Share

Chapter 3: Cover-up

"Solenn?" rinig kong pagtawag sa 'kin. Agad akong nagising at napansing basa ang magkabilang pisngi ko. Nananaginip lang pala ako. 

Wari ay sumakit ang ulo ko nang maalala ang nangyari no'ng araw na 'yon. Ayaw ko na ulit pang maalala ang pangta-traydor na ginawa nila. It won't help me to move-on.

"What happened?" I asked Yanna. She was in the kitchen, stirring.

"Nakatulog ka pagkatapos kong sabihin 'yong palusot ko sa Mommy mo," she responded and I felt calm because of it. That moment when she asked me what happened between me and Troy is part of my nightmare. 

Thank goodness!

"Bakit? At saka ang lalim naman ata ng iniisip mo d'yan, Solenn Alistair?" she asked me with full of concern. May dala pa itong dalawang mug na ang isa naman ay inaabot sa 'kin. 

"Thanks," ani ko at hinipan ko pa muna ang coffee bago humigop.

"Got a problem?" panimula pa ni Yanna sa usapan kaya tumango na lang ako bilang tugon. "I knew it because you seemed different lately." 

Umupo pa muna siya sa upuan na kaharap ko at inilapag ang mug na hawak niya sa coffee table.

"Sorry," sambit niya kaya napakunot ako ng noo. Nakita ko pa ang pag-pout niya. 

"For what?" tanong ko.

"Sorry kasi ang pabaya kong kaibigan. I didn't have the chance to ask you if you're okay these past few days. May dinadamdam ka na pala r'yan tapos hindi ko man lang alam, ako pa naman ang bestfriend mo, dapat ako ang karamay mo sa mga problema mo," pagpapaliwanag niya na agad namang nakapagpatunaw ng puso ko.

Should I tell her? I mean, she's my bestfriend and she deserves to know—but what if it will brought chaos between her and her sister?

You know, kahit naman gusto kong malaman ni Yanna ang ginawa ng kapatid n'ya, inaalala ko pa rin kung ano ang magiging reaksyon at mararamdaman n'ya. It will shock her of course.

"Solenn, I want to be a good friend for you kaya sabihin mo na sa 'kin. Hindi talaga ako makakatulog n'yan kapag hindi mo sinabi. Araw-araw 'yan babagabag sa utak ko, sige ka! Magtatampo rin ako sa 'yo kasi hindi mo ako pinagkakatiwalaan. We've been friends for almost 6 years, Solenn!" she said, acting like she was hurt. Hindi ako makatawa knowing what I am feeling right now kaya nginitian ko na lang siya pero hindi rin iyon nagtagal.

"Yanna, I have something to say to you," I said that caught her attention. "Troy and I already broke up." 

Her eyes widen as soon as she heard it. "What? Bakit?" she asked me. "Gagi, akala ko forever na kayo pero hindi pala. Ano bang nangyari?" 

"He cheated on me, Yanna... H-He cheated," I told her and she was shocked like she can't believe what she just heard.

"Totoo? Eh gago naman pala 'yon ah, basagin ko na ba mukha no'n? Ano?" she commented. "Hala, ako nga pala nagreto sa 'yo roon, oh my god bes, sorry! Akala ko perfect na kayo sa isa't-isa tapos ang ending pala, niloko ka. Sino bang babae niya? Gusto mo ba sugurin natin sa bahay nila, ano?" 

I let out a heavy sigh before telling her who the girl is.

"It's your sister," I whispered but she heard it.

"Ano? Totoo ba? Oh my god, that bitch?" Napatakip pa siya sa bibig, hindi makapaniwala sa narinig. "I'm so sorry, Sol. Kahit naman in bad terms kami no'n, still... ako ang Ate n'ya. Dapat kasi naturuan ko ng good conduct ang batang 'yan no'ng bata pa lang siya eh," she panicked and held my hand. "I'm not tolerating her behavior, I just don't know Sol, we're not that close, we hate each other but still... I'm sorry." 

"Yes, but it's not your fault, Yanna. You don't need to be sorry for what your sister did. Kung may dapat mag-sorry, siya 'yon at hindi ikaw. At saka, it's okay. I know from the very first start that Troy is a walking red flag but what can I do? I fell in love with him..." I uttered but smiled after. "Tama na nga ang drama, you know, baka pumangit ako sa mga shots ko kapag nagpaka-stress lang ako and if I'll keep remembering what they awfully did to me."

Yes, I should get rid of my awful past and should focus on my career, for my dream, for my future and better move forward from the past. 

I've changed my mind and I don't want to take revenge on them but that didn't mean that I hope the best for the both of them. I believe that soon, their karma will haunt them and shall punish them for what they did to me. They should pay for hurting me.

***

"Ate Lena, where's Mom?" tanong ko sa kasambahay namin pagkauwi ko sa bahay. 

Matagal na sa 'min si Ate Lena and I think she's working for us for almost 22 years now. Simula no'ng isinilang ako ay nandirito na siya. Hanggang ngayon ay nagtataka ako kung ba't sa 22 years na 'yon ay hindi siya umuuwi sa probinsya nila. Ang alam ko ay may pamilya siyang naiwan doon eh.

"Ay maagang umalis eh, nasa shop na ata 'yon ngayon. Ba't ngayon ka lang? Alam mo bang alalang-alala kami ng Mommy mo sa 'yo? Kapag umaalis ka at naglalakwatsa ay umuuwi ka naman agad dati at hindi nalalagpas ng 1 a.m. ah, ngayon ka lang inumaga ng uwi. Saan ka natulog? Baka kung saan-saang kwarto ka ng lalaki natulog ah. Ano? May ginawa ka na bang milagro habang kami ay nag-aalala sa 'yo? Gawain ba ng mabuting bata 'yan?" mahabang sermon niya. 

"Hindi na po ako bata, okay? Sabihan n'yo na lang po si Mommy na nakauwi na ako," ani ko at papaakyat na sana ng hagdan nang ayain n'ya akong kumain. 

"Hindi na po, nawalan na ako ng gana kumain," sagot ko at nagpatuloy na sa pag-akyat papuntang kwarto.

Ate Lena was a bit harsh today. Mas malala pa siya kay Mommy. Hindi naman ako sinesermonan ni Mommy ng gano'n. Pero naiintindihan ko naman siya at baka nadala lang siya sa emosyon niya. But she really went to far at hindi dahilan iyong nadala siya ng emosyon n'ya para magsabi ng kung ano-ano at lalo na kung magpapasakit ito ng tao. She said things that may trigger someone's sensitivity and she didn't bother to ask for apology.

Sa kakaisip ko no'n ay nakatulog na pala ako sa kama ko at nagising na lang nang mag-ring ang cellphone ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at inabot ang cellphone sa side table. I saw my manager's name in the screen so I immediately picked up the call.

"Solenn, where are you?" I heard the other line asked. 

"I'm at home, why? Is there something happen?" I asked her.

It's a bit strange that she calls me, lalo na't today is Sunday and it's my day-off. We agreed to not contact each other when day-off comes except when if it's really important or if it's business related.

"I need to pick you up now, get ready and please cover yourself that no one can recognize you, wear a cap, mask and of course shades to cover your face, okay? Papunta na kami r'yan," she said and my forehead furrowed from being confused. 

"Why do I need to cover myself? May pinagtataguan ba ako? Wanted ba 'ko?" mahina pa akong tumawa matapos kong sabihin iyon at ramdam kong hindi natuwa ro'n ang kausap ko. 

"Mamaya ko na sasabihin sa 'yo kung bakit basta gawin mo na lang 'yong sinasabi ko sa 'yo, Solenn." 

Kahit naguguluhan ako sa nangyayari ay ginawa ko pa rin ang sinabi niya. I wore a hoodie, a baggy pants and a converse shoes. I also wore a cap, mask and shades to cover my face, sapat na ang lahat ng iyon para hindi ako makilala ng mga tao. Bukod sa alam naman nila na hindi ako nagsusuot ng gano'n ay usually, girly clothes ang isinusuot ko kapag lumalabas. I was being titled as the most fashionable artist and of course I'm not here to brag about it. 

"Oh ayan na pala siya eh," rinig kong sabi ni Ate Lena pagkababa ko ng hagdan. 

Nakita ko naman ang manager at personal assistant ko na nakaupo sa living room, si Cara at Diana. Tumayo naman ito ka agad nang makita nila ako. 

"Let's go?" tanong pa ng manager kong si Cara at tumango lang ako at sumunod sa kan'ya. Inalalayan pa ako ni Diana papasok ng van.

"So tell me, what's the matter?" tanong ko kay Cara pagkatapos naming makaupo. 

"The director will tell you kapag nakarating na tayo roon," sagot n'ya. 

The director? Ano naman kaya ang sasabihin no'n sa 'kin?

"Where's your phone?" tanong ni Cara kaya sinagot ko ito at sinabing nasa bag. She faced me. "Don't try to open your social media for the mean time and please, don't even open your internet connection, okay?"

My brow raised. Ano bang nangyayari? Una, pinagbalot ako ng damit at pinagtakip ng mukha tapos pangalawa, ban ako sa pag-open ng social media accounts ko? 

What the heck is going on?

"Ma'am Cara, madami pong tao sa labas ng gate ng building, eh kung sa likod na lang po kaya tayo ng building dumaan?" rinig kong tanong ni Kuya Noel pagtingin ko sa monitor. 

Tinignan ko ang paligid sa labas gamit ang passenger's window at madami ngang tao ang nag-aabang sa gate.

I wonder what's going on. 

"Nakatanggap po ako ng mensahe Kuya Noel na mas madami raw po ang tao na nag-aabang sa likod ng building, mas mabuting dumaan na lang po tayo rito," sagot ni Cara at ilang segundo lang ay naramdaman kong gumalaw ang van papasok ng gate. Nakita ko pa kung pa'no tumabi ang mga tao nang bumusina si Kuya Noel. 

Pagkatapos makapasok ng van sa loob ay siya ring pagdagsa ng tao sa paligid ng van. Madaming guards ang sumisita rito at pilit na pinapalayo ang mga ito pero hindi pa rin tumitigil ang mga tao para sumubok makalapit dito.

"Ready ka na?" tanong ni Cara sa 'kin kaya kahit naguguluhan pa rin ay tumango na lang ako. She held my hand and smiled at me. Pagkatapos no'n ay binuksan n'ya ang pinto at bumaba. No'ng sensyasan n'ya ako ay bumaba na rin ako. 

Tinignan ko ang mga taong nasa paligid ko. Some of them are carrying cameras at nasisiguro ko na mga reporters ito, ang iba ring tao ay itinututok ang cellphone sa 'kin na sigurado akong kumukuha ng video. Lahat sila ay nakatutok ang tingin sa 'kin at halatang galit ito. Parang mabibingi na rin ako sa mga halo-halong sigawan ng iba, ni hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi nila dahil ang ingay talaga. 

What the hell is happening?

"Solenn, keep going," Bulong sa 'kin ni Cara kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papasok ng building.

As I entered the building, I saw how the employees turned their heads and stare at me like they're all ready to kill me. 

I felt anxious but I didn't mind them and continue walking.

"Solenn, what have you done!?" Sigaw sa 'kin ng director ng kompanya pagkapasok ko ng opisina n'ya.

Even myself don't know what is happening. 

"I don't even know what is happening," pagpapaliwanag ko sa kan'ya. Well, it's true though. Hindi ko naman talaga alam ang nangyayari at kung ano ang nagawa ko. Eh kung sabihin na lang sana nila edi kanina ko pa sana alam. My god! 

"Didn't you find it in the news and articles? Solenn, you're currently trending in all social media platforms!" Sigaw n'ya ulit sa 'kin. 

"So what if I'm trending? 'Di ba mas mabuti nga 'yon at nang hindi ako malaos? You all should be proud of the fact that I've been able to be trending in social media. No one can make it like Solenn. Like, hello! It's me, Solenn!" pagbibiro ko pa ngunit tila ay hindi n'ya ito nagustuhan at mukhang mas nagalit pa.

"Look at this!" Pabato na binigay ng direktor sa 'kin ang ipad n'ya. 

Galit na galit, gustong manakit? 

Inabot ko naman ito at kabadong tumingin dito. 

"Now, tell me if there is something to be proud of Solenn? Tell me!" anas ng direktor at kinuha ang ipad n'ya mula sa kamay ko. 

Umawang ang bibig ko sa gulat. 

It was me with the guy I slept with. We were caught by the camera entering a motel and were kissing, and it's pretty obvious that I'm drunk because I even looked at the camera and the craziest thing is I, even waved my hand at it. 

What the heck, Solenn? What were you thinking?!

"What's his name, Solenn? Who's that guy?" tanong sa 'kin ng direktor.

"I don't know and I don't even know what's his name is," prenteng sagot ko.

"What?! Sumama ka sa lalaki na hindi mo man lang kilala at kung sino-sino lang? How did you end up entering a motel with him?" sunod-sunod na tanong nito. 

My heart was beating so fast from being anxious and nervous.

"Hindi ko maalala," tanging sagot ko sa kan'ya. Hindi ko naman talaga maalala, kahit kanina ko pa pinipilit ang sarili ko na alalahanin ang nangyari ay wala pa rin akong ideya. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta ro'n.

Nakita kong bumuga ng hangin ang direktor at kinausap si Cara.

"Issue a statement that it was her non-showbiz boyfriend and soon to be her fiancé, now! Dapat humupa ka agad ang issue ni Solenn at nang hindi ito makaapekto sa acting career n'ya. We've been aiming for her success and our efforts should not be put into waste dahil lang dito," mahabang litanya ng direktor. Sinunod naman ka agad nito ng mga staff at ni Cara at naglabas ng statement patungkol sa issue. 

I saw all the staffs and how they were all stressed about it. They all worked hard just for me and for my acting career. They all struggle in their daily lives working hard just to feed their family and here I am, putting their efforts into waste because of this fucking issue of mine.

I was about to reach the top but suddenly I'm being dragged down by everyone. 

I've been sitting here for almost 8 hours already, doing nothing. Of course, narito lang siguro ako para makinig at para malaman kung ano ang mga hakbang nila para mapahupa ang kalat na ginawa ko.

"Sir, the people wants us to reveal Solenn's fiancé, they said they'll not stop unless we show him to the public," I heard the staff talked to the director. 

Nakita kong tumaas ang kilay nito. "What? Sino naman ang ihaharap natin sa kanila?" 

"Why won't we check the CCTV cameras in that motel?" 

Lahat ng tao sa loob kasama na sina Cara at ang direktor ay napatigil dahil sa biglaang pangingialam ko. 

"Great idea!" Cara commented and the director also agreed to it. Agad nilang inutusan ang mga staff na pumunta sa motel kung saan kami pumasok para kumuha ng copy. 

After several minutes that had passed, the staff came back with a flashdrive. They said the manager of the motel is hesitant at first but when they handed a huge money, the manager assisted them and handed it. 

Now, I just realized that money really can manipulate people. 

Nakita kong lumapit sa akin ang director at umupo sa tabi ko pagkatapos nitong mapasok ang flashdrive sa laptop nito.

The director did the honor to click the video files and played a video. I was shock when I saw myself and the guy kissing inside the elevator. My eyes widen, still in shock.

Was really that me? Tell me, that's just someone who look like me, right? I can't believe this!

When the kissing scene stopped. I saw the guy's face and he was quite handsome even the director was in shock because—what? 

"I know him!" he exclaimed. "Solenn, you just hit a jackpot!" he said to me and shakes me. Joy was visible to his face.

I arched a brow and my forehead creased. "Who is he?"

Nabura ang ngiti sa mukha n'ya nang mapagtanto n'yang hindi ko ito kilala. "You don't know him?" hindi makapaniwalng tanong n'ya at umiling lang ako. Hinawakan n'ya ang magkabilang braso ko at bumuntong-hininga.

"He's the heir of Cullen and the eldest son of Leviant Cullen. The famous billionaire in Asia, Solenn!" 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status