Share

Chapter III: Rachel, the Man Hater

Alas-singko na nga ng hapon at nag-out na rin ako sa trabaho. Nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Kalahati na kasi ng buwan. Meaning, sweldo na ng mga empleyado. Kaya ayun, madaming kumain sa shop. 

Excited na nga akong umuwi sa bahay para makapagpahinga, eh. So ayun, pili na nga ako sa sakayan ng tricycle. Medyo natagalan nga lang dahil mahaba ang pila, pero ok lang. Fifteen minutes lang, nakasakay na rin ako. Mabilis lang makasakay. Well, malapit lang naman sa bahay at sa school yung work ko. Kaya nga lang, pagod na ‘ko at hindi ko na kayang maglakad. 

Ten minutes lang, nakarating na ‘ko sa bahay. Pagpasok ko nga ay sinalubong agad ako ni Sefira. Naabutan ko s’yang kumakain habang nag-ce-cell phone.

“Nandito na ‘ko!” Bati ko sa kanya habang inaalis yung sapatos ko sa may pinto.

“Mama!” Agad na tinigil ni Sefira ang pagkain, tumayo at tumakbo papunta sa akin. Niyakap n’ya ako nang mahigpit, tapos ay iniharap ang anyang mukha nang may ngiti.

“Kumusta naman ang first day?” Tanong ko sa kanya habang yakap-yakap din s’ya.

“Ok lang po, mama.”

“Naku, yang ok na yan, ginawa ko na yan sa lola mo! Baka may naka-away ka sa school, ha?” Nakakakaba yung mga ‘ok’ na sagot. Kapag tinatanong kasi ako ni mama ng ganyan dati, sinsabi ko ring ‘ok.’ Pero ayun, may binugbog na ‘kong kaklase ko. Nadadala nga ako noon sa guidance office, eh. Pero kapag tinatanong ko ni mama kung kumusta araw ko, sinasagot ko laging, ‘ok lang, mama.’

“Hindi mama, ok lang talaga. Kumain na po ikaw?” Ay, napakalambing naman ng anak kong magsalita.

“Gutom na nga ako, eh.”

“Halika na, mama, Kain na tayo. Upo ka na.” Hinatak na nga ako ni Sefira sa lamesa at pinaupo sa tabi n’ya. Kinuhanan n’ya ako ng plato, kutsa, tinidor, at yempre baso. Nilagyan din n’ya ng tubig yung baso ko, tapos ay binigay a akin yung kanin at ulam na nasa lamesa. “Kain na, mama. Tatawagin ko lang si lola.”

Napakaswerte ko naman at nagkaroon ako ng anak na masipag. Laging ganyan yang si Sef-Sef. Napakalambing na bata. Tinuturuan kasi ni mama yan na maging masipag. Apat na taon pa lang, pinagliligpit na yan ni mama ng higaan. Tapos, pinagpupunas pa yan ni mama ng lamesa at pinapatulong na magligpit ng mga pinagkainan. Ang swerte ko talaga kay Sefira.

“Oh, anak!” Bati sa akin ni mama pagkalabas n’ya ng kwarto. Kasama rin n’ya si Sef na lumabas, tapos nakahawak pa yung bata sa kamay n’ya. “Dumating ka na pala. Kumusta naman yung araw mo?”

“Ang dami naming customers kanina. Paano, sweldo na naman kaya marami yung mga lumalabas. Ikaw mama, kumusta naman po yung karinderya?”

“Gaya pa rin ng dati, marami pa ring kumakain. Nag-iisip na nga ako kung kukuha na ako ng tutulon’g sa akin.”

“Eh, mama, kaya mo na bang magpasweldo, if ever na may makuha ka?”

“Kaya naman. Yun nga lang, hindi ganung kalakihan yung sweldo.”

“Kung hindi mo na po kaya yung ginagawa n’yo sa karinderya, mabuti nang may kasama na kayo roon. Baka mamaya d’yan, mahimlay ka na lang sa sahig. Fifty-five ka na, sige ka.”

“Hay, sige na nga. Bukas na bukas magpapaskil na ko sa karinderya.” Yan ang gusto kong marinig mula kay mama. 

“Oh, ikaw naman, Sef. Kumusta yung school?” Muli kong tanong kay Sefira habang naglalagay ako ng kanin sa plato ko.

“Ok lang po, mama.” Sagot n’ya sa akin matapos lunukin yung pagkaing nginunguya n’ya.

“Yung totoo!?” Hay, naku. Pinandidilatan ko na nga lang s’ya ng mga mata.

“Ok na lang po.”

“Paanong ok? Kwento mo naman kasi yung mga ginawa n’yo kanina.” Saad ko bago isubo yung pagkaing nasa kutsara ko.

“Maiingay po yung mga classmate ko. Pero nung dumating si teacher, tumahimik na po sila.”

“Ah, eh, kumusta naman yung teacher mo? Mabait naman ba?”

“Ang bait po ni teacher. Nag-introduce yourself po kami kanina. Tapos binigyan n’ya pa po kami ng cookies. Tinuruan nga po n’ya kami nagbasa ng english, eh. Tapos pinagawa n’ya po kami ng card, para daw po mapakita namin sa mama at papa namin.” Bigla na lang may kinapa si Sefira sa bulsa ng short n’ya. At kinuha mula sa loob ang kulay dilaw na papel na nakatupi sa pinakamaliit nitong magagawa. Binigay n’ya sa akin ito, at syempre binuksan ko at binasa.

“I love you, mama! You’re good, and kind and best. Thank you, mama, love Sef.” Umabot tuloy sa tainga yung mga labi ko, nang mabasa ko ang sulat ni Sef. Nakakapawi naman ng pagod, kapag may natatanggap kang ganito mula sa anak mo. Sa makukulay na tinta ng watercolor, sa makapal na sulat ng marker, at sa hugis puso na dinrawing ni Sefira sa papel kung saan nakapaloob ang mismong mensahe ng anak ko, ay nagpapatunay na mula talaga sa puso ni Sefira ang paggawa nito. Niyakap ko tuloy si Sefira, at hinalikan pa s’ya sa noo, gawa ng umaapaw na agalakan sa aking puso. Bilang ina, nakakatuwa talaga kapag may na-a-appreciate sa atin, lalo na yung mismong anak pa natin yung gumawa. 

“Thank you, baby. Galing naman ng artwork ng baby ko.”

“Nagustuhan nga rin po ni Sir Luke yan, eh.” Luke? Ewan ko kung bakit ako napakunot ng noo.

“Luke? Lalaki teacher mo?”

“Opo. Niyakap ko nga po s’ya kanina, eh.” Niyakap n’ya?

“Eh, bakit mo niyakap?”

“Eh anong problema kung lalaki ang teacher, ha? May masama rin ba sa yakap?” Tanong sa akin ni mama habang ngumunguya s’ya.

“Wala, nag-expect kasi akong babae yung teacher n’ya.”

“Yung totoo? Takot ka sigurong magkaroon ng ibang kinikilalang tatay si Sefira bukod sa totoo n’yang tatay.”

“Ma, huwag ka naman pong ganyan. Baka mamaya umiyak si Sef.”

“Hindi mama, ok lang po. Mabait po si Sir Luke. Gusto ko nga pong magkakilala kayo, eh.”

“Eh, bakit?”

“Kasi po, mahilig s’ya sa poems. Hindi po ba, mahilig ka rin sa poems?”

“Hindi naman ibig sabihin, dapat mo na akong ipakilala sa teacher mo.”

“Yung ibang parents nga po, kinakausap pa yung mga teachers, eh. Wala naman pong masama. Friend lang naman.”

“Hay naku, ayaw ko. Kung walang problema sa’yo, walang reason para kausapin ko yung teacher mo.”

“Si mama naman.”

“Rachel,” Sambit sa akin ni mama. “Huwag mo nang pigilan ang sarili mong kumilala ng iba. Bata ka pa rin, pwede ka pang magmahal ulit.”

“Pero mama, lahat naman ng mga lalaking yan iiwan din ako.”

“Paano ka nakakasiro? Isa lang ang ebidensya mo.”

Ito talagang nanay ko, parang wala akong sinabi five year ago. Sige nga, iniwan ka ng lalaking nakabuntis sa’yo. Ikaw na nagdadalang tao habang teenager pa, hindi mo na alam ano’ng gagawin. Mabaliw baliw ka na sa kakaisip ng solusyon sa problema, dumating pa nga sa puntong magpapalaglag ka pa, kahit anong suporta mula sa tatay ng anak mo wala kang mapala. Nung panahong kailangan ko s’ya, wala s’ya. Hindi ko hinihiling yung pera, ang gusto ko lang, sana nandito man lang s’ya nung panahong kailangan ko ng kalinga ng isang partner. Dalawa naman kaming nagkasala, pero bakit ako lang yung nahirapan?

Dumating sa punto na halos gusto ko na ring magpakamatay, dahil sa dami ng iniisip kong problema. Nakailang ulit akong nag-alanganin sa grades, naalis ako sa scholarship dahil hindi ko na-reach yung grades na pasado sa standard nila, si mama nagkasakit din ng malala, tapos buntis pa ‘ko. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko noon sa bata kapag lumabas. Gusto ko na nga lang s’yang ipalaglag, pero hindi lang natuloy, kasi maling gamot pampalaglag yung binigay sa akin sa Quiapo. At isa pa, kasalanan din sa Lord apag nagpa-abort ako.

Kaya nangako na lang din ako sa sarili ko.

“Ma, hindi mo ba natatandaan yung sinabi ko sa’yo, na kahit kailan, hindi na ‘ko magmamahal muli. Sa mga pinagdaanan ko, walang kahit na sinong lalaki ang tumulong sa atin. At ayaw ko nang mangyari yun, ma. Ayaw kong maging miserable na naman yung buhay natin, habang sila masayang masaya nung nakatakas sila sa responsibilidad. Kaya para hindi na maulit yun, hindi na lang ako magmamahal. Nasa akin na yung kailangan ko sa buhay, sapat na kayo para maging masaya ako. Kaya please, ma, huwag mo na akong pilitin pang mag-boyfriend ulit.” Saad ko sa malakas kong boses, sabay padabog-dabog na umakyat sa kwarto ko. Iyak ako nang iyak, nilabas ko lahat ng galit ko kay George sa pamamagitan ng pag-iyak. Sinalubsob ko yung sarili ko sa unan, at hinayaang tumulo nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Bumabalik na naman yung ala-ala ko sa nangyari sa akin, at yung puso ko, halos nabibiyak na. Parang dumudugo na hindi kayang gamutin ng kahit sinong doktor.

Ilang saglit pa, may kumatok sa pinto. Pinapasok ko na, kasi alam kong si mama naman yun. Pagkabukas ko ng pinto, umupo ako sa gilid ng kama, at tinabihan naman ako ng mama ko. Hindi naman ako galit sa kanya, kay George ako galit at sa mga lalaki.

“Anak, alam kong nasaktan ka sa nangyari. At sorry dahil may nasabi akong hindi maganda.”

“Wala ka naman pong nasabi na hindi maganda sa’kin. Galit ako sa mga lalaki na yan, dahil alam ko sa huli, iiwan ka lang nila kapag nabuntis ka na.”

“Anak, kung totoo yang sinasabi mo, sana hindi ka lumaking walang tatay. Nagkataon lang na namatay ang tatay mo bata ka pa. Pero naranasan mo namang magkatatay, hindi ba. Hindi naman ako hiniwalayan ng tatay mo nung nabuntis ako.”

“Ma, kasal kayo bago ka mabuntis.”

“Alam ko. Ang punto ko lang dito, hindi habang buhay, nandirito ako para alalayan ka. Hindi natin alam kung hanggang kailan ako rito sa mundo. Kailangan mo ng katuwang sa pa-aalaga kay Sefira, bukoda sa’kin.”

“Si mama naman, parang nagpapaalam na.”

“Syempre, totoo naman ang sinasabi ko. Maikli na lang ang panahon ko rito sa mundo.”

“Na-appreciate ko yung sinasabi mo, mama. Pero nangako na ‘kong hindi na ‘ko magmamahal ulit. Kapag nangako, dapat tinutupad. Saka isa pa, kaya ko namang palakihin si Sefira ng mag-isa.”

“Kung yan ang desisyon mo, wala akong magagawa. Pero hanggat kaya ko pa, nandirito ako para tulungan ka.”

‘Thank you, mama.” Niyakap ko si mama ng sobrang higpit, at hindi ko na s’ya pinakawalan pa hanggang sa makatulog ako.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status