Share

CHAPTER 4: Wedding Day

       Ngayon ang nakatakdang araw ng napagkasunduang kasal. Tinotoo talaga ng matanda ang sinabi nito noon kay Serene.

       Nanginginig na bumaba ng kotse si Serene. Kaagad namang lumapit sa kanya ang designer at taga-makeup para i-check kung ayos lang ba suot niya at makeup.

     Suot niya ang isang mamahaling strapless na white wedding gown. Lumilitaw ang hulma ng kanyang balingkinitang katawan lalo na ang kurba ng kanyang maliit na beywang. Naiinitan na tuloy siya kahit kakababa niya lang. Tirik na tirik pa naman ang araw.

      'Jusko. Ang hapit naman nito at ang init pa. Ano ako, piniritong lumpia?'

      May mabigat na turtle neck style necklace pa na nakasabit sa kanyang leeg. Dumagdag pa ang takong ng suot niyang heels. Kahit five inches lang ito at wala pang two minutes nang maglakad siya, pakiramdam niya ay maglulupasay siya anumang oras dahil sa kaba at pangangawit ng paa.

       Ayaw din naman niyang magreklamo kasi natural lang ito sa mga mayayaman. Ayaw niyang mapahiya ang mga ito pati na ang sarili. Wala rin naman siyang nagasta rito ni piso. So hinayaan na lang niya kung ano ang gustong gawin nila. Kahit kabitan pa siya ng sidecar ay hindi siya magrereklamo.

     "Come on, my granddaughter-in-law."

     Nagulat siya nang biglang magsalita sa right side niya ang kanyang matandang boss na si Simeon. Halatang masaya ito dahil sa lapad ng ngiti nito. Sinuklian din niya ito ng matamis ngunit pekeng ngiti. Hindi na niya magawang magsalita pa dahil nasisilaw na siya sa flash ng mga camera kahit may veil  na nakaharang sa mukha niya. Hindi niya tuloy maaninag kung ano ang itsura ng groom. Samantalang todo ngiti naman ang matanda sa mga bisita nito. 

      'At feel na feel mo pa talaga, 'Tanda, 'no? Sana lang hindi kasing ugali mo 'yong apo mo.'

      Napairap siya sa kanyang isip. Kung hindi lang talaga niya kailangan ng pera, eh! Pero para naman 'to sa kapatid niya kaya handa siyang magsakripisyo para dito. Pagod at durog na durog na siyang makitang nahihirapan ang kapatid sa sakit nito. At wala siyang ibang hiling kundi ang gumaling ito ng tuluyan.

       "Serene?"

     Tawag sa kanya ng matanda na nagpabalik sa kanya sa katinuan. Nakalahad ang kamay nito na senyales na ibibigay na siya sa apo nito. Hindi man lang niya napansin na nasa harapan na pala sila ng altar.

      Unti-unti siyang nag-angat ng tingin. Awtomatikong nahulog ang panga niya sa nakita. Kamuntikan na siyang bumulagta sa kinatatayuan.

      "L-Lev?!" tigalgal niyang sambit.

      'H-Hindi nga?! Totoo ba 'to? Si Lev? Apo siya ni Tanda?'

     Kaya pala hindi na ito nagparamdam mula noong una at huli nilang pagkikita. Tatlong araw din siyang naghintay ng text nito para ipaalam na hindi na matutuloy ang kanilang date dahil ikakasal na siya. Hindi niya kasi nakuha ang contact number nito. Maaari ding alam na nito na ikakasal na siya kaya hindi na ito nag-abalang i-text siya.

       "Wow. You look so gorgeous." Ngumiti sa kanya si Lev ng matamis.

     Nag-init ang kanyang pisngi. Ngayon lang niya napansin na napaka-attractive pala nito lalo na sa suot nitong single breasted grey suit. Napakaformal at fresh nitong tingnan. Bagong gupit pa ito. Bagay sa kanya ang short crew haircut. Gentleman ang datingan.

      "S-Salamat," nahihiya niyang sagot.

       Hindi niya alam pero may part sa kanya na medyo nakahinga ng maluwag. Dahil siguro nalaman niyang si Lev pala ang mapapangasawa niya. Kahit papaano ay may kaunting ideya na siya kung anong klaseng tao ito. Pero sa kaloob-looban niya, mas nangingibabaw pa rin ang pagtutol kahit wala na siyang magagawa pa.

      Inabot niya ang kanyang kamay kay Lev. Buong akala niya ay tatanggapin nito ang kanyang kamay...

       Nanlamig siya nang dahan-dahang tumabi si Lev para magbigay daan sa kung sino man ang nasa likuran nito. Bago pa siya makareact ay may ibang kamay ang tumanggap sa kamay niya.

        Kaagad siyang natulala sa matangkad na lalaking nakasuot ng itim na tuxedo. Isang salita lang ang tumatak sa isip niya ng makita ang mukha nito.

       'Perfect... Bakit... Bakit ang perfect?!' bulalas niya sa isip. Nakalimutan tuloy niya saglit ang mabigat na dinadala ng kanyang puso.

        Matangkad si Lev pero mas matangkad ito. Kung sa balat ay mas maputi rin ito kay Lev.

      'Bampira ba 'to? May dugo pa kaya 'to?'

       Hindi maiwasan ni Serene na suriin ito. Overgrown na ang buhok nito dahil ang bangs ay humaharang na sa kaliwang mata nito. Kung hindi lang sinabit sa  kanang tenga ang maliit na parte ng bangs nito, hindi makikita ni Serene ang kulay hazel brown nitong mga mata na walang kabuhay-buhay. Halatang hindi ito nag-eeffort mag-ayos ng buhok. Parang ang misteryoso tuloy nitong tingnan. Dumagdag pa ang malamig at blanko nitong expression sa mukha.

        Nasira ang kanyang imahinasyon nang mapansing matalim itong nakatitig ito sa kanya No–nakadungaw pala. Nagmistula siyang langgam sa harap ng elepante. Parang anumang oras ay aapakan siya nito at pupulbohin hanggang lamunin siya ng lupa.

     

        Bagamat ngayon lang sila nagkita, ramdam niyang may masamang impression na kaagad ito sa kanya. Si Lev naman ay parang balisa at pinagpawisan sa tabi ng lalaki.

         Babawiin na sana niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito dahil nakaramdam siya ng pagkailang pero hindi niya magawa. Baka isipin ng mga tao na maarte siya at pangit ang ugali.

       Hindi napansin ni Serene ang mabilis na paglipas ng oras. Lutang ang isip niya. Parang wala siyang kaluluwa sa halos buong seremonya. Sumusunod lang siya sa dapat niyang sasabihin at gagawin nang walang kabuhay-buhay.

     "You may now kiss the bride," anang pari.

       Hindi iyon narinig ni Serene dahil nakatitig lang siya sa kawalan. Ni ang paghawi ng veil sa kanyang mukha ay hindi niya napansin. Napaigtad na lang siya nang biglang may mainit na palad na humawak sa kanyang pisngi.

      Nang tingnan niya ito, sinalubong siya ng mga matang nambabanta. Pinanlamigan siya ng palad lalo na't napansin niya ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa kanya. Napalunok na lang siya at napapikit.

      A short gasp escaped from her mouth when she felt his hand sliding down her jaw, resting his thumb on her lips. Pinanindigan siya ng balahibo. She just realized something.

      'Ang... Ang first kiss ko!'

       She may have had boyfriends before but they never get to kiss her.  Kahit marupok siya ay hindi naman siya easy to get. She had promised to herself that she will give all her 'firsts' to the person she's going to marry. Kontento na siya sa pahalik-halik lang sa pisngi. Naniniwala kasi siyang kapag totoo ang intensyon sa kanya ng lalaki, he will wait and respect whatever her decisions are.

       Unfortunately, puro hayok sa laman ang mga naging boyfriends niya kaya walang nawala sa kanya noong lolokohin at hiwalayan siya ng mga ito. Ngunit isang bagay lang ang hindi nakaligtas sa kanya. Walang iba kundi ang puso niya na ilang beses nang nadurog.

        Napapikit siya ng mahigpit. Naramdaman na niya ang init ng hininga nito sa tungki ng kanyang ilong.

       'Okay na siguro 'to. Kahit hindi namin mahal ang isa't-isa, at least, kasal kami kaya ayos lang na mapasakanya ang first kiss ko.'

       'At saka, bayad ka naman, Serene. Kiss lang naman 'yan.'

      'Kiss lang? Ilang taon ko rin 'tong iniingatan, no?!'

      'Alam mo, imbes na mag-ino-a ka diyan, ihanda mo na lang kaya ang sarili mo?  Kasi for sure, hindi lang first kiss mo ang mawawala sa 'yo mamaya!'

      'Shut up!'

       Nagtatalo ang isip niya. Kinakabahan tuloy siya.

      Bumalik siya sa katinuan nang maramdaman ang pagdanggil ng ilong ng lalaki sa ilong niya. Hinalikan na pala siya nito nang hindi man lang niya napansin.

      Ngunit...

     'Huh? Bakit ganoon?  Bakit wala akong naramdaman?'

      She slightly opened her eyes out of curiosity. Saka niya lang nalaman ang ginawa ng lalaki. He was clearly kissing his own thumb, not her lips!

       'Kaya pala hinawakan niya ang baba ko at ipinatong ang hinlalaki sa labi ko?'

        Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay malalagutan na siya ng hininga dahil sa kaba. She was secretly thanking him for such a trick. Nagpalakpakan naman ang lahat so hindi sila nabisto.

        Lumayo na ito sa kanya. Blangko pa rin ang expression ng mukha. Kahit pagpeke lang ng ngiti ay halatang napipilitan ito. Pati siya ay nakikipeke na rin ng ngiti, beso, at pakikipagkamay sa mga bumati. Hanggang sa reception at nakapagpalit na siya ng komportableng dress ay ganoon pa rin ang kanyang ginawa. Nangangawit na tuloy ang mukha niya sa kakangiti ng pilit.

      Alas onse na ng gabi nang matapos ang reception sa ground floor ng isang magarbong hotel na pag-aari ng mga Christensen.  Hindi niya alam kung saan nagsusuot ang lalaking pinakasalan. Sa totoo lang, sa mga bisita lang niya nalaman na 'Sage' pala ang pangalan nito. Kung real name o nickname man ito, wala rin siyang alam. Noong nagpapalitan na kasi sila ng wedding vows ay lutang siya.

        Ine-enjoy na lang niya ang sarili kasama ang mga guests. Pati si Lev ay hindi niya rin mahanap matapos siyang isayaw nito. Mabuti na lang at welcoming ang mga ito. Paminsan-minsan ay nilalapitan naman siya ng lolo ni Sage para kamustahin siya. Nag-aalala ito sa kanya dahil alam nitong hindi siya umiinom ng alcoholic drinks at baka pilitin pa siya ng mga bisita.

         Pwera na lang sa isang babaeng yayamanin na kung makatingin sa kanya ay parang tigreng gutom. Every time na magkatagpo ang kanilang paningin, she never fails to roll her eyes at her. Hindi na lang niya ito pinansin at lumabas muna saglit para magpahangin sa garden sa labas ng hotel.

         Ilang minuto na siyang nakaupo sa bench nang magpasyang tumungo na sa kwarto. Pinili niyang dumaan sa may fountain dahil may entrance rin naman doon na mas malapit kaysa sa dinaanan niya kanina palabas.

         She was admiring the fresh night breeze on the way whilst taking glances at the moonless, starry sky. Nang biglang may narinig siyang tunog ng parang boteng nabasag sa kabilang bahagi ng fountain. Ang akala niya ay may nag-aaway. Pero nagulat siya sa kanyang nakita.

         'Huh? So nandito lang pala silang dalawa? P-Pero ano 'tong nakita ko? D-Don't tell me...'

        

         

       

        

      

       

       

        

        

    

     

     

           

      

        

       

     

    

    

    

    

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status