Share

Chapter 2: Starting Line

Uwian na sa wakas. Sinamahan ako nina Mai at Jai na dumaan sa Publication room para sa mga ipapasa kong articles at saka dumiretso na din kami para umuwi. Ng nasa labas na kami ng campus sakto ding dumaan yung sasakyan ni Tristan. Iba iyon sa usual na ginagamit para sunduin sya. Siguro sarili nyang sasakyan ang gamit ngayon. Napakabilis ng pagkakapatakbo nito na pawang may ari nagpapasikat sa mga dinadaanan. Kahit sa pagpapatakbo ng sasakyan, napakayabang pa din nya. Akala mo hari ng kalsada.

Pagdating ko sa bahay, agad na ako nagbihis para pumasok na sa bakeshop ni Aunty.

“Kumusta ang school mo, Ali?” tanong ni Aunty. Nasa bakeshop nila kami ngayon. Mga anak nya ang gumagawa at nagbi-bake nitong mga tinapay at cake na tinitinda nila. Masasarap din atsaka sikat at mabenta din dito sa aming lugar.

“Okay naman po, Aunty.” sagot ko habang nag-aayos ng mga nakahilerang tinapay sa lalagyan.

“Ga-graduate ka na. Ang bilis ng panahon ano? Kung andito lang mama mo matutuwa iyon.”parang madrama ngayon si Aunty ah?

“Oo nga po.” Pagsang-ayon ko naman. Ngumiti lang ako. Di ko naman Kasi nakasama ng matagal ang nanay ko eh kaya hindi ko din alam ang pakiramdam o ang sasabihin lalo pag sya ang pinag-uusapan. Pero aaminin ko, may mga oras din na napapaisip ako, paano nga kaya kung andito sya?

Another day sa paaralan. Kagaya ng nakagawian, bago magsimula ang klase ay dumadaan muna ako sa Publication room. Pero pagdating ko doon ay sarado pa ito kaya bumalik na lang ako sa silid-aralan namin. Pagpasok ko dun ay nandon na sina Tristan. Ang aga naman ng mga ito?

“Hi Aly!” masiglang bati ni Alex. Hindi ko na lang ito pinansin at nagdire-diretso na lang ako sa upuan ko. Maya-maya pa ay nagsidatingan na din mga kaklase namin pati ang guro namin.

“Okay class, today I’m going to give you your report assignments. I’m going to group you into seven and choose your leaders para pumili ng mga topics ninyo.”

Nahahalata ko yata na parang kahapon pa sumasakto lang mga bagay-bagay dito. Mula sa paglipat ng apat na ito ng section hanggang sa saktong bilang ng upuan hanggang sa group activities? Ay iba!

“Bes, ikaw na leader.” ani Jai. Agad naman sinang-ayunan ng lima.

“O sige, pero kanya-kanya ng gawa ah?”

Hinati ko topic namin sa pito tapos binigyan ko sila isa-isa ng mga gawain. Ayaw ko kasi ng masyadong magulo lalo pag sa activity. Pag group activities kasi, hindi mawawala iyong mga umaaasa na lang sa group members na gagawa tapos idadaan na lang sa ambag para lang maisali ang pangalan nya at kunwaring may nai-contribute. Ang hassle lang. At mas lalong ayaw ko ng mga kagrupo ko.

Wala namang unusual na nangyari ngayong araw. Maliban sa panay ang pangungulit ni Alex sa akin buong araw. Nakakaasar kasi parang linta kung makadikit. Kahit sina Mai at Jai may mga oras na naiilang na din.

Habang nasa klase, nagpaalam ako saglit sa teacher namin na lalabas at magsi-CR muna ako. Ng makarating ako ng rest room, nakita ko si Tristan sa tapat ng male’s rest ro nakasandal sa pader. Teka? Kailan pa ito nandito? Di ko napansing lumabas din ito ng classroom. Hindi ko na lang pinansin at ngdire-diretso na lang sa female’s rest room. Pakatapos ay agad din akong lumabas ng banyo. Andun pa din si Tristan. Naghugas na ako ng kamay ko sa labatory ng biglang magsalita si Tristan.

“Alyson.”

Nagulat ako. Tama ba nadinig ko? Tinawag ako ni Tristan sa pangalan ko? Nilingon ko naman ito.

“Tinawag mo ako?”

Ngumisi sya.“Bingi ka din pala?”

“Nang-aasar ka ba?”

“No.”

“Oh eh bakit mo ako tinawag?”

Tumahimik sya bigla at yumuko.

“Teka, bakit andito ka sa labas? May klase tayo diba?”

Hindi sya sumagot.

Binalik ko naman ang sinabi nya sa akin kanina, “bingi ka din pala eh!”

“Can I talk to you?” natawa naman ako. “Mukha bang di tayo nag-uusap ngayon?”

Nagulat na lang ako ng bigla-bigla nya na lang akong hawakan sa kamay at hinila papuntang rooftop.

“Ano ba Tristan! Anong ginagawa mo? Ano ba sasabihin mo? Bakit kailangan mo pa ako dalhin dito sa rooftop?”nasa bandang mini garden kami ng rooftop.

Binitawan nya na kamay ko pero hinawakan nya naman ako sa balikat sabay iniharap sa kanya. Nagkatinginan kami sa mata. Kinabahan naman ako, napansin ko kasing parang ang lalim ng iniisip nya.

“May problema ba?” tanong ko sa kanya.

“I just need someone to talk to.”

“Oh yung mga friends mo? Sina Mart, John tsaka Alex?”

“I’m not sure. Pero ikaw gusto ko makausap.”parang bothered yung mukha nya habang sinabi nya iyon. At parang ang weird nya ngayon ah?

“Bakit ako? May kasalanan na naman ba ako sayo?”

“Wala.”

“Eh bakit nga?”

Tumawa sya bigla. First time kong nakitang tumawa ito. Pero ang weird lang talaga eh. He looks like he is not his usual self.

“Anong nakakatawa?”

“Wala naman. I just realized Alex was right. You’re indeed silly. And about your question, I just want to let out my stress lately and I feel like you’re the person I needed to listen. And I don’t know why.”

Huminga ako ng malalim tsaka umupo sa isa sa mga bench na malapit. Nakakabaliw din itong isang ito eh.

“Alam mo Tristan, hindi lahat ng tao manghuhula. Tungkol saan ba iyang stress mo? Kung gusto mo lang naman i-share. Pero sabi mo ako gusto mo makausap so sabihin mo na lang din.”

Tumawa ulit sya. Baliw na ata ito eh.

“Alex was right also. That you’re funny.”

“So si Alex na lang pag-uusapan natin?” sarcastic kong sabi.

Nagkaroon ng kunting katahimikan sa aming dalawa. Naging awkward tuloy bigla. Magsasalita na sana ako at sasabihing bumalik na lang kami ng room kase mukhang wala naman syang balak magsalita na. Pero bigla na lang ito nagtanong.

“Have you ever been angry?”

This time ako ang natawa. “Ano ba namang klaseng taning yan? Syempre tao din naman ako may pakiramdam kaya nakakaramdam din ako ng inis.”

“What I mean is, there is this person na kilala ko and may kinaiinisan syang girl. But one of his friends likes this girl. Tapos out of the blue, everytime he would flirt over that girl and interact with her, bigla sya nakakaramdam ng inis.”

Napatulala ako sa mga sinabi nya. Gets ko ba masyado yung kwento or kilala ko lang talaga kung sino-sino ang mga tinutukoy nya? Pero tinanong ko pa din sya kahit kinakabahan ako.

“Sino bang person yan?”

Tumingin sya sa akin bigla. Yung para bang matutunaw ka sa mga titig nya.

“Ah, mali ba tanong ko?”

Unti-unti syang lumapit sa akin. “You know that I hate you, right?”

“Ha?” Palapit sya ng palapit habang paatras naman ako ng paatras.

“Pero why am I feeling this way?”

“Feeling the what?”parang ang creepy na ng ginagawa nya ah.

“That I like you.”

“What!?”

Napasigaw ako at napatayo sa kinauupuan ko na ikinagulat naman ng buong klase. Teka, nasa room ako?

“Miss Li? Sleeping in my class?!” inis pero kalmadong sabi ng teacher namin habang nakatingin sa akin.

“S-sorry po ma’am.”

Bumalik na si ma’am sa pag-discuss sa unahan habang umupo na din ako ulit. Panaginip lang ba yun? Pero bakit parang totoo? Napatingin ako Kay Tristan na nagsusulat sa kwaderno nya. Napansin nya siguro na tinitingnan ko sya kaya nilingon ako nito bigla at sinungitan.

“What?”

“Wala, wala.” Bumalik na lang din ako sa pagbasa sa libro ko. First time kong matulog sa klase tapos si Tristan pa mapapanaginipan ko. Ano ba naman iyon?

“Bes, ano nangyari sayo? Puyat?” pag-aalalang tanong ni Mai.

“Hindi naman.”

“Eh bakit natutulog ka na ngayon sa klase?”

“Hindi ko alam. Pagod siguro.”

Uwian na. Naglalakad na ako pababa ng second floor galing sa Publication room. Natapos ko din naman agad mga gawain doon kaya makakauwi din agad. Hindi pa din mawala sa isip ko yung panaginip ko kanina sa klase.

“Aly?”

“O, Alex ikaw pala,” nagkasalubong kami sa hallway.

“Kung sinu-swerte ka nga naman. Pauwi ka na ba?” hindi naman sya masyadong tuwang tuwa at excited nyan?

“Ah, oo.”

“Hatid na kita, gusto mo?”

Nagulat naman ako sa alok nya. Bigla- bigla ba naman.

“Ay naku wag na! Kasama ko naman sina Mai at Jai.”

“Ah ganun ba? Eh pero Aly,” parang nahihiya nyang tawag sa akin habang kumakamot ng ulo nya. Tila baga may gustong sabihin pero nagdadalawang isip sya.

“May kailangan ka ba?”

“Ano kasi, I know this is sudden, but pwede ka ba ligawan?”

Napatigil kaming dalawa pareho sa paglalakad atsaka nagkatinginan.

Tama ba narinig ko sa lalakeng ito? O guni-guni ko lang? Hindi ko alam anong dapat kong maging reaksyon. Ang awkward na ng paligid. Pero dapat may sabihin ako kasi baka kung ano isipin ni Alex. Kaya naman binasag ko na ang nakakabinging katahimikan at hinarap sya.

"Ah, Alex. Ano kasi," medyo naging hesitant ako. Di ko alam paano sasabihin in a nice way na hindi sa ayaw ko. Sadyang hindi ko lang kayang ibalik yung feelings na mayroon sya sa akin.

Magsasalita na sana ako ulit ng bigla na lang dumating si Tristan. 

"Tristan!" Napangiti ako sa totoo lang. Feeling ko saviour ko sya at this very moment.

Tiningnan nya lang ako tapos saka kinausap si Alex.

"Hinahanap ka na nina John and Mart."

Teka, parangmay sumpong na naman ngayon ang isang ito ah? Nakakunot na naman ang noo at nalabusangot na naman ang mukha.

"Oh, I see. Pero wait lang. I need to hear Alyson's answer first."

"Huh?" Atat ba ito masyado? Ganun nya ba ako kagusto? Dapat ba ma-touch ako?

"Alyson?" 

Nakatitig lang sya sa akin. Kita sa mga mukha nya yung pagkasabik na tila ba nai-excite para sa premyo. Lalo ako na-guilty kasi alam ko masasaktan lang sya sa pag sinabi ko ang totoo.

"Naku hindi! Ano, tama si Tristan at hinahanap na kayo ng friends ninyo. Saka na lang tayo mag-usap, okay? Okay. Babye alis na ako."

At dali-dali na akong naglakad paalis. Naku! Simula ng madikit ako sa grupo ng mga mayayaman na to, nagkagulo-gulo na ang dating tahimik kong buhay sa J.U.

Ng nasa silid-aralan na kami at naghihintay ng susunod naming klase, panay ang kulit sa akin nina Jai at Mai. 

“Ano?! Nagtapat sayo yung Alex?! Seryoso na yan?” tila gulat na gulat na tanong ni Mai.

“Mukha ba akong nagju-joke?” sarcastic ko namang sagot.

“Ang ganda mo talaga girl!” hindi ko alam kung compliment yun o criticism na galing kay Jai.

“Mas maganda ka Jai.”

“I know, I know. Pero wait, alam na ba ng twin sister ito? Naku baka umuusok na ilong nun sa sobrang inis sayo besh.”

“That, I don’t know. And I don’t care.”

“Pero ano nang plano mo? Sasagutin mo ba?”

Napabuntong hininga na lang ako. Wala akong plano. Kasi wala akong gusto sa kaniya at wala akong pakialam sa kahit sino sa kanila. Ginugulo lang nila ang pag-aaral ko eh! 

Ng hapong iyon, naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom namin. Galing ako library nagresearch saglit nung sa assignment namin. Yung library namin nasa third floor, katabi ng mga science laboratory tsaka computer room ng highschool department. Absent minded akong naglalakad ng bigla may tumawag sa akin kaya nagulat na lang ako. Nilingon ko naman kung sino at bumungad sa akin ang isang halimaw.

“Ikaw?! Ano na naman trip mo?” nasa gilidng hagdan si Tristan, nakatayo lang duon at blanko ang itsura.

“Nothing.”

“Anong nothing?! Nang-aasar ka na naman ba?!”

“Maybe."

Aray ko po. Napasapo na lang ako sa aking noo. Iba din naman itong Tristan na ito. Minsan nawi-windang din ako sa lalakeng ito eh. Di ko alam kung adik ba to o ano. Minsan ang suplado, minsan ang daldal pero madalas weirdo.

“Pwes wala among time. Maghanap ka nalang ng iba mong pwedeng biktimahin.”

Didiretso na sana ako ng paglakad ko pero bigla sya nagtanong sa akin.

“Is it true?”this time nag-iba na yung blanko nyang mukha. Nakakunot na yung noonya na parang stressed o anxious.

Nilingon ko naman sya. “Ang ano?”

“That Alex asked if he can court you?”

Aba! Ang balita nga naman ang bilis kumalat. At di ko alam, chismoso din pala itong isang ito?

"S-sinabi nya ba sa'yo?"

Di sya umimik. Kaya nagpatuloy na lang ako sa pagtanong. 

“Ano naman sayo ngayon?”

Kumunot yung noo nya lao habang nakayuko sabay sabi ng, “wala.” At umalis na ito. 'Yung itsura nya mukhang disturbed na ewan. Ano nangyari dun? Ang labo nya kausap ah? Bahala nga sya. Nagdiretso na lang din ako sa paglakad. 

Pagdating ko ng classroom namin, agad ako sinalubong ni Alex.

"Alyson!" 

Jusko po. Eto na naman po sya. Nakalimutang kong kahit ano palang iwas ang gawin ko sa isang ito ay balewala lang din dahil magkaklase pala kami. 

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Myra Gallor Forteo
maganda sya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status