Share

Chapter 5: Fall

Chapter 5:

“Hi Alyson.”

Nakaupo na ako sa seat ko nun sa classroom at naghihintay sa bestfriends ko ng dumating din si Alex at binati ako.

“Uy, ikaw pala. Ang aga mo yata.”

“Ah, oo. Ikaw din naman eh.” Naupo na din sya sa seat nya.

“Himala hindi mo kasama friends mo?” pagtataka kong tanong ko sa kanya.

“Ah, nasa baba pa sila. Susunod na din ang mga yun.”

“Ah okay.”

Nagkaroon ng katahimikan. Bakit parang ang awkward ata? Last na usap namin nito ni Alex nung na-friendzone ko sya. Tapos ilang araw din sya di namansin nun. Akala ko nga may samad ng loob na ito sa akin eh, pero mabait sya kasi hindi naman nya ako tuluyang iniwasan. Nakakahiya tuloy.

“Ah, Miss Li can I ask you a question? If you don’t mind.”

“Tungkol saan?”

“Ahm.. is it true that Tristan is courting you?”

Kung pwede lang ako masamid kahit wala laman bibig ko baka nasamid na ako. Syempre hindi na ako magtaka kung malaman nya yung tungkol sa mga nangyari at nangyayari sa amin ni Tristan. Eh kaibigan nya yun eh.

“Ah naku! Hindi no! Wala lang yun. Nagmamagandang loob lang siguro si Tristan. Ang totoo nyan nagtataka din ako eh ubod kaya ng yabang nung lalake na yun!” hindi ko din naman talaga alam bakit nagpapaliwanag ako sa kanya.

“Grabe ka naman. Mabait naman si Tristan. Suplado lang at times.” kaibigan nga sya ni Tristan at ipinagtatanggol nya pa.

“Bakit mo pala natanong?”

“Wala naman. It would be funny if it’s true lang kasi.”

“Funny?”

“Because if it’s true, I’d like to think na binusted mo ako kasi si Tristan naman talaga ang gusto mo. I mean I wouldn’t mind at all din naman. I’d be rooting for both of you if it happens.”

Dapat ba ako ma-touch sa kabaitan at pagpapaubaya nya? Hindi na lang din ako sumagot. Pero ayaw paawat ni Alex.

“Anyway Alyson, we’re friends naman diba?” bigla nya inabot kamay nya, tila offering for a handshake. Tiningnan ko muna ito for half a second tsaka nginitian sya at kinamayan.

“Friends.”

Sakto namang dumating sina Jai at Mai pati Sina Tristan. Agad din naman namin inalis Ang pagsi-shake hands ni Alex.

“Hoy, hoy, hoy ano yan? Ano yung nakita namin?” bungad agad ni Maileen.

“Wala yun! Nag-usap lang kami ni Alex!”

“Defensive agad, besh?”

“It's true. We were just talking about dun sa pagbusted nya sa akin. I asked her if we can still be friends.”

“Oohhh.” sabay na pangangantyaw nina Jai at Mai.

“Ang ganda talaga ng bff namin. Hindi lang isa kundi dalawang lalake ang nagkakagusto.”

“Bunganga mo Jai!” awat ko sa kanya. Ang ingay nitong babae na ito kahit kelan eh.

“Dalawa?” tanong ni Mart.

“Wala! Wala syang sinabi! Magsi-upo na tayo dadating na si mam.” Pinutol ko na ang topic na iyon dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Pero habang nakaupo na ay binulungan kong muli si Jai.

“Ikaw napaka-ingay mo talaga kahit kelan.”

“Oh bakit? Totoo naman ah?”

“Kahit pa!”

“Sus prend, if I know gandang ganda ka naman sa sarili mo.”

“Asar kang bakla ka,” tsaka naman dumating ang guro namin.

Ng tapos na ang klase ay dumiretso na agad ako sa publication room. Wala si kuya Art ngayon at may iba syang inaasikaso kaya solo ko lang ngayon ang PR. Pagdating ko dun ay agad ako naupo sa desk ko at nag edit ng mga dapat i-edit. Medyo kaunti lang naman ang mga iyon kaya natapos ko din agad. Ng wala na akong gagawin ay naisipan ko na mag-online ulit sa social media account ko. Scroll lang ako ng scroll nun. Ng ma-bored na ako ay hinayaan ko na lang iyong nakalog in tsaka ko naisipang ipagpatuloy yung pinapanood kong Korean drama. Mahilig ako sa mga asian dramas eh. May taiwanese, japanese, Chinese tsaka Korean. So ayun na nga, nasa kilig part na ako ng episode na pinapanood kong drama na ito eh. Sayang saya ako sa pinapanood ko ng tumunog bigla ang chatbox ko. Tiningnan ko kung sino ang nagmessage at tumambad ang pangalang Tristan Johnson. Ano naman kailangan nito?

Tristan: Hey.

Ako: Hoy.

Tristan: Where are you?

Ako: sa tabi- tabi. Bakit?

Tristan: nothing.

Ako: Baliw.

Sin-een ko lang iyon. Wala na naman tong magawa. Nagpatuloy na lang ako sa pinapanood ko. Tutok na tutok na ako dun dahil iyong nasa part na ako na nagtatapat na si girl sa guy na crush nya. Pero bigla ulit nagmessage si Tristan. Anak naman ng kamatis yan oh.

Tristan: Hey.

Me: ano?

Tristan: what are you doing?

Me: Busy ako! Ano ba kailangan mo?

Hinintay kong sumagot pero wala naman. Ano ba problema nito? Nanood na ulit ako ng drama ko. Ayan na, sinabi na ni girl ang feelings nya! Syempre nagulat yung guy pero hinihintay nya ano sasabihin ni guy. Magsasalita na sana iyong bida pero tumunog ulit ang chatbox ko. Kainis naman eh! Istorbo din kahit kelan!

Tristan: Hey.

Me: Ano ba?! Sabi ko busy ako diba?! Ano ba problema mo ha?! Kung may sasabihin ka sabihin mo na!

Sin-een nya lang ulit ako. Nakakainis na ito eh! Pinaglalaruan na naman ata ako nito. Walang magawa sa buhay na hanep. At nagpatuloy na lang ulit ako ng pinapanood ko. Iyong nakakakilig na kasi sinabi na din ng guy na gusto nya din si girl. Tapos nagkatitigan sila ng matagal hanggang sa iki-kiss na ni guy si girl! Ayan na! Malapit na! Malapit na—

Tristan: Hey.

Napabuntong hininga na lang ako dahil na-pause na naman ang pinapanood ko.

Me: Utang na loob Tristan! Wala ako sa mood makipaglaro sayo! Kung wala kang magawa sa buhay mo then maghanap ka ng ibang mapagtitripan mo!

Hinintay kong magreply sya. Para dire-diretso na at nasisira ang momentum ko eh. Mga limang minuto mahigit na nakalipas pero typing pa din nakalagay sa chatbox. Ano ba message nito, nobela?!

Me: sige bagalan mo pa. Maglalog out na ako!

Wala pa ding sagot. Naghintay pa ako ng another five minutes nun at wala pa din kaya naisipan ko na talagang maglog out pero ng pipindutin ko na ang log out button ay saka naman dumating ang message nya. Sa wakas naman!

Tristan: I just want to tell you that I got jealous back there. You and Alex are friends while I can’t even be one for you. He got to hold your hands but still, I was able to kiss you. I still got a point. But I don’t know why this is happening all too fast. And somehow I find it weird because this is the first time I ever get so selfish over someone that’s not even mine. I know we’re very opposite but I don’t know why I got so hooked with you.

Napanganga ako sa nga nabasa ko. Hindi ko pa man nai-process yung nauna pero may sumunod na naman syang sinend.

Tristan: I’m an introvert person and I don’t share to anyone what exactly I’m feeling. Not even to the people I’m close with. It’s even harder for me to compose this kind of messages to you. I’m not really sure of what I really feel or what to do but..

Pabitin? Hinintay ko ulit yung karugtong ng message nya na agad din naman dumating.

Tristan: I like you. No wait, let me rephrase that. I think I’m in love with you. I am inlove with you, Alyson.

Hindi ko na alam, ang sumunod na lang na nangyari ay naglog out na ako ng tuluyan. Pero paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko yung mga huling kataga na sinabi nya sa message nya.

Totoo ba to? Kinurot ko ang sarili ko sa pisngi.

“Aray!” lagot na. Totoo nga.

Ng sumunod na araw, naglalakad na ako sa corridor. Kagaling ko lang ng PR at papunta na ako ng classroom namin. Tulala lang at iniisip ko pa din iyong mga pinagsasabi ni Tristan kahapon. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ang isang Tristan Johnson ay magkakagusto sa akin. Much more na nagtatapat pa ng feelings nya at online pa!

Patuloy lang ako sa paglalakad ng may makabanggaan na naman ako.

“Sorry po! Pasensya na po!” pagpapaumanhin ko.

“Alyson?” nilingon ko kung sino yun, si Alex pala.

“Alex. Ikaw pala.”

“Pasensya na. Lagi tayo nagkakabanggaan dito sa corridor ah?”

“Ah eh oo nga pansin ko din. Sorry din, di ako natingin sa dinadaanan ko.”

“Mukha ngang ang lalim ng iniisip mo eh.”

Nahalata nya siguro iyon. Dumiretso na lang kaming pumasok sa room namin. Naandun na friends nya. Pero napansin ko na wala yung lider nila.

“Hindi nyo kasama si—”

“Ah si Tristan ba? Absent sya may lagnat daw sabi ni Cho Niko.”

“Ah ganon ba.”

Nilalagnat din pala ang halimaw?

“Kawawa nga eh. Alam mo ba pag nilalagnat yun, para syang batang takot na takot.”

“Well takot naman talaga si Tristan pag nilalagnat sya. Phobia nya iyon.” Kwento naman ni John.

“Phobia?”

“Mahabang kwento, Aly. Pero matanong lang ah?” si Mart.

“Ano?”

“Nag-aaalala ka kay Tristan no?” parang pabiro na may halong pang-asar na tanong nito sa akin.

“Uy hindi ah! Kayo kasi sinabi nyo kaya na-curious lang ako.”

“Ahhh, curious lang pare.” Sarcastic naman na sabi ni John na sinakyan naman ng John at Alex.

While the class is ongoing, hindi ko alam bakit panay ko lang tingin sa upuan ni Tristan. Okay lang kaya talaga yun? Teka bakit ba ako nag-aalala dun? Ano ba paki ko? Maganda nga na absent sya eh wala akong asungot na katabi. Walang beast na mang-iistorbo sa akin.

Uwian na. Nauna na sina Mai at Jai magsiuwi at may mga lakad pa daw sila. Kainis yung dalawang iyon, may mga jowa lang kinakalimutan na ako. Nasa labas na ako at naghihintay ng keep. Agad din naman dumating ito kaya nakasakay din ako agad. Pagbaba ko sa palengke sa amin, bigla ako napatigil sa tindahan ng mga prutas.

“Bili na prutas nene. Bago pa mga iyan.” Sabi nung tindera sa akin na nasa tapat ko.

“Ay hindi po ate, natingin lang.”

“Mama! Masakit ulo ko!”

“Naku anak baka may lagnat ka. Tara na uwi na tayo agad.”

May dumaang mag-nanay na narinig ko nag-uusap. Naalala ko bigla yung lalakeng yun. Nakakainis naman eh. Sige na nga! Lumapit ako Kay ate na nagbibenta ng prutas.

“Magkano mangga ate?”

Pagkabili ko ng prutas ay sumakay ulit ako ng jeep. Ewan, hindi ko alam at hindi ako mapakali hangga’t hindi ko talaga nabibisita eh. Hindi ko din alam bakit hindi ako mapalagay at hindi maiwasan na isipin sya. Mga ilang minuto lang din naman binyahe ko mula sa palengke papunta sa kanila. Pagkababa ko ngjeep, may hindi naman kalayuan na lalakarin papasok tsaka bumungad ang napakaling gate. Hindi ko to nakita nung dinala nya ako dito. Malamang kasi gabi na yun tsaka tulog ako. Ang ganda pala talaga ng bahay nila. Labas pa lang pang teleserye na. Nagdoorbell ako Saka bumukas bigla yung gate. May lumabas na guard mula sa guardhouse na nasa tabi lang ng main gate nila.

“Sino po sila?”

“Ah eh kuya, kaklase po ako ni Tristan.”

“Ah sandali lang po.” May kinausap sya sa walkie talkie nya saka pinapasok na ako.

Naglakad na ako sa pagkalaki at pagkalawak nilang hardin. Wow lang ha? Pwede na akong magbisikleta dito sa lawak ng garden na to! Ng makarating ako sa main door nila, nag-doorbell ulit ako. Bumukas naman agad ang pinto at sinalubong ako ni Tatay Niko.

“Tay!”

“Maligayang pagbbaalik sa mansyon, signorita Aly. Ikinagagalak kong makita kayong muli.” Masayang bati nito. Ayan na naman yung signorita na yan.

“Tay naman eh! Sabing Aly na lang!” Hindi nya iyon pinansin at pinadiretso na ako sa loob. Kung sa labas pa lang ng bahay nila ay mamangha ka na, mas lalo naman sa loob ng mansyon nila! Napakaganda pramis! Halos kulay puti ang paligid tapos kita mong manahalin ang mga nakadisplay at mga gamit. May mga halaman at bulaklak din sa mga gilid. Ang fresh sa pakiramdam! Bakit di ko to napansin nung una kong punta dito?

“Napadalaw po kayo, signorita?”

Naalis lang ang tingin ko sa paligid ng tanungin ako ni Tay Niko.

“Ah, kasi napansin ko po na absent si Tristan ngayong araw sa school. Tinanong ko sina John ang sabi may lagnat daw. Kaya naisipan ko pong pumunta dito.”

“Natutuwa po akong may bisita ang signorito. Hali po kayo samahan ko kayo sa kwarto nya.”

Naglakad na kami paakyat ng mansyon. Pati hagdan nila mukhang mamahaling ah! Nasa kanang bahagi ang kwarto ni Tristan. Yun pamilyar ako. Kumatok muna si Tatay.

“signorito may bisita po kayo.” Sabi ni Tatay. May sumagot naman sa oob ng kwarto.

“Sino?”

“Ikatutuwa nyo po.” Sinenyasan na ako ni Tatay na pumasok na kaya binuksan ko na ang pinto Saka dumiretso sa loob.

“Aning ginagawa mo dito?”

Gulat na gulat na bungad ni Tristan. Nakahiga ito sa kama nya at bakit na balot ng kumot nya.

“Oh bakit parang nakakita ka ng multo? Ako lang to.” Sabay lapag ko ng dala kong prutas sa mesa nya malapit sa kama nya.

“Binibisita ka. Ayaw mo ba? Ang sama mo namang friend kung ganon.”

“Why would you even visit me? Tsaka pano mo nalaman?”

Tiningnan ko sya. Putlang- putla tsaka iba boses nya. Halata ngang may sakit. Napansin nyang tiningnan ko sya.

“What?!”

Naupo ako sa kama nya, nakatingin pa din sa kanya.

“Alam mo, hindi ko din alam ano ginagawa ko dito eh. Sinabi nina Alex kanina na may sakit ka kaya nung nalaman ko yun hindi ko alam bakit di ako mapakali. Nung uwian na, pauwi naman na talaga ako dapat sa bahay eh pero nakita ko yung prutas sa palengke tapos may mag-nanay pang dumaan sabi may lagnat anak nya. Kaya naalala kita. Natouch ka ba?”

“What?!” parang nabibwiset sya na ewan. Natawa naman ako.

“Akalain mo yun? Nagkakasakit din pala ang halimaw?”

“Did you come here to make fun of me?” natawa ulit ako. Yung itsura nya kasi inis na.

Ngumiti lang ako. Pinagmasdan ko yung paligid ng kwarto nya. Hindi ko din kasi pinansin nung una kong napunta dito. “ Ang ganda pala ng kwarto mo no? Hindi ko napansin nung nakaraan.”

Tumayo ako tsaka pumunta dun sa bedside shelf nya. Parang study table ba, tapos may mga naka-display na mga pictures nya sa divider. Kinuha ko yung isang frame na may litrato nyang naka-uniform na pang-soccer. “Oh wow, sporty ka pala? Soccer?” nilapag ko yung frame tsaka kinuha yung katabi na may kasama syang babae, “mama mo? Ang ganda nya ah! Pang beauty queen!”

“What the heck are you even doing?”

Di ko sya pinansin at pumunta na lang sa mesang pinaglagyan ko ng mga dala kong mangga. Kumuha ako ng kutsilyo sa mini kitchen nya saka naghiwa nung mangga at nilagay sa isang platito tapos bumalik na ako sa kama nya.

“Oh. Kumain ka na lang ng mangga.”

“I don’t eat that.”

“Ah okay.”

Tumusok ako ng isang pirasong mangga tsaka nilapit sa kanya para subuan sya. Na-taken aback naman sya.

“Are you deaf? Or di mo naiintindihan? Sabi ko hindi ako nakain ng mangga.”

“Wag kang mag-inarte dyan! Tinanong ko si Tay Niko hindi ka naman allergic sa mangga. Pag di mo to kinain mananapak ako.” Tinaas ko yung unan nya kaunti para nakaupo sya. Wala naman syang nagawa kundi kainin yung mangga. Natawa naman ako.

“Why are you even pushing me—” hindi nya na natuloy sasabihin nya kasi sinubukan ko ulit sya ng mangga.

“Alam mo Tristan nakakatawa ka.”

“What?”

Ngumiti ako at nagpatuloy, “natutuwa ako hindi ko alam bakit. Alam mo ba nagulat ako sa mga messages mo kahapon? Akalain mo isang Tristan Johnson magkakagusto sa isang kagaya ko?”

“F-forget it.” Nagblush sya, lalo ako natawa.

“Kanina habang papunta ako dito, tinatanong ko sarili ko bakit ko kailangan pumunta at bisitahin ka. Ano naman kung may sakit ka? Mayaman ka naman. Sigurado meron kayong sariling doctor para gamitin ka. Pero patuloy ko din tinatanong sarili ko bakit nag-aalala ako sayo. Hanggang sa dinala na lang ako ng mga paa ko dito. Tapos kanina pagpasok ko dito sa kwarto mo, nakita Kita nakabaluktot dyan sa kama mo balot na balot ng kumot. Tapos feeling ko alam ko na kung bakit kailangan ko pumunta dito.”

“What are you trying to say?”

Tiningnan ko sya, “naisip ko lang, mabuting tao ka Tristan. Yung tipong yayabang-yabang at sisiga-siga pero sa loob lalambot lambot din naman.”

“I’m not.” Parang nahihiya na itsura nya nun.

“Nakakatawa kasi nung mga nakaraang taon na nakikita lang kita sa malayo sa school, impression ko talaga sayo masama kang tao eh.” Tumawa ako ng malakas pero nagpatuloy lang ulit sa pagsasalita, “tapos tama pala yung sabi nila na don’t judge the book by its cover.”

“So?”

“So? Ibig ko lang sabihin na hindi naman pala sayang yung kagwapuhan mo.”

“What?!”

“Wala, wala.” Sinubuan ko ulit sya ng mangga, “Pero totoo ba?”

“Ang ano?”

“Yung mga sinabi mo sa chat.”

“I said I was joking.”

“Joking?! Yung mga linyadang yun joke? Sapak gusto mo?!”

“Why? Would you even care pag sinabi ko na it’s true?”

“Oo.”

Nagulat siguro sya at naubo bigla dahil sa sinabi ko. Binigyan ko naman agad ng tubig at pinainom hbang hinihimas ang likod nya. Maging ako nagugulat na lang din sa mga lumalabas sa bibig ko eh.

“A-anong oo?”

“Naalala mo yung sinabi mo sa akin nung,” nagdalawang isip akong sabihin pero sige na din. “Nung hinalikan mo ako. Sabi mo quote gusto ko akin ka lang unquote. Oo sagot ko.” Ang awkward ng mga pinagsasabi ko pramis!

“So you’re saying.. that it’s okay with you?”

Tumango lang ako. Pakiramdam ko nagbablush na din ako dahil sa sobrang hiya.

“You mean okay sayo na maging girlfriend ko?”

“Hindi naman yun yung sinabi mo ah!?”

“But that’s what I’m trying to say.”

“Pero oo pa din sagot ko.”

“Are you sure?”

“Hindi.”

“Is this even a joke?!”parang nagsisimula na naman syang mapikon.

“Hindi din. Hindi ko alam! Pero feeling ko lang talaga ikaw yung tipo ng taong dapat alagaan.”

“Huh! So ayaw mo ng girlfiend kasi mas gusto mo babysitter?” natawa ako sa joke nya. Marunong din pala to magpatawa?

“Bakit? Pwede naman ah?”

“So you’re literally saying that—” hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil hindi ko din alam bakit pero ang sunod ko na lang na ginawa ay halikan sya.

“W-what was that for?” lalong namula ang pisngi ni Tristan. Kinikilig din naman tong isang ito eh!

“Para yun sa pagiging mayabang mo. Ibig ko lang sabihin na tigilan mo na pagiging tigasin mo kasi hindi yan uubra sa akin.” Naramdaman kong uminit lalo ang pisngi nya. Pero hindi ko alam kung dahil sa may lagnat sya o dahil sa paghalik ko sa kanya. Ang lalong di ko alam bakit ang saya ng pakiramdam ko ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status