“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
Dire-diretsong ininom ni Mia ang alak, mainit na dumaloy iyun sa kaniyang lalamunan. Pabagsak niyang ibinaba ang baso niya, namumungay na rin ang mga mata niya dahil sa kalasingan niya. Hilaw siyang natawa ng maalala niya ang panloloko sa kaniya ng boyfriend niya. “Fuck you! tatlong taon, tatlong taon Jaxson sinayang mo lang dahil sa walang kwenta mong dahilan! Fuck you! Go to hell cheater! Ako boring? Gago ka ba? Pagkatapos ng naitulong ko sayo boring pa pala ako sayo? What kind of excuses is that?!” sigaw niya, masyado namang maingay ang bar kaya hindi rin siya maririnig. Kung may makakarinig man sa kaniya iyun ay ang mga taong malapit sa kaniya at wala na siyang pakialam dun. Ang gusto niya ay mailabas lahat ng galit sa puso niya. Nilulunod niya na ang sarili niya sa alak dahil hindi niya matanggap ang panloloko sa kaniya ng boyfriend niya dahil lang sa dahilan nitong boring si Mia. Tiningnan niya ang cellphone niyang kanina pa tunog ng tunog dahil sa tawag. Inaninag pa niya ng
“Answer me, Sir.” pupungay-pungay ang mga mata niyang wika. Bahagya namang napangiti si Aiden na nakapagpanganga sa mga kababaihang nakikinig sa usapan.“Hindi ba ako namamalikmata? Totoo bang ngumiti si Sir Aiden? Really?” hindi pa makapaniwala nilang saad dahil once in a blue moon lang naman kung ngumiti ang isang Aiden Hernandez.“Sagutin mo ako Sir, gusto mo ba akong pakasalan? Hindi talaga ako aalis dito hangga’t hindi ko naririnig ang sagot mo. Narinig mo yun Stella? Hindi ako aalis hangga’t hindi ko naririnig ang sagot ni Mr. CEO” baling niya sa kaibigan niyang kanina pa nakatakip ang dalawa niyang palad sa mukha niya dahil hiyang-hiya na siya.Bahagya lang namang nakangiti si Aiden.“Yeah, sure. I will marry you.” sagot niya, halos mawalan pa ng balanse ang isang babaeng nakikinig sa kanila dahil sa narinig nilang sagot ng Boss nila.“Sabihin niyo sa aking mali lang ako ng dinig, mali lang yung narinig kong pakakasalan ni Sir si Mia!” wika ng babae habang kausap din ang iba pa
Napahawak na lang si Mia sa ulo niya dahil sa ilang imaheng lumitaw sa isipan niya.“Ahh!” daing niya saka niya hinawakan ang ulo niya.“Ano bang problema?” tanong na ni Stella, minsan pang tiningnan ni Mia ang Boss nilang nakikipag-usap pa rin. Kunot noo niya itong tinitigan hanggang sa may maalala siya.“Marry me, Mr. CEO!” malakas niyang sigaw sa isipan niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil dun.“Teka, sinabi ko ba talaga yun? Anong ginawa ko? Aish!” inis niyang sinabunutan ang sarili.“Hindi ako aalis hangga’t hindi ako sinasagot ni Sir CEO. Just answer me if you’re gonna marry me, hindi ako aalis hangga’t hindi ka sumasagot.”“Holy goodness! Anong ginawa ko?” mabilis siyang tumalikod at dahan-dahan na naglakad para iwasan ang Boss niya. Nasapok niya ang sarili niya dahil mukhang naiintindihan niya na ngayon si Stella.“Hoy! Saan ka ba pupunta?!” tawag sa kaniya ni Stella. Nananalangin na si Mia na sana ay hindi lumingon sa kanila ang Boss nila. Hindi niya alam kung anong ipapaliw
Tiningnan niya ang mga gamit dun na at tama nanaman siya ng hinala dahil simut na simut lahat ng gamit. Okay lang naman yun dahil ang mga gamit sa kwarto ng hotel ay kasama sa binayaran ng mga guest. Matapos niyang ayusin at palitan lahat ng bed sheet ay inilagay niya na sa isang cart ang mga bedsheet na kailangan nanaman nilang labahan. Napahinto na lang siya sa paglalakad niya ng kailangan niyang madaanan ang office ng Boss nila. “Patay na, bakit ko ba nakalimutang dito ang floor ng office ni Sir? Nakipagpalit na lang sana ako kay Stella.” Aniya, humugot siya ng malalim na buntong hininga saka dahan-dahan na itinulak ang cart niya. “Umuwi naman na siguro si Sir.” wika niya, nakayuko na siya habang dahan-dahan na itinutulak ang cart. Nananalangin na sana ay makaalis na siya sa floor na iyun at maihatid na lang ang mga labahing ito. Tila tumigil ang ikot ng mundo ni Mia at parang naririnig niya na rin ang tibok ng puso niya dahil saktong tapat niya ng pintuan ng office ng Boss niy
Para na siyang magnanakaw sa paglalakad niya sa tuwing duty niya. Para siyang palaging tumatakas, imbis na wala siyang iniisip ngayon, nagkaroon pa nang dahil lang sa isang gabing pag-iinom niya.“Kahit kailan talaga pahamak ka sa buhay ko.” inis niyang saad habang tinutukoy ang ex-boyfriend niya. Mabilis siyang tumakbo patungong elevator dahil baka makita pa niya ang Boss niya. Dati para sa kaniya napakalawak ng hotel pero ngayon pakiramdam niya ang liit na nito. Bihira lang naman niyang makita ang Boss dati, suntok sa buwan pa nga pero bakit ngayon? Para na itong kabute na lumilitaw na lang kung saan-saan at kung kailan gusto.Gusto niyang humingi ng tawad dito dahil sa ginawa niya dahil baka iyun pa ang maging dahilan para mawala siya sa trabaho pero hindi niya alam kung saan pa siya kukuha ng lakas at kapal ng mukha para lumapit at kausapin ang Boss niya. Baka iniisip na nitong isa lang siyang mababang uri ng babae at walang respeto sa sarili.Napabuntong hininga na lang siya saka
Akma na sanang aalis ang guest para pumasok sa kwarto niya nang bigla siyang pigilan ng Manager.“Ano ba?!”“Hindi mo ba talaga maintindihan? Alisin mo yang sigarilyo mo.”“Aalis na nga ako diba?!” pasigaw nitong sagot, tinawag naman ng Manager ang dalawang guard.“Palabasin niyo yan.” Utos niya rito na mabilis ding sinunod ng dalawang gwardya.“Ibaba niyo ako! Ano ba! Nasa loob ang mga gamit ko!” pagsisigaw niya, inutusan naman ng Manager ang isang babae para isunod ang mga gamit nito na nasa loob ng kwarto niya. Sinenyasan niya ang dalawa na sumunod sa kaniya, nakayuko at tahimik silang sumunod.Kinakabahan na si Sarah dahil baka narinig siya ng Manager nila na pinapatulan niya ang guest. Nakarating naman sila ng office, naupo ang Manager nila habang pareho silang nakatayo sa harap habang nakayuko ang mga ulo.Ilang minutong nanaig ang katahimikan sa kanila, mariing ipinikit ni Mia ang mga mata niya dahil ramdam niya na ang pagkahilo.“Tandaan niyo palagi ang kauna-unahang dapat ay
Nang magising si Mia ay dahan-dahan siyang umupo, inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. Nagsalubong na lang ang mga kilay niya dahil sa lawak at ganda ng kwartong kinaroroonan niya ngayon. Napahawak siya sa ulo niya dahil sa bahagya pa niyang pagkahilo.“Nasan ba ako?” pagtatanong pa niya sa sarili niya. Sakto naman ang paglabas ni Stella mula sa kusina kaya napalingon sa kaniya si Mia.“Mabuti naman at nagising ka na, tatlong oras ka ring nakatulog. Hindi ka na naman ba kumain ng umagahan?”“Nasan ba ako? Anong kwarto ‘to?” hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan niya. Ibinaba na muna ni Stella ang mga dala-dala niyang pagkain sa kama saka niya hinarap ng maayos si Mia.“Nandito pa rin naman tayo sa hotel, sa VIP room.” Halos mapatayo sa kinahihigaan niya si Mia dahil sa sinabi ng kaibigan niya.“Bakit dito ako dinala? Wala akong pambabayad dito. Alam mo naman kung gaano kamahal ang bayad dito per hour.”“Alam ko yun, hindi naman kita idadala rito kung may babayara