Share

tree

Typo's and Grammatical Error's ahead! You have been warned!

Kindly do Votes and Comments<3

Summer's POV

  Pagkatapos ng klase ko ay deretso na ako sa pag uwi. Medyo late na ako naka rating sa bahay dahil sa traffic.

Parang gusto ko na lang matulog kaagad pagka rating ko sa bahay kaso hindi pwede. Kaylangan ay kumain muna ako ng dinner dahil marami pa akong requirements na kaylangan gawin. Ito talaga yung pinaka mahirap na part as a graduating student, pero at the same time ito rin yung pinaka masaya dahil finally, tapos na ako sa pag a-aral.

Wala pa si Trevan kaya nauna na akong kumain sa kanya. Nagbihis lang agad ako pagkatapos at kinuha ang aking bag para mag tungo sa library. Nagbilin naman na ako kay manang na kung sakaling hanapin ako ni Trevan ay sabihin lang na narito ako sa library.

Pasado alas otso na ng narinig ko ang pag bukas sara ng pinto. Tinignan ko ito at nakita Kong naroon na pala si Trevan.

"Hey"

"I'm sorry for being late" Trevan said after giving my forehead a kiss.

"It's okay, I know your busy right now" saad ko at nag patuloy na sa aking ginagawa.

"You need help?"

"No, thank you! But, I can manage"

Bahagya lang na tumaas ang sulok ng kanyang labi bago n'ya ginulo ang aking buhok.

•••

Kinabukasan ay sabay ulit kaming nag breakfast at s'ya ulit ang nag hatid sa akin sa University.

"Anong oras labas mo mamaya?"

Tinignan ko naman ang class schedule ko.

"Isa lang ang subject ko ngayon, 8:45-11:00 am 'yon. Mamayang hapon ay wala na akong pasok, why?"

"I'll fetch you later. Pinapapunta tayo ni Mommy sa bahay, dinner daw."

Tumango naman ako. Kagaya ng palaging n'yang ginagawa, he give me a smack kiss.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng sasakyan para pumunta sa klase ko. Hindi ko kaklase sina Winter sa subject na 'yon kaya ako lang ang napa hiwalay sa kanila. Papasok na sana ako sa classroom kaso may naka tayo roon na tatlong babae.

"Uhh.. excuse me?"

Nagkatinginan muna ang tatlo at bahagyang tumawa.

"Pwedeng padaan?"

"Padaan daw s'ya, Trisha" Ani ng babae na hanggang balikat ang haba ng buhok.

"Pa'no kung ayaw ko?" mataray na saad nong Trisha daw.

"So... Ikaw pala." Ani pa nito.

"Tell me, gaano kaba kagaling? Sa ibabaw ba palagi? O palaging nasa bibig mo?"

"Ano bang sinasabi mo? Gusto ko lang dumaan. Kaya pwede ba? Padaanin n'yo na ako!" Kahit naiinis na ay pinilit ko pa ring maging mahinahon.

"Huwag ka ngang maarte! Patahi-tahimik kapa, pero nasa loob pala ang kolo mo!? Malandi ka!!"

"Look who's talking! Ikaw Ang malandi!"  Hindi ko na mapigilan ang pag taas ng boses ko dahil sa mga sinasabi n'yang masasakit na salita tungkol sa akin.

"Ikaw ang malandi! Talagang si Trevan pa ah!!"

Pagkatapos nun ay sinugod na n'ya ako.

"Aww! Ano ba! Bitiwan mo'ko"

Ramdam ko na ang pananakit ng aking anit dahil sa pagsasabunot n'ya sa akin.

Kayang-kaya kong manlaban sakanya kaso sobra ng na-nanakit ang aking ulo. Hinahawakan pa ako ng mga kaibigan n'ya. Marami na ang uma-awat pero hindi pa rin s'ya tumitigil.

"Miss luzada! Tama na yan!"

Tuluyan lang s'yang napa hiwalay sa akin ng isang professor na namin ang pumigil sa kanya.

Napahawak ako sa aking noon dahil ramdam ko ang pananakit ng sugat ko roon. Dumudugo rin ito.

"Are you okay, Miss Buenaventura?"

Tumango lamang ako.

"See me in the dean's office Miss Luzada and friends!! Miss Buenaventura, I'll bring you to the clinic, call your guardian."

Inakay na ako at nag tungo na kami sa clinic ng college campus. Pagkarating namin doon ay agad akong inasikaso ng nurse. Ni-check n'ya agad ang aking ulo at nilagyan ng gamot ang sugat ko roon. Mahahaba ang kuko ni Trisha kaya alam kong puro kalmot ang ulo ko. Ng masiguradong okay na ako ay umalis na ang aming professor para mag tungo sa dean's office. Tinawagan ko na rin si Trevan kanina at galit na galit ito. Parating na 'yon sa mga oras na ito kaya mas lalo akong kinakabahan.

Sa telepono pa nga lang nung marinig ko ang galit n'yang boses ay natakot ako sa personal pa kaya?.

•••

Nandito na kami ngayon sa dean's office. Naka yung lamang ako. Ang kamay ni Trevan ay naka akbay sa aking upuan. Ng dumating s'ya ay madilim na madilim ang aura ng kanyang mukha.

Pagkarating n'ya kanina ay dumeretso na kami rito sa office.

"Pasensya kana Ms. Buenaventura, nalaman na namin ang nangyari dahil sa CCTV. May mga testigo na rin na nag salita. Pasensya na rin sa istorbo Mr. Madriagga." Ani ng aming dean.

Wala pa ring imik si Trevan hanggang ngayon.

"As for the punishment of Ms  Luzada. 1 week of cleaning, bathroom's, cafeteria's and etc. And of course with your friend's"

After that pinayagan na akong umuwi ni Dean.

Sa kotse ay tahimik lang kami. Hindi n'ya pa rin ito pinapaandar.

"Trevan?" Nag aalinlangan Kong saad.

"I've decided. Mag ta-transfer ka at wala ka ng magagawa" he coldly said. After he said that ay pinaandar na n'ya ang kotse.

Gusto ko s'yang pigilan sa kanyang gusto. Pero ano bang magagawa ko? Natatakot ako sakanya.

Tahimik at naka Yuko lamang at hanggang sa maka rating kami sa bahay ng kanyang mga magulang. Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at habang hawak ako sa likod ay sabay kaming nag lakad papasok sa kanilang bahay.

"Oh God! Hija! What happened to you??, are you okay?" Ani ng mommy ni Trevan habang tinitignan ang aking ulo at punong-puno ng pag a-alala.

"Okay lang po ako, mommy"

"Sino bang may gawa sayo n'yan!? Hindi n'ya man lang ba alam ang binabangga n'ya?"

Ani mommy Stella.

"Hush.. calm down, Hon" pag papakalma ni Daddy Arthur Kay mommy Stella.

"I already settled it, Mom. Don't worry about it"

Napa tingin naman ako kay Trevan dahil sa kanyang sinabi.

"W-what did you do?" Kinakabahan kong tanong kay Trevan. Hindi ko alam pero kinabahan agad ako dahil sa kanyang sinabi. Kaya pala sobra ang pananahimik n'ya dahil gumawa na pala s'ya ng hakbang.

"I just did whatever she deserves" he said while shrugging.

Hindi na ako na ulit ang aking tanong dahil iginaya na kami ng kanyang mga magulang patungo ata sa kitchen.

Pinag hila n'ya ako ng upuan bago s'ya tumabi sa akin. Nilagyan n'ya rin ng pag kain ang aking plato, bago n'ya nilagyan ang kanyang sarili.

Nag ke-kwentuhan lang sila tungkol sa work habang kumakain. Tahimik lang ako dahil iniisip ko pa rin kung ano ang maaring gawin ni Trevan.

Hindi ko s'ya kilala ng lubusan, kaya hindi ko alam kung paano s'ya magalit. Pagkatapos kumain ay nag kwentuhan kami sa kanilang sala, pagkatapos nun ay umuwi na agad kami.

"Ano ba talagang ginawa mo?"

Pagkarating namin sa bahay ay hindi ko na mapigilan na hindi mag tanong.

"Kinakabahan na ako eh" dagdag ko pa.

"Don't worry, Wala akong ginawa na hindi legal"

"Kung wala, bakit hindi mo sabihin sa akin?" Pagpupumilit ko pa.

"Pinagbagsak ko ang kompanya nili, within an hour"

"What!?" Gulat kong saad.

P-pinabagsak n'ya!? At sa loob lang ng mahigit isang oras!? How powerful is he!?

Alam kong sobrang makapang yarihan ang kanilang pamilya ngunit hindi pa rin ako maka paniwala.

"W-why did you do that?"  I ask.

"Seriously, wife? Your asking me that? Of course, I did that for you. She and her family deserves that for hurting you! For hurting my wife!"

"1 week of community work as her punishment, is enough for me. I appreciate you for doing that, pero hindi naman alam ng pamilya n'ya ang ginawa n'ya sa'kin" pag pupumilit kong pagpapa intindi sa kanya.

"It's already done. I don't care if her family, know's nothing about their daughter hurting you. That's what she get for messing up with my wife!" Pagkatapos sabihin 'yon ni Trevan ay pagalit na s'yang umakyat sa taas.

Kaylangan ba talagang umabot sa ganon?

Ano nga bang magagawa ko? May asawa na ako, at s'ya na ang guardian ko, at dapat lang na s'ya ang masusunod.

•••

Kinabukasan ay narito ako sa library para mag ayos ng aking mga papeles para sa online at modular class.

Kagabi ay napilit ko si Trevan na i-online class na lang ako kesa mag transfer dahil sayang. Alam ko naman na may tatanggap pa s akin kahit patapos na ang school year dahil sa kanya. Mag sisimula na bukas ang online class ko kaya inasikaso ko agad ang gamit ko. Mamaya rin darating ang mga modules ko. Hindi ko alam kung mahihirapan ba ako dahil ngayon ko lang naman ito gagawin, never Kong inisip na darating ang panahon na online na lang ang pasok ko. Feeling ko kasi mas may matutunan pa ako kapag face to face eh. Pero wala naman na akong magagawa.

Pati parents ko pumayag agad na online class na lang ako.

Sinabi rin kasi ni Trevan ang nangyari sa'kin sa school. Ayaw ko na sanag ipaabot sa kanila kaso nasabi na pala ni Trevan. Pagkatapos kong mag ayos ay mag online muna ako ng aking F******k account sa aking laptop.

[Chat's]

[Queen's]

ReignReignGoAway:

How are you?? @Imhot

ImHot:

I'm okay, thanks for asking.

Hulog:

Pasalamat yang Trisha na

'yan at hindi mo kami kasama

Kahapon! Naku! Kung

Nagkataon baka nakalbo ko

Pa s'ya!!

Taglamig:

Omg! Girls! Nakita ko

Yung Trisha HAHAHAHHA

Naglilinis ng mag isa sa

Cafeteria.

ImHot:

Hayaan n'yo na s'ya girl.

Sobra-sobra na yung ginawa

Ni Trevan sa kanya at sa

Pamilya n'ya.

Taglamig:

For once, stop being so

mabait. Naaabuso yan girl.

After that ay nag log out na ako.

Hindi naman ako mabait, sadyang ayoko lang na mas lumala pa ang mga bagay-bagay. Kung walang magpapa kumbaba, hindi matatapos ang isang gulo. Kaya hanggat kaya kong umintindi, iniintindi ko na lang.

A/N:

"Kung walang magpapa kumbaba, hindi matatapos ang gulo/away"

Habang lumalaki ako yan yung mas napapansin ko eh. Aaminin ko mataas yung pride ko, pero kapag alam kong ako yung mali gumagawa ako ng paraan para makabawi.

Thanks for reading! 🧡🌻

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status