Share

two

Typo's and Grammatical Error's ahead! You have been warned!

Kindly Do Votes and Comments <3

Summer's POV

  Alas sinko pa lamang ng magising ako. Pero dahil medyo may kalayuan ang university dito ay maaga akong handa.

Matapos kong maligo ay nag bihis na ako ng aking uniform. White long sleeve ito, at black fitted skirt naman ang pang ibaba. Mayroon rin akong suot na black na coat na may school logo sa kaliwang part ng coat. Nag suot din ako ng white long sock. Gumamit muna ako ng tsinelas dahil ba-baba muna ako papunta sa kusina.

Tulog pa si Trevan. Maaga pa naman kaya hindi ko s'ya ginising.

Dahan-dahan lang akong nag lalakad sa hallway dahil ipina-palibot ko pa ang aking paningin sa mansyon. Mayaman rin kami pero mas simple ang bahay namin. Dalawang palapag lang iyon pero sobrang laki.

Tumigil ako sa second floor para mag tingin-tingin. Mayroong sala,

tapos may hallway ulit. Tinignan ko kung ano ang nasa hallway, may pinto para sa gym, para sa entertainment room, para sa library ay may board room rin, sa dulo naman ay office ni Trevan. Sinilip ko lang ang kanyang opisina at umalis na. Baka kasi magalit s'ya kapag nalaman n'yang pumunta ako roon. Although wala naman s'yang sinabing bawal ako doon.

Pagkatapos ay sa first floor naman ako nag libot. Nandito pala ang maid's quarter at iba pang trabahante na stay-in. May music room, kapag nag lakad ka patungo sa kanan ay naroon ang glass door. Pag tingin ko ay swimming pool pala ang naroon. Sa pag kaka alam ko mayroon ring basketball court sa likod ng bahay. Bali yung swimming pool is nasa gilid.

Ng matapos akong mag libot ay nag tungo na ako sa kusina. Pero napa tigil ako sa pag lalakad ng may kumuha ng atensyon ko sa may sala.

Mayroong malaking frame. Picture nung kasal namin nung isang araw. Pero paano? Kahapon ay wala pa naman ito? At bakit ang bilis naman?

"You like it?"

Napalingon ako sa hagdan ng may mag salita.

Tumango ako at ngumiti.

"But how? Ang bilis naman matapos."

"I doubled the payment to rush it. And I'm glad you like it."

Nakangiti pa rin ako habang naka tingin sa picture frame.

Noong sinabi n'ya sa akin na gusto n'yang mag work ang marriage namin sinabi ko na sa sarili ko na dapat masanay na ako sa kanya. Hindi na dapat ako makaka ramdam ng hiya dahil asawa ko naman s'ya.

Kaya ng inakbayan n'ya ako ay hinayaan ko lang s'ya at isinandal ko pa ang aking ulo sa kanyang balikat.

Marami pang picture frames doon na hindi ko naman nakita kahapon. Mayroong picture kasama n'ya ang pamilya ko at pamilya n'ya, mayroon ring pictures sa aming mga kaibigan, sa mga ibang parte pa mg aming kasal ay mayroon din. Pero masarami ang solo pictures namin.

"Let's eat. Baka malate kapa."

Sinulyapan ko pa ng isang beses ang mga picture bago naglakad patungo sa kusina.

May bagong saing na kanin, fried rice, ham, bacon, sunny side up egg, bread at may fresh fruits and milk pa.

"Milk?" I looked at him with full of curiosity.

"It's for you."

"How did you know?"

Pag tatanong ko. Paano n'ya kaya nalaman na gusto ko ng gatas bago pumasok ng university.

"It's your Mom. Iyon ang palagi n'yang bilin sa'kin through phone calls"

"Si Mommy talaga"

Kumain lang kami ng tahimik. Ng mapatingin ako sakanya ay saka ko lang napansin na nakabihis na pala s'ya. Pero hindi n'ya suot ang kanyang coat at tie.

Mukha s'yang suplado dahil sa suot n'ya. Well, bali-balita rin ang pagiging strikto n'ya sa office sabi sa'kin ni Daddy bago kami ikasal. Ang alam ko rin ay mas magiging busy s'ya dahil sa merging ng aming mga kompanya.

Matapos naming kumain ay bumalik kami sa kwarto para mag toothbrush. Nauna na ako sakanya para makapag ayos oa ako ng mukha.

Face powder, lip tint at blush on lang ang nilagay kong kolorete sa aking mukha. Alas sais pasado na rin kaya sinuot ko na ang aking black shoes na may 2 inches na taas. Medyo malawak rin kasi ang lakarin sa university kaya yung mababa lang ang pinili ko. Napag usapan na rin namin ni Trevan na s'ya ang mag hahatid sa akin araw-araw sa university, pero yung driver na  lang ang susundo sa akin. Sinabi ko naman sa kanya na kaya ko naman mag drive kaso ayaw n'ya. Mas mabuti na raw 'yon para may bodyguard akong kasama.

Why would I need a bodyguard? I know some self defense, dahil bata palang ako nag aaral na'ko non. My dad was a bit paranoid for my safety dahil daw nag iisa akong babae. And wala na rin akong magagawa since pati mga kuya ko ay pinilit na rin ako.

Kaya ng sinabi ni Trevan na driver at the same time bodyguard ko si Atlas (his employee) hindi na ako nakipag argumento. Lalo na sa panahon ngayon dumadalas nanaman ang mga threats sa aming pamilya dahil sa merging na naganap.

Nang matapos s'ya sa pag aayos ay sabay na kaming bumaba para mag tungo sa garahe. Pinag buksan n'ya ako ng pinto sa front seat bago s'ya sumakay. Tahimik lamang kami sa byahe. Ako naman ay nag re-reply sa mga messages sa'kin ng mga kaibigan ko.

[Chat's]

[Queen's]

ReignReignGoAway:

@ImHot kumusta kayo ng asawa mo?

Hulog:

@ImHot after ng kasal 'di kana nag paramdam! Malandi ka!

Taglamig:

@Hulog @ReignReignGoAway

'wag n'yo kayang awayin si @ImHot

ImHot:

Thankyyy! @Taglamig

Taglamig:

Saka n'yo na asarin kapag nabinyagan na HAHAHAHAH.

Hulog:

HAHAHAHHAA.

ReignReignGoAway:

Ouch! Pain! 🐖½

ImHot:

Bwiset!😤

Pagkatapos kong mag reply sa mga pang aasar nila ay nag log-out na ako, alam ko kasing mag papatuloy ang pang a-asar nila sa akin habang nag re-reply pa ako sakanila. Tutal ay malapit na ang university kaya tinago ko na ang cellphone ko sa bag.

Nang makarating kami ay sa tapat lang ako ng gate nag pa-baba. Mas hassle kasi kung sa parking lot n'ya pa ako ibababa, mas mahihirapan s'ya dahil medyo marami na ang mga kotseng nag lalabas pasok sa university. Tinanggal ko na ang aking seatbelt at akmang ba-baba na ngunit pinigilan n'ya ako.

Lumapit s'ya sa akin at marahan akong binigyan ng isang mabilis na halik sa labi.

"Take care"

Awang ang labi na bumaba ako sa kotse. Pero bago ko sinara ang pinto ay nag salita muna ako.

"You too."

He smiled. Then start driving.

Akala ko noon, kapag kinasal kami ay magiging awkward ang pag sasama namin. Pero mali pala ako. Aaminin ko masaya ako sa pag sasama namin kahit ilang araw palang ang naka lilipas magbuhat ng ikinasal kami.

Wala kaming ginawa kundi kilalanin ang isa't-isa.

Grabe rin ang respeto n'ya sa akin. Never s'yang nag desisyon na hindi ako tinatanong kung sang-ayon ba ako o hindi. Simpleng bagay man sa iba pero para sa akin ay sobrang laki na nito.

Paakyat na ako sa second floor ng Business Management Building, kung saan naroon ang aking classroom. Mahigit dalawang buwan na lang ay ga-graduate na ako. Na train naman na din ako ng mga kuya ko kaya baka mag umpisa na akong mag trabaho sa kompanya namin. Pero depende pa din 'yon kapag kinuha ako ng asawa ko.

Hindi pa namin 'yon napag u-usapan pero alam kong maiintindihan n'ya naman na gusto kong mag trabaho. Nahihiya rin kasi akong i-asa na lang ang lahat sa kanya.

Our wedding was publicize kaya hindi na ako nag taka sa mga tinginan na binigay nila sa akin pag pasok ko sa room. Hanggang sa nakaupo na ako sa aking pwesto ay patingin-tingin pa rin sila sa akin.

Wala pa ang mga kaibigan ko kaya nag basa-basa na lang ako ng notes.

"Sammy?"  Alanganing tawag sa akin ng isa kong kaklase.

Sammy ang tawag nila sa akin, pauso kasi mga kaibigan ko eh.

"Yes?" I ask while still my focus is on my notes.

Dahil sa pag sagot ko sa kanyang tawag ay nag silapitan na rin ang iba ko pang mga ka-klase.

"How's Trevan as your husband?"

"Masaya ka ba?"

"Damn! Your so lucky girl!"

"OMG! Nakita ko kotse n'ya kanina! Hinatid ata s'ya!"

"Calm down, please. Isa-isa lang" pag sasaway ko sa kanila. Natahamik naman sila at nag pakiramdaman kung sino ang mag tatanong.

"Hep! Hep! Hep!! Pag a-angal ko ng muntik nanaman silang mag salita ng sabay-sabay.

"Trevan's fine. And yes, I'm happy. And also hinatid n'ya nga ako kanina at feeling maswerte nga ako sakanya. Okay na?" Isa-isa ko na rin silang sinagot para matapos na. Dahil alam kong pag dating ng mga kaibigan ko gigisahin nanaman ako ng mga 'yon.

"Any questions?" Pagtatanong ko pa sa kanila. Sabay-sabay naman silang umiling at nag sibalikan na sa kanilang mga pwesto kanina.

Ng dumating ang aking mga kaibigan ay mas lalo lang akong hindi nakapag basa ng notes dahil sa pangungulit nila. Natigil lamang 'yon ng dumating na ang aming professor.

•••

Nandito na kami sa cafeteria para sa aming lunch. May 2 hours vacant ako ngayon kaya 3 pm pa ang next class ko at hanggang 5 pm 'yon.

For lunch, menudo at half cup of rice ang in-order ko. Pineapple juice naman para sa inumin. Samatalang pasta lang ang in-order nila at juice rin.

"Pasta? For lunch?" I ask them.

"I gained weight, and I hate it!"Ani Winter.

"Nag snack naman na ako kanina kaya, okay na'ko sa pasta" ani naman ni Fall.

"Kagabi pa ako nag c-crave ng pasta, pero alam n'yo naman sa bahay bawal ang light meal" Ani naman ni Reign habang kumakain na.

Kumain na lang ulit ako kagaya nila at tumahimik na lang.

We are childhood friends. Yung mga parents kasi namin is magkaka-ibigan rin. Nakatira din kami sa isang village, bali ngayon lang ako napa hiwalay sa kanila since sa ibang village ang bahay ni Trevan, pero mag kakalapit lang naman.

After lunch ay humiwalay na ako sa kanila dahil ma klase pa sila, iba na kasi ang subject nila ngayong hapon. Since may 2 hours vacant ako palagi akong nag pupunta sa nursery.

Sobrang laki kasi nitong University. Kompleto na s'ya. Nursery, Kinder, Elementary, Junior High, Senior High at college. May tig iisa namin itong kanya-kanyang gate kaya hindi ka naman mahihirapan.

Pumunta muna ako sa bicycle station para mang hiram ng bike. Magkakalayo kasi bawat grade kaya mahihirapan ka kung mag lalakad ka. Malapit lang ang bicycle station sa aming locker kaya kinuha ko na rin ang P.E jacket ko.

Itinali ko ito sa aking bewang at ipinatong sa aking hita. Sanay na akong gawin ito kaya hindi na ako natatakot masilipa. May sarili ring daanan ang mga bicycle may bubong ito kaya hindi mainit.

Ilang minuto lang ay narating ko rin ang nursery. Paminsan minsan ay tumutulong ako sa teacher nila sa pa tuturo sa kanila. Natutuwa kasi ako sa kanila. Halos kilala na rin ako ng mga nursery students dahil kapag vacant ko ay minsan palagi akong narito.

"Uyyy! Si ate Ganda nandito!

Sigaw ng isang batang naturuan ko na. Medyo limot ako sa pangalan n'ya dahil medyo marami ang tinuruan ko nung huling turo ko sa kanila.

"Kyaaaaah!"

"Ate gandaaaa! Waaaaah!"

Agad silang nag sitakbuha papalapit sa akin. Yumuko naman ako para mayakap sila. Na miss ko rin sila. Last week kasi ay hindi ako nakapag turo sa kanila dahil busy ako sa kasal.

Kung mag kaka anak kaya kami ganito din kaya ka-cute?

T-teka! Ano ba tong pinag i-iisip ko!

"Pasok na tayo" pag aaya ko sa kanila.

"Good afternoon, miss!" Naka ngiting bati ko sa kanilang teacher, si Teacher Aileen.

"Good afternoon, Sammy! Congratulations nga pala ah? Hindi ako nakapunta, busy kasi ako sa mga bata" ani Miss Aileen.

"Salamat po, miss"

"Oh s'ya, pasok na tayo. Na miss ka ng mga bata"

Naka ngiti akong sumunod kay Miss Aileen. Nakipag kwentuhan muna ako sa mga bata. Pagkatapos nun ay tinulungan ko na sila sa kanilang mga gawain. Kagaya ng maayos na pag pili ng kulay para sa kanilang mga drawing.

Naubos ang dalawang oras Kong vacant sa pag tulong sa kanila. Pagkatapos nun ay bumalik na ako College campus para tapusin ang huli kong subject para sa araw na iyon.

•••

Thank's for reading! 🧡🌻

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status