From time to time, Gunner checks Kristels' body temperature. After checking her temperature, pupunasan naman niya ang katawan nito ng basang bimpo. He doesn't know if he's doing it right. Ginaya lang niya ang ginagawa sa kanya ni Yaya Meding kapag nagkakasakit siya noong bata pa siya . He can't sleep knowing Kristels' condition.
Maya maya'y narinig niya ang mahinang ungol mula rito at bahagyang pangangaligkig ng katawan. Mukhang nagdedeliryo ang dalaga.
"Hugh.. Please.. d-don't do this to me." humihikbi pa ang dalaga habang sinasambit ang mga kataga.
'Holy crap!' Nilalagnat na lang, si Hugh pa rin ang nasa isip at bukambibig nito. She's so madly deeply in love with her on-screen partner. For the first time, parang gusto niyang pagsisihan ang pagpayag na ipareha si Kristel kay Hugh na nagsimula sa isang event kung saan kinakitaan ng chemistry ang dalawa. He noted to himself na never na niyang bibigyan ng projects together ang dalawa. Kesahodang magalit ang mga fans ng mga ito.
Inayos niya ang comforter ng dalaga hanggang sa may balikat upang mabawasan ang pagkaginaw nito ngunit hindi ito tumigil sa pangangaligkig.
Marahas siyang napabuntunghininga. 'What am I going to do with you Kris?'
It took him a while bago siya nag decide na humiga sa tabi ng dalaga at yakapin ito ng mahigpit to keep her warm. That's what she needs.
Tahimik na pinagmasdan ni Gunner ang natutulog na dalaga. Alam niyang maganda ito, of course. She has the face of an angel na ginusto at kinahuhumalingan ng maraming fans. He can't help but stare at her. Marami siyang napansin dito na hindi niya napansin noon. She must have a strong personality pero deep inside she needs someone to stand by her. Right now, she's weak cause she's broken. A fragile glass that needs to be fixed.
On her face, bumaba ang tingin niya sa mga labi ni Kristel. Damn! Those pinkish lips. He wanted to curse Hugh for those kisses on series and big screen. Hinding hindi na talaga niya pahihintulutan na magkatrabaho ang dalawa. Natigilan si Gunner sa naisip. What was wrong with him? Kahit kailan hindi siya nag - isip ng ganoon sa mga talents nila. Bakit ang lakas - lakas ng tibok ng puso niya? Bakit bumibilis at ito? Naguguluhan siya sa nararamdaman.
Umalis siya sa kanyang pagkakayakap dito. Bahagyang umungol naman at muling nangaligkig ang dalaga kaya bumalik at mahigpit itong niyakap.
***************************
Mabigat pa rin ang ulo at masama ang pakiramdam ni Kristel. Ngunit naramdaman niya ang pag - ibo sa tabi ng kanyang kama. When she opened her eyes, she met Gunner's twinkling eyes. Mukhang kanina pa ito gising at hinihintay siyang magising.
"Wake up, sweetie! You need to eat and take your medicine. Kailangan mo nang gumaling." nag - aalalang sabi ni Big Boss.
Napakunot ang kanyang noo. Nakayakap pala siya sa baywang, nakaunan sa braso at nakadantay ang mga binti sa katawan nito. Agad siyang kumalas mula rito. Hindi niya magawang bumangon dala ng sama ng pakiramdam. "B-bakit? Para mas madali mo na akong maisama pabalik sa Pinas?"
"No. Kailangan mo nang gumaling agad para mas maexplore mo pa ang mga lugar dito Paris. The city of love and romance."
Hindi siya makapaniwalang tumingin siya sa binata. 'Really? Parang kahapon lang dinaig pa nila ang mga batang nagpapatintero sa kagustuhan nito na maisama siya pauwi ng Pilipinas. And now this?'
Tumango si Gunner. Mukhang nababasa ang tumatakbo sa kanyang isip. "Yeah. I know.. mahirap paniwalaan but I changed my mind. I realized that you need a break."
Matagal namayani sa kanila ang katahimikan. Hindi na niya kailangang sabihin sapagkat open naman dito ang issues nila ni Hugh. Walang hindi nalalaman ang CEO/Big Boss ng istasyon sa lahat ng contract artists nito.
Gunner was looking at her straight in the eyes. "I'm sorry for being so insensitive yesterday. It's so mean of me to force you on things you don't want to do. Maybe because na overlook ko ang mga bagay bagay and wanted to show you the real meaning of professionalism. But then na realized ko more than anything you need to love yourself."
She was lost for words and couldn't say anything. It was like putting salts on her wound.
*************************
Tahimik na nakaupo sa kama si Kristel habang nakatingin kay Gunner. Busy ito sa pag aalis ng balat ng orange na ilan lamang sa pinamili nito. Lumabas ito saglit kaninang umaga upang bumili ng kanyang gamot at pagkain. Buong araw siyang inasikaso at inalagaan nito. Sa pagkakatitig dito, there is only one word to describe him: perfect. He had dark brown hair, thick eyebrows, and deep-set of eyes. His lips were red and sexy. Hindi nga ba at ilan sa mga contract artists nito ang nagpaparamdam dito. Even actresses and models are not of his age bracket. Well, siya lang naman ang multi-millionaire at young CEO, the sought-after bachelor. But a few months from now, come December alam niya na ikakasal na ito sa girlfriend nito na si Nina Ellize Smith, former Beauty Queen. Her heart pounded hard when their eyes met.
"Are you done checking me out?"nakangising sabi ng binata.
She can't help but roll her eyes. "GGSS ka talaga ano boss? Why would I check you out?"
Napakunot noo naman si Gunner. "Anong GGSS?"
"GGSS.." napatigil siya sa pagsasalita nang simulan siyang subuan nito ng pagkain. "Guwapong - guwapo sa sarili."
Umangat ang kilay ni Gunner. Muli siyang sinubuan nito ng pagkain. "Really? Hindi ba ma justify ng aking physical appearance ang pagiging GGSS ko?"
Natameme naman siya sa winika ng binata. Nagkibit balikat na lang siya rather than answer his question. Baka lomobo pa ang ego nito.
Parang balewala naman kay Gunner na muli siyang sinubuan ng pagkain hanggang sa maubos niya ang pagkain sa pinggan. Pagkatabi sa side table ng pinagkainan niya ay sinubuan naman siya ng cut and peeled fruits na pinagsama sama nito sa isang lalagyan.
One thing na nadiscover niya sa binata, aside from being perfect physically, he also possesses a golden heart. Iba sa pagkakakilala niya bilang Gunner Montenegro, the CEO.
***********************
"No.. no.. no.. Bro. You're not damn serious, are you?" naaalarmang sabi ng kausap sa kabilang linya.Hindi man nakikita ay batid ni Gunner na hindi sang - ayon ang kaibigan sa plano niya."I am dead serious Bro! If that motherfucker Gibson could do this to me.. so do I. An eye for an eye." nanggagalaiting wika niya."Bro.. Parang gusto kong pagsisihan na sinabi ko sa'yo. I just want to inform you about Nina. But please spare Kristel from this. You're not like that. Mabait kang tao. Nabubulagan ka lang ng damdamin mo sa ngayon. Please listen to me. Bago ka pa may pagsisihan.""Damn!" marahas na nasambit ni Gunner kasabay ng pagputol ng tawag sa kanya ng kaibigang si Harrison mula sa Pilipinas. He could still hear the exact words he said. He just c
Tinatanaw ng tingin ni Kristel ang buong view ng siyudad mula sa kinatayuang terrace ng suite niya sa hotel. Halos magdadalawang oras na siya doon ngunit hindi niya alintana ang lamig ng panahon. A memory of Hugh keeps coming back to her mind. She's playing their songs on her cellphone. Kung saan, kailan at paano nagtagpo ang kanilang landas. Kung paanong sa simpleng sulyap at palitan ng ngiti nila sa isa't isa nagsimula ang lahat. Nakitaan sila ng mga tao ng chemistry at spark. Kids, teens, and adults adored them. They wanted them to be an item, from reel to real which never happened. Hindi lang fans ang nadismaya, worse maging siya ay naramdaman ang pagkabigo.Higit pa sa inaasahan at inaakala ng iba. Ang sabihing masakit ay kulang.It's amazing how you can speak right to my heartWithout saying a word, you can light up the darkTry as I may I can never explainWhat I hear when you don't say a thing
Plano pa sana nila ni Gunner na pumasyal sa Eiffel Tower at akyatin ang hindi man 704 steps nito ay kung hanggang saan sila makarating. Ienjoy din sana angoverview ng Arc de Triomphe at Champs-Elysées. Pero dahil hindi niya naiwasang magbukas ng kanyang social media account at makita ang latest news tungkol sa umanoy relasyon ni Hugh at isang kolehiyala from Batangas ay muling nanariwa ang sugat sa puso niya. Naging matamlay ang kaniyang pakiramdam at napansin marahil ito ni Gunner kung kaya't hindi na sila tumuloy sa kanilang lakad. Maghapon siyang nagmukmok sa silid. Lumabas na lang sila para kumain. Si Boss Gunner ang pumili ng Resto dahil ayon dito masasarap ang mga pagkain doon. Yeah, it was classy and fab ngunit kahit yata gaano kasarap ang mga pagkain na nakahain, wari'y sumayad lang ang mga iyon sa lalamunan ni Kristel. Hindi niya malasahan at pinilit lang niyang lunukin malamnan lang ang sikm
Hindi maiwasan ni Kristel na mag - alala sa kapatid na si Gibson. Makalipas ang ilang oras na pagkalugmok sa kinahihigaan ay nagpasiya na siyang ayusin ang kanyang mga gamit at magpabook ng flight pabalik ng Pilipinas. She just can't stay here knowing her brother's life is in danger. Habang lulan ng eroplano ay hindi niya maiwasang balikan ang pangyayari sa buhay niya. From the moment na isilang siya at wala siyang ibang halos nakakasama kundi ang kanyang yaya na si Yaya Berna ngunit wala siyang nagawa nang palayasin ito ng kanyang ama sa pag - aakalang kinukunsinti siya sa masamang gawain, nang magalit ang kanyang ama sa mundong tinahak niya when she chose to be an actress rather than take a Business Course para makatulong ng mga ito sa pamamahala ng kanilang negosyo, sa mga pangungutya at bash na natatanggap sa mga fans ng rival love team nila ni Hugh dahil sa naging kasalanan niya sa nobya nito nang minsang magpadala siya sa selos, s
Unti - unti na niyang inaayos ang buhay niya. Bagaman nagpasabi siya sa through Tita Chloe sa network na hindi na siya magsa sign ng bagong kontrata, hindi pa rin ang mga ito tumitigil sa pangungumbinsi sa kanya to think about her decision at sana'y mabago pa ito. Nagpahayag ng kalungkutan ang kanyang mga fans, ang mga fan nila ni Hugh sa kanyang naging pahayag sa isang interview sa noontime talk show ng network. Here she is right now talking to her father. Ipinaalam niya dito ang kanyang naging desisyon na hindi na muling tumanggap ng proyekto mula sa network at sa Royal Crown Film. Sinabi rin niya dito ang kanyang pagnanais na ipagpatuloy ang pag - aaral. "I knew it Kris!" mababakas ang sigla at tuwa sa mukha ng kanyang ama sa narinig na desisyon niya. "I'll send you to Harvard in Cambridge, Massachusetts. I'll call you Tito Carlo and let you stay there while you're studying." Tito Carlo is her mom's broth
Hindi makapagconcentrate sa kanyang ginagawa si Kristel. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Mahapdi ang kanyang sikmura at parang nais niyang maduwal. May dalawang linggo na rin niyang nararanasan ang ganitong morning sickness. Naisip niyang baka dahil ng ulcer niya kaya sinisikmura siya. Wala pa naman si Tifanny ngayong araw na ito. Nang hindi makatiis ay nagmamadaling pumasok siya sa Girls Comfort Room na malapit sa kanyang kinatatayuan kanina. Naiiyak na naisip ni Kristel si Gunner habang inilalabas ang mga kinain kanina. May mga pangyayari talaga na nakakapag paalala sa kanya sa binata. Maya maya lang ay magsisimula na ang klase nila. Paano pa siya papasok sa kalagayan niyang ito? Nanghihina siyang napapikit at napasandal sa dingding ng kinaroroonang comfort room. "Hey.. how do you feel?" nag - aalalang mukha ni Ronan ang tumambad sa kanya pagbukas ng kanyang mga mata.
Pumasok sa isip niya si Gunner. Saglit na nagtalo ang kanyang isip kung ipapaalam dito ang kanyang kalagayan. She wouldn't ruin his relationship with Nina Ellize. Ipapaalam lang niya sa binata ang kanyang kalagayan. Yun lang. After all, may karapatan itong malaman na magkakaanak na ito. Hindi man nila sinasadya. Agad niyang tinahak ang daan patungo sa network company nito. Dahil kilala na ng mga guards ang kanyang sasakyan ay agad siyang pinapasok ng mga ito. Ipinarada niya ang sasakyan . Sinikap muna niyang pakalmahin at inayos ang sarili bago nagtungo sa opisina ni Gunner. Kumatok siya sa pintuan ngunit walang nagbubukas. Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pintuan at suwerte namang hindi ito naka lock. Kaya naman pala walang nagbubukas, wala sa puwesto nito ang sekretaryang si Geneva. Mula sa siwang ay narinig niyang may kausap si Gunner.
Agad siyang pinatuloy ng kanyang Yaya Berna sa loob ng kubo nito. Maaliwas ang malamig ang simoy sa loob ng kubo. Agad siyang ipinaghain nito ng pagkain dahil ayon dito ay siguradong nagutom siya sa haba ng kanyang naging biyahe. Hindi na rin siya tumutol pa sapagkat bukod sa talagang gutom na nga siya ay namiss talaga niya ang luto nito sa kanya noong bata pa siya. Agad namang nagpa alam sa kanila si Botchok at aniya ay may trabaho pa sa bayan. Sa gitna ng pagkain ay naibahagi niya sa dating taga pag alaga ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Hindi makapaniwala ang kanyang Yaya Berna sa kanyang sinapit. Nabanaag niya sa mga mata nito ang simpatya. Hinagod nito ang kanyang likuran. "Dumito ka na lang anak. Alam mo namang lagi kang welcome dito. Pero hangad ko pa ring maayos mo ang gusot sa buhay mo. Ipagdarasal ko iyan anak." "Thanks Ya. Yaya.. puwede