ang mga dadalhin. Tumayo na ako at isinabit ang bag sa balikat ko.

"Jez" napahinto ako sa pag alis dahil sa pagsasalita ni Sir Frost. Napatingin ako sa kanya. "Ingat" sabi nito habang nakatingin sa akin. Sumandal ito sa swivel chair at hindi inaalis ang tingin sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. Ngumiti ako sa kanya at nag goodbye wave na lang bilang tugon.

Mabilis akong tumakbo palabas at nang makapasok sa elevator ay napasandal ako sa dingding.

I think I'll have a good sleep tonight...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status