Share

Chapter 2

The time went so fast. It is already at the last week of my class as a 3rd year college student. Today’s quite busy because of Finals. All I can see is students groaning and complaining for the test.

“Buti ka pa chill. Ang saya sigurong matalino,” Yna groaned while staring at her book. Kanina pa ‘yan daldal ng daldal kahit abala sa pagre-review.

“Nag-review kasi ako nitong weekend,” I reasoned.

Lunes pa lamang ngunit parang Biyernes na sa sobrang pagod. All of us were exhausted.

“Sulit naman daw yung beach, Ze,” pang-aasar pa ng kambal sa kaniya. Gusto kong matawa sa sinabi ni Shan kaso nakakaawa si Yna ngayon. Inirapan lamang ito ng kapatid bago bumaling sa akin.

“Paturo nito. Ang hirap ng topic na ‘to. Di ko masyadong gets. Di kasi marunong magturo si Miss Lydia, puro hangin lang naririnig ko.”

Inabala ko ang sarili sa pagtuturo sa kaniya. Ayos lang naman sa akin ‘yon dahil wala naman akong ginagawa. Mas okay kaysa sa mangopya siya sa amin mamaya. Habang nakikinig ay panakaw siyang kumukuha ng fries sa pagkain ko.

“Mas kailangan mo ito,” I handed her a chocolate with nuts. Effective kasi ‘yon. Mas nagsi-sink in sa utak ko yung mga binabasa kapag may mani. Scientifically proven din iyon.

Nang matapos ang break time, nagkahiwa-hiwalay na kami ng daan. Si Yna at ako ay parehong BSBM, magkaiba nga lang ng block. Si Shan naman ay Engineering at Nursing naman si Kyla. Nagpasalamat sa akin si Yna bago dumiretso sa kanilang silid.

Natapos ang araw ko na pagod. Tatlong oras kasi ang exam namin. Hindi naman masyadong mahirap ngunit nakakatanggal lang ng lakas. Pagkatapos ng klase ay nagdesisyon muna akong tumambay sa malapit na café para magpahinga at mag-review. Panigurado kasing mamaya ay bagsak agad ako sa kama.

Tahimik lamang akong nakaupo sa isang sulok habang binabasa at isinasaulo ang mga mahahalagang bagay na bumubuo para sa mga pinag-aralan. Malaking tulong iyon sa akin dahil pagkatapos kabisaduhin ay saka ito iintindihin. Madaling umintindi ngunit mahirap ang alalahanin ang mga titulo nito.

Tumagal ako ng dalawang oras para ubusin sa pagre-review dahil ayaw kong maging pabaya. Mula first year ay consistent ako sa pagiging Dean’s Lister kaya malaking panghihinayang para sa akin kung sakali mang matatanggal ako rito. Ito rin ang paraan ko upang ibalik ang mga paghihirap ng magulang ko. Hindi man nila hingin ay mas matutuwa sila kung gano’n.

Gano’n lang ang routine ko buong linggo kaya laking pasasalamat ko nang matapos na ang kalbaryo. Antok na antok na ako nang makawi sa bahay. I parked my car beside to an unfamiliar one. Not minding if we have some visitors, I went straight to the living room.

Laking gulat ko nang maabutan dito sila Tita Shie kasama ang kaniyang dalawang anak. Wala namang nabanggit sa akin sila Mommy na bibisita sila sa amin. Abala ang dalawang ginang sa pag-uusap habang sa telepono naman ang mga anak.

“Ze!” Pagbati ni Mommy sa aking presensya.

I kissed the cheek of the two lovely ladies and greeted them a good day. Nginitian ko naman ang dalawa na ngayon ay sa akin na ang atensyon.

“I’ll just go to my room po,” paalam ko sa kanila.

“Dear, you should rest. You looked tired,” pagpuna ng aking ina habang nakatitig sa aking mukha.

“I will po. Exams did a great job in draining my energy. I’ll go ahead na po?”

Pagkatapos kong maligo at magpalit ng pambahay ay natulog muna ako. Dala na rin ng puyat kagabi kaya walang paalam na bumigat ang mga talukap ng aking mata. Nagising ako nang makaramdam ng gutom. Alas-diyes na pala ng gabi kaya sobra ang pagkalam ng aking sikmura.

Bumangon ako para makapaghanda ng makakain. Halos lahat ng ilaw pagkababa ay nakapatay na. Tanging mga lampara na lamang ang mga nakabukas. Nagtingin ako sa ref kung ano ang maaari kong lutuin. Tuwing nakakatulog ako ng gano’ng oras ay palagi kong bilin na huwag akong pagtiran. Mas gusto ko ang magluto para sa sarili.

Isa-isa kong hinugasan ang mga gulay at karne na aking ihahain. Habang naghihiwa ay nakarinig ako ng yabag mula sa sala. Binalewala ko lamang iyon dahil baka si Kuya lang iyon o si Mama.

“Hello, ate!”

Nagulat ako nang mapagtantong wala ni-isa sa inaasahan ko ang may-ari ng boses na iyon. Lumingon ako sa likod para batiin si Leeyah. Obviously, dito sila tutuloy.

“Hi. You want to join me? I’m hungry.”

“Sure, ate. Sa totoo lang, kaunti lang yung nakain ko kanina. Busog pa kasi sa merienda. Ano bang lulutuin mo? Baka makatulong ako,” she said, jolly.

“No, it’s okay. Maupo ka na lang diyan. Madali lang namang gumawa ng ramen.”

Ilang sandali pa ay muli akong nakarinig ng yabag.

“Ze, have you seen Leeyah? She’s not on her bed,” Ry asked me behind. I turned to him to acknowledge his presence.

“Yup, nasa dining area. She’s hungry din e,” I said while pointing the other side of the kitchen. Matapos noon ay muli akong humarap sa hinihiwang repolyo. Baka mamaya ay pati ang daliri masama ko na. I heard him thank me.

“Leeyah, Dad’s looking for you. Late na raw silang makakauwi ni Tito Dani dahil busy pa sila sa paper works. You should message him.”

Nang matapos kong lutuin ang ramen ay inilapag ko na iyon sa pot sa heat pad. Akmang tatayo na si Ry nang pigilan ko siya at piliting sumamang kumain sa amin. Wala naman siyang nagawa dahil pati ang kapatid ay nakikumbinsi na rin.

“Ate, sobrang pagod mo ata kanina.”

“Right. Exam week kasi namin last week kaya pagod sa pagre-review. Plus puyat din dahil sa dami ng requirements. Habang tumatagal, mas lalong nagiging demanding ang mga professor,” pagku-kwento ko sa kaniya.

Kaming dalawa lamang ni Leeyah ang gumagawa ng ingay habang siya ay abala sa kaniyang sariling mundo. Ang alam ko ay kausap niya ang ama. Hindi man siya nagsasalita, alam kong paminsan-minsan ay nakikinig siya sa amin. Gaya ngayon.

“My college life was just okay. Hindi ko naman pwedeng i-compare sa high school days ko kasi parang iisang circle lang yung pinaggagalawan ko. Same circle of friends and school. Hiwalay lang ng campus. Subjects were kinda the same, just precise on what course are we taking.”

Tinanong kasi ni Leeyah kung mas mahirap ba ang college. Lagi namang neutral ang sagot ko. The both stages were okay for me. But college put more a lot of pressure than on lower institute.

Matapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa isa’t isa upang bumalik sa kaniya-kaniyang silid. Napag-alaman ko na kasama sila sa aming bakasyon sa Baler. Wala kasing nabanggit si Mommy o kaya ay wala ako nang sabihin niya iyon sa lahat. Hindi na naman makakasama si kuya dahil abala siya sa trabaho. Pangako niya sa akin ay bibisita lamang sila doon ni ate Yan kapag hindi na tambak ang proyekto nila.

Si ate Yan ang fiancèe ni kuya. Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas maging official sila dahil kakabalik lang ng bansa ng mapapangasawa. Hindi ko rin naman masisisi ang aking kapatid dahil sobrang tagal nitong naghihintay. May sariling bahay si kuya kaya hindi naman masyadong halata na excited siya. Ilang beses na lamang sa isang linggo ko siya nakikita. Kung hindi linggo ay pati ang sabado.

Kinaumagahan, pinag-impake na ako ni Mommy ng mga damit. Buong bakasyon kasi ay doon kami mamamalagi. May villa naman kami sa Baler kaya hindi namin iintindihin ang malaking gastos para sa hotel. Sangkatutak din na sermon ang makukuha ng magulang ko sa kapatid kapag sa hotel kami. Kahit na mayroon kaming branch doon ay hindi pa rin praktikal ang mamalagi sa commercialized building ng ilang buwan. Paano kung maubusan bigla ng kwarto at inokupa pa namin, hindi ba?

May pagka-ganid din kasi ang kapatid ko sa kita. Just kidding. We have our own house on that place, so, it is not recommended for us to avail expense. As much as possible, we don’t want money to be wasted on our wants. Mas gugustuhin pa nila kuya na ibigay iyon sa mga charity. Bigla ko tuloy namiss ang mga bata roon sa Baler.

May bahay ampunan kasi na malapit sa munisipyo no’n. Tuwing pumupunta kami ay palagi ko silang binibisita. Sinama lamang ako ni Mommy doon noong magkaroon sila ng program para sa mga bata. Naging kalaro ko sila, hanggang sa taon-taon ay bumibisita ako hindi lang para makipag-patintero kundi magbigay ng mga bagay na mayroon ako.

Natutuhan ko iyon sa aking ina. Tuwing magpapaalam kong pupunta sa bahay-ampunan ay papadalhan niya ako ng maraming gamit. Nais niyang ipamigay ko lahat sa kanila. Hanggang sa nakagawian at nakita ko ang kahalagahan ng pagbibigay. Hindi lang tayo nagbibigay para may makuhang kapalit kung hindi pati na rin ang makatulong.

Sa Lunes pa kami aalis dahil hindi maaaring makaligtaan namin ang simba tuwing linggo. Ang paglalaan ng oras sa Diyos ay nararapat. Hindi tayo obligado ngunit kung titignan mo ang iyong buhay, may bagay siyang nagagawa sa buhay mo na kailanman ay hindi mo kayang ibalik. It may be cliché for others but it is the truth. He deserves to be worship. Sa araw-araw na ginawa ng Panginoon ay ang paggawa niya rin sa buhay ng bawat tao. Hindi man natin nakikita sa kinasalukuyan ngunit madadatnan din ito sa tamang panahon.

“Hi, ate Yan! I missed you,” I hugged ate Yan tightly. Nakangiti namang nakamasid sa amin ang aking kapatid. Nako. Kung alam ko lang, baka nag-iimagine na ‘yan ng future nila. Masyadong in love ito e.

“Sorry. I wasn’t able to visit you. Naging abala lang sa trabaho dahil sa expansion. Can I ask you a favor?” Mahinhin nitong saad habang nakaakbay sa akin.

“Sure.”

“Paki-abot sa mga bata yung binili kong gadgets for them. Baka kasi hindi kami makakasama sa inyong pumunta sa bahay-ampunan sa Baler,” malungkot na aniya. Isa iyon sa nakapagkasunduan namin nang ipakilala siya sa amin ni kuya.

Sinong hindi mapapamahal sa mabait na babaeng ito. I mean, she got the face, body, heart and brain. Wala ka nang hihilingin pa. She’s one of the best options in pond of fishes. Bago pa mag-umpisa ang service ay inagaw na siya sa akin ni kuya. Para namang halos di sila magkasama araw-araw. Balak ko pa ngang kwentuhan si ate Yan e!

Mahimbing ang tulog ko nang gabing iyon dulot ng pagod. Ginawa kasi nila ang akong third wheel sa date nila kaya nagmukha akong alalay. Hindi naman ako nagreklamo dahil libre naman ang pagkain at mga pinamili ko. Binigyan pa nga ako ng bagong pares ng hikaw. Kontra man si kuya at mapilit pa rin si ate. I am not the materialistic person but when someone gave me something for free, why not? Nakakatipid pa ako.

Mabuti na lamang ay nag-alarm ako dahil paggising ko ay gising na silang lahat. Alas-otso kasi kaming gagayak mula sa bahay papuntang paliparan. I was shocked yesterday when my mother announced that we will be traveling via air with the assistance of Ry. I almost forgot that he is graduating from his flying school. Malaki naman ang tiwala nilang lahat dito dahil isa siya sa puring-puri ng guro nila sa eskuwelahan.

I know that Tita Shie was just eager enough to make me and her son to close when she was mentioning that during dinner. There is no boasting to be intended. Kung gaanong pagmamalaki ito ay gano’n din si Mommy sa akin. Minsan nga ay gusto ko na lamang lumubog sa upuan habang ibinibida niya ako. Nakakailang kayang maging topic ng mga magulang kasama ang mga kaibigan nila.

With their obvious stunts, their husbands would love to laugh at their skits. Gaya na lamang kahapon. Inutusan pa ako ni Mommy na siyang sumama sa anak ng kaibigan na kumuha ng tubig sa ref. Pagbubuhat na nga lang ng pitsel ay pinapatulong pa ako. Sila namang mukhang mga teenager ay panay ang hagikhik tuwing magkakatabi kami ni Ry. I salute my father and Tito Dani for being understanding. Just kidding.

Iisang van na lamang ang ginamit namin dahil day-off ang dalawa naming driver. Isa lang ang makakapaghatid samin sa airport. Si Daddy ang nakaupo sa passenger seat kaya ang iba pang matatanda ay nasa front seat. Ang sumunod na upuan ay para sa amin ni Ry. Nakahiwalay kasi ang isa sa amin kaya malapit sa pinto si Leeyah. Bukod sa kanila ay kasama rin namin ang lima naming kasambahay at ang may bahay ng aming driver na karga ang limang buwan na anak.

Nakakapanghinayang lang na hindi sumama sa bakasyon sa amin ang dalawa pang driver namin dahil hindi maiwan ang pamilya. My father offered to bring them with us but they declined because their family had another plan for summer. As a compensation, my parents give them a week vacation on a resort around Manila. Kumpare ni Daddy ang may-ari kaya naging madali ang pag-book at pakiusap na nakadepende sa kanila kung kailan nais tumuloy.

Humihikab pa ako nang makasakay sa sasakyan. Kulang pa ata ang tulog ko. Kaunti lamang ang naging almusal ko dahil bumangon ako na halos nawawala pa ang diwa. Uminom naman ako ng kape ngunit walang talab ata ng caffeine. Halos anong oras na rin kasi akong nagpahinga. Mabilis lang daw ang biyahe sa himpapawid pero hindi kailanman ang papuntang paliparan. Sobrang traffic! Lunes kasi kaya sobrang busy ng daan.

“Gusto mo?” Ry offered his ear pod. Napansin niya atang sobrang frustrated na ako rito dahil hindi ko na-charge ang akin. Pati ang cellphone ko ay low battery din. Luckily, I brought my wireless power bank. I thanked him before taking it.

We both liked the same playlist!

Tuwang-tuwa ako nang mapagtantong iisa lang ang aming taste pagdating sa music. Hindi naman kataka-takang ito ang nais ng pandinig niya. We’re both Christians, anyway. But still! Victory Worship were just so good. I love all of their piano versions. It is just pleasing to my ears. I expect him to have like American songs since he was raised in United States but he keeps proving me wrong.

Hindi ko namalayang napikit na ang aking mata at nasandal sa gilid. Half-asleep. I was still conscious when I felt someone put me a neck pillow carefully and my head pulling towards someone’s shoulder. Gusto ko mang mag-react pero ayaw akong payagan ng katawan ko. I slept peacefully for about half an hour. Nagising na lamang ako nang mahina akong tapikin ni Ry sa braso habang nakadantay sa kaniya.

Ibinalik ko sa kaniya ang unan at nagpasalamat ng marami. Nakakahiya. He even let me lean on his shoulder while sleeping.

“Hindi ba nangawit ang leeg mo?” Nag-aalalang saad ko sa kaniya habang naglalakad kami tungo sa private plane. I saw him stretching his neck earlier, that’s why I am worried for the inconvenience of what I’ve done. Nangingiti naman siyang umiling sa akin.

“No. I am fine. Please, it is your third time asking me that. It’s not like I am lying to you. It’s nothing. Really,” he said before pulling me lightly towards him.

Within a second, everything stopped. Butterflies inside my tummy started playing like crazy while my heart is not on its normal state. Even his hold were careful. I wonder if he holds everyone like that. Para akong babasaging bagay na kapag hindi iningatan ay mababasag. Gano’n siya kaingat.

Hindi ko tuluyang mapaisip kung talaga bang NGSB siya. Tita said it yesterday. I mean, with that looks and personality. I could say that he could charm everyone. Just like what he did on my system.

Nagising ako mula sa sariling isipin namang makita ang lalaking dumaan na may hawak na malaking cart. Doon ko lamang napagtanto kung bakit niya ako hinatak papunta sa gilid. I heard my mother’s giggle from behind. Tinanaw ko sila at nakitang malayo na ang aming pagitan. Binigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti bago bumaling sa kumare. Malinaw pa ang mata ko kaya kitang-kita ko sila mula sa aming pwesto. Habang tumatagal ay mas lalong bumabagal ang kanilang lakad.

“Ah. Thanks.”

Ang akala ko ay lalayo na siya sa akin ngunit hindi niya man lang tinanggal ang hawak niya sa aking braso. Tila inaalalayan ang aking paglakad kahit na wala naman itong bigat. Nakasuot kasi akong maxi dress na halos matapakan ko na sa haba.

“I can carry this on my own,” I insisted when he hold my luggage. Kanina pa siya ganito nang makarating kaming airport. As a gentleman, he wanted to help me carry those bags but I declined firmly. Kung kanina ay nanalo ako, ngayon ay hindi. Walang imik niyang binuhat ang bagahe ko. Hindi naman kasi kami sasakay sa public plane kaya hindi kailangan naming bitbitin ito hanggang eroplano. Nakuha na ng isa sa kanilang tauhan ang kaniya kaya ang akin naman ang binuhat niya.

Wala na akong nagawa kaya hinintay na lamang ang kasama sa labas ng eroplano samantalang pumasok na si Ry para maghanda. Sinabi ko naman sa kaniyang hihintayin ko si Mommy para tulungan. Gusto niya pa ngang sumama sa akin ngunit tinulak ko lang papunta sa loob. Malakas ang loob kong gawin iyon dahil hindi naman ata siya marunong magalit.

Nang makapasok ang lahat ay pinag-seatbelt kami ng flight attendant dahil malapit nang mag-take off. Katabi ko ngayon si Leeyah habang karga-karga ko si Jena. Ang anak ni kuya Lording—our driver. Hiniram ko muna dahil wala naman akong libangan. 30 minutes lang naman ang bibilangin para makarating kaming Baler. The whole ride were smooth. I was shocked when I’ve learned that Ry was the first pilot. Mas mukha pa siyang bihasa kaysa sa mga sakay na nagawa ko noon.

“Dad said that he has been planning to have an international flight directly to Baler since a lot of tourist have been going there,” pagku-kwento ni Leeyah habang naglalakad kami papuntang van na susundo sa amin. Yeah right. One of the reason why Tito Dani is with them on their vacation in Baler is business. Daddy is also planning to visit our branch there. He suggested to have our hotel a partnership to their Baler’s Airline branch. Mostly kasi ay puro local lang kaya hassle kung sa Manila ka muna bago sa Aurora.

Muli kaming nakatabi ni Ry. Kung kanina ay matagal dahil traffic, ngayon naman ay matagal dahil mahaba ang daan patungo sa aming rest house. He offered me his air pod but I declined. Busy ako sa cute na baby kaya tumanggi ako. Buti nga ay hindi muna kinuha sa akin ni ate Leng ang anak niya. Tahimik siyang nakamasid sa bata habang pinapatawa ko. Pamaya-maya lamang ay nakisabay na rin siya sa akin sa baby talk.

“Hindi pa sumasakit ang paa mo?” Nakunot niyang tanong habang nakatingin sa aking paa. Hapon na at nandito kami sa dalampasigan. Nagpahinga muna kasi kami nang makarating dito hanggang makapananghalian.

I also stared at my aching feet. It was kinda swollen and reddish. Ngayon lang ako nagsising hindi man lang tinanggal ang heels ko mula kanina pa.

“Now that you mentioned, my feet starts aching,” I chuckled. Kanina pa kasi kami naglilibot tungo sa dulo ng batuhan. It is my favorite spot here in Baler. Halos katabi lamang ng aming bahay sa pinagtatayuan ng hotel. Bato nga lang ang humaharang dito.

He just said okay and went inside our house. Habang ako ay naglakad tungong sun lounger para ipahinga ang binti. Tinanaw ko ang asul na dagat, nakakonekta ito sa kahel na langit na nagbibigay sa akin ng tuwa at pagiging kontento. The harsh wind were strong enough to let my hair flew. I inhaled the salty air deeply. I missed this.

Shocked and amazed. I thought, he left me. He came back while holding my slippers. I find it funny seeing how his muscular body with pink fluffy foot wear on his hands. Nang makarating sa akin at marahan siyang umupo sa aking harapan. Maingat niyang kinuha ang aking paa at ipinatong sa kaniyang binti. Nanlaki ang aking mata sa kaniyang ginagawa.

“No, it’s okay. Ako na lang ang gagawa niyan. I’m fine. Thank you for bringing me my slippers!” I tried to stop him but he said no. He stared at me seriously, making me accept my defeat. Minasahe niya pa ang takong ng aking paa upang maibasan ang sakit na ito.

My heart started to flatter again. Wanting to get out of my rib cage. I knew that I am not having this feeling because someone haven’t done it yet to me. It is more than that. Imbes na matakot sa nagbabadyang sakuna ay mas lalo lamang itong nagsaya nang makita kung gaano kariin ang tingin sa aking namumulang mga paa ngunit kabaligtaran naman nito ang kaniyang hawak. Gaya ng kanina, he was holding it like I am a fragile thing. His touch gives familiarity to my system. It feels like home. Warm and soft.

In any moment, heart attack will happen. I swear.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status