Share

Chapter 02 :

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito o epekto lang ng car accident ko? Pero, kahit anong gawin ko ay nandito pa rin ako.

I even hurt myself by jumping on the lake where I almost died. Luckily, Elder Brother Ashulet saved me from drowning myself.

Napatingin ako sa paligid ko habang nakalumbaba ako. Kitang-kita ko ang tense sa mga mata ng pitong knights na nasa paligid ko. They were assigned by my Elder Brother to look after me while he was in the palace. He has a meeting with the Emperor as the General of a Royal Knights who fought in a war.

Maganda na sana ang paligid ko dito sa garden kaya lang panira sa view ang mga knights. Daig pa nila ang mga bodyguards ko na binigyan ako ng space to be alone with myself. Pero sila kulang na lang ay maging human CCTV.

I know they didn't like to look after me. After all, they trained themselves to fight in a war not to be like a bodyguard. Medyo nakakahiya ng kaunti pero kasalanan ko naman. If I didn't do such a crazy thing, wala sigurong ganito ngayon. It's like, I am digging my own grave.

Sigh.

“As if, I will do stupid things again.” Mahinang sabi ko habang pinaglalaruan ang kutsarita sa platitong may masarap na cake. Nag-slice ako at masaya ko itong kinain.

Sa ngayon ay wala naman akong balak lunurin muli ang sarili ko. I died once, so I don't want to die again. I want to live! Ang bata ko pa para mamatay ng maaga. Gusto ko pang magkaroon ng asawa at anak na pupunuin ko ng pagmamahal na ni minsan ay hindi ko naramdaman. Gusto kong gawin ang mga bagay na never ginawa ng parents ko. So, they wouldn't suffer, kagaya ng naranasan at pinagdaanan ko.

Come to think of it, Rineah is sixteen years old now as my personal maid told me. After two years, I will receive an edict to be the Crowned Princess and die in the hands of assassins. So, I still have time to prepare myself for my death.

“Wait!” Napatayo ako sa aking kinauupuan.

“My Lady?” Biglang tanong ng personal maid ko habang may hawak itong another set of cakes na kakainin ko. Natakam ako bigla pero umiling ako.

As far as I know. After a year, the Elder Brother of the female lead will die on the battlefield. Sa madaling salita, si Kuya Ashulet ay mamatay isang taon mula ngayon.

No! Hindi ako papayag! This is the first time I feel love and secured because of him. Feeling ko ay totoo ko na siyang kuya. Kaya hindi ako papayag na mamatay ang unang taong nagpakita sa akin ng pagmamahal dito sa lugar na ito.

Malapit na rin bumalik ang female lead dito sa mansion kasama ang kanilang magulang. Ngayon palang ay kinakabahan na ako at the same time ay excited din dahil pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kumpletong pamilya.

The female lead finally graduated from the academy. And her parents were there to witness her achievement of being one of the geniuses in the empire.

Napaupo muli ako sa upuan ko at napa-crossarms. Hindi ko pinansin ang tingin nila sa akin. Alam ko na medyo nagtataka na sila sa ginawa ko pero hindi sila makapag-reklamo dahil siguradong lagot sila kay Kuya Ashulet.

Hindi ko akalain na totoo pala ang reincarnation. Pero ang nakakapagtaka ay nag-reincarnation ako sa mismong project ko. Is it possible? Kunsabay, life is really unpredictable anyway. Katulad ng nangyari sa akin na biglang namatay sa isang car accident. Pero, na saan kaya ang totoong Rineah? If I really possessed her body? Bakit ko ba iniisip kung nasaan siya? Eh, nakatakda naman talaga siyang mamatay. Pero ako, ayokong mamatay as her. I want to live. But, how?

“Gusto ko munang bumalik sa silid ko.” sabi ko na tumayo na at nagsimulang maglakad papasok ng mansion. Tahimik lang akong sinundan ng mga knights habang ang personal maid ko ay niligpit na ang mesang pinagkainan ko.

All the maids, even the butler, are kind to me. Makita lang nila ako ay napapayuko na sila as respect. Ngiti at tango lang ang ganti ko na ikinagulat nila. Maybe because nobles didn't do those things, mostly Rineah. Hindi siya approachable na tao, tahimik at laging gusto na kasama ang female lead. Kaya hindi niya nabibigyang pansin ang mga taong nagsisilbi sa pamilya nila. I can't changed my mannerisms as Korean so, bahala na sila mag-isip kung ano ang nangyayari sa akin. The most important thing to do is, how to avoid my death and also how to save my Elder Brother to avoid his death.

Pagpasok ko sa loob ng silid ko ay hindi na sumunod ang pitong knights. Imposible na makakaya kong tumalon sa terrace na may naglalakihang rosas sa ibaba. Siguradong sandamakmak na tinik ang maaaring tumusok sa balat ko kapag ginawa ko iyon.

“Finally, I can act as who I am!” Masayang sabi ko na humiga na sa malambot kong kama. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong i-act. Kaunti lang ang alam kong detalye sa karakter ni Rineah.

Napatingin ako sa kisame at biglang sumagi sa isip ko ang Elder Brother ko. Mabilis akong bumangon at pumunta sa mesa ko. Umupo ako sa upuan at kinuha ang isang diary sa loob ng drawer ko.

“I need to plan of saving my Elder Brother. Hindi pwedeng mamatay siya nang maaga. Sayang ang lahi dahil sobrang gwapo niya. Wala pa sa kalingkingan niya si Park Haensil nagaganap na Crowned Prince. Hindi hamak na mas gwapo talaga si Kuya Ashulet.” sabi ko habang ini-imagine din ang mukha ni Park Haensil. Kahit na gwapo rin ito ay mas lamang na ilang paligo talaga si Kuya Ashulet. 'Yung kagwapuhan kasi niya ay walang katulad hindi gaya ni Haensil na may pinaghalong mukha ng isang artista rin.

Pero sa scripts ay hindi nasabi na gwapo siya. Mukhang biased ang Author ng basta na lang papatayin ang isang character dahil hindi siya part ng buong casts? Naku, kung binuhay siguro niya iyon tiyak na mas mataas ang rating na makukuha lalo sa mga female supporters na super into a handsome character.

“Ang unfair mo, Author! Dapat hinayaan mo nalang siya mabuhay tutal wala namang big impact sa story iyon.” sabi ko habang nilalaro ang panulat ko. Parang old ballpen ito na nakikita ko sa mga 90's na movie.

Sa katunayan ay naging isang malaking sugat sa female lead ang pagkamatay niya lalo ni Rineah. The female lead will have a trust issue because of what happened to Rineah. One of the assassins was Rineah's childhood friend in the country-side that she always visits when she wants to release her stress. Because she faces hardship in her training to become the perfect Crowned Princess. Malalaman ito after they get the corpse of Rineah, and the man confessed to her that he is one of the assassins who killed Rineah because of the Empress order. The Crowned Prince as of today is the second prince, while the only son of the Empress was the first prince. The Crowned Prince was the only son of the disease Empress. After giving birth to him, she died. And the second wife was currently the Empress.

“Ngayon lang ako naka-encounter na mas nauna pang magkaanak ang second wife kaysa sa first wife!” Kamot ulo nalang ako matapos kong isipin iyon.

Nagsimula na akong magsulat.

“There are three love interest of the female lead. First, her male lead the Crowned Prince. Second, Duke Earlford who is cold to everyone that wouldn't blink when he killed someone. The last man is the First Prince.” I scribbled their name in my diary. “Saklap naman ng life ng female lead, isa sa love interest niya ay kaugnay sa pagkamatay ng kapatid niya.” Bigla akong nalungkot.

“Ngayon ko lang napagtanto na medyo mabigat pala sa puso ang role ko. Luckily, in this world I was the side character. I need to rewrite my own fate here. But before I do that, I need to save my Elder Brother.” sabi ko na napapaisip nang malalim.

As far as I remember from the scripts. An arrow shot into the heart of Elder Brother caused him to lose his life. It's after declaring that the war has ended but one of the enemy knights pulled an arrow to him. It was like that.

So, how could I tell him that he will die in an arrow shot? Baka pagtawanan niya lang ako. Lalo pa't he is the best knight in this empire.

“May mga nababasa akong stories before. Giving an amulet that can protect someone's life. Maybe, I need to find an amulet now. Tapos, siguro mag-suggest din ako ng isang bulletproof na vest? Tingin ko walang materyales para doon kasi walang cellphone dito. Ugh, ang layo ng mga pinagsasabi ko ngayon.” Maging ako ay naguguluhan sa mga sinabi ko. Pero totoo naman na walang cellphone sa mundong ito.

“How about giving my Elder Brother an idea on how can kill the entire enemy in one draw? I mean, yung isang saksak lang ng espada o tama ng arrow ay patay na agad.” Napapaisip na sabi ko.

Tingin ko ay hindi ko magagawa iyon. Dahil maghihinala siya na may alam ako sa mga nangyayari sa battlefield. He never tells a story on how he won the war. Sigurado na magkakaroon siya ng ihinala kung sino ba ako?

“Duke Lewis Irvine Earlford. I think he is the best man who could be able to help me to escape my death? He is strong and also handsome. But no one dares to marry such a man who could kill without blinking an eye. Maraming takot sa kanya pero bakit naman ako matatakot din sa kanya? Kung siya lang ang pwedeng magbago ng aking kapalaran. Hindi pwede ang Crowned Prince kasi para sa female lead na iyon. Tapos ayoko sa First Prince tiyak na patay talaga ako sa Empress.” Nakangusong sabi ko.

I scribbled my plans on my diary and hid it again in my drawer. I used codes on writing, so no one will understand my diary. It's better to be vigilant than to be sorry.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status